Ang Ikalawang Markahan: Filipino sa Baitang 7 Mga Manunulat sa Filipino



Yüklə 445 b.
tarix21.04.2018
ölçüsü445 b.
#39503


Ang Ikalawang Markahan: Filipino sa Baitang 7


Buod ng Linggo 11 at 12





Linggo 11 (Ikalawang Markahan)



Talasalitaan (10 min.)

  • Talasalitaan (10 min.)



Presentasyon (15 min.)

  • 1 Si Nemo ay isang batang yari sa ginupit na diyaryo. Pinunit-punit, ginupit-gupit saka pinagdikit-dikit, si Nemo ay ginawa ng mga bata para sa isang proyekto nila sa klase. Ngayo’y bakasyon na. Si Nemo’y naiwang kasama ng ibang papel sa silid. Nakatambak siya sa bunton ng mga maalikabok na polder at enbelop.

  • 2 Isang araw, isang mapaglarong hangin ang nanunuksong umihip sa silid. Inilipad niya sa labas si Nemo.

  • (32 maiikling talata, madamdaming pagbasa ng ilang piling mag-aaral)



Pagpapayaman (30 min.)

  • Drowing (5 pangkat)

  • Si Nemo bilang batang papel

  • Anyo ni Nemo bilang bata at ang kanyang pamilya at kanilang tirahan

  • Trabaho ni Nemo at ng iba pang batang katulad niya

  • Si Nemo at ang iba pang bata sa kanilang paglalaro at paghiling sa bituin sa parke

  • Wakas ng Kuwento

  • Presentasyon



Pagpapalawig (40 min.)

  • Isyu ng Kahirapan (Pangkatang gawain)

  • Iba’t ibang mukha ng kahirapan (pagbabalita)

  • Mga sanhi ng kahirapan (talk show)

  • Mga solusyon sa kahirapan (dula-dulaan)

  • Rubrik sa 2 pangkatang gawain



Pagpapalawig (60 min.)

  • Pagkilala sa iba’t ibang uri ng tekstong nagsasalaysay (balita, kuwento, talambuhay, atbp.)





Linggo 12 (Ikalawang Markahan)



Maikling Kuwento: Mabangis na Lungsod ni Efren Abueg







Buod ng Linggo 13 at 14



Daragang Magayon



Linggo 13 (Ikalawang Markahan)



Pagsulat ng Talambuhay

  • Susulat muli ang mga mag-aaral ng isang talambuhay, ngunit ngayon ang paksa ay ang sarili nila. Gayunpaman, mangyayari ito sa mata ng isang bagay--hindi puwedeng tao, kailangang bagay (hal., unan, bag, libro). Maaari silang gumamit ng anumang estilo para gawin ang talambuhay na ito. Ilang halimbawa:

  •  

  • Isang lapis na ginagamit ng estudyante sa pagsusulat ng kaniyang diary. Ikinukuwento ng lapis kung ano ang nararamdaman niya sa mga isinusulat ng kaniyang amo.

  • Isang cd/mp3 player na alam kung ano ang nangyayari sa estudyante batay lang sa mga pinapatugtog na musika sa kaniya.

  • Isang salamin sa mata, na isinasalaysay ang mga nakikita pati na rin ang mga hindi napapansin ng estudyante.



Kay Mariang Makiling Edgar Calabia Samar

  • Nagpaalam noon ang Nanay.

  • Hindi ipinaalam kung saan siya pupunta.

  • Anong pook ang maaari niyang puntahan

  • upang di na magbalik?

  • Anong pook ang maaari niya?

  • Nagkampo kami ni Tatay sa Makiling.

  • Inalala ang kuwento ng diwatang

  • naglaho sa panglaw ng sariling panaghoy.

  • “Hindi na siya babalik,” sabi ni Tatay.

  • Pag-uwi, tinanaw ko ang bundok,

  • at totoo, mas maganda itong tingnan

  • sa malayo: hindi matitinag, buo.



Linggo 14 (Ikalawang Markahan)



Linggo 13 (Kay Mariang Makiling)

  • Paggamit ng mga alamat ni Mariang Makiling sa pag-unawa ng tula.

  • Pagbibigay ng pagkakataon sa mga bata na ibahagi ang kanilang pakiramdam at interpretasyon ng tula.

  • Pagtatangka nilang gumawa ng tula tungkol sa isang tema ng tula (hal., pangungulila)



Buod ng Linggo 15 at 16



Ang Duwende

  • Isang kuwentong bayan tungkol sa kung paano nagkaroon ng sunog sa isang bahay dahil sa panggugulo ng isang duwende

  • Malinaw na naipapakita kung saan maaaring nagmumula ang mga kuwentong bayan



Linggo 15 (Ikalawang Markahan)



Modernong Konteksto, Sinaunang Estilo

  • Iisip ang mga mag-aaral ng isang karaniwang pangyayari na maaaring maging paksa ng isang balita (hindi kailangang totoong pangyayari). Subalit sa halip na makatotohanan ang balitang isusulat nila, gagawin nilang kakaiba ang pangyayari sa pamamagitan ng pagpasok ng mga elemento ng kababalaghan, mga kakaibang nilalang, o mga pamahiin.

  •  

  • Ilang halimbawa ng mga headline:

  • “BUS, BUMANGGA SA POSTE; GINITGIT RAW NG TIKBALANG”

  • “KATAWAN NG MANANANGGAL, NAKITA SA SAMPALOC!”

  • “SIKAT NA PINTOR, NAKATULOG NANG BASA ANG BUHOK... NABULAG!”



Trese: Isyu 5

  • Budjette Tan at Kajo Baldisimo

  • Misteryosong namatay ang artistang si Heather. Inimbestigahan ni Trese at ng mga pulis ang pangyayari. Nalaman nilang ang isa pang artistang si Nova ang pumatay. Natuklasan din nilang isang duwende ang nasa likod ng pangyayari.





Linggo 16 (Ikalawang Markahan)



Linggo 16 (Trese: Isyu 5)

  • Paggamit ng showbiz balita bílang lunsaran sa pagbabasa ng komiks

  • Pagbabahagi at pagbabasa ng mga mag-aaral ng mga kuwentong sobrenatural

  • Paggawa ng mga maiikling komiks, pagtatampok at pagkilala ng mga ito



Buod ng Linggo 17 at 18



Alamat ng waling-waling salin mula sa gawa ni Gaudencio Aquino

  • Isa marahil sa mga kilalang miyembro ng mitolohiya sa Filipinas si Rajah Solaiman at ang kaniyang makapangyarihang sundang. Sa kaniyang mga tagumpay makikita ang kaniyang pananabik sa isang tunay na pag-ibig. Mahusay na lunsaran ang akdang ito sa usapin ng kasarian.



Alamat ng waling-waling salin mula sa gawa ni Gaudencio Aquino

  • Mainam na pag-usapan:

    • Mga persepsiyon sa kasarian
    • Mga gawain ng bawat kasarian
    • Pagkakapantay-pantay ng mga kasarian


Linggo 17 (Ikalawang Markahan)



Sipi ng “Mga Alamat” mula sa ikatlong kabanata ng El Filibusterismo

  • Sa dulo ng paglalakbay ng bapor Tabo makikita ang pag-anod nito tungo sa pamilyar na lawa. Isang lawang kilala ng isang partikular na pasahero sa araw na iyon. Sa gitna ng mga kuwento at haka maririnig ang isang makabuluhang pahayag mula sa kapitan,

  • “Huwag ninyo itong tawaging sampatak na tubig. Higit na malaki ito kaysa alinmang lawa sa Suiza at malaki pa kahit pagsamahin ang lahat ng lawa sa Espanya. Marami na akong nakitang matandang marino na nalula dito.”



Sipi ng “Mga Alamat” mula sa ikatlong kabanata ng El Filibusterismo

  • Mainam na pag-usapan

    • Halaga ng pakikinig at pagpapaliwanag
    • Kakayahan sa pagtatantsa


Linggo 18 (Ikalawang Markahan)



Buod ng Linggo 19 at 20





Linggo 19 (Ikalawang Markahan)



Unang Araw

  • Isulat ang iyong ambisyon.

  • Basahin ang “Napagawi Ako sa Mababang Paaralan”

  • Talakayin ang tula

  • Naglalahad ba ito karanasan, bagay, tao?



Ikalawang Araw

  • Concept Map

  • Blue-collar at white-collar jobs, pagkakapare-pareho at pagkakaiba nila

  • Pinahihiwatig ng bughaw at puti

  • Atasan ang mga batang pumunta sa iba’t-ibang lugar sa paaralan at ilarawan ito

  • Ibahagi ang sinulat sa klase



Linggo 20 (Ikalawang Markahan)



Unang Araw

  • Talasalitaan

  • Pagbabahagi ng karanasan tungkol sa paglipat

  • Pagbasa ng akda

  • Talakayan

  • Mga nangyari sa sanaysay

  • Mga napapanahong isyu

  • Ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, katangian ng tekstong nagsasalaysay



Ikalawang Araw

  • Gumawa ng timeline mula sa “Paglisan sa Tsina”

  • Ibahagi ang gawa sa pamamagitan ng facebook timeline, pagsasadula at iba pa

  • Gumawa ng timeline tungkol sa sariling buhay



Ikatlong Araw

  • Balikan ang akda, talakayin pang muli. Maaaring pag-usapan ang OFW, migrasyon, expat, Fil-Am, Tsinoy at iba pang paksang maaaring i-ugnay

  • Sumulat ng sanaysay. Bigyang diin na ang sanaysay ay dapat magpakita ng sunod-sunod na daloy. Maaaring nangyari sa taong 2012 (magsimula sa Enero), mga nakamit na parangal (magsimula sa unang parangal na nakamit), sa pagkolekta ng isang bagay (unang bagay na kinolekta)



Yüklə 445 b.

Dostları ilə paylaş:




Verilənlər bazası müəlliflik hüququ ilə müdafiə olunur ©genderi.org 2024
rəhbərliyinə müraciət

    Ana səhifə