75
pagsumpa sa nilikha sa harap ng isang nilikha ay ipinagbabawal. [Ang pagsumpa sa
iba] sa harap ni Allah ay higit na matindi sa pagkabawal. Pagkatapos pa, tunay na
walang tungkulin si Allah para sa tao dahil lamang sa pagtalima nito sa Kanya.
19. Ano ang hatol sa pagdalangin
1
sa mga patay o [paghiling sa] mga taong
hindi kausap?
Ang pagdalangin sa mga patay o [paghiling sa] mga taong hindi
kausap ay Shirk dahil ang pagdalangin ay isang pagsamba na walang karapat-dapat
dito kundi si Allah dahil ang sabi Niya:
samantalang ang mga dinadalanginan
ninyo bukod pa sa Kanya ay hindi nagmamay-ari ng kahit isang lamad
2
ng
buto ng datiles. Kung dadalanginan ninyo sila ay hindi sila makaririnig sa
panalangin ninyo, at kung sakaling nakarinig sila ay hindi sila tutugon sa inyo.
Sa Araw ng Pagbangon ay itatanggi nila ang pagtatambal ninyo sa kanila kay
Allah.
3
Nagsabi naman ang Propeta
(SAS)
:
Ang sinumang namatay samantalang ito
ay dumadalangin sa iba pa kay Allah bilang isang kaagaw ay papasok sa Apoy.
Isinalaysay ito ni Imám alBukháríy
. Ang kaagaw ay katambal. Papaanong hihilingan ang
patay samantalang siya ang nangangailangan sa panalangin ng buhay. Naputol na
ang gawa ng patay dahil sa pagkamatay niya maliban pa sa aabot sa kanya na
gantimpala dahil sa panalangin at iba pa samantalang ang buhay ay nasa panahon ng
paggawa. Ang patay ay nagagalak kapag ipinanalangin siya kaya papaano siyang
hihilingan samantalang siya ang nangangailangan? Tungkol naman sa hindi kausap,
tunay na siya ay hindi nakaririnig sa malayo sa kanya kaya papaano siyang tutugon?
20. Ang Paraiso at ang Impiyerno ba ay umiiral na?
Oo. Nilikha na ni Allah ang
mga ito bago pa nilikha ang mga tao. Ang mga ito ay hindi maglalaho
magpakailanman at hindi mawawala. Lumikha si Allah para sa Paraiso ng mga
maninirahan ayon sa kabutihang-loob Niya at lumikha Siya para sa Impiyerno ng
mga maninirahan ayon naman sa katarungan Niya. Bawat tao ay padadaliin sa
patutunguhan ng pagkalikha sa kanya.
21. Ano ang kahulugan ng paniniwala sa Qadr [Pagtatakda]?
Ito ay ang tiyak na
paniniwala na ang bawat mabuti o masama ay ayon lamang sa pagtatadhana ni Allah
at pagtatakda Niya, at na Siya ang Palagawa sa anumang ninanais Niya. Nagsabi ang
Sugo
(SAS)
:
Kung sakaling si Allah ay nagparusa sa mga naninirahan sa mga
langit Niya at sa mga naninirahan sa lupa Niya, pinarusahan Niya sila
samantalang Siya ay hindi lumalabag sa katarungan sa kanila. Kung sakaling
kinaawaan Niya sila, ang awa Niya ay higit na mainam para sa kanila kaysa sa
mga [mabuting] gawa nila. Kung sakaling gumugol ka ng tulad sa [laki ng
bundok ng] Uhud na ginto sa layunin ni Allah, hindi tatanggapin ni Allah iyon
mula sa iyo malibang maniwala ka sa Pagtatakda at malaman mo na ang
anumang magpapasawi sa iyo ay hindi lalampas sa iyo at na ang anumang
lalampas sa iyo ay hindi magpapasawi sa iyo. Kung sakaling namatay ka sa iba pa
sa [paniniwalang] ito ay talagang papasok ka sa Apoy.
Isinalaysay ito ni Imám Ahmad at
1
Ang paghiling na tinutukoy rito ay maaari ring mangahulugang pagdalangin o panawagan upang
humiling ng isang bagay.
2
Manipis na balot.
3
Qur’an 35:13-14.
76
Imám Abú Dáwud
. Ang paniniwala sa Pagtatakda ay naglalaman ng apat na bagay:
1.
Ang paniniwala na si Allah ay nakaalam sa bawat bagay sa kabuuan at sa detalye.
2.
Ang paniniwala na Siya ay nagsulat na niyon sa Talaang Iniingatan. Nagsabi ang
Sugo
(SAS)
:
Isinulat ni Allah ang mga naitakda sa mga nilikha limampung libong
taon bago Niya nilikha ang mga langit at ang lupa.
Isinalaysay ito ni Imám Muslim
.
3.
Ang paniniwala sa kalooban ni Allah na nagaganap na hindi mapipigilan ng
anuman at sa kapangyarihan Niya na hindi mapanghihina ng anuman. Ang anumang
niloob Niya ay mangyayari at ang anumang hindi niya niloob ay hindi mangyayari.
4.
Ang paniniwala na si Allah ay ang Tagapaglikha na nagpairal sa bawat bagay at na
ang anumang iba pa sa Kanya ay likha Niya.
22. Ang nilikha ba ay may kakayahan, kalooban, at pagnanais na tunay?
Oo.
Ang tao ay may kalooban, pagnanais, at kakayahang pumili subalit ang mga ito ay
hindi makasusuway sa kalooban ni Allah, pagkataas-taas Niya. Sinabi Niya:
Hindi
ninyo loloobin malibang loloobin ni Allah.
1
Nagsabi naman ang Sugo
(SAS)
:
Gumawa kayo sapagkat bawat tao ay padadaliin sa patutunguhan ng pagkalikha
sa kanya.
Isinalaysay ito nina Imám alBukháríy at Imám Muslim
. Si Allah ay nagbigay sa atin
ng pag-iisip, pandinig, at paningin upang makilala natin ang pagkakaiba ng matuwid
at tiwali. Kaya mayroon bang may isip na nagnanakaw at pagkatapos ay
magsasabing itinakda na ni Allah sa kanya iyon? Kung sakaling sinabi niya iyon ay
hindi siya pagpapaumanhinan ng mga tao. Bagkus ay parurusahan siya at
pagsasabihan ding: “Itinakda na ni Allah sa iyo ang parusang iyan.” Kaya ang
pagdadahilan at pagpapalusot sa pamamagitan ng Pagtatakda ay hindi
ipinahihintulot. Ito ay isang pagpapasinungaling. Nagsabi si Allah:
Sasabihin ng
mga nagtambal kay Allah: “Kung sakaling niloob ni Allah ay hindi sana kami
nagtambal sa Kanya ni ang mga ninuno namin, at hindi sana kami nagbawal ng
anuman.” Ganoon din nagpasinungaling ang mga nauna sa kanila
2
23. Ano ang Ihsán?
Nagsabi ang Propeta
(SAS)
sa pagtugon sa isang nagtanong sa
kanya tungkol sa Ihsán:
Na sambahin mo si Allah na para bagang ikaw ay
nakikita sa Kanya sapagkat tunay na kung ikaw man ay hindi nakakikita sa
kanya, tunay na Siya ay nakakikita sa iyo.
Ito ang pinakamataas sa tatlong antas
ng Relihiyong Islam.
24. Ano ang mga kundisyon sa pagtanggap [ni Allah] sa matuwid na gawa?
Ang
sumusunod ay ang mga kundisyon nito:
1.
Ang Pananampalataya kay Allah at
paniniwala sa kaisahan Niya: hindi tatanggapin [ni Allah] ang matuwid na gawa
mula sa isang Mushrik.
2.
Ang Kawagasan: sa pamamagitan ng pagnanais sa
ikasisiya ng Mukha ni Allah [ang layon sa paggawa].
3.
Ang Pagsunod sa Propeta
(SAS)
sa paggawa: sa pamamagitan na pagiging sang-ayon sa katuruang inihatid ng
Propeta
(SAS)
. Kaya hindi sasambahin si Allah malibang ayon sa isinabatas Niya.
Kung nawala ang isa sa mga ito, ang gawa ay tatanggihan. Nagsabi si Allah:
Pupunta Kami sa anumang ginawa nila na gawain sa Mundo at gagawin
1
Qur’an 76:30.
2
Qur’an 6:148.
Dostları ilə paylaş: |