Ang mensahe ng islam


"At kung sabihin sa kanila: Sundin kung ano ang ipinahayag ng Allah, sila ay magsasabi: 'Aming sinusunod kung ano ang natagpuan namin sa aming mga ninuno



Yüklə 1,03 Mb.
səhifə2/14
tarix16.11.2017
ölçüsü1,03 Mb.
#10373
1   2   3   4   5   6   7   8   9   ...   14

"At kung sabihin sa kanila: Sundin kung ano ang ipinahayag ng Allah, sila ay magsasabi: 'Aming sinusunod kung ano ang natagpuan namin sa aming mga ninuno. Ano! Kahit ba ang kanilang mga ninuno ay mangmang (at salat sa kaalaman) at walang patnubay?" (Qur’an 2: 170)
Ang isang makatuwirang tao ay hindi tumatanggap ng isang bagay maliban na ito ay kanyang pag-aralan nang mahusay at unawaing mabuti. Kapag siya ay ganap na nasiyahan at napatunayan ang katotohanan at liwanag nito, hindi niya dapat kimkimin sa kanyang sarili lamang. Bagkus, nararapat niyang iparating ang kaalamang ito sa kanyang kapwa tao. Sa gayong paraan, ang mga taong mali ang pagkaunawa ay maitutuwid ito ayon sa aral at katuruan ng naturang paksa.

Sa huli, aking aaminin na hindi ko ganap na maibibigay (ang buong pagpapaliwanag) sa paksang ito sapagkat kung ating pag-uusapan ang Islam, ito ay binubuo ng malawak na paksa na tumatalakay sa lahat ng kalakaran ng buhay. Sa aklat na ito binigyang-diin ko ang pagpapaliwanag sa mga mahahalagang paksa na nauukol sa mga pangunahin o pundamental na aral ng Islam. Ang bawat paliwanag ay binigyan ko ng katibayan at patunay mula sa Banal na Qur’an at Sunnah ng Propeta (). Maaaring ang mga ibang tao ay magsasabi na ang mga Batas ng Islam ay nakita na at pinaiiral na ng mga makabagong pamayanan. Magkagayon, ang mga alinlangan nila (na may layon maipaliwanag at maituwid ang pag-aakala na ang Islam ay galing sa makabagong batas at sistema) ay maaari ng isantabi, sapagkat nababatid natin ngayon na ang mga Batas ng Islam ay naroroon na, mahigit na labing-apat na raang taon na, at mangyaring ang mga Batas na pinaiiral ng mga makabagong pamayanan ngayon ay hinango mula sa Islamikong Batas. Karagdagan pa rito, ang mga taga Silangan ay maraming dahilan at layunin sa pag-aaral ng Islamikong Batas.



Abdurrahman b. Abdul-Kareem al-Sheha

E-mail: info@islamland.com



www.islamland.com



WWW.ISLAMLAND.COM

Ang Paniniwala sa Nag-iisang Diyos – Allah (U)
Ang Islam, katulad ng mga ibang kilalang relihiyon ay binubuo ng iba’t ibang aral at paniniwala na nangangailangan ng pagsunod at pagtalima ng mga mananampalataya nito at ang pagpapalaganap ng mensahe nito ay walang sapilitan. Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi :
"Walang sapilitan sa relihiyon. Katotohanan ang tamang landas (katuwiran) ay naiiba sa maling landas (kamalian)..." (Qur’an 2: 256)
Ang Islam ay nag-uutos sa kanyang mga tagasunod na ipalaganap ang Islam sa mabuti at makatarungang paraan. Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi :
"Anyayahan mo (O Muhammad) ang sangkatauhan sa Landas ng iyong Panginoon nang may Hikmah (karunungan at mahusay na pamamaraan) at makatuwirang pangangaral, at makipagtalo sa kanila sa paraang higit na mahusay…" (Qur’an 16:125)
Isang mahalaga at pangunahing prinsipiyo ng Islam ay ang paghihikayat na ang tao ay nararapat na maniwala sa Tanging Nag-iisang Diyos na Tagapaglikha (lamang) bago pumasok sa Islam; sapagkat kung ang kanilang pagyakap sa Islam ay bunga lamang ng pamimilit, magkagayon ang kanilang pananalita at mga gawain ay hindi umaakma sa kanilang paniniwala, at ito ay isang pagkukunwari sa Islam. Ang Islam ay mahigpit na nagbabala laban sa pagkukunwari, at itinuturing ito bilang malaking kasalanang higit pa sa kawalan ng pananampalataya. Ang Dakilang Allah ay nagsabi :
"Katotohanan, ang mga mapagkunwari ay nasa kailalimang (antas ng) Apoy…" (Qur’an 4 :145)
Ito ang tungkulin ng Sugo: ang ipalaganap ang mensahe sa mga tao at patnubayan sila tungo sa kabutihan at pagiging matuwid na hindi nangangailangan ng pamimilit. Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi:
"At inyong sundin ang Allah at ang Kanyang Sugo (Muhammad), datapwa’t kung kayo ay magsitalikod, samakatuwid, ang tungkulin lamang ng Aming Sugo ay ang ihatid nang malinaw (ang mensahe)". (Qur’an 64 :12)
Ang Mga Pangunahing Layunin ng Islam
Sa kanyang pananalita sa Mina1 bilang Huling Hajj, ang Propeta () ay nagsabi ;
Alam ba ninyo kung anong araw ito? Sila (mga kasamahan) ay sumagot, ‘Ang Allah at ang Kanyang Sugo ang higit na nakaaalam.” Sinabi niya, ‘Tunay na ito ang banal na araw [ang Araw ng Arafah sa Hajj].” Alam ba ninyo kung anong pook ito? Ang kanyang mga kasamahan ay sumagot; ‘Ang Allah at ang Kanyang Sugo ang higit na nakaaalam.” Ang sabi niya, ‘Ito ang banal na pook (Makkah at ang kapaligiran nito). ‘Alam ba ninyo kung anong buwan ngayon? Sila (ang mga kasamahan) ay sumagot, ‘Ang Allah at ang Kanyang Sugo ang higit na nakaaalam. ‘Ito ang banal na buwan (ang buwan ng Dhul Hijjah, ang ika-12 buwan ng kalendaryo ng Islam), Katotohanan, ginawa ng Allah ang inyong buhay, ang inyong mga kayamanan, ang inyong dangal bilang banal at sagrado, tulad ng pagiging sagrado ng araw na ito, sa (sagradong) buwan na ito, at sa (sagradong) pook na ito. (Bukhari)
Ang pinakamahalagang layunin ng Islam sa panawagan nito at tunay na iniingatan ay ang pangangalaga sa Deen (Relihiyon), buhay, dangal, yaman, kaisipan, mga anak, at ang pangangalaga sa mga karapatan ng mga mahihina at may kapansanan. Tungkol sa pagiging sagrado ng buhay, ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi;
At huwag kayong pumatay ng sinuman na ipinagbabawal ng Allah, malibang ito ay sa paraang makatarungan…” (Qur’an 17 :33)
Tungkol sa dangal ng yaman, ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi;
At huwag ninyong kamkamin ang ari-arian ng iba nang walang katarungan…” (Qur’an 2 :188)
Tungkol sa pagiging sagrado ng dangal, ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi;
At iwasang mahulog sa bawal na pakikipagtalik. Katotohanan, ito ay 'Fahishah' (isang uri ng pagsuway at malaking kasalanan), at isang masamang gawa (na magbubulid sa Impiyerno malibang siya ay patawarin ng Allah).(Qur’an 17 :32)
Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi rin:

At sinuman ang nakagawa ng kamalian o kasalanan at pagkatapos ay ibinintang nito sa sinuman na walang kamuwangan, tunay na kanyang pinatawan ang kanyang sarili ng kasinungalingan at malinaw na kasalanan.”  (Qur’an 4 :112)


Tungkol sa ipinagbabawal na paglabag hinggil sa lahi o angkan, ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi ;
At kung siya ay tumalikod na sa iyo (O Muhammad), ang kanyang pagsisikhay sa kalupaan ay upang gumawa rito ng katampalasanan at kanyang wasakin ang mga pananim at hayupan, datapwa’t ang Allah ay hindi nagmamahal sa mga kabuktutan.” (Qur’an 2 :205)
Binibigyan nang higit na pangangalaga ng Islam ang karapatan ng mga mahihina, sapagka't sila ang lagi nang biktima ng pang-aabuso at pang-aalipusta. Sa ganitong kadahilanan, ang Dakilang Allah (U) ay nagbanggit ng ilang uri ng mahihina at ilang paraan kung paano sila nagagawan ng kamalian.
Tungkol sa mga magulang, ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi :
At ang iyong Rabb (Panginoon) ay nag-utos na wala kang dapat sambahin maliban sa Kanya (Allah) At maging masunurin sa iyong mga magulang. Kung ang isa sa kanila o kapwa sila nasa katandaan, huwag silang pagsalitaan ng kawalan galang at huwag silang sigawan subalit' ikaw ay mangusap sa kanila sa paraang magalang (may pitagan).” (Qur’an 17:23)
At tungkol sa mga ulila, ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi ;
Samakatuwid, ang mga ulila ay huwag apihin...” (Qur’an 93: 9)
Ang Islam ay nag-uutos na pangalagaan ang mga pag-aari ng mga ulila, ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi;
At iwasang mahulog sa (paggamit ng) ari-arian ng ulila maliban sa layon ng pagpapaunlad nito hanggang siya ay umabot sa tamang gulang (na may kakayahang pangasiwaan ang sariling buhay). At tuparin ang (bawat) kasunduan. Katotohanan, ang kasunduan, ay tatanungin.” (Qur’an 17: 34)
Tungkol sa mga bata (anak), ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi:
“…At huwag kitlan ng buhay ang inyong mga anak nang dahil sa kawalan ng panustos (karukhaan). Kayo at ng inyong mga anak ay Aming pagkakalooban (ng ikabubuhay).” (Qur’an 6: 151)
Tungkol sa mga taong maysakit o karamdaman, ang Propeta ng Allah () ay nagsabi:
Pakainin ang mga dukha (at mahihirap), dalawin ang mga may sakit at tulungang mapalaya ang mga bilanggo.” (Bukhari)
Tungkol sa mga matatanda; ang Propeta ng Allah (U) ay nagsabi:
Hindi nabibilang sa akin ang isang taong walang paggalang sa mga matatanda at walang awa sa mga bata at walang galang sa mga pantas.” (Tirmidhi)
Tungkol sa mga dukha, ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi;
At huwag mong ipagtabuyan ang mga dukha (na namamalimos).” (Qur’an 93:10)
Ang Propeta () ay nagsabi:

Sinuman ang nagbigay tulong sa kanyang kapatid sa oras ng kanyang pangangailangan (kagipitan), ang Allah ay naroroon sa oras ng kanyang pangangailangan (kagipitan).” (Muslim)


Marami pang mga magagandang kaugalian na ipinag-uutos ng Relihiyong Islam na dapat isabuhay ng mga Muslim na ginagawang dalisay ang bawat ugali at tinutulungan umunlad ang buong pamayanan.

Ang Mga Pangunahing Katangian ng Islam
Maraming malinaw na mga kapahayagan sa Qur’an at sa mga Hadeeth2 ng Propeta () na nag-ulat na ang relihiyon ng mga Propeta ay nag-aanyaya sa isang dakila at pangunahing prinsipiyo, (i.e. ang Kaisahan ng Allah (U). Nagpadala ng mga Propeta ang Makapangyarihang Allah (U) sa sangkatauhan, at ang mga naunang mensahe ng bawat isa (Propeta) ay pinawalang-bisa ng mga sumunod dito, mula kay Noah hanggang sa pagdating ni Muhammad (). Ang Propeta () ay nagsabi;
'Ang aking halimbawa at ang halimbawa ng mga Propetang nauna sa akin ay tulad ng isang taong nagtayo ng isang bahay, na kanyang itinayo at binuo nang maganda at mahusay maliban sa isang puwang ng isang tipak (ng bato); ang mga tao ay nagsisilibot sa bahay at napapatingin nang may paghanga sa kabuuan nito at nagsasabing, 'kung inilagay lamang sa puwang na ito ang tipak (ng bato)!' Ang Propeta ay nagsabi: 'Ako ang puwang na tipak (ng bato) na iyon, at ako ang Huli sa (kawing ng) mga Propeta.' (Bukhari #3342)

Wala ng ibang bagong Propeta at Sugo ang darating pa mula sa Allah (U) pagkaraan ni Muhammad (). Ang pagbabalik ni Hesus () ay tanda lamang ng pagdating ng Huling Oras. Si Hesus () ay babalik3 dito sa lupa upang bigyang katarungan ang dating walang katarungang mundo. Siya ay hindi darating upang magtatag ng panibagong relihiyon, bagkus ipangangaral niya ang tanging isang relihiyon - ang Islam. Ang Propeta Muhammad () ay nagsabi:


Ang Oras (Huling Araw) ay hindi maitatatag hanggat ang anak ni Maria (Hesus) ay darating sa inyo bilang makatarungang pinuno. Babakliin niya ang mga krus, papatayin niya ang mga baboy, aalisin niya ang Jizya4, at ang salapi ay sasagana hanggang walang sinuman ang tatanggap pa nito.” (Bukhari)
Ang lahat ng mga Propeta ay nag-aanyaya sa Kaisahan ng Allah (U) at itinatakwil ang pagbibigay katambal sa Kanya sa pagsamba at maging sa kapamahalaan. Sila ay nagkakaisang nagpahayag na ang Allah (U) ay malayo at malaya sa anupamang kakulangan o kapintasan. Sila ay nanawagan sa kani-kanilang mga mamamayan na sambahin ang Tanging Nag-iisang Diyos, ang Allah (U) na walang anumang tagapamagitan. Pinatnubayan nila ang sangkatauhan upang makamtan nila ang tunay na kaligayahan sa mundong ito at maging sa Kabilang Buhay. Tinuruan ang mga tao na magkakaroon ng magandang pag-uugali at kaaya-ayang galaw o kilos tungo sa pagpapaunlad ng sarili. Ang Dakilang Allah, (U) ay nagsabi:
Ipinag-utos Niya sa inyo ang katulad ng relihiyon na ipinag-utos kay Noah at ipinahayag sa iyo (o Muhammad) at siya ring ipinag-utos kina Abraham at Moises at Hesus na nagsabing: ‘Itatag ang relihiyon at huwag magkahiwalay mula rito. Karumal-dumal para sa mga sumasamba sa mga diyus-diyusan sapagkat sila ay naglalaan ng pagdalangin sa mga ito.” (Qur’an 42:13)


  1. Pinawalang-bisa ang mga naunang yugto ng relihiyon at ang Islam ang siyang huling yugto nito. Hindi tatanggapin ng Allah (U) ang ibang relihiyon mula sa kanyang mga alipin. Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi:


"At Aming ipinahayag sa iyo (O Muhammad) ang Aklat (Qur'an) sa katotohanan, na nagpapatunay sa mga Kasulatan na dumating nang una pa rito at bilang saksi rito." (Qur'an 5:48)
At dahil ang Islam ay siyang wakas at huling yugto ng Deen (Relihiyon), ang Allah (U) ay nangako na ito ay Kanyang (U) pananatilihin at pangalagaan mula sa lahat ng uri ng pagbabago hanggang sa Araw ng Pagbabayad, hindi tulad ng mga naunang yugto ng relihiyon na ipinadala sa natatanging panahon at sa mga natatanging tao. Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi:
Alalahanin! Kami, tunay na Kami ang nagpahayag ng Paala-ala at Babala (Qur’an) at katotohanan, ito ay Aming pangangalagaan.” (Qur’an 15:9)
Ang Sugo ng Islam na si Muhammad () ay siyang huli sa lahat ng Sugo (). Wala ng darating pagkaraan niya. Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi:
"Si Muhammad ay hindi ama ng sinuman sa inyo, datapwa't siya ang Sugo ng Allah at huli sa lahat ng mga Propeta…". (Qur'an 33:40)
Ito ay hindi nangangahulugan na hindi kinikilala ng Islam ang mga naunang mga Sugo o kapahayagan… bagkus, si Hesus () ay nagdala ng mensahe sa kanyang mga mamamayan ng tulad ng mensaheng ibinigay ni Moises () sa kanyang mga mamamayan; at si Muhammad () ay nagdala ng mensahe na siya ring mensaheng dinala ni Hesus (), at ito ay ang pagsamba lamang sa Allah (U) na hindi nagbibigay o nag-aakibat ng anumang bagay bilang katambal sa pagsamba sa Kanya.
Si Muhammad () ay ang huling Propeta at Sugo ng Allah (). Ang mga Muslim ay pinag-utusan na maniwala sa lahat ng Sugo at sa mga Banal na Kapahayagan. Sinuman ang hindi naniwala sa mga ito, ay nasadlak sa kawalan ng pananalig o paniniwala at sa gayon, siya ay lumisan mula sa pagiging Muslim (ituturing na hindi tunay na mananampalataya). Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi;
Katotohanan, yaong mga hindi nananampalataya sa Allah at sa Kanyang mga Sugo at nagnanais magbigay ng pagtatangi sa Allah at sa Kanyang mga Sugo na nagsasabing: “Kami ay naniniwala sa ilan (sa mga Sugo) subali’t tinatanggihan (namin) ang iba,” at (sila’y) nagnanais tumahak sa pagitang landas (ng paniniwala at kawalang ng paniniwala)5. Ang katotohana’y sila ay hindi (tunay na) mga mananampalataya. At Aming inihanda sa mga Kafir6 ang isang kahiya-hiyang parusa.” (Qur’an 4:150-151)


  1. Binigyang kaganapan ng Islam ang mga batas na dala ng mga naunang Relihiyon. Ang mga batas na nauna ay nakaugnay at nag-ugat sa aspetong pang-ispirituwal na naglayon ng pagpapadalisay ng kaluluwa. Ang mga ito ay hindi tumatalakay sa pagsasaayos ng pang-material na bagay. Subali't ang Islam ay dumating upang gawing ganap at isaaayos ang kabuuang ng aspeto ng buhay. Ang Islam ay tumatalakay sa ugnayang relihiyon at makamundong gawain. Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi:

“…Sa araw na ito Aking binigyang ganap ang inyong relihiyon at ipinagkaloob ang kagandahang loob sa inyo at pinili ang Islam bilang inyong relihiyon.” (Qur’an 5: 3)


Sa ganitong dahilan, ang Islam ay ang pinakamahusay na Deen (pamamaraan ng buhay). Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi;
"Kayo (mga Muslim) ang pinakamabuting pamayanan na lumitaw para sa sangkatauhan; (sapagka’t) inyong ipinag-uutos ang Ma’aruf (gawang kabutihan) at ipinagbabawal ang Munkar (gawang kasamaan), at kayo ay naniniwala sa Allah. At kung ang Angkan ng Kasulatan (Hudyo at Kristiyano) ay naniwala lamang, ito ay higit sanang mabuti para sa kanila. Mula sa kanila ay mayroon (din namang) Mu’min (mga tapat na mananampalataya), ngunit karamihan sa kanila ay Fasiqun (palasuway sa Allah at mapaghimagsik laban sa kautusan ng Allah)." (Qur'an 3:110)


  1. Ang Islam ay pangkalahatang Relihiyon na ang mensahe ay nakalaan sa lahat ng tao, sa lahat ng pook at sa lahat ng panahon. Ito ay hindi ipinahayag para sa mga natatanging lahi, uri, bansa o panahon. Ito ang Deen (Relihiyon) na ang lahat ng tao ay pantay-pantay. Walang pagkakaiba batay sa kulay, wika, angkan o lugar, subali't ito ay batay sa isang uri ng paniniwala na siyang nagbubuklod sa lahat ng tao. Sinuman ang may pananampalataya sa Allah (U) na Siya (U) lamang ang Tunay na Rabb (Panginoon), na ang Islam ay ang tunay na Deen (Relihiyon) at si Muhammad ay huling Sugo (), siya ay (kabilang na) isa ng Muslim. Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi:

At ikaw (O Muhammad) ay Aming isinugo bilang tagapagdala ng magandang balita at tagapagbabala sa Sangkatauhan...” (Qur’an 34: 28)


Tungkol sa mga naunang mga Sugo, sila ay ipinadala sa kani-kanilang pamayanan. Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi tungkol kay Noah ():
"Katotohanang Aming isinugo si Noah sa kanyang pamayanan!..." (Qur'an 7:59)
Tungkol kay Propeta Hud (), ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi:
"At sa (Tribu ng) A'ad (Aming isinugo) ang kanilang kapatid na si Hud, Siya ay nagsabi: O aking mamamayan! Sambahin ninyo ang Allah! Wala kayong iba pang ilah (diyos) maliban sa Kanya…" (Qur'an 7:65)
Tungkol kay Salih (), ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi:
"At sa (Tribu ng) Thamud (ay Aming isinugo) ang kanilang kapatid na si Salih. Siya ay nagbaya: O aking mamamayan! Sambahin ninyo ang Allah! Kayo ay wala ng iba pang ilah (diyos) maliban sa Kanya…" (Qur'an 7:73)
Hinggil kay Lut (), ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi:
"At (alalahanin) si Lut, nang sabihin niya sa kanyang mamamayan: 'Inyo bang ginagawa ang pinakamasamang kasalanan, na wala pang sinumang nauna sa inyo sa lahat ng mga nilalang?" (Qur'an 7:80)
At tungkol kay Shu'aib (), ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi;
"At sa (mamamayan ng) Madyan (Midian) ay (Aming isinugo) ang kanilang kapatid na si Shu'aib, siya ay nagbadya: 'O aking mamamayan! Sambahin ninyo ang Allah, wala na kayong iba pang ilah (diyos) maliban sa Kanya…" (Qur'an 7:85)
Tungkol kay Moises (), ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi:
"At pagkaraan nila (mga naunang Sugo) ay Aming isinugo si Moises na kasama ang Aming mga Tanda (Himala) kay Paraon at sa kanyang mga pinuno…" (Qur'an 7:103)
At hinggil kay Hesus (), ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi;
"At (alalahanin) nang si Hesus, ang anak ni Maria, ay nagsabi: 'O Angkan ng Israel! Ako ay isang Sugo ng Allah na ipinadala sa inyo, na nagpapatunay sa Torah (mga Batas) na ipinadala (sa inyo) nang una pa sa akin…" (Qur'an 61:6)
Dahil sa katotohanan na ang Islam ay pangkalahatang relihiyon at ito ay nag-aanyaya sa buong sangkatauhan, ang Dakilang Allah ay nag-uutos sa lahat ng mga Muslim na iparating ang mensahe sa buong mundo. Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi:
Kaya’t, ginawa Namin kayong isang makatarungang (at pinakamabuti) Ummah (pamayanan) upang kayo ay maging saksi sa sangkatauhan, at ang Sugo (Muhammad) ay maging saksi sa inyo. (Qur’an 2:143)


  1. Ang mga batas at mga katuruan ng Islam ay nagmula sa Dakilang Allah (U) kaya naman walang anumang pagbabago sa mga ito. Hindi tulad ng mga batas na ginawa ng tao na laging nang may kamalian at kakulangan sanhi na rin ng maraming dahilan tulad ng kapaligiran, kultura, kaugalian at lipunan. Ito ay isang bagay na nasasaksihan sa kasalukuyan. Ang mga batas na ginawa ng tao ay lagi nang nangangailangan ng pagbabago at pagsusuri. Ang batas na angkop sa isang lipunan ay hindi naaangkop sa ibang lipunan at ang angkop sa ibang panahon ay hindi angkop sa ibang panahon. Katulad ng mga batas ng pamayanang Kapitalista na hindi angkop sa mga Komunista. Sinuman ang magnais magpanukala ng bagong batas sa isang pamayanan ay dapat niyang isaalang-alang ang paniniwala o hangarin o layunin ng madla. Karagdagan pa rito, ang isang taong maalam ay maaaring magbigay ng panukala at pagsalangsang o pagsalungat o karagdagan sa mga dating batas.

Tungkol sa mga batas ng Islam, ang mga ito ay itinuturing na banal at ganap, sapagkat ang gumawa nito ay ang Makapangyarihang Tagapaglikha (U) ng lahat ng mga bagay, Siya (U) ang nakababatid nang ganap kung ano ang mabuti sa tao sa natatanging panahon at kung ano ang mabuti sa kanilang pamumuhay. Walang sinuman ang maaaring magkaroon ng karapatang salungatin, baguhin, dagdaan o bawasan ang mga batas (ng Islam) maging anuman ang kanyang katayuan o kalagayan o pinag-aralan. Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi:


Sila ba, kung gayon, ay humahanap ng Hatol (batay) sa (panahon ng Jahiliyah [Kamangmangan7])? At sino ba ang nakahihigit sa Allah sa paghatol sa mga taong may matatag na pananampalataya? (Qur’an 5:50)



  1. Ang Deen (Relihiyon) na Islam ay isang Deen na ang mga paksa o nilalaman ay pangkalahatan, naaangkop sa lahat ng panahon at pook. Ito ay nagpapakilala ng mga pangkalahatang prinsipiyo at mga aral na hindi maaaring baguhin, ang mga (batas na) ito ay hindi kumukupas sa paglipas ng panahon o sa pagbabago ng pook o kalagayan ng mamamayan maging ito man ay mga alituntunin na tumatalakay sa mga paniniwala, tulad halimbawa ng paniniwala sa Allah (U), sa Kanyang mga Anghel, sa mga Kapahayagan, sa mga Sugo, sa Huling Araw, sa Kahihinatnan. O kaya naman hinggil sa alituntunin ng pag-samba, tulad halimbawa ng mga bilang ng 'rakah' (yunits) sa pagdarasal at ang mga oras nito, ang halaga na dapat ibibigay sa obligasyon ng Zakah (kawang-gawa) at kung kanino dapat ibigay, ang mga oras ng ubligadong pag-aayuno at ang mga katangian at patakaran sa 'Hajj' (paglalakbay sa Makkah).

Bawat bagong paksa, bagay o pangyayari ay nararapat na sinusuri batay sa Qur'an at sa mapananaligang Sunnah ng Propeta () upang ito ay mabigyan ng kaukulang pasiya pagkaraan ng masusing pag-aaral. Kung ang maliwanag na pasiya ng isang paksa, bagay o pangyayari ay hindi maaaring hanguin mula sa Qur'an at sa Sunnah ng Propeta (), ang mga mapagkakatiwalaan (may ganap na takot sa Allah, U) at mabuting mga pantas o paham ay kailangan gumawa ng hakbangin (Ijtihad) sa bawat panahon kaakibat ng pagsaaalang-alang sa kapakanan ng mga Muslim batay sa kalagayan ng mga mamamayan at lipunan. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng masusing pagsusuri ng pangkalahatang kahulugan ng kapahayagan (talata o Ayaat8 ng Qur'an) at pinag-aaralan mabuti ang ibat-ibang simulain na hinango mula sa Qur'an at Sunnah; tulad ng mga sumusunod;




  1. Ang lahat ng bagay ay pinahihintulutan maliban sa ipinagbawal ng Batas ng Islam.

  2. Iniingatan at pinangangalagaan ang kapakanan.

  3. Ang Islam ay magaan o maginhawa at madaling Deen (Relihyon) at naglalayong pawiin ang lahat ng kahirapan.

  4. Ang lahat ng kahirapan o kapinsalaan ay pinapawi.

  5. Hinahadlangan ang kasamaan, pinipigil nito ang pinag-uugatan upang hindi lumaganap.

  6. May mga mahihigpit na pangangailangan o dahilan na maaaring pahintulutan ng batas ng Islam (tulad halimbawa sa maselang sakit o operasyon ng babaing maysakit, pinahihintulutan ang doktor na lalake sa tawag ng kaligtasan kung walang babaeng doktora na maaaring magsagawa nito.

  7. Ang malubhang dahilan o pangangailangan ay pinahihintulutan ayon sa kalagayan. (halimbawa, kung ang isang tao ay nasa isang disyerto at walang anumang tubig na maaaring inumin, at mayroong isang inuming nakalalasing, ito ay maaari niyang inumin pansamantala habang wala pang tubig. Sa ganitong gipit na kalagayan, higit na nangunguna ang kaligtasan.

  8. Ang pag-alis o pag-iwas sa kapinsalaan ay pinagtutuunan nang higit kaysa pagkakaroon ng kapakinabangan mula rito.

  9. Sa isang gipit na pagkakataon, na kung walang pagpipilian sa dalawang kasamaan, dapat niyang piliin o gawin ang magaan na kasamaan sa dalawa.

  10. Ang kasamaan ay hindi nararapat supilin ng parehong kasamaan.

  11. Ang natatanging kasamaan ay dapat pigilin upang hindi lumala o makapinsala sa pangkalahatan.

Marami pang ibang mga panuntunan na tulad ng mga ito. Sa pagsasagawa ng Ijtihad, (ang mga paham/pantas) ay hindi dapat pangibabawan ng kaniang sariling hangarin o pithaya, o kaya naman ay gamitin niya ito sa pansariling kabutihan. Nararapat niyang gawin ang lahat sa kapakanan ng mga tao na hindi sumasalungat sa mga katibayan mula sa kapahayagan. Ito ay sa dahilang ang Islam ay naaangkop at tumutugma sa bawat panahon, at ipinagkakaloob nito ang pangangailangan ng bawat lipunan.




  1. Walang mga diskriminasyon sa Deen (Relihiyon) ng Islam. Ang lahat ng alituntunin ay nababagay sa lahat, walang pagkakaiba sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap, ng mga matataas na tao at aba, ng namumuno at ang mga pinamumunuan, ang mga puti at itim. Ang lahat ay pantay sa pamamalakad ng batas ng Islam (Shari'ah).

Noong panahon ng Propeta (), isang babae mula sa angkan ng Makhzoom at mula sa tribo ng Quraish (ang pinakamarangal na angkan ng mga dakilang tribo) ay nagnakaw. Ang mga ibang taong nakapaligid sa kanya ay nagsabi, 'Sino ang mamamagitan sa Sugo ng Allah () para sa kapakanan niya (babae)?' Ang mga iba ay nagsabi, 'Sino pa ang may lakas ng loob kundi si Usaamah bin Zaid (), ang pinakamamahal ng Sugo ng Allah (),' Si Usaamah ay nagtangkang mamagitan, at ang Propeta () ay nagsabi, 'Ikaw ay ba namamagitan sa isa sa mga itinakdang kaparusahan ng Allah (U)?' Ang Propeta () ay tumayo sa pagkakataong iyon at nagsalita;


Yüklə 1,03 Mb.

Dostları ilə paylaş:
1   2   3   4   5   6   7   8   9   ...   14




Verilənlər bazası müəlliflik hüququ ilə müdafiə olunur ©genderi.org 2024
rəhbərliyinə müraciət

    Ana səhifə