Ang mensahe ng islam



Yüklə 1,03 Mb.
səhifə4/14
tarix16.11.2017
ölçüsü1,03 Mb.
#10373
1   2   3   4   5   6   7   8   9   ...   14

"O kayong mananampalataya! Magsikain kayo mula sa mga pinahihintulutang bagay na ipinagkaloob sa inyo, at maging mapagpasalamat sa Allah, kung tunay nga na kayo ay (tapat na) sumasamba sa Kanya." (Qur’an 2: 172)


  • Ang Islam ay nagpanukala ng mga patakaran upang ang isang tao ay masiyahan sa mga mabubuti at dalisay na mga bagay; gaya ng pagiging kainaman at hindi lumalabis upang hindi makakasama sa kalusugan. Ang Allah (U) ay nagsabi :

“…Kumain at uminom at huwag magmalabis. Alalahanin! Hindi Niya minamahal ang pagmamalabis.” (Qur’an 7: 31)


Si Propeta Muhammad () ay nagpaliwanag kung papano ang isang tao ay kumain at sinabi niya ():
Walang pinakamasamang lalagyan ang pinupuno ng tao maliban sa kanyang tiyan.Sapat na sa anak ni Adan ang ngumuya ng ilang beses upang tumuwid ang kanyang likod. Subali't kung kanyang ipilit, ang ikatlong bahagi (ng kanyang tiyan) ay dapat ilaan sa pagkain, at ikatlong bahagi ay sa inumin (tubig) at ang huling ikatlong bahagi ay sa paghinga (hangin).” (Ibn Hibbaan)


  • Ipinagbabawal ng Islam ang pagkain at inumin ng mga bagay na marumi at hindi dalisay katulad ng laman ng patay ng hayop, dugo, baboy, alak at ang paninigarilyo. Kailangan pangalagaan ang katawan ng isang tao. Ang Allah (U) ay nagsabi:

Ang ipinagbabawal Niya lamang sa inyo ay ang laman ng patay na hayop at dugo at laman ng baboy at yaong kinatay sa ngalan ng mga ginawa nilang mga diyos maliban sa Allah. Subali't sinuman ang napilitan (na kumain sa mga ito) dahilan sa pangangailangan at wala siyang tangkang sumuway sa hangganan, samakatuwid hindi niya ito kasalanan. Alalahanin! Ang Allah ay mapagpatawad, Ang Maawain.” (Qur’an 2: 173)


Sinabi rin ng Allah (U):
O kayong nagsisisampalataya! Ang mga inuming nakalalasing at ang sugal at ang pagsamba sa mga diyos-diyosan at ang mahika ay kabuktutang gawa ni Satanas. Isantabi ang mga ito upang kayo ay magtagumpay. Nagsisikhay lamang si Satanas mula sa inyo ng di pagkakasundo-sundo at hidwaan sa pamamagitan ng pag-inom at sugal at inilalayo kayo mula sa pag-ala-ala sa Allah at sa pagdarasal. Kung gayon, hindi ba kayo magsisitigil?” (Qur’an 5:90-91)


  • Ang pagsali sa mga nakabubuting mga palaro o paligsahan gaya ng pakikipagbuno (wrestling). Gaya ng Propeta mismo na nakipagbuno sa isang tao na ang pangalan ay Rakaanah. (Haakim)

Ang mga ibang nakabubuting palaro ay ang paglangoy, ang pagsakay sa kabayo at ang pagpana. Si Umar ibn al-Khattab () ay nagsabi: “Turuan ninyo ang inyong mga anak sa paggamit ng palasao, paglangoy at ang pagsakay ng kabayo”.




  • Kailangan maghanap ng gamot kung may karamdaman. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:

Katotohanan nagpadalala ang Allah ng mga sakit at ang mga kaukulang gamot para rito. Lahat ng sakit ay may mga nararapat na gamot, nguni't huwag humanap ng gamot sa mga ipinagbabawal na pamamaraan.” (Abu Dawod).




  • Ang Islam ay nagtatagubilin ng pagsasagawa ng ibadah (pagsamba). Ang pagdarasal ay siyang nagiging pagkain ng kaluluwa, ang kaluluwang hindi pinapakain ng pagsasagawa ng ibadah, ito ay maghihirap sa siphayo at kalungkutan na nagbubunga ng masama sa katawan. Ang Allah (U) ay nagsabi;


"At sila na nanampalataya at sila na ang mga puso ay natagpuan ang kapayapaan (at kapanatagan) sa pag-alaala sa Allah: Katotohanan, naririto sa pagbibigay ala-ala (at paggunita) sa Allah, matatagpuan ang kapayapaan (at kapanatagan) ng puso. (Qur’an 13:28)
Hindi pinahihintulutan ng Islam ang kapabayaan at pagkakait sa karapatan ng kanyang katawan, gaya ng kapahingahan, ang pang-kalusugan at ang pag-aasawa. Ayon kay Anas Ibn Malik ();
Tatlong tao ang pumunta sa bahay ng Sugo ng Allah at tinanong ang tungkol sa kanilang pagsamba (debosyon). Nang tinanong sila tungkol sa gawaing pagsamba ng Propeta at ng nalaman nila na ang kanilang ginagawa ay kulang sa kanilang inaakala. Sila ay nagsabi: ‘Sino kami upang ihambing sa Sugo ng Allah na ang nakaraan at kasalukuyan at panghinaharap na kasalanan ay napatawad na? Magkagayon man ang isa sa kanila ay nagsabi: ‘Para sa akin, aking gugugulin ang gabi sa pagsamba’. Ang pangalawa ay nagsabi: ‘Para sa akin, ako ay mag-aayuno araw-araw at hindi ko ito sisirain”. Ang ikatlo ay nagsabi: ‘Para sa akin, ako ay hindi mag-aasawa at iiwas sa mga babae’. At ang Sugo ng Allah ay nagsabi: ‘Kayo ba yaong nagsabi ng ganito? (kung ano ang sinabi gaya ng sa itaas) Makinig kayo, Ako ay higit na mabuti at may takot sa Allah subali't ako ay nagdarasal at natutulog, nag-aayuno at kumakain, at nag-asawa. Sinuman ang lumihis mula sa aking Sunnah siya ay hindi nabibilang sa akin.” (Bukhari at Muslim)


  1. Ang Islam ay nagbibigay paalala tungkol sa kahalagahan ng kaalaman at kalinangan at inihimok ang mga tao ang paghahanap nito. Ang Allah (U) ay nagsabi:

“…Sila bang may kaalaman ay kapantay ng mga walang kaalaman?…”

(Qur’an 39:9)
Hindi pinupuri ang kamangmangan at ang mga mangmang. Ang Allah (U) ay binanggit sa Qur’an si Moises na sinabi :
Ako ay nagpapakupkop sa Allah mula sa pagiging mangmang at luku-luko”. (Qur’an 2 :67)
Mayroong mga partikular na kaalaman na sapilitan at iniuutos sa mga Muslim na malaman; ang mga ito ay may kinalaman sa pamumuhay sa pang-araw-araw, sa makamundo at sa mga bagay na pang-relihiyon. Ang mga ibang uri ng karunungan ay tinuturing na pangkalahatang gawain (i.e.: kung ang mga iba ay nalalaman ito, ang kasalanan ng mga hindi nag-aral dito ay hindi pangkalahatan).
Hindi ipinag-utos ng Allah (U) sa Kanyang mga Propeta ang magkamal ng lahat dito sa mundo kundi ang karunungan. Ang Allah (U) ay nagsabi;
“…At sabihin, O aking Panginoon! Dagdagan Mo ako sa kaalaman.”

(Qur’an 20:114)


Binibigyan ng higit na kahalagahan ng Islam ang mga iskolar at ang mga nag-aaral at nagiging dalubhasa. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi;
Ang isang tao na hindi iginagalang ang nakatatanda sa atin, walang pagmamahal sa mga bata at hindi kinikilala ang karapatan ng mga iskolar ay hindi kabilang sa atin.” (Ahmad)
Igingalang ng mabuti ng Islam ang mga iskolar at ang mga nag-aaral. Ang Propeta () ay nagsabi rin:
Ang isang marunong na tao ay nakahihigit kaysa sa sa isang karaniwang tao, gaya ng aking kahigtan kaysa sa pinakamababa sa inyo.” (Tirmidhi)
Upang makapagbigay ng kaalaman, isinasaalang-alang ng Islam ang pananaliksik, pag-aaral at ang pagtuturo nito ay bilang isang uri ng Jihad (i.e.: Pakikipaglaban sa landas ng Allah (U) na ginagantimpalaan ng Allah (U)… at ito ay isang daan patungo sa Jannah (Paraiso). Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:
Ang isang tao na lumabas ng kanyang tahanan sa paghahanap ng kaalaman ay nasa Landas ng Allah hanggang siya ay makabalik (sa kanyang tahanan).” (Tirmidhi)
Siya () ay nagsabi rin:
Kung ang isang tao ay tumatahak sa landas upang magkamit ng kaalaman, gagawing magaan ng Allah ang kanyang landas patungo sa Paraiso. Sinuman ang mga taong nagpupulong sa Masjid at nagbabasa ng Qur’an at pinag-aaralan ito, sila ay makakatamasa ng kapayapaan at bababa sa kanila ang kapanatagan at katahimikan, sila ay lulukuban ng habag, ang mga anghel ay papalibot sa kanila, at sila ay ibabalita ng Allah sa lahat ng mga kasama Niya (sa oras na yaon). Kung sinuman ang humahadlang sa isang taong gumagawa ng kabutihan (upang makamit ang Jannah – Paraiso), ang kanyang mga lahi ay walang mapapakinabang sa kanya (sa Araw ng Pagbabayad).” (Muslim)
Ang Islam ay hindi lamang nag-aanyaya sa paghahanap ng kaalamang nakaugnay sa pangrelihiyong karunungan bagkus ito ay nag-aanyaya rin ng kaalaman sa ibang larangan ng pamumuhay, at itinuturing na tungkulin ng bawat isa at ng Ummah at ito ay isang uri ng pagsamba na binibigyang gantimpala ng Allah (U). Ang Allah (U) ay nagsabi :
Hindi mo ba nakikita na ang Allah ang Siyang nagpababa ng ulan mula sa kalangitan at mula rito ay umusbong ang iba’t ibang bungang kahoy na may iba’t ibang kulay (at hugis) at mula sa mga kabundukan ay mga hiblang puti at pula na ibat ibang kulay at ang iba ay itim; At mula sa mga tao at mga hayop at tupa sa ganoon ding paraan, may kakaibang kulay? Ang may kaalaman mula sa alipin ng Allah ang higit na may takot sa Kanya. Alalahanin! Ang Allah ay Ganap na Makapangyarihan at laging nagpapatawad.” (Qur’an 35: 27-28)
Ang mga kabanatang ito ng Qur’an ay naghihikayat at nag-aanyaya na magkaroon ng makatuwirang pag-iisip na siyang daan upang makilala na mayroong isang Tagapaglikha ng lahat ng bagay. Gayon din ipinamamalas (ng mga kabanatang ito ng Qur’an) na tayo ay makikinabang mula sa lahat Niyang ipinagkaloob na kabuhayan sa sandaigdigan. Katiyakan, ang mga marurunong sa kabanatang ito na tinutukoy ay hindi lamang mga pantas (iskolar) ng relihiyon kundi lahat ng iskolar sa lahat ng larangan ng karunungan na mayroon abilidad na manaliksik sa mga sekreto na inilagak ng Allah (U) sa daigdig.
Halimbawa ang pamamaraan kung papano nahuhubog ang ulap at ang pagbuhos ng ulan ay mauunawaan lamang sa pamamagitan ng kaalaman sa Kemistry. Kagaya rin naman na malalamnan kung papano lumalaki ang mga punong kahoy, halamanan at bungang kahoy sa pamamagitan ng agrikultura, at tungkol sa mga bundok sa pamamagitan ng kaalaman sa “geology”; at malalaman ang likas na pag-uugali ng tao at ng mga hayop sa pamamagitan ng ethnolohiya at zoolohiya.


  1. Inihimok ng Islam ang mga tao na sa tuwina’y magsuri ng mga ginawa. Ito ay bilang pagsasanay at magsumikap upang umiwas sa lahat ng mga ipinababawal at ikinagagalit ng Allah (U).

Alam ng mga Muslim na nakikita sila ng Allah (U) at alam Niya kung ano ang kanilang ginagawa, kaya naman sila ay gumagawa ng anumang ipinag-uutos at umiwas sa lahat ng ipinagbabawal. Kung ang Muslim ay umiiwas sa pagnanakaw, sa dahilang takot siya sa Allah (U), at hindi dahil siya ay takot sa mga tao. Itinutugma ng Islam ang pangloob at panglabas na gawain ng tao. Ang Allah (U) ay nagsabi :


At kung ikaw (O Muhammad) ay mangusap ng malakas, katotohanang Siya ang nakakaalam ng mga lihim at kung anuman ang nalilingid.” (Qur’an 20 :7)
Si Propeta Muhammad () ay nagpaliwanag tungkol sa ‘Ihsaan16’ :
...ay ang pagsamba sa Allah na para mo Siyang nakikita bagamat hindi. Kahit na hindi mo Siya nakikita, ikaw ay kanyang nakikita. (Bukhari)
Ang bunga ng pagsusuri ng mga gawain ay ang mga sumusunod na paniniwala :
A) Ang paniniwala na ang Allah (U) lamang ang dapat sambahin. Siya (U) ay ganap sa lahat ng aspeto; alam Niya (U) ang lahat ng mga pangyayari sa sandaigdigan, at walang mangyayaring anomang bagay na hindi Niya (U) pinapahintulutan. Ang Allah (U) ay nagsabi :
“…Batid Niya ang lahat ng pumapasok at lumalabas sa Kalupaan at ng lahat ng bumababa mula sa kalangitan at ang lahat ng umaakyat mula rito. Siya ay kasama ninyo (sa pamamagitan ng Kanyang Kaalaman) saan man kayo pumaroon. Siya ang nakakakita sa inyong ginagawa.” (Qur’an 57: 4)
Ang Kanyang (U) kaalaman ay lagpas sa mga bagay na nasasalat at nakikita. Alam Niya (U) ang nasa loobin at kung ano ang binubulong ng kaluluwa. Ang Allah (U) ay nagsabi;
At katotohanang Kami ang lumikha sa tao, at batid Namin kung ano ang ibinubulong ng kanyang kaluluwa; sapagkat higit Kaming malapit sa kanya (sa Aming Karunungan) kaysa sa kanyang ugat sa leeg.” (Qur’an 50:16)
B) Ang maniwala na bubuhayin ng Allah (U) ang lahat ng tao sa Araw ng Pagbabayad. Ang Allah (U) ay nagsabi;
Yaong mga walang paniniwala ay nag-aakala na sila ay hindi babangong muli. Sabihin mo (O Muhammad), Katiyakan, sa pamamagitan ng aking Panginoon, kayo ay babangong muli at ihahayag sa inyo kung ano ang inyong mga ginawa at ito ay madali para sa Allah.” (Qur’an 64:7)
C) Ang maniwala na ang lahat ng tao ay pananagutan sa lahat ng kanilang mga ginawa. Ang Allah (U) ay nagsabi;
“…At walang sinuman ang magdadala ng pasanin ng iba…” (walang dapat managot sa kasalanan ng isang tao maliban lamang sa kanya). (Qur’an 6:164)
Lahat ng tao ay mananagot sa lahat ng mga ginawa at sinabi, maging ang mga ito ay napakaliit sa tingin, mabuti man o masama. Siya ay bibigyan ng gantimpala sa mga ginawa niyang kabutihan at pananagutan sa kanyang mga kasalanan. Ang Allah (U) ay nagsabi;
At sinuman ang nakagawa ng kabutihan na katumbas ng bigat ng isang atomo (o isang maliit na langgam), ay kanyang makikita at sinuman ang nakagawa ng kasamaan na katumbas ng bigat ng isang atomo (o isang maliit na langgam), ay kanya itong makikita.” (Qur’an 99: 7-8)
D) Ang pagtalima sa Allah (U) at sa Kanyang Sugo () ay unang dapat gawin bago ang lahat. Ang Allah (U) ay nagsabi ;
Ipagbadya : ‘Kung ang inyong ama, ang inyong mga anak, ang inyong mga kapatid, ang inyong mga asawa, ang inyong mga kamag-anak, ang kayamanan na inyong kinita, ang mga kalakal na pinangangambahan ninyo ang pagkalugi ; at sa mga tahanan na labis ninyong kinagigiliwan ay higit na mahalaga sa inyo kaysa kay Allah at sa Kanyang Sugo, at ang pakikipaglaban sa Kanyang Kapakanan : kung gayon, kayo ay maghintay hanggang sa ibaba ng Allah ang Kanyang Kapasyahan (pagpaparusa) At ang Allah ay hindi namamatnubay sa mga tao na Al-Fasiqun (mga mapaghimagsik, palasuway sa Allah). ” (Qur’an 9 :24) 


  1. Sa Islam, ang gantimpala ng mga mabubuting gawa ay dumarami nguni't ang kaparusahan ng kasamaan ay hindi. Ang Allah (U) ay nagsabi:

Sinumang gumawa ng isang mabuting gawa ay makatatanggap ng sampung ulit na katulad nito at sinuman ang gumawa ng isang kasamaan ay makatatanggap na katumbas niyon.” (Qur’an 6:160)


Ang isang tao ay may gantimpala sa intensiyon lamang niya na gumawa ng kabutihan… kahit na ito ay hindi nagawa. Sa kabilang banda, kung ang isang tao ay may balak gumawa ng masama at hindi itinuloy, dahil sa kanyang takot sa Allah (U), siya ay gagantimpalaan din kung siya ay tumalikod at ipinaubaya na lamang sa Allah (U). Ang Propeta () ay nag-ulat na sinabi ng Allah (U)17;
Kung ang Aking alipin ay naglayon na gumawa ng masama, hindi ito maisusulat na kasamaan (sa kanyang talaan) hanggat hindi niya ito naisasagawa. Kung kanyang ginawa… ito ay isusulat na isang kasalanan, nguni't kung iniwan niya ito alang-alang sa Allah, isusulat pa sa kanya bilang isang kabutihan. At kung siya ay naglayon na gumawa ng isang mabuti, ito ay maisusulat bilang isang kabutihan sa kanyang talaan. Kung ito ay naisakatuparan, maitatala ito bilang kabutihan na may gantimpala hanggang pitung-daan ulit. (Bukhari)
Karagdagan dito, ang pagsasakatuparan ng mabuting layon ng kaluluwa ay ituturing na isang pagsamba. Kung ang isang tao ay may intensiyon na kumain at uminom upang maging malakas ang katawan at makapaghanap buhay at masuportahan niya ang kanyang pamilya at ang mga ibang taong umaasa sa kanya, ito ay ituturing na gawang pagsamba at siya ay gagantimpalaan dito. Ang Propeta () ay nagsabi ;
Kung ang isang tao ay gumastos para sa kanyang pamilya at umaasa ng gantimpala mula sa Allah, ito ay isang kawanggawa para sa kanya. (Bukhari)
Lahat ng mga gawain ng isang Muslim…na may layuning kabutihan ay itinuturing na isang kawanggawa. Ang Propeta () ay nagsabi ;
Lahat ng mga Muslim ay dapat magbigay ng kawanggawa. Ang kanyang mga kasamahan ay nagtanong : ‘At kung wala silang maibigay na kahit ano sa kawanggawa ?’ Siya ay sumagot ; ‘Siya ay dapat magtrabaho sa pamamagitan ng kanyang kamay upang makapaghanap-buhay para sa kanyang sarili at makapagbigay sa kawanggawa.’ Sila ay nagsabi ; ‘Kung hindi rin ito magawa’, Siya ay sumagot, ‘Siya ay dapat tumulong sa mga naghihirap na nangangailangan ng tulong’. At sinabi nila, ‘At kung hindi magawa.’ Siya ay nagsabi ; ‘Dapat siyang gumawa ng mabuti.’ Sila ay nagsabi ; ‘At kung hindi rin ito magawa.’ Siya ay nagsabi ; ‘Kailangan siyang umiwas na makagawa ng kasamaan, at ito ay itinuturing ng isang kawanggawa’”. (Bukhari)


  1. Sa Islam, ang mga kasalanan ay napapalitan ng mabubuting gawa kung ang nagkasala ay tapat sa kanyang pagsisisi at matatag na hindi na muling babalik sa pagkakasala. Ang Allah (U) ay nagsabi:

At silang hindi dumadalangin sa mga diyos-diyosan at hindi kumikitil ng buhay na ipinagbawal ng Allah, maliban sa makatarungang dahilan, at hindi nangangalunya at sinumang gumawa nito ay magbabayad ng kaparusahan. Ang kinahihinatnan nila ay ibayong kaparusahan sa Araw ng Pagbabangong Muli at siya ay mananatiling hamak roon magpakailanman. Maliban ang isang nagsisi at naniwala at gumawa ng kabutihan- sa gayon babaguhin ng Allah ang kanilang masamang gawa ng mabubuting gawa. Ang Allah ay lagi ng Mapagpatawad, ang Maawain” (Qur’an 25: 68-70)


Ito ay ang karapatang nauukol sa Allah (U). At sa karapatan ng tao, dapat ay maibalik at humingi ng pagpapaumanhin kung ang kanilang karapatan ay nalapastangan o nalabagan.
Sa Islam ay tuwirang binibigyang daan ang nagkasala na magbalik-loob sa Allah (U) para magsisi at humingi ng kapatawaran. Ang Allah (U) ay nagsabi:
Sabihin: O aking mga alipin na nagkasala sa sarili nilang pananakit! Huwag mawalan ng pag-asa sa Awa ng Allah, sapagkat ang Allah ay nagpapatawad ng lahat ng kasalanan.” (Qur’an 39: 53)
Ginawang magaan sa Deen ng Islam ang paghingi ng pagsisisi. Ang Allah (U) ay nagsabi ;
Sinuman ang nakagawa ng kasalanan o kamalian laban sa kanilang sarili at pagkaraa’y humingi ng kapatawaran, kaniyang matatagpuan ang Allah na laging Mapagpatawad, at Maawain” (Qur’an 4: 110)
Ito ay angkop lamang sa mga Muslim. Para sa mga di Muslim na yumakap sa relihiyong Islam, sila ay magkakaroon ng doble at ibayong gantimpala ng dahil sa kanilang paniniwala sa kanilang Propeta, bukod sa paniniwala nila sa mensahe ni Propeta Muhammad (). Ang Qur’an ay nagsabi:
Yaong pinagkalooban ng Kasulatan bago paman ito, sila ay naniwala na. At nang ito ay bigkasin sa kanila, sila ay nagsabi: Kami ay naniniwala rito. Alalahanin! Ito ang katotohanan mula sa inyong Panginoon. Alalahanin! Kahit noon pa man kami ay nasa hanay ng mga sumusuko (sa Kanya). Sila ay pagkakalooban ng ibayong gantimpala sapagkat sila ay matatag at pinapalitan ang kasalanan ng kabutihan at gumugugol ng anumang ipinagkaloob Namin sa kanila.” (Qur’an 28: 52-54)
Karagdagan pa nito, ang Allah (U) ay pinapawi ang lahat ng kanilang mga kasalanan na kanilang nagawa bago dumating ang Islam sa kanila. Sapagkat ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:
Alam niyo ba na ang Islam ay pinapawi ang lahat (ng masamang gawain) na nagawa noon (bago yumakap sa Islam).” (Muslim)


  1. Ang Islam ay nagbibigay katiyakan para sa mga tagasunod na ang patuloy na makakatanggap ng gantimpala sa paggawa ng kabutihan, kahit na siya ay patay na (sa pamamagitan ng mga mabubuting gawain at kawanggawa hanggang ang mga gawaing ito ay kapaki-pakinabang sa buong lipunan). Ang Propeta () ay nagsabi:

Pagkaraan ng kamatayan ng tao ang kanyang gawain ay hihinto na, maliban sa tatlong bagay na kanyang iniwan: 1) ang patuloy na kawanggawa. 2) ang kaalamang napapakinabangan ng iba. 3) ang mabuting anak na nananalangin para sa kanya.” (Muslim)


Siya () rin ay nagsabi:
Ang isang taong nag-aanyaya sa iba ng kabutihan ay magkakamit ng gantimpalang katulad ng gantimpala ng mga sumusunod sa kanyang patnubay na hindi mababawasan ang sa kanya. Ang gantimpala sa kabilang dako, ng isang nag-aanyaya sa kamalian ay magkakaroon ng bahagi ng kaparusahang katulad ng karampatang nakalaan sa mga sumusunod sa kanya na hindi mababawasan ang kanilang parusa.” (Muslim)
Ito ay isa sa mga katuwiran upang ang isang Muslim ay magsumikap na gawin ang makakaya ang pagbabago at ituwid ang hindi maganda sa pamayanan sa pagsasagawa ng kabutihan, pagtataguyod ng pagkamakatuwiran, sinasalansa ang kasamaan at nagbibigay ng babala sa mga tao sa paggawa nito.


  1. Pinahahalagahan ng Islam ang karunungan at kaisipan ng tao at hinihimok ang wastong pangangatuwiran. Ang Allah (U) ay nagsabi:

Pagmasdan! Sa mga Kalangitan at sa Kalupaan ay mga tanda para sa naniniwala. At sa pagkakalikha sa inyo, at sa lahat ng hayop na nangagkalat sa lupa ay tanda para sa mga taong may tunay na pananampalataya. At sa pagsasalitan ng gabi at araw at ang pagpapalang ibinababa ng Allah mula sa langit ang tubig (ulan) at mula rito ay muling nabuhay ang tigang na lupa at ang pag-ihip ng hangin ay tanda para sa mga taong may pag-iisip” (Qur’an 45: 3-5)


Karaniwang nilalaman ng Qur’an ay ang tuwirang pakikipag-ugnayan sa kaisipan ng tao ng ganito: (“Sila ba ay walang pang-unawa?”) (“Hindi ba sila nag-iisip…?”) (“Hindi ba nila napag-iisipan?”). Itinuturo ng Islam ang hanggahan sa pag-iisip ng mga mahahalagang bagay at kung paano gamitin ng isang tao ang kanyang pag-iisip, na kailangan gamitin ito upang maunawaan at maintindihan ang mga nakikita at nahihipong mga bagay; datapwa’t hindi niya malirip ang mga di nakikitang bagay ng mga ibang nilikhang hindi nakikitang kamunduhan, sapagkat ito ay hindi mahalaga at pag-aaksaya lang ng lakas at panahon.
Ang isang malinaw na pagrespeto ng Islam sa pangkaisipan ay ang pagpuna sa mga taong sinusunod at tinutularan ng pikit-mata ang mga ibang tao na wala namang kaalaman at patnubay. Ang Allah (U) ay nagsabi;
"At kung sabihin sa kanila: Sundin kung ano ang ipinahayag ng Allah, sila ay nagsabi: Aming sinusunod kung ano ang natagpuan namin sa aming mga ninuno. Ano! Kahit ba ang kanilang mga ninuno ay mangmang (at salat sa kaalaman) at walang patnubay?" (Qur’an, 2: 170)
18) Ang Deen ng Islam ay umaalinsunod sa likas na kalooban ng tao, kung paano siya nilikha ng Allah (U). Magkagayon, ang Islam ay hindi sumasalungat sa Fitra (ang likas na kaugalian ng tao). Ang Allah (U) ay nagsabi ;
“…sa Fitrah ng Allah (ang likas na damdamin ng paniniwala at pagsamba sa tanging isang Rabb, Panginoon) sa gayunding (konsepto) nito (Fitrah) ay Kanyang nilikha ang lahat ng mga tao. Walang anumang pagbabago ang marapat (sa Deen ng Allah). Ito ang tuwid na pananampalataya, datapwa’t ang karamihan sa mga tao ay walang kaalaman.” (Qur’an 30:30)
Ang Fitrah ay maaaring mamantsahan sa mga ibang pagkakataon mula sa panglabas na kadahilan, na siyang sanhi upang lumihis mula sa tamang landas. Ang Propeta () ay nagsabi:
Ang sanggol ipinanganak maliban sa kalagayan ng Fitrah (sa Deen ng Islam) subali't ang kanyang mga magulang ay pinalaki siya bilang isang Kristiyano, Hudyo o Zoroastrinismo.” (Bukhari)
Ito ang Deen na nagtataguyod sa tama at matuwid na landas. Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi;
Sabihin (O Muhammad); Katotohanan, ang aking Panginoon ay namatnubay sa akin sa tuwid na landas, isang tuwid na pananampalataya, ang pananampalataya ni Abraham (na Hanifan, ang paniniwala sa Iisang Diyos, ang Allah) at kailanman, siya ay hindi kabilang sa lipon ng mga sumamba sa iba maliban sa Allah.” (Qur’an 6:161)
Wala sa katuruan ng Islam ang sumasalansang sa likas o dalisay na talino ng tao, higit pa dito, nagpapatunay ang wagas na karunungan sa katotohanan, kaangkupan at nakikinabang sa katuruan ng Islam. Ang lahat ng pag-uutos at ang mga ipinagbabawal ng Islam ay makatuwiran. Hindi ito nag-uutos ng anupaman kundi ang isang tiyak at ganap na kapakinabangan. Gayun din, nagbabawal ng mga bagay na sadyang nakasasama ang mga ito, o kaya naman ang kasamaan dito ay higit kaysa sa dulot na kabutihan. Ito ay mapapatunayan kung ang isang tao ay magbasa at mag-isip sa katuruan ng Qur’an at sa mga kaugalian at tradisyon ng Sugo ng Allah ().
19) Pinalaya ng Islam ang tao mula sa pagsamba sa mga nilikha maging ang mga sinasamba ay mga propeta, mga anghel, at iba pang mga bagay tungo sa malinis na pagsamba sa Nag-iisang Tagapaglikha-ang Dakilang Allah. Ito ay matatamo lamang sa pamamagitan ng katotohanan na walang makapagdudulot ng kabutihan o kapinsalaan maliban sa kapahintulutan ng Dakilang Allah (U). Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi:
“…At (sila ay) hindi nagtataglay ng pananakit o kapakinabangan sa kanilang mga sarili at hindi sila nagtataglay ng buhay at kamatayan o ng kakayahang bumuhay ng patay.” (Qur’an 25:3)



  • Ang lahat ng pangyayari o bagay ay nasa Kamay ng Allah (U). Ang Allah (U) ay nagsabi:

Kung ang pighati ay ipinagkaloob sa iyo ng Allah, walang sinuman ang makapapawi nito maliban sa Kanya. At kung Siya ay magnais sa iyo ng kabutihan, walang makapipigil ng Kanyang Pagpapala. Ipinagkakaloob Niya ito sa kaninumang aliping Kanyang nais…” (Qur’an 10:107)


Ang Sugo ng Allah () sa kabila ng mataas niyang antas sa paningin ng Allah (U) ay nakararanas ng kapighatian, magkagayon, ang ganitong kalagayan ay nararanasan din ng ibang tao. Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi:
Sabihin mo (O Muhammad) "Ako ay walang kapangyarihan upang ito ay makapagdulot ng kabutihan o kapinsalaan sa aking sarili maliban sa kapahintulutan ng Allah. Kung ako man ay mayroong kaalaman tungkol sa Al-Ghaib, marahil ako ay naglaan para sa aking sarili ng masaganang kayamanan, at marahil walang anumang kasamaan ang maaaring sumaling sa akin. (Subali't, ang katotohanan nito) Ako ay isa lamang tapapagbabala, at isang tagapaghatid ng magagandang balita para sa mga taong nananampalataya. (Qur’an 7: 188)
Pinalalaya rin ang kaisipan ng tao mula sa kalungkutan, sakit ng kalooban, pangamba at pag-aalinlangan sa pamamagitan ng pagbibigay lunas nito. Kung ang isang tao ay may pangamba sa kamatayan, ang Allah (U) ay nagsabi:
Walang sinuman ang mamamatay maliban sa kapahintulutan ng Allah at sa itinakdang (panahon).” (Qur’an 3:145)


  • Bagamat ang tao ay umiiwas sa kamatayan, ito ay hindi mapaglalabanan at ito ay sadyang magaganap sa kanya. Ang Allah (U) ay nagsabi:

Sabihin (sa kanila, O Muhammad): Alalahanin! Ang kamatayan na inyong iniiwasan ay katiyakang ito ay magaganap, katiyakang ito ay inyong makakatagpo…” (Qur’an 62: 8)




  • Sa pangamba ng kahirapan at paghihikahos, ang Allah (U) ay nagsabi ;

“…Walang hayop sa kalupaan na hindi umaasa sa Allah. Siya (Allah) ang nakaaalam ng kanilang mga pinagkukunan at pinagtataguan. Lahat ay nasa maliwanag na Talaan.” (Qur’an 11:6)




  • Sa pangamba ng sakit at sa mga ibang pagdadalamhati, ang Allah (U) ay naglahad:

Walang masamang pangyayari ang dumating dito sa kalupaan o sa inyong mga sarili na hindi nakatala sa Talaang Aklat bago Namin ito pinapangyaring matupad. Pagmasdan! Ito ay sadyang madali sa Allah--- upang hindi ninyo ikalungkot ang bagay na nakalipas sa inyo o di kaya ay magalak dahil sa bagay na ipinagkaloob sa inyo. Hindi minamahal ng Allah ang mga taong mapagmalaki at mayayabang.” (Qur’an 57: 22-23)


Kung may kinakatakutang pinsala o pananakit mula sa mga nilikha ng Allah (U), ang Sugo ngAllah () ay nagsabi;
Pangalagaan ang inyong sarili mula sa pagmamalabis o paglabag sa itinakdang batas ng Allah at pangangalagaan ka ng Allah at ikaw ay Kanyang papatnubayan mula sa paghihirap dito sa mundo at sa Kabilang Buhay. Alalahanin mo ang Allah sa oras ng iyong kaginhawahan at ikaw ay alalahanin niya sa oras ng iyong kahirapan. Kung ikaw ay humiling… humiling sa Allah at kung ikaw ay hihingi ng tulong… ikay ay humingi mula sa Allah. Ang lahat ng pangyayaring magaganap ay naitala o naitadhana na. Kung ang mga tao ay magtangkang magbigay sa iyo ng kapakinabangan na hindi ito itinadhana o itinala ng Allah, hindi nila ito maibibigay sa iyo. Gayon din kung ang mga tao ay magtangkang gumawa ng kasamaan sa iyo na hindi itinalaga o itinadhana ng Allah, hindi nila maaaring gawin sa iyo ito. Kung ikaw ay may kakayahang magtiis, ito ay iyong gawin. At kung hindi mo kaya, matuto kang magpaumanhin sapagkat ang mga bagay na hindi mo ninanais ay maghahatid sa iyo ng higit pang kabutihan. Alalahanin mo na ang tagumpay ay makakamtan sa pamamagitan ng pagtitiis, na pagkaraan ng dalamhati ay may dalang kasiyahan, at kapag may hirap ay may ginhawa. (Haakim)
20) Ang Islam ay Deen (Relihiyon) ng katamtaman, maging sa pananampalataya at makamundong bagay. Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi;
Kayo ay Aming ginawang makaturangang pamayanan (may pinakamainam na pananampalataya) upang kayo ay maging saksi sa sangkatauhan at ang Sugo ay maging saksi sa inyo...” (Qur’an 2:143)


  • Ang Islam ay Deen ng kaginhawaan. Ang Propeta () ay nagsabi;

Hindi ako isinugo ng Allah upang gawin mahirap ang mga bagay, bagkus, ako ay isinugo bilang isang guro upang gawing madali (at magaan) ang mga bagay para sa tao.” (Muslim)




  • Itinuturo ng Islam sa mga tao na gawing magaan ang lahat ng bagay. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi;

Magbigay ng saya at magandang balita at huwag gumawa ng nakasusuklam na bagay upang lumayo ang mga tao. Gawing madali ang mga bagay at magaan at huwag gawing masalimuot at mahirap para sa mga tao”. (Muslim)




  • Ang Islam ay Deen (Relihiyon) ng pagpaparaya, pagtitiis, pagpapatawad at kabutihan. Si Aishah (nawa’y kalugdan siya ng Allah), ang asawa ng Propeta (), ay naglahad na may pamgkat ng mga Hudyo na nagtungo sa Propeta () at sinabi;

Kamatayan ay mapasaiyo”… si Aishah ay sumagot, ‘at mapasainyo din ang kamatayan at mga sumpa’. Sinabi ng Sugo ng Allah; ‘Sandali lang Aishah, katotohanan na mahal ng Allah ang pagiging mabait at mapagpatawad sa lahat ng bagay.’ Sinabi niya, ‘O Propeta ng Allah, hindi mo ba narinig ang kanilang sinabi?’ Ang Sugo ng Allah ay sumagot, ‘Sinabi ko na sa kanila na; ‘Mapasainyo rin…’” (Bukhari)




  • Ang Islam ay Deen (Relihiyon) na naglalayon ng kabutihan at kapakanan para sa lahat ng tao. Ang Propeta () ay nagsabi;

Ang pinakamabuting tao sa harap ng Allah ay sila na nagbibigay ng pinakamaraming kapakinabangan sa ibang tao. Ang pinakamabuting gawain sa mata ng Allah ay ang mga nagbibigay kasiyahan sa ibang Muslim, dinadalhan siya ng ginhawa, binabayaran ang pagkakautang o kaya ay pinapawi ang gutom ng iba. Mas mainam para sa akin ang paglalakad upang makatulong sa mga nangangailangan kaysa manatiling nagtatago sa Masjid sa pagdalangin sa loob ng isang buwan. Kung sinuman ang pumipigil ng kanyang galit, tatakpan ng Allah ang kanyang pansariling gawain. Sinuman ang nagpipigil ng kanyang pangangalit kahit na siya ay maaaring gumanti, ang puso niya ay pupunuin ng ligaya ng Allah sa Araw ng Pagkabuhay-Muli. Sinuman ang tumulong sa kanyang kapatid na Muslim sa kanyang pangangailangan, gagawin ng Allah na maging matatag ang kanyang paa sa araw na ang mga paa ng mga tao ay dumudulas. Katotohanan na ang masamang ugali ay sumisira sa kanyang mabubuting gawa tulad ng suka na sumisira (sa lasa) ng pulut-pukyutan.” (Tabarani)




  • Ang Islam ay Deen (Relihiyon) ng kahinahunan o katamtaman at hindi kahirapan. Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi:

Hindi binigyan ng pasanin ng Allah ang isang tao nang higit sa kanyang makakayanan. Siya ay nagtatamo ng gantimpala para sa gayong (kabutihan) na kanyang pinagpaguran, at siya ay maparurusahan sa anumang (kasamaan) kanyang nagawa…”(Qur’an 2: 286)




  • Ang lahat ng Kautusan ng Islam ay naitatag mula sa prinsipiyong ito. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:

Anuman ang aking ipinagbabawal, iwasan ito. At anuman ang aking iniatas, gawin sa abot ng inyong makakayanan, sapagkat sa katotohanan, ang mga nauna sa inyo ay nangawasak at nangapinsala sanhi ng kanilang pagpupumilit sa pagtatanong at sa lagi nang di-pagsang-ayon sa kanilang mga Propeta.” (Muslim)


Ang magandang katibayan dito ay ang kasaysayan ng isang kasamahan na nagtungo sa Propeta ng Allah () at nagsabi ;
O Sugo ng Allah ako ay nagkasala’, Ang Sugo ng Allah ay nagtanong; “Ano bang nangyari sa iyo.” Siya ay sumagot; ‘Ako ay nakipagtalik sa aking asawa habang ako ay nag-aayuno.’ Ang Sugo ng Allah ay nagtanong sa kanya: “Kaya mo bang magpalaya ng alipin?” Siya ay sumagot, "Hindi". Ang Sugo ng Allah ay nagtanong; “Kaya mo bang mag-ayuno ng dalawang buwan na magkasunod?” Siya ay sumagot, "hindi rin". Ang Sugo ng Allah ay nagtanong; “Kaya mo bang magpakain ng (60) anim napung mahihirap na tao?” Siya ay sumagot, "hindi pa rin". Ang Sugo ng Allah ay tumahimik habang sa ganoong kalagayan, may isang basket na puno ng bunga ng datiles ang ibinigay sa kanya. Siya ay nagtanong; “Nasaan yung nagtatanong?” Ang tao ay sumagot: ‘ako ay naririto’. “Dalhin mo itong basket (ng datiles) at ibigay mo sa kawanggawa.” Ang tao ay nagsabi; ‘Ibibigay ko ba ito sa isang higit na mahirap kaysa sa akin?, Isinusumpa ko sa Allah na walang pamilya (sa pagitan ng dalawang bundok ng Medina) na higit na mahirap kaysa sa akin.’ Ang Sugo ng Allah ay ngumiti hanggang lumabas halos ang kanyang mga ngipin (mga bagang) at saka nagsabi: “Pakainin mo ang iyong pamilya sa mga ito.” (Bukhari)
Lahat ng prinsipiyo at pagsamba sa Islam ay naaayon o tumutugma sa kakayahan ng tao at hindi ito nagiging pabigat o pasanin. Gayon pa man, maaari din na ang isang Muslim ay mapagpaumanhinan sa hindi niya pagsasakatuparan ng mga itinakdang kautusan o pagsamba, tulad ng mga sumusunod na halimbawa:
a) Isa sa tungkulin sa pagsasagawa ng pagdarasal ay ang pagtayo kung ang isang tao ay may kakayahang tumayo. Kung wala siyang kakayahang tumayo, ang isang nagdarasal ay maaaring magsagawa ng pagdarasal sa nakaupong paraan, kung hindi niya kaya, maaaring sa nakasandal na paraan at kung hindi pa rin kaya, maaari siyang magdasal sa pamamagitan ng senyas lamang (kung siya ay nakahiga).
b) Ang pagbabayad ng Zakat (kawanggawa) ay hindi tungkulin ng isang Muslim na hindi nakaabot (nakaipon) sa itinakdang halaga ng pagbabayad ng salapi o ari-arian. Sa kaibahan pa nito, ang isang taong maralita ay maaari pang tumanggap ng Zakat (kawanggawa).
c) Ang mga Muslim ay maaaring mapagpaumanhinan sa pagsasagawa ng pagdarasal at pag-aayuno, kung sila ay maysakit, ang mga babaeng buntis at sa kanilang buwanang regla at sa kanilang pagdurugo sa panganganak.
d) Yaong walang kakayahang pananalapi at pisikal (hindi malusog) ay walang tungkulin sa pagsasagawa ng Hajj hanggang sumapit ang panahon na siya ay mayroon ng kakayahang pananalapi at pangangatawan. Ang Allah (U) ay nagpahayag:
“…At ang Hajj (paglalakbay sa Makkah) sa Banal na Tahanan ay isang tungkulin sa Allah ng Sangkatauhan, siya na may kakayahang pumaroon…” (Qur’an 3: 97)


  • Kung ang isang tao ay nasa bingit ng kamatayan, siya ay pansamantalang pinahihintulutang kumain ng mga pagkaing ipinagbabawal alinsunod sa kanyang pangangailangan, katulad ng baboy at alak (maliban na siya ay hindi makakita ng mga pagkaing pinahihintulutan). Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi:

“…Nguni't kung siya ay nasa bingit ng pangangailangan, at wala siyang tangkang sumuway o lumagpas sa hangganan samakatuwid hindi niya ito kasalanan…” (Qur’an 2: 173)


Sa pamumuna sa talatang ito, sinabi ni G. Sayyed Qutb na: “Ito ay prinsipiyo na tinatanggap ang tao bilang tao hindi bilang isang hayop, anghel o demonyo. Tinatanggap ng Islam maging ang kahinaan at lakas nito, at itinuturing nito bilang isang bagay na may katawang may damdamin, kaisipan na may kakayahang mangatuwiran at kaluluwa na may pag-asa at adhikain. Ipinag-uutos din sa tao ang kanyang tungkulin na maaari niyang pasanin at pinagpapayuhang panatilihin ang balanseng pagsasagawa ng tungkulin at ang kakayahan nito na hindi magbibigay hirap sa kanya.”

21) Ang Deen (Relihiyon) ng Islam ay iginagalang ang lahat ng banal na Relihiyon sa kanilang orihinal na pagkakatatag at inuutusan ang mga Muslim na maniwala at mahalin ang mga Sugo na nagdala sa mga ito. Ang Allah (U) ay nagsabi;


Tunay! Sinuman ang hindi naniniwala sa Allah at sa Kanyang mga Sugo at sila ay naghahangad ng pagtatangi sa pagitan ng Allah at ng Kanyang mga Sugo at sinasabi; Kami ay naniniwala sa ilan nguni't hindi naniniwala sa iba at naghahangad ng daan sa pagitan.. ” (Qur’an 4:150)
Ipinagbabawal ng Islam sa mga Muslim ang pang-iinsulto sa ibang paniniwala o Relihiyon. Ang Allah (U) ay nagsabi ;
Huwag hamakin (alipustain) yaong mga sumasamba sa iba bukod sa Allah sapagkat maaari nilang alipustain (hamakin) ang Allah sanhi ng kamangmangan…” (Qur’an 6: 108)
Manapa’y, nag-aanyaya ang Islam sa lahat para sa isang mabuti, maganda at makatuwirang pakikipag-ugnayan. Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi:
Mag-anyaya sa landas ng inyong Panginoon nang may karunungan at makatarungang paghihikayat at makipag-talakayan sa kanila sa paraang mahusay…”(Qur’an 16:125)
Tinatawagan ng Islam ang mga Muslim na itaguyod ang kusang pakikipag-talakayan upang magkaisa ang mga tao sa banal na pamamaraan. Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi ;
Yüklə 1,03 Mb.

Dostları ilə paylaş:
1   2   3   4   5   6   7   8   9   ...   14




Verilənlər bazası müəlliflik hüququ ilə müdafiə olunur ©genderi.org 2024
rəhbərliyinə müraciət

    Ana səhifə