Ang mensahe ng islam



Yüklə 1,03 Mb.
səhifə5/14
tarix16.11.2017
ölçüsü1,03 Mb.
#10373
1   2   3   4   5   6   7   8   9   ...   14

"Sabihin: O, Mga taong pinagkalooban ng (Banal) Kasulatan! (Hudyo at Kristiyano) Halina sa isang salita na makatarungan sa amin at sa inyo: na wala tayong dapat sambahin maliban sa Allah, na hindi tayo mag-uugnay ng sinupaman (bilang diyos bukod pa sa Allah), na wala tayong itatakdang (iba pang) Panginoon bukod sa Allah. Pagkaraan nito, kung sila ay magsilayo (magsitalikod), inyong sabihin: “Kayo ang saksi na kami ay Muslim (sumusuko at sumasamba lamang sa Allah)”. (Qur’an 3: 64)
22) Ang Islam ay Deen ng Kapayapaan sa tunay na kahulugan nito, kahit na ito ay nasa loob ng pamayanan, tulad ng pagsabi ng Propeta ();
"Sasabihin ko ba sa inyo kung sino ang tunay na mananampalataya18? Siya ang taong pinagkakatiwalaan ng ibang tao sa kanilang yaman at buhay… Ang isang Muslim ay yaong ligtas ang ibang tao sa kanyang mga kamay at dila. Ang tunay na ‘Mujaahid’ (ang tagapagtanggol sa Landas ng Allah) ay yaong nagsusumikap sa pagtupad ng lahat ng kautusan ng Allah. Ang isang ‘Muhaajir’ (ang taong lumikas sa pook na walang paniniwala at nagtungo o lumikas sa pook na may paniniwala) ay siyang tumalikod sa mga masasamang gawain”. (Ibn Hibbaan)
…O kaya ay sa pang-daigdigang kahulugan, na ito ay batay sa pagpapatayo ng kapatirang pagdadamayan na walang pananalakay sa gitna ng pamayanan ng mga Muslim at di-Muslim. Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi ;
"O kayong mananampalataya ! Magsipasok kayo sa Islam nang lubusan at ganap (tulad ng pagsunod sa lahat ng alituntunin at patakaran ng Deen) at huwag sumunod sa mga yapak ng ‘Satanas’. Katotohanan ! siya ay inyong malinaw na kaaway.” (Qur’an 2 :208)
Ang Islam ay nag-uutos na tutulan at lumaban sa mga taong mapang-api o mapang-abuso. Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi:
“…At sinumang nagtaboy sa inyo, itaboy rin sila sa paraan ng pagtaboy sa inyo…” (Qur’an 2:194)
Upang makatiyak na ang kapayapaan ay mananatili, ang Islam ay nag-uutos sa mga Muslim sa panahon ng digmaan na tumanggap ng kasunduang pangkapayapaan at pagilin ang labanan kung ito ay hinihiling ng mga kaaway. Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi ;
Nguni't kung sila ay humiling ng kapayapaan, nararapat ding kayo ay magbigay ng kapayapaan at ibigay ang pagtitiwala sa Allah. Katotohanan, Siya ang Palakinig at Maalam.” (Qur’an 8: 61)
Habang ang Islam ay nakatuon sa layon ng kapayapaan, hindi nangangahulugan na magpapakababa ang mga Muslim para lamang sa kapayapaan bagkus nag-uutos sa kanila na panatilihin ang kapayapaan habang ang kanilang dangal ay nananatiling walang dungis. Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi:
Kaya, huwag panghinaan ng loob at huwag humingi ng kapayapaan (mula sa mga kaaway ng Islam) habang kayo ay nasa kakayahang (magtanggol). At ang Allah ay nasa sa inyo at hindi Niya babawasan ang gantimpalang (nakalaan) sa inyong mabubuting gawa.” (Qur’an 47: 35)
23) Walang sapilitan sa Deen ng Islam, tulad ng patakaran sa pagyakap sa Islam, ito ay batay sa katapatang nagmumula sa puso at katiyakan sa pananalig. Ang pamimilit ay hindi isang pamamaraan ng pagpapalaganap ng Islam at ng mga katuruan nito. Ang Allah (U) ay nagsabi:
Walang sapilitan sa relihiyon. Tunay na ang katotohanan ay mangingibabaw laban sa kamalian…”(Qur’an 2: 256)
Pagkaraan na ang Da’wah (ang pag-anyaya ng Islam) ay dumating sa mga tao at ito ay naipaliwanag sa kanila, mayroong silang karapatan na pumili kung ano ang kanilang pasiya. Ayon sa Islam, ang mga tao ay may karapatan na tanggapin o tanggihan ang Da’wah. Ang Dakilang Allah (U) ay nagpahayag :
At sabihin; ang katotohanan ay mula sa inyong Panginoon. Samakatuwid, kung sinuman ang magnais, hayaang manampalataya at kung sinumang ang di-magnais, hayaang huwag maniwala.” (Qur’an 18: 29)
Ang pananampalataya at ang patnubay ay mula sa Kamay ng Makapangyarihang Allah (U). Siya ay nagsabi;
At kung nanaisin lamang ng iyong Rabb (Panginoon), ang lahat ng tao na nasa kalupaan ay sasampalataya nang sama-sama. Kaya’t ikaw ba (O Muhammad), ay iyong pipilitin ang sangkatauhan hanggang sa sila ay maging mananampalataya?” (Quran 10:99)
24) Mula sa marangal at bantog na katangian ng Islam ay ang pagpapahintulot nito sa mga taong tumutuligsa mula sa mga ‘taong pinagkalooban ng Kapahayagan o Kasulatan’19 na magsagawa ng kani-kanilang pagsamba sa kani-kanilang relihiyon. Si Abu Bakr () ay nagsabi;
Inyong madadaanan ang ilang tao na deboto sa kanilang Monasteryo, hayaan sila at sa mga bagay na kanilang pinaglalaanan ng debosyon.” (Tabari)
Sa kanilang karapatan pangmamamayan, tulad ng pagpapakasal, diborsyo, pang-kalakalan, mayroon silang kalayaan na sundin ang batas ng kanilang relihiyon batay sa alituntunin na itinatag ng Islam.
25) Hinihikayat ng Islam sa mga Muslim na magpalaya ng mga alipin sapagkat ito ay may nakalaang pangako ng dakilang gantimpala sa mga gumawa nito, ang ibig sabihin nito ay ang Paraiso. Ang Propeta () ay nagsabi;
Sinuman ang nagpalaya ng alipin, papalayain ng Allah ang bawat bahagi na kanyang pinalaya mula sa Impiyerno…” (Muslim)
Ginawang legal ng Islam ang isang paraan na maaaring maging alipin ang isang tao… kung ito ay naging bihag sa panahon ng digmaan. Ito ay pinahintulot lamang batay sa pahintulot ng pinuno ng mga Muslim, sapagkat sa Islam, ang mga bihag ng digmaan ay tinatrato sa pamamagitan ng kautusan ng Allah (U). Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi;
Kaya, kung inyong makaharap sa labanan yaong mga Kafir, tigpasin ang (kanilang) mga leeg hanggang sila ay inyong ganap na magapi at sila ay igapos nang mahigpit (bilang inyong mga bihag). Pagkaraan niyaon, (sila ay inyong palayain na walang tubos) magbigay ng mabuting-loob o di kaya naman ay humingi ng kabayaran (tubos) hanggang ang digmaan ay lubusang magmaliw…" (Qur’an 47:4)
Sa kabila nito, gumawa ng mga batas ang Islam upang makalaya ang mga bihag at mga alipin. Ang pagpapalaya ng alipin ay isang pagbabayad ng isang uri ng kasalanan sa Islam, tulad ng mga sumusunod ;


  • Ang pagpatay na hindi sinasadya. Ang Makapangyarihang Allah (U) ay nagsabi;

“ …Sinumang pumaslang sa isang Muslim ng hindi sinasadya, nararapat siyang magpalaya ng isang alipin, magbayad ng diyah (karampatang salapi sa pamilya ng namatay) maliban kung ang pamilya nito ay ituring na lamang ito para sa iyo bilang kawanggawa. At kung ang biktima ay mula sa mga taong may galit sa iyo at siya ay mananampalataya, samakatuwid, (ang kabayaran) ay ang pagpapalaya ng isang mananampalatayang alipin. At kung siya ay nagmula sa angkan na may namamagitang kasunduan sa inyo, ang pagbabayad ng salapi ay dapat ipagkaloob at ang pagpapalaya ng mananampalatayang alipin…” (Qur’an 4: 92)




  • Sa di-pagtupad ng pangako: Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi ;

Ang Allah ay hindi nagpaparusa sa mga hindi sinasadyang pangako (panunumpa). Nguni't magpaparusa sa mga sinadyang di-pagtupad na pangako (panunumpa). Ang pagbabayad-sala nito ay ang pagpapakain ng sampung taong mahihirap, (katumbas ng dami ng pagpapakain ng sariling pamilya) o ang pagbibigay damit sa kanila o ang pagpapalaya ng isang alipin…” (Qur’an 5: 89)




  • Ang pagturing sa asawa bilang bawal sa kanyang sarili20. Ang Allah (U) ay nagsabi;

At yaong nagturing ng pakikipaghiwalay (diborsiyo) sa kanilang mga asawa sa pamamagitan ng Zihar21, at nagnanais na bawiin (o ipawalang-saysay) ang mga salita na kanilang binitawan, (ang kabayaran) sa gayong kaso ay ang pagpapalaya ng isang alipin bago sila magtalik sa isa’t-isa: Ito ay isang paalaala sa inyo (upang hindi ninyo muling tangkaing gawin ang gayong kasuklam-suklam na bagay)… (Qur’an 58:3)




  • Ang pakikipagniig sa asawa sa araw ng pag-aayuno sa buwan ng Ramadan. Si Abu Hurairah () ay nag-ulat na ang isang tao ay nakipagtalik sa kanyang asawa habang nag-aayuno sa buwan ng Ramadan. Sinabi sa Propeta () at tinanong niya ang tao :

Makapagpapalaya ka ba ng alipin ?’ Siya ay sumagot ; ‘Hindi’. Tinanong ulit, ‘Kaya mo bang mag-ayuno ng dalawang buwan na magkasunod?’ Siya ay sumagot ulit ng ;‘Hindi’ Magkagayon, ikaw ay magpakain ng 60 – taong dukha.” (Muslim)





  • Ginawa ng Islam na ang kabayaran ng pananakit sa isang alipin ay ang pagpapalaya sa kanya. Ang Propeta () ay nagsabi ;

Kung sinuman ang sumampal o nanakit sa isang alipin, ang kabayaran nito ay ang pagpapalaya sa kanya. (Muslim)


Ang Deen (Relihiyon) ng Islam ay gumawa ng paraan upang makapagpalaya ng mga alipin, tulad halimbawa ng mga sumusunod ;


  • Inuutos ng Islam sa mga tao na tanggapin ang ‘Kasunduan ng Pagpapalaya’. Ito ay isang kasunduan ng isang alipin sa kanyang pinaglilingkuran para sa pagpapalaya ng una batay sa karampatang salaping ibabayad. Ayon sa mga Pantas na Muslim, na kung ang isang alipin ay nakiusap para sa kasulatan ng pagpapalaya, tungkulin ng kanyang pinaglilingkuran na sang-ayunan ang pakiusap ng kanyang alipin katulad ng nasasaad sa Qur’an:

“…At sa inyong mga alipin na humihiling ng kasulatan (para sa kanyang kalayaan) isulat para sa kanila kung inyong nalalaman ang anumang kabutihan sa kanila at ipagkaloob sa kanila (ang ibang bahaging) ipinagkaloob sa iyo mula sa yaman ng Allah…” (Qur’an 24:33)




  • Ginawang batas ng Islam na ang Zakat (ubligadong kawanggawa) ay maibigay upang makapagpalaya ng mga alipin at mga bilanggo. Ang Allah (U) ay nagsabi:

Ang kawanggawa (Zakat) ay para lamang sa mga mahihirap (faqir) at nangangailangan (miskin) at para sa mga maniningil ng Zakat at para sa taong ang puso ay nakalaan sa Islam at yaong alipin para sa kanilang paglaya at sa mga nagkautang at mga naglalakbay (na kinapos ng salapi) at mga nakikipaglaban sa landas ng Allah; ito ay isang tungkuling ipinag-utos ng Allah. Ang Allah ay Lubos na Maalam, Ang Tigib ng Karunungan.” (Qur’an 9:60)


26) Ang Deen ng Islam ay itinataas ang katayuan ng mga kababaihan at ibinibigay ang nararapat na karangalan. Ginawa silang kapuri-puri at iginagalang nang lubusan ang kanilang pagkatao. Ang Propeta () ay nagsabi;
Ang mga mananampalataya na may ganap na paniniwala ay sila na may pinakamabuti at magandang pag-uugali, at ang pinakamabuti sa inyo ay silang pinakamabuti sa kanilang mga asawa.” (Tirmidhi)
Ipinagtatanggol ng Islam ang makataong likas ng mga kababaihan at hindi siya (babae) sinisisi sa pagpapalayas kay Adan () mula sa Paraiso, o kaya siya ay isinasaalang-alang bilang pinagmulan ng kasalanan, tulad ng paniniwala ng mga ibang relihiyon. Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi;
O sangkatauhan! Matakot sa inyong Rabb (sa pamamagitan ng pagtalima sa Kanyang kautusan), na Siyang lumikha sa inyo mula sa iisang tao (Adam), at mula sa kanya ay nilikha Niya ang kanyang asawa [Hawwa (Eba)], at mula sa kanila’y nilikha Niya ang maraming kalalakihan at kababaihan. At matakot sa Allah na Siyang hinihingan ninyo (ng inyong mga karapatan) sa isa’t isa, at (huwag putulin ang ugnayan) ng mga sinapupunan22 (kamag-anakan). Katiyakan, ang Allah ay Lagi nang Nakamasid sa inyo.…” (Qur’an 4:1)
Itinanggi ng Islam ang nakasasakit na pananalita laban sa mga kababaihan, lalo na yaong mga nagtuturing na ang mga kababaihan ay mas mababa kaysa sa mga kalalakihan; na siyang nagtutulak sa pagkawala ng kanilang saligang karapatan pang-tao. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi;
Ang mga kababaihan ay kakambal (katuwang) ng mga kalalakihan.”23 (Abu Dawud)
Ipinagtatanggol ng Islam ang dangal at puri o kalinisan ng mga babae, tulad ng paglalapat ng kaparusahan sa mga taong nagpaparatang ng pakiki-apid laban sa mga malinis na babae. Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi;
At sila na nagpaparatang sa mga malilinis ng mga babae, at hindi makapagbigay ng apat na saksi, hagupitin sila ng walumpung hampas, at huwag tanggapin mula sa kanila ang kanilang pagsaksi kahit na kailan, katotohanang sila ay palasuway sa Allah.” (Qur’an 24:4)

Katulad ng mga kalalakihan, binigyan din ng katiyakan ng Islam ang mga karapatan ng mga kababaihan hinggil sa pamana, na sila ay inalisan ng karapatan bago dumating ang Islam. Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi;


Mayroong natatanging bahagi nakalaan sa mga kalalakihan at sa mga kababaihan sa anumang naiwan na kayamanan ng mga magulang at malalapit na kamag-anak (kapag sila ay yumao na), kahima’t ang ari-arian ay maliit o malaki; (ito ay) isang nakalaang bahagi.” (Qur’an 4:7)
Pinahintulutan ng Islam ang mga kababaihan na gawin ang kanilang kagustuhan tungkol sa kanilang mga yaman, tulad ng pamimili at pagtitinda na walang panghihigpit at pagtatakda maliban na lamang kung ito ay ipinagbabawal ng Deen ng Allah (U). Ang Allah (U) ay nagsabi;
O kayong nagsisisampalataya! Magsipagbigay kayo ng mga mabubuting bagay na inyong kinita (nang malinis)…” (Qur’an 2:267)
Ginawang tungkulin ng Islam para sa mga kababaihan ang pag-aaral at maging maalam. Ang Propeta () ay nagsabi;
Ang paghahanap ng karunungan ay tungkulin para sa lahat ng Muslim” (Ibn Maajah)
Ginawang tungkulin ng Islam na ang mga babae ay nararapat tumanggap ng mabuting pagtuturo at tamang pagpapalaki, na ito ay isang paraan para ang isang tao na siya ay makapasok sa Paraiso. Ang Propeta () ay nagsabi;
Sinuman ang may tatlong anak na babae, sila ay kanyang nilingap, iniingatan, at naging mahabagin sa kanila, siya ay makapapasok sa Paraiso.’ Ang isang tao ay nagtanong; ‘O Sugo ng Allah, ‘Kung dalawa?’ Siya ay nagsabi; ‘Kahit na dalawa.” (Al-Adab Al-Mufrad)
27) Ang Islam ay Deen ng kadalisayan, kahima’t ito ay pangkatawan o pang-ispirituwal. Ang mga pang-ispirituwal na kalinisan ay ang mga sumusunod;


  • Kadalisayan mula sa kasalanang Shirk (ang pagbibigay ng katambal sa pagsamba sa Allah, U). Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi;

“…Katotohanan, ang pagtatambal ng iba pa sa pagsamba sa Allah ay tunay ngang pinakamatinding kamalian.” (Qur’an 31:13)




  • Kadalisayan mula sa kasalanang Riyaa (i.e. paggawa ng kabutihan upang makita lamang ng mga tao). Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi;

Kaya’t kasawian sa mga Munafiq (taong mapagkunwari) na nagsasagawa ng Salah (takdang pagdarasal). Na nagpapabaya ng kanilang Salah sa takdang oras. Na nagsasagawa lamang ng Salah at mga kabutihan bilang pakitang-tao upang mamalas (ng mga tao). At tumangging magbigay ng kahit na katiting na tulong sa kapwa niya…” (Qur’an 107:4-7)




  • Kadalisayan mula sa labis pagpapahalaga sa sariling gawa. Ang Dakilang Allah (U) ay naglahad ng kasaysayan tungkol sa anak ni Luqman;

At huwag ibaling ang iyong mukha mula sa mga tao nang may pagmamalaki at huwag lumakad sa kalupaan nang may pangmamataas (at pagyayabang). Katotohanan, hindi minamahal ng Allah ang mayabang (at mapagmalaki).” ( Qur’an 31:18)




  • Kadalisayan mula sa kasalanan ng karangyaan o kayabangan. Ang Propeta () ay nagsabi;

Kung sinuman ang kumaladkad ng kanyang damit (sa lupa) sanhi ng pagmamalaki at pagyayabang (lamang), hindi siya titingnan ng Allah sa Araw ng Pagbabangong Muli.” (Bukhari)


Kadalisayan mula sa kasalanan ng pagpapahalaga o pagmamataas sa sarili. Ang Propeta () ay nagsabi;
Sinuman ang may katiting na pagmamalaki sa kanyang puso ay hindi makapapasok sa Paraiso.” Ang isang tao ay nagtanong: ‘O, Sugo ng Allah, kung ang isang taong nais manamit ng magaganda at magsuot ng sapatos na mararangya?’ Ang Sugo ng Allah ay nagsabi: ‘Ang Allah ay maganda, at nais Niya ang Kagandahan. Ang pagmamalaki ay yaong tumatangging tumanggap sa katotohanan at minamaliit ang ibang tao.” (Muslim)


  • Kadalisayan mula sa kasalanang pagkainggit. Ang Propeta () ay nagsabi;

Ang sakit ng mga naunang mamamayan (pamayanan) ay nakapinsala sa inyo… ito ang paninibugho at pagkapoot. Ang mga kaugalian na ito ay siyang pupuksa sa Deen, tulad ng labaha ay ginagamit sa pag-ahit ng buhok. Isinusumpa ko sa Kanya na Siyang may tangan ng aking kaluluwa, kayo ay hindi makapapasok sa Paraiso hanggang kayo ay di-mananampalataya, at kayo ay hindi maaaring maging mananampalataya hanggang hindi kayo magmahalan sa isa’t-isa…tuturuan ko kayo ng isang bagay, na kung ito ay inyong gawin, katiyakan na kayo ay magmahalan. Magbatian kayo sa bawa’t isa ng pagbating Salaam.” (Abu Dawood)




  • Tungkol sa kadalisayan sa pangkatawan. Ang Allah (U) ay nagsabi;

O kayong Mananampalataya! Kung kayo ay maglayong magsagawa ng Salaah, hugasan24 ang inyong mga mukha, mga kamay (braso) hanggang mga siko, haplusin ng basang kamay ang inyong mga ulo at hugasan ang inyong mga paa hanggang (sa hugpong ng) bukung-bukong. Kung kayo ay nasa kalagayan ng Janaba (pagkatapos ng pakikipagtalik) gawing dalisay ang inyong mga sarili (sa pamamagitan ng paliligo ng buong katawan). Nguni’t kung kayo ay may karamdaman o kaya’y nasa oras ng paglalakbay o sinuman ang nanggaling mula sa likas na tawag ng pangangailangan, o nagkaroon ng pakikipagtalik sa mga kababaihan at (sa gayong pagkakataon) ay wala kayong matagpuang tubig-magsagawa ng Tayammum25 sa pamamagitan ng malinis na lupa at ito ay ihaplos (idampi) sa mukha at mga kamay. Hindi nais ng Allah na kayo ay magdanas ng kahirapan nguni’t nais (lamang) Niyang kayo ay maging malinis, at gawin Niyang lubos ang pagpapala sa inyo upang sakali kayo ay (matutong) magpasalamat.(Qur’an 5:6)


Si Abu Hurairah () ay nag-ulat na sinabi ng Propeta ():
‘Ang binanggit na talata ay naipahayag upang ilarawan ang mga naninirahan sa Qubaa’; “…
"… naririto ang mga tao na nagnanais na linisin at padalisayin ang kanilang sarili. At ang Allah ay nagmamahal sa mga taong nagpapadalisay sa kanilang sarili.” (Qur’an 9:108)
Sila ay naglilinis sa pamamagitan ng tubig (pagkatapos gumamit ng palikuran)”,… kaya ang talata na ito ay naipahayag tungkol dito.” (Tirmidhi)
28) Ang Deen ng Islam ay may dakilang lakas sa kalooban… kapag ito ay pumasok sa puso, lagi nang sumasagi sa ala-ala ninuman. Sa ganitong kadahilanan, marami ang pumapasok sa Islam, sa kabila ng kahinaan sa tulong na pananalapi at moral na tagapagtaguyod na natatanggap ng mga tagapangasiwa ng Dawah (Tagapagtawag sa Islam). Bagama’t ang mga kaaway ng Islam ay gumugugol ng napakalaking halaga upang sirain at wasakin ang magandang larawan ng Islam, tulad ng mga maling paratang na ipinupukol dito. Magkagayonman, marami pa rin ang yumayakap sa Islam. Bihira lamang ang taong yumayakap sa Islam at pagkaraan ay tumatalikod. Ang panloon na lakas ng Islam ay may panlaban din sa mga taga Silangan, na nag-aaral sa Islam upang pag-alinlanganan ang katotohanan ng Islam. Ang kagandahan ng Islam, ang mga makatotohanang prinsipiyo nito, na umaalinsunod sa likas na kalooban ng tao at ng kanyang pang-unawa at pag-iisip, ang siyang naging daan ng kanilang pagbabago ng buhay, at dahil dito, marami ang tumatanggap sa Islam. Ang mga kaaway ng Islam ay nagpapatunay sa Islam bilang tunay na relihiyon. Si G. Gibb ay nagsabi;
Magkagayon, kung ang Qur’an ay nagmula lamang sa kanyang sariling pagkatha at pagsisikap, katiyakang ang mga ibang tao ay maaaring makipagtagisan ng pagkatha dito. Hayaan silang kumatha at magpakita ng sampung talata katulad ng mga ito (Qur’an). Kung sila ay hindi sila makagagawa (at katiyakan nahindi nila ito matutularan), dapat nilang tanggapin ang Qur’an bilang natatanging (nangingibabaw na) katibayan ng himala.”
29) Ang Islam ay Deen ng panlipunang tagapagtangkilik, sapagkat ginawang isang tungkulin sa lahat ng Muslim ang pagtulong o pagtangkilik sa kanilang mga kapatid kahit nasaan man sila naroroon. Ang Propeta () ay nagsabi;
Ang mga mananampalataya, dahil sa kanilang pagmamahal, habag at damdamin sa bawat isa ay tila iisang katawan, kung ang isang bahagi ay may karamdaman, ang buong katawan ay nakararamdam ng pananakit at kawalan ng tulog.” (Muslim)
Ipinag-uutos ng Islam sa mga Muslim na magtrabaho upang umunlad ang kanilang kalagayan sa pamamagitan ng ubligado o kusang-loob na kawanggawa. Ang Propeta () ay nagsabi;
Hindi magiging tunay na mananampalataya ang isa sa inyo hanggang hindi niya mamahalin ang kanyang kapatid nang tulad ng pagmamahal niya sa kanyang sarili.” (Bukhari)
Ipinag-uutos ng Islam sa mga Muslim na magsikhay para sa kanilang mga kapatid sa panahon ng krisis at kahirapan. Ang Propeta () ay nagsabi;
Ang mga mananampalataya ay katulad ng isang matatag na gusali, ang bawat isang adobe (brick) ay nagpapatatag sa bawat isa (At kanyang pinagdikit ang kanyang mga daliri upang ilarawan ang kanyang nais sabihin). (Bukhari).
Ipinag-uutos ng Islam sa mga Muslim na tulungan at ipagtanggol ang kanilang mga kapatid sa panahon ng digmaan kung kinakailangan. Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi;
Nguni't kung sila ay humiling ng tulong sa inyo tungkol sa relihiyon, ito ay inyong tungkulin na sila ay tulungan…” (Qur’an 8:72)
Ipinagbabawal na sila ay pabayaan at layuan sa panahon ng kanilang pangangailangan. Ang Propeta () ay nagsabi;
Sinuman ang hindi nagtanggol sa kanyang kapatid na Muslim, habang ang dangal nito ay niyuyurakan o nilalapastangan, siya ay pababayaan din ng Allah sa panahong higit niyang kailangan ang tulong. Sinuman ang nagtanggol sa kanyang kapatid na Muslim habang ang dangal nito ay niyuyurakan o nilalapastangan, siya ay ipagtatanggol din ng Allah sa panahong higit niyang kailangan ang tulong.” (Saheeh al-Jami)
30) Ang Deen ng Islam ay dumating na mayroong dalang makatarungan at makatuwirang alituntunin tungkol sa pamana na ipinamamahagi ng naiwang kayamanan ng namatay para sa kanyang mga legal na tagapagmana, kahit na sila ay bata o matatanda, lalaki o babae, na ang pamamahagi dito ay katanggap-tanggap ng mga taong may ganap na katalinuhan. Ang kayamanang (naiwan) ay ipapamahagi sa mga tagapagmana nang ayon sa pinakamalapit na kamag-anak ng namatay. Walang ibang taong ang may karapatang ipamahagi ang mga mana nang ayon sa kagustuhan lamang niya. Ang isang kabutihan ng sistemang ito ay ang pamamahagi ng mga kayamanan, gaano man ito karami, sa pamamagitan ng paghati-hati (sa maliliit na bahagi), at hindi maaaring sarilinin ito. Ang marangal na Qur’an ay ipinaliwanag ang pagbibigay ng bahagi para sa mga bata, mga magulang, mga asawa, at mga kamag-anak at pamangkin, tulad ng naipaliwanag sa Qur’an, Kabanata An-Nisaa, talata 11, 12 & 176. Ang Propeta () ay nagsabi rin;
Tunay na binigyan ng Allah ang bawat tao ng kanyang karapatan. Kaya huwag pahintulutan ang sinuman na mamahagi ng kahit na ano sa iba na nabigyan na siya ng kaukulang bahagi ng pagmamana.” (Abu Dawud)
31) Ang Deen ng Islam ay nagtakda ng pamamaraan kung paano ipamahagi ng isang tao ang ibang bahagi ng kanyang kayamanan. Ang bawat Muslim ay may karapatang ipamahagi ang ibang bahagi ng kanyang kayamanan upang gamitin pagkaraan ng kanyang kamatayan para sa mabubuting layunin upang mapabilang ito bilang tuloy-tuloy na kawanggawa. Subali't ang Deen (Relihiyon ng Islam) ay nagbigay ng hangganan kung magkano ang pinakamalaking halaga na maaaring ipamahagi, ito ay ang ikatlong bahagi ng kabuuang halaga ng kanyang kayamanan. Si Aamir bin Sa’d () ay nagsabi;
Ang Propeta ay dumadalaw sa akin nang ako ay nasa Makkah at maysakit. Sinabi ko sa kanya, ‘Mayroong akong kaunting kayamanan, maaari ko bang ipamahaging lahat (bilang kawanggawa)? Siya ay sumagot, ‘Hindi’. At sinabi ko, ‘Kung gayon, ang kalahati nito?’ Siya ay sumagot, ‘Hindi’. Kaya sinabi ko, ‘Ang ikatlong bahagi?’ Siya ay sumagot, ‘Ang ikatlong bahagi ay labis din.’ Kung iiwanan mo ang iyong mga tagapagmana na masagana, ito ay higit na mabuti kaysa iiwanan mo silang namamalimos. Kahit na ano man ang iyong gugulin, ito ay itatala bilang kawanggawa para sa iyo, kahit na ang isang subo ng pagkain na iyong isusubo sa iyong asawa. Maaaring itataas ng Allah ang iyong kalagayan at ang ibang tao ay makinabang sa iyo, at maaari din namang makapinsala sa ibang tao.” (Bukhari)
Ang Islam ay nagtalaga ng saligan o patakaran para sa isang tao upang siya ay mamahagi ng pamana…hindi niya dapat saktan ang kanyang mga tagapagmana. Ang Allah (U) ay nagsabi;
“…pagkaraang mabayaran ang kanyang huling habilin (testamento) o mga utang, upang sa gayo’y hindi mawalan (ng bahagi ng pamana) ang sinuman. Ito ay isang Kautusan mula sa Allah… (Qur’an 4:12)
32) Ang Deen ng Islam ay nagpanukala ng batas para sa kaparusahan ng mga kriminal at ito ay nagdudulot ng tiyak na katahimikan at kaligtasan sa pamayanan. Ang pagpatay ay napipigilan, ang kayamanan at ang dangal ay naipagtatanggol, ang mga kriminal ay nahuhuli at ang mga karapatan ng tao ay nababantayan mula sa pagkamkam. Ang kriminalidad ay nababawasan, sapagkat sa Islam ang bawat krimen ay mayroong kaukulang kaparusahang nararapat ipataw dito. Ito ay nagpapataw ng pangunahing parusa sa mga sinadyang pagpatay. Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi;
O kayong mananampalataya! Ang Batas ng pagkapantay-pantay sa kaparusahan ay itinalaga sa inyo sa kaso ng pagpatay…” (Qur’an 2:178)
Ang pumatay ay hindi mapuputulan ng ulo, kung ang pamilya ng namatay ay nagpatawad sa kanya. Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi;
Nguni’t kung ang nakapatay ay pinatawad ng kapatid na lalaki (o kamang-anakan) ng biktima sa pamamagitan ng Diyah (pinagkasunduang) kabayarang salapi, samakatuwid sumunod dito sa pantay na paraan at dapat na magbayad ng salapi (Diyah) sa tagapagmana sa paraang makatarungan…(Qur’an 2:178)
Ang kaparusahan sa pagnanakaw ay ang pagputol ng kamay mula sa pulso. Ang Allah (U) ay nagsabi;
At (ukol) sa lalaking magnanakaw at sa babaing magnanakaw, putulin (mula sa sugpungan) ang kanilang (kanang) kamay bilang kabayaran sa anumang kanilang ginawa, isang kaparusahang magsisilbing halimbawa mula sa Allah. At ang Allah ay Ganap na Makapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan.(Qur’an 5:38)
Kung nalalaman ng isang magnanakaw na puputulin ang kanyang kamay kung siya ay nahuling nagnanakaw, hindi siya gagawa nito (magnanakaw). Pahahalagahan niya ang kanyang kamay, at magiging ligtas ang kayamanan ng mga tao mula sa kasamaan (ng magnanakaw).
Ang kaparusahan ng pangangalunya ay paghagupit o paghampas sa kanila ng 100-ulit para sa mga hindi pa Muhsan26. Ang Allah (U) ay nagsabi;
Ang mga mangangalunyang babae at lalaki ay dapat hagupitin ang bawat isa sa kanila ng tig-iisang daang hampas…” (Qur’an 24:2)
Ang isang taong nagparatang sa isang lalaki o babae ng pangangalunya ay dapat ding hagupitin. Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi;
At sila na nagparatang (ng pakikiapid) sa malilinis na babae na hindi makapagbigay ng apat na saksi, hagupitin sila ng walumpong hampas…” (Qur’an 24:4)
Ang lahat ng kaparusahan at pagkastigo ay nagmula sa pangunahing prinsipiyo ng Islam. Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi;
At ang kabayaran (sukli) sa isang kasamaan ay isang kasamaan din ng katulad nito…” (Qur’an 42:40)
At sinabi rin ng Allah (U);
At kung inyong parusahan (ang inyong kaaway), kailangang parusahan sila nang katumbas ng kanilang ginawa sa inyo…” (Qur’an 16:126)
Mayroong mga likas na patakaran at alituntunin para sa pagpapatupad ng mga kaparusahan. Karagdaragan pa nito, ang pagpapatupad ng mga parusa ay hindi naitakdang bagay na dapat ipatupad, subali't ang isa ay maaaring magpatawad at magpaumanhin lalo na kung ang kaparusahan ay nauukol sa karapatan ng mga tao. Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi;
“…datapwa’t kung sinuman ang nagpatawad at makipagkasundo, ang kanyang gantimpala ay magmumula sa Allah.” (Qur’an 42:40)
Ang mga katuwiran sa likod ng pagpapatupad ng mga kaparusahan ay hindi upang makapaghiganti, ang layunin ng pagpapatupad ng mga kaparusahan ay upang mapangalagaan ang karapatan ng mga tao, at upang mapanatili ang kaligtasan ng mga mamamayan at magsisilbing hadlang sa mga taong may balak na gumawa ng kasamaan sa pamayanan. Kung nababatid ng isang taong nais pumatay na siya ay papatayin din, at nababatid ng magnanakaw na puputulin din ang kanyang kamay at ang mga mapangalunya at nagparatang ng pangangalunya ay mapaparusahan…katiyakang sila ay magsisitigil sa paggawa ng mga ganitong krimen. Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi;
At sa Qisas (Batas ng pagkapantay-pantay sa kaparusahan) ay mayroong kaligtasan ng buhay sa inyo, O, kayong mga tao na may pang-unawa, upang kayo ay maging mabuti at magkaroon ng takot sa Allah.” (Qur’an 2:179)
Ang mga ibang tao ay magsasabi na ang mga kaparusahan na ginawang batas ng Islam laban sa ibang krimen ay malulupit! Subali't ang lahat ay sang-ayon na ang mga ginawa ay krimen na ang panganib ay malinaw at hayag sa pamayanan, samakatuwid, kailangan ang panlaban upang sugpuin ang panganib nito at ang mga gumagawa sa mga ito ay dapat patawan ng parusa. Samakatuwid ang pagkakaiba ng opinyon (kuro-kuro) nauukol sa uri ng parusa hinggil sa mga krimen na ito. Tanungin natin ang ating sarili kung alin ang higit na matagumpay sa pagsugpo ng krimen, ang Batas ng Islam na nakababawas ng krimen o ang Batas na gawa ng tao na pinaiiral subalit patuloy din ang paglaganap ng krimen? Tunay na ang bulok na bahagi ng katawan ay dapat putulin upang ang lahat ng bahagi ng katawan ay mananatiling malusog.
33) Pinahintulot ng Deen ng Islam ang lahat ng uri ng pananalaping kasunduan tulad ng pamimili at pagtitinda, pagtayo ng mga kalakalan, ang pagpapa-upa, at kalakalan at pagpapalitan ng paninda, upang maging magaan ang buhay sa pang-araw-araw. Tunay na ito ay pinahihintulutan ang ayon sa batas na itinatag ng ‘Shari’ah’, tulad halimbawa kapag ang siang tao ay nararapat pigilan kung ang kalakalan ay nakapipinsala sa sarili o sa kapwa at maging sa karapatan ng bawat tao. At kailangan ang dalawang panig (ng pangangalakal) ay maligaya sa kasunduan, at kailangan ang produkto ay nakikitang maliwanag ng dalawang panig at ang kasunduan ng pangkalakalan tungkol dito. Walang ipinababawal sa Islam kundi ang masasamang kahahantungan ng transaksiyon, tulad ng pagbigay ng patubo, pagsusugal at mga kasunduan na ang patakaran o produkto nito ay hindi nalalaman.
Bagaman, ang bawat isa ay may kalayaang gamitin ang sariling salapi nang ayon sa Shari’ah, subali't maaaring pagbawalan siya sa paggamit nito, kung ang gagawin dito ay magdudulot ng pinsala sa kanyang sarili o sa iba. Ang mga taong maaaring pagbawalan sa paggugol ng kanilang kayamanan ay ang mga bata, wala sa tamang kaisipan, at sa mga walang kakayahan27, at ang mga taong may utang hanggang hindi nababayaran ang napag-utangan. Sa mga nabanggit, ating matutunghayan ang dakilang kadahilanan at ang pangangalaga sa mga karapatan na sadyang maliwanag sa mga taong may malinaw na kaisipan.
34) Ang Islam ay maliwanag at may katiyakan na Deen. Walang paniniwala sa Islam na nakakalito, at ang isang tao ay may karapatang magtanong tungkol dito. Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi;
“…kaya’t inyong tanungin ang mga tao may kaalaman sa Kasulatan (paham) kung ito ay hindi ninyo nababatid.” (Qur’an 21:7)
Ang Islam ay mahigpit na nagbabala sa sinumang nagtatago ng anumang patnubay na ipinahayag ng Allah (U). Ang Allah (U) ay nagsabi;
Katotohanan, silang ikinukubli ang malinaw na patunay, katibayan at patnubay na Aming ipinahayag pagkaraan na Aming binigyang-linaw ito sa mga Angkan ng Kasulatan, sila yaong isinumpa ng Allah at (sila) yaong isinumpa ng mga manunumpa...” (Qur’an 2:159)
35) Ang Islam ay Deen ng pagkakaisa at pakikipagtulungan na nagtatawag sa mga Muslim na tumayo ng sama-sama na may pagkakasundo upang makuha nila ang dangal at puri. Ito ay maaaring makamtan sa mga sumusunod na pamamaraan;


  • Iwanan o isantabi ang pansariling hangarin at layunin na siyang nag-uudyok upang maging isang makabayan at magkaroon ng damdamin na pagkapangkat-pangkat, at ito ang mga nagiging dahilan sa pagiging mahina at pagkawasak ng Ummah.

  • Ginagawang dalisay ang paniniwala at ang mga gawaing pagsamba mula sa mga bagay na nakakasira, tulad ng pagbibigay ng katambal sa pagsamba sa Allah (U) at ang pagsasagawa ng Bid'aah (pagbabago sa pamamaraan ng pagsamba sa Deen).

  • Ang pagkakaisa ng mga Muslim sa lahat ng bagay at kapakanan, maging ito ay sa larangan ng politikal, kabuhayan o panlipunan atbp… na siyang nagtataguyod sa kapayapaan at katahimikan. Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi;

At kayo ay tumangan nang mahigpit , lahat kayo ng sama-sama sa lubid ng Allah at huwag maghiwa-hiwalay sa isa’t-isa...” (Qur’an 3:103)


Ipinagbabawal ng Islam na magkaiba-iba at magkahiwa-hiwalay sa iba't iang pangkat. Ang Allah ay nagsabi:
At huwag kayong tumulad sa mga naghihiwa-hiwalay at may pagkakasalungatan sa kanilang sarili matapos ang maliwanag na katibayan ay dumating sa kanila. At sila ay parurusahan ng napakatinding kaparusahan.” (Qur’an 3:105)
Karagdagan pa dito, ang paghihiwa-hiwalay ay hindi mula sa Deen ng Allah (U). Ang Allah (U) ay nagsabi;
Katotohanan, yaong pinaghati-hati ang kanilang relihiyon at pinaghiwa-hiwalay sa iba't ibang sekta, ikaw (O Muhammad) ay walang kaugnayan sa kanila maging sa anupaman. Ang kanilang (sariling) gawain (pananagutan) ay sa Allah lamang, na Siyang magsasabi sa kanila kung ano ang lagi nilang ginagawa. (Qur’an 6:159)
Ipinaliwanag ng Deen ang nakakasamang bunga ng di-pagkakaunawaan at pagkawatak-watak. Ang mga kalaban ng Islam ay hindi matatakot sa mga Muslim at sila ay pangingibabawan nila at mahuhulog sa pinakamababang antas. Ang Allah (U) ay nagsabi;
“…at huwag kayong makipagtalo (sa isa’t-isa), baka kayo ay mawalan ng tapang at ang inyong lakas ay maglaho…” (Qur’an 8:46)
36) Ang mga ibang paksa tungkol sa mga di-nakikitang daigdig ay naipaliwanag ng Islam, tulad ng pagbanggit sa mga kasaysayan ng mga naunang mamamayan o pamayanan. Maliwanag sa mga talata ang nangyari sa pagitan ng mga nasabing pamayanan at ng kanilang mga Propeta at Sugo. Ang Allah (U) ay nagsabi;
At katotohanang Aming isinugo si Musa (Moises) na may dalang Ayat (aral, talata, babala, himala, tanda) at isang malinaw na kapangyarihan kay Fir'awn (Paraon) at kanyang mga pinuno, ngunit kanilang sinunod ang utos ni Fi'rawn, at utos ni Fir'awn ay hindi matuwid (na kautusan). aral at alituntunin) ” (Qur’an 11:96-97)
Tungkol kay Hesus (), sinabi ng Allah (U):
Yüklə 1,03 Mb.

Dostları ilə paylaş:
1   2   3   4   5   6   7   8   9   ...   14




Verilənlər bazası müəlliflik hüququ ilə müdafiə olunur ©genderi.org 2024
rəhbərliyinə müraciət

    Ana səhifə