Ang mensahe ng islam



Yüklə 1,03 Mb.
səhifə6/14
tarix16.11.2017
ölçüsü1,03 Mb.
#10373
1   2   3   4   5   6   7   8   9   ...   14

"At (alalahanin) nang si Hesus, ang anak ni Maria, ay nagbadya: 'O Angkan ng Israel! Ako ay isang Sugo ng Allah na ipinadala sa inyo, na nagpapatotoo sa Torah (mga Batas) na ipinadala (sa inyo) nang una pa sa akin, at nagbibigay sa inyo ng masayang balita ng isang Sugo na susunod sa akin, ang pangalang itatawag sa kanya ay Ahmad. Datapwa’t nang siya ay pumaroon sa kanila na may mga Maliwanag na Katibayan, sila ay nagsipagsabi: ‘Ito ay isang maliwanag na salamangka’" (Qur'an 61:6)
Tungkol kay Hud (), sinabi ng Allah (U);
At sa mga tribo ng ‘Aad, ipinadala Namin ang kanilang kapatid na si Hud at sinabi; ‘O aking mga sinasakupan (tao) paglingkuran lamang ang Allah, wala kayong ibang Diyos maliban sa Kanya…” (Qur’an 11:50)
Tungkol kay Salih (), sinabi ng Allah (U);
At sa mga Tamud (ay isinugo Namin) ang kanilang kapatid na si Salih, at siya ay nagbadya, ‘O aking pamayanan ! Sambahin ninyo ang Allah, wala kayong ibang Ilah (Diyos) maliban sa Kanya. Kanyang nilikha kayo mula sa lupa at dito ay Kanyang itinira kayo, kaya’t bumaling kayo sa Kanya sa pagsisi, Katotohanan, ang aking Panginoon ay laging malapit (sa lahat, sa pamamagitan ng Kanyang Kaalaman), ang Maaasahan. ” (Qur’an 11 :61)
Gayon din, isinalaysay ng Allah (U) ang mga kuwento ng mga ibang Propeta at ang mga Sugo at kung ano ang nangyari sa kanila at ng kanilang bansa.
37) Ang Deen ng Islam ay nanghamon sa lahat ng sangkatauhan na gumawa ng kagaya ng Qur’an, na siyang pinakahuli sa mga Aklat na Panlangit. Ang hamon na ito ay hanggang sa Araw ng Pagbabayad Muli. Ang Allah (U) ay nagsabi ;
Hayaan sila na gumawa ng pagbigkas na katulad nito (Qur’an) kung sila ay nagsasabi ng katotohanan.” (Qur’an 52 :34) 
Ginawang magaan ng Allah (U) ang paghamon na magbigay ng ilang kabanata na katulad ng Qur’an. Ang Allah (U) ay nagsabi ;
O sila ay nagsasabi: "Siya (Propeta Muhammad) ay nanghuwad nito (ang Qur'an)." Sabihin mo (O Muhammad sa kanila): "Kumatha kayo, kung gayon, ng sampung Surah (Kabanata) katulad nito, at tawagin ang sinuman bukod sa Allah (upang kayo ay tulungan), kung kayo nga ay tunay na makatotohanan!" (Qur’an 11 :13)
Lalong ginawang magaan ang hamon na ito ng Allah (U) at humingi na lang ng isang kabanata28 na katulad ng Qur’an. Ang Allah (U) ay nagsabi ;
At kung kayo ay nag-aalinlangan tungkol sa Aming ipinahayag (ang Qur’an) sa Aming alipin (na si Muhammad), kung gayon, kayo ay kumatha ng isang ‘surah’ (kabanata) na katulad nito at inyong tawagin ang inyong mga saksi (mga tagapagtaguyod) bukod pa sa Allah, kung tunay nga na kayo ay nagsasabi ng katotohanan.” (Qur’an 2 :23)
Ang paghamon na ito ay inihain para sa lahat ng nilikha, mga Jinn at mga tao. Ang Allah (U) ay nagsabi ;
Ipahayag: ‘Katiyakan, kung ang sangkatauhan at mga Jinn ay magsama-sama sila upang makagawa ng katulad nitong Qur’an, sila ay hindi makagagawa ng katulad nito, kahit na sila ay magtulungan sa isa’t-isa”.  (Qur’an 17 :88)
38) Ang Islam ay Deen ng Jihad ; ang Deen, sarili, pamilya at ang sariling bansa ay pinangangalagaan. Ipinag-uutos na ang Jihad ay isagawa laban sa mga humahadlang sa pagpapalaganap ng Deen ng Allah (U), dahil ito ay panawagan para sa buong mundo, at hindi nakahangga sa mga parikular na lahi lamang. Magkagayon, ang bawat isa ay may karapatang mabatid ang dala nitong kabutihan, katarungan at pagmamahal na nilalaman nito. Ang Jihad ay pakikilaban upang mapawi ang paghihirap at tulungan ang mga inaapi. Ang Allah (U) ay nagsabi ;
At makipaglaban sa Landas ng Allah sa mga taong lumulupig sa inyo, nguni't huwag lumagpas sa hangganan. Katotohanan hindi minamahal ng Allah ang manlulupig…” (Qur’an 2:190)
Ang Jihad sa Islam ay isinasagawa upang ang salita ng Allah (U) ay ibantayog at ang Kanyang Deen ay mapalaganap. Ang Allah (U) ay nagsabi ;
At makipaglaban sa kanila hanggang ang kasamaan at ang pagsamba sa mga diyus-diyusan ay maglaho at ang relihiyong mangibabaw ay ang para sa Allah lamang(sa buong mundo)…” (Qur’an 8:39)
May isang taong nagsabi sa Propeta (); ‘May mga taong nakikipaglaban upang makakuha sa labi ng digmaan, mayroong ding nakikipaglaban para magpakita ng gilas at maging bantog.’ Sino sa mga ito ang tunay na nakikipaglaban sa Landas ng Allah (U) lamang ?’ Ang Propeta () ay sumagot ;
Sinuman ang nakipaglaban upang ibantayog ang Salita ng Allah at maging dakila, siya ang gumagawa para lamang sa Kapakanan ng Allah." (Bukhari)
Ang layunin ng Jihad ay hindi yaong naglalayong makakuha ng mga makamundong bagay, pansarili o masamang kapakinabangan, o kaya ito ay isinasagawa upang makamkam at palawakin ang hangganan ng sariling bansa, o ang magpakita ng lakas ng kanilang militar o kaya naman ay bunga lamang ng paghihiganti. Ang Allah (U) ay nagsabi ;
Huwag pamarisan yaong lumalabas sa kanilang mga lugar o tahanan na nagmamayabang para lamang magmalaki at makita ng mga tao.” (Qur’an 8:47)
Ang Islam ay Deen na nagtatagubilin ng kabutihan at nagbabawal ng kasamaan… na ito ay bilang kaligtasan ng pamayanan, sapagkat ang Deen ay hindi maaaring tumayo kung ang mga tagasunod nito ay hindi tumutupad sa kanyang alituntunin at ipinag-uutos at umiiwas sa anumang mga ipinagbabawal nito. Nanghihimok din ito sa mga taong naliligaw ng landas na maging mabuti at pumipigil sa mga gumagawa ng kasamaan. Sa ganitong paraan, ang pamayanan ay ligtas mula sa mga masasama at pagkawasak. Ang Propeta () ay nagsabi ;
Ang kahalintulad ng isang tao na tumatalima at sumusunod sa kautusan ng Allah at ang isang tao na sumusuway sa hangganang itinakda ay katulad ng mga pasahero ng isang sasakyang dagat (barko) na nagpasiya kung sino ang dapat manatili sa itaas at kung sino ang mananatili sa ibabang bahagi ng sasakyan (barko). Yaong nasa ibabang bahagi ay kailangang dumaan muna sa itaas upang sumalok ng tubig na nagiging sanhi ng pang-aabala ng mga nasa itaas na bahagi ng barko. Kaya, sila ay nagmungkahi sa mga nananatili sa itaas na bahagi ng barko na pahintulutan silang gumawa ng butas sa ilalim na bahagi ng barko at sumalok ng tubig roon na walang pang-aabala sa mga nasa itaas. Kung ang mga nasa itaas ay hahayaan o pahihintulutan ang mungkahi ng mga nasa ibaba, maaari silang magkaroon ng sakuna na magiging sanhi ng kanilang kapahamakan, nguni't kung ito ay hindi nila pahihintulutan sa kanilang balak, sila ay magiging ligtas sa anumang kapahamakan.”
39) Ang Deen ng Islam ay para sa buong daigdig at sakop nito ang lahat ng aspeto ng buhay, tulad ng pagpapanukala ng batas at alituntunin tungkol sa kalakalan, digmaan, kasalan, pangkabuhayan, politika at ang pagsasagawa ng pagsamba atbp. Ito ay nagtatayo ng huwarang pamayanan ; kahit na magtulungan pa ang mga taong gumawa ng katulad nito, hindi nila maisasagawa ito. Kung malayo ang pamayanan mula sa mga batas at alituntunin na itinatag ng Islam, katiyakan na kapariwaraan ang ibubunga nito at bulok na pamahalaan. Ang Allah (U) ay nagsabi ;
“…At Aming ibinaba (sa lupa) ang Aklat (Qur’an) bilang isang paliwanag sa lahat ng bagay, isang patnubay, isang awa at magandang balita para sa sumusuko ng kanilang sarili (sa Allah bilang Muslim).” (Qur’an 16:89)
Ipinaliwanag ng Islam ang ugnayan ng Muslim at ng kanyang Rabb (Panginoon), ang kanyang lipunan at kapaligiran, buhay man o hindi. Walang anumng bagay sa Islam na tinatalikdan ang likas na asal o kaugalian ng tao o ng kanyang buong katalinuhan. Ang katibayan na tumutukoy sa katotohanang ito ay ang kahalagahan na ipinapakita tungkol sa magandang kaugalian, sa mga partikular na bagay na may kaugnayan sa pang-araw-araw na buhay, tulad ng pag-uugali sa pagsagot sa tawag ng kalikasan, at kung ano ang dapat gawin ng Muslim bago at pagkatapos ng paggamit ng palikuran. Sinabi ng Abdulrahman b. Zaid () na may nagsabi kay Salman, ‘Lahat ay itinuro sa inyo ng inyong Propeta () kabilang ang gagawin ninyo sa paggamit ng palikuran ?’ Si Salman () ay sumagot ;
Katotohanan, ipinagbabawal sa amin ang nakaharap sa Qiblah (sa Makkah) tuwing gumagamit ng palikuran, at ginagamit namin ang kaliwang kamay sa paglilinis ng maselang bahagi ng katawan, at gumagamit kami ng hindi kukulangin sa tatlong bato sa paglilinis o ng natuyong dumi o buto.” (Muslim)
40) And Deen ng Islam ay isang palatandaan sa pagdating ng Araw ng Pagbabangong Muli at ang katapusan ng Mundo. Ang Propeta () ay nagpaliwanag na siya ang huling Propeta (), ang kanyang pagiging Propeta () ay isang tanda na malapit na ang Huling Oras. Si Anas () ay nag-ulat na sinabi ng Propeta ();
Ang Huling Sandali at ako ay itinayo katulad nitong dalawa’, at ipinagdikit ang kanyang gitnang daliri at ang hintuturo.” (Muslim)
Ito ang pagpapatunay na siya ang huli at ang pangwakas na Sugo ().

Ang Aspetong Pang-Ispirituwal ng Islam
Ang Pagsamba (Ibadah):
Ang Deen ng Islam ay nagpakilala ng mga ibat-ibang gawaing pagsamba; ang mga ito ay binubuo ng pinagtipunang salita, pisikal at mga doktrina ng mga gawaing pagsamba. Ang mga doktrina ng mga gawaing pagsamba ay ang mga ‘Haligi ng Pananampalataya’, ito ang mga sumusunod;
Ang Paniniwala sa Nag-iisang Diyos (Allah, U):
Ang paniniwala sa Allah (U) nagpapahiwatig na ang Allah (U) ay Isa at Tanging Nag-iisa sa mga sumusunod na aspeto o pananaw ;
1) Kaisahan sa Kanyang Pagka-Rabb–Panginoon (Tawheed Ruboobiyah); Ito ay pagpapatunay na ang Allah (U) ay Buhay, na Siyang lumikha sa buong sansinuklob, sa Kanya ang Pagmamay-ari at Siya ang Tagapamahala sa lahat ng bagay. Siya ang Nagpahintulot upang ang lahat ay maganap at mgkaroon ng buhay; na walang mabubuhay o mananatili maliban sa Kanyang Kapahintulutan. Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi ;
“…Tunay na Kanya ang lahat ng (kapangyarihan ng) paglikha at kautusan. Luwalhati sa Allah, ang Panginoon ng lahat ng nilikha.” (Qur’an 7:54)
Ipinaliwanag ng Allah (U) na Siya lamang ang Tanging Tagapaglikha at di-maaaring magkaroon ng ibang tagapaglikha. Ang Allah (U) ay nagsabi ;
Walang anak (o supling) na ipinanganak ng Allah, at walang iba pang diyos na kasama Niya. (Kung mayroon mang iba pang mga diyos), samakatuwid bawat diyos ay maaaring kuhanin nito ano anumang kanyang nilikha at marahil ang iba pang diyos ay magtangkang talunin ang iba! (ngunit) Luwalhati sa Allah, higit Siyang Mataas sa lahat ng (kasinungalingang) iniaakibat sa Kanya!(Quran 23:91)
2) Ang Kaisahan sa Pagsamba sa Kanya (Tawheed Uloohiyah) ; Ito ang pagpapatunay na ang Allah (U) ay siya lamang ang Tunay na Diyos, na karapat-dapat sambahin, at lahat ng mga gawaing pagsamba ay nararapat na iniuukol lamang sa Kanya. Hindi dapat umasa o kaya ay humiling sa iba maliban sa Kanya. Ang isang tao ay dapat lamang tumawag at humingi ng tulong sa Kanya upang maalis ang anumang suliranin o kaya upang maibsan ang ibang pangangailangan. Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi ;
At wala Kaming ipinadalang Sugo bago pa man sa iyo (O, Muhammad) na hindi Namin binigyan ng inspirasyon (na nagsasabing), Walang ibang Diyos na dapat sambahin kundi Ako (ang Allah), Kaya sambahin Ako (lamang at wala ng iba).” (Qur’an, 21: 25)
3) Ang Kaisahan ng Kanyang mga Pangalan at mga Katangian (Tawheed Al-Asmaa was-Sifaat) ; Ito ang paniniwala na walang katulad ang Kanyang mga Pangalan at mga Katangian ; at ang mga magagandang mga Pangalan at mga Banalna Katangian ay pag-aari lamang ng Allah (U) at siya ay malayo sa Kanyang di-kaganapang mga nilikha. Ang Allah (U) ay nagsabi ;
At (lahat ng) naggagandahang mga Pangalan29 ay nauukol sa Allah (lamang), kaya manalangin sa pamamagitan ng mga iyon at lisanin ang pangkat na nagpapasinungaling o nagtatakwil sa Kanyang mga Pangalan. Sila ay pagbabayarin sa anumang lagi nilang ginagawa.” (Qur’an 7 :180)
Kami ay naniniwala at nananalig sa mga ipinahayag ng Allah (U) para sa Kanyang Sarili, at sa ibinigay na Katangian ng Sugo sa Kanya na walang paghahambing ng Kanyang mga Pangalan (U) sa Kanyang mga nilikha, na walang paglilihis at pagtatakwil sa mga kahulugan ng Kanyang mga Pangalan at mga Katangian. Ang Allah (U) ay nagsabi ;
“…Walang anupamang bagay ang makatutulad sa Kanya, at Siya ang Ganap na Nakakarinig, ang Ganap na Nakakamasid”. (Qur’an 42:11)
Ang Paniniwala sa mga Anghel:
Kailangang maniwala na mayroong mga anghel. Ang kanilang bilang ay walang nakakaalam maliban sa Allah (U) lamang. Sila ay naglilingkod at isinasagawa ang anumang ipinag-uutos ng Allah (U), bilang tagapangasiwa, tagapagmasid, tagapagbantay at kumakalinga sa buong santinakpan at sa mga nilikha na nabubuhay dito30, at sila ay sumusunod ayon sa itinakda at pag-uutos ng Allah (U). Ang Allah (U) ay nagsabi ;
At Ako (Allah) ay nanunumpa sa pangunguna ng mga Anghel sa pagsasagawa ng mga ipinag-uutos ng kanilang Rabb (Allah) .” (Qur’an 79 :4)

Ang Allah (U) ay nagsabi rin ;


At sa mga Anghel na namamahagi (ng mga panustos, ulan at ibang mga biyaya) sa pag-uutos ng Allah.” (Qur’an 51 :4)
Ang mga Anghel ay nilikha mula sa liwanag. Ang Propeta () ay nagsabi ;
Ang mga Anghel ay nilikha mula sa liwanag, ang mga Jinn ay nilikha mula sa apoy na di-nagliliyab, at si Adan ay nilikha tulad ng inilarawan sa inyo (mula sa Qur’an ; maitim na tuyong alabok).” (Muslim)
Ang mga Anghel ay mula sa di-nakikitang mundo. Kahima’t sila ay nilikha mula sa liwanag, hindi sila nakikita. Ang Allah (U) ay nagbigay sa kanila ng kakayahan na mag-ibang anyo upang sila ay makita at masaksihan. Inilahad ng Allah (U) na si Anghel Jibreel,  (Gabriel) ay nagpakita kay Maryam (Mary) sa hugis o larawan ng isang tao. Ang Allah (U) ay nagsabi ;
Siya ay naglagay ng lambong (upang pangalagaan ang kanyang sarili) sa kanila ; at magkagayon ay ipinadala Namin ang ‘Ruh’ (i.e.; Anghel Gabriel) at siya ay nagpakita bilang isang ganap na tao, at siya (Maria) ay nagsabi; ‘Katotohanan, ako ay nagpapakupkop sa Pinaka-Maawain (Mapagbigay) mula sa iyo, kung ikaw ay matakutin sa Allah (maka-Diyos.)’ At sinabi niya (Anghel Gabriel), ‘ako ay isang Sugo lamang buhat sa iyong Panginoon, na ipagkakaloob ang biyaya ng isang anak na mabuti’.” (Qur’an 19:17-19).
Nakita ng Propeta () si Anghel Gabriel () sa tunay niyang anyo ng pagkalikha ng Allah (U) sa kanya. Siya ay mayroong 600 pakpak, at natakpan niya ang abot-tanaw na kalawakan dahil sa kanyang laki at kalaparan.

Ang mga Anghel ay may mga pakpak; ang iba ay may dalawang pakpak, mayroong tatlo at ang iba naman ay marami. Ang Allah (U) ay nagsabi;


Lahat ng pagpupuri ay para sa Allah lamang, ang lumikha ng langit at lupa, na Siyang lumikha sa mga tagapagbalita (Sugo) na mga Anghel na may pakpak – dalawa, tatlo o apat. Pinaparami Niya ang mga nilikha sa Kanyang naisin. Katotohanan na Siya ay may kapangyarihan sa lahat ng bagay.” (Qur’an 35:1)
Hindi ipinaalam sa atin ng Allah (U) ang mga ibang katangian ng mga Anghel. Lagi na lang sinasamba at pinupuri ang Allah (U). Ang Allah (U) ay nagsabi ;
Sila (ang mga anghel) ay lumuluwalhati ng Kanyang mga Papuri sa gabi at araw, at sila ay hindi lumulubay.” (Qur’an 21 :20)
Nilikha sila (mga anghel) ng Allah (U) upang Siya ay sambahin at tumalima sa Kanya. Ang Allah (U) ay nagsabi ;
Ang Mesiyas ay hindi magwawalang bahala na maging tagapaglingkod ng Allah, gayundin ang mga anghel na pinakamalapit sa Kanya…” (Qur’an 4 :172)
Ang mga anghel ay tumatayo bilang sugo sa gitna ng Allah (U) at ng Kanyang mga Sugo mula sa mga tao. Ang Allah (U) ay nagsabi ;
Na ipinanaog ng mapagkakatiwalaang Espiritu (si Gabriel Arkanghel) ; sa iyong puso (O Muhammad) upang ikaw ay maging (isa) sa mga tagapagbabala, sa (pamamagitan ng) malinaw na wikang Arabik”. (Qur’an 26 :193-195)
Nilikha ng Allah (U) ang mga Anghel upang isagawa ang mga iba’t-ibang gawaing ipinag-uutos ng Allah (U) sa kanila ;
Pinangangambahan nila ang kanilang Rabb na nasa itaas, at sila ay tumatalima sa anumang sa kanila ay ipag-utos”. (Qur’an 16 :50)
Ang mga anghel ay hindi mga anak ng Allah (U), datapwa’t sila ay dapat igalang at mahalin. Ang Allah (U) ay nagsabi;
At sila ay nagsipagturing; Ang Pinakamapagpala (Allah) ay nagkaroon ng anak (mula sa mga anghel). Luwalhatiin Siya! Sila (na tinatawag na mga anak ng Allah tulad ng mga anghel, si Hesus na anak ni Maria, si Ezra, at iba pa) ay mga mararangal na alipin lamang. Sila ay hindi nangungusap hanggang Siya (Allah) ay hindi pa nakakapangusap, at sila ay gumagawa ayon sa Kanyang ipinag-uutos.” (Qur’an 21:26-27)
Ang mga anghel ay hindi mga katambal o kasamahan o karibal ng Allah (U). Ang Allah (U) ay nagsabi ;
Gayun din naman, siya (na pinagkalooban ng Aklat) at hindi mag-uutos na tangkilikin ninyo ang mga anghel at mga propeta bilang Rabb (Diyos). Ipag-uutos ba niya sa inyo na mawalan kayo ng pananalig matapos na kayo ay tumalima sa pag-uutos ng Allah ? (Qur’an 3 :80)
Ipinaalam ng Allah (U) ang mga pangalan at gawain ng mga ibang anghel, tulad ni Jibreel, (Gabriel) na pinagkalooban ng tungkulin na magdala ng kapahayagan. Ang Allah (U) ay nagsabi ;
Na ipinanaog ng mapagkakatiwalaang Espiritu (si Gabriel Arkanghel) ; sa iyong puso (O Muhammad) upang ikaw ay maging (isa) sa mga tagapagbabala…” (Qur’an 26 :193-194)
Si Mika’eel () ay napagkalooban ng tungkulin upang mamamahala sa kapakanan ng ulan at taniman. Ang Allah (U) ay nagsabi ;
Sinuman ang kaaway ng Allah at ng Kanyang mga Anghel at mga Sugo at si Jibreel (Gabriel), at si Mika’eel – magkagayon, ang Allah ay kaaway ng mga di-mananampalataya.” (Qur’an 2 :98)
Ang Anghel ng Kamatayan () ay siyang naatasan na kumuha ng kaluluwa ng isang tao sa oras ng kanyang kamatayan. Ang Allah (U) ay nagsabi ;
Ipagbadya : ‘Ang anghel ng kamatayan na nakatalaga sa inyo ay (wlang pagsalang) magtatangan ng inyon kaluluwa ; at kayo ay muling ibabalik sa inyong Rabb”. (Qur’an 32 :11)
Si Israfil (); siya ang nabigyan ng tungkulin sa pag-ihip ng trumpeta sa Araw ng Pagkabuhay Muli. Ang Allah (U) ay nagsabi ;
At kung ang tambuli ay mahipan, walang ugnayang kamag-anakan sa pagitan nila sa Araw na ito, gayundin, sila ay magtatanungan sa isa’t-isa.” (Qur’an 23 :101)
Si Malik () ay ang tagapamahala ng Impiyerno. Ang Allah (U) ay nagsabi ;
Sila ay magsipagtaghoy ; ‘O Malik ! Hayaan ang iyong Panginoon ay magbigay-wakas sa amin ! Siay (Malik) ay magsasabi ; ‘Hindi’, katotohanang kayo ay mananatili rito magpakailanman.” (Qur’an 43 :77)
Ang mga Zaabaaniyah ay ang mga anghel na binigyan ng tungkulin sa pagpaparusa at nagpapahirap sa mga napunta sa Impiyerno. Ang Allah (U) ay nagsabi ;
At hayaan siyang tumawag (ng tulong) sa lipon (ng kanyang mga kapanalig, tiyak na tatawagin Namin ang mga anghel na tagapagbantay ng Impiyerno!” (Qur’an 96 :17-18)
Bawat tao ay mayroong dalawang anghel na tagapagbantay sa kanya ; ang isa ay tagapagtala ng mga mabubuting gawa at ang isa naman ay tagapagtala ng mga masasamang gawain. Ang Allah (U) ay nagsabi ;
Pagmasdan ang dalawang (nagbabantay na anghel) na nakatalaga upang malaman (ang kanyang mga gawa), mabatid (at maitala ito). Isa ang nakaupo sa kanan at isa sa kaliwa.” (Qur’an 50 :17)
Si Ridwan (); ang naitalagang mamahala sa Paraiso at marami pang mga anghel na tagapangalaga sa mga tao. At marami pang iba, at ang bawa’t isa ay binigyan ng partikular na tungkulin. Ang iba ay binanggit sa Qur’an at ang iba ay hindi binanggit, subali’t tayo ay dapat maniwala sa kanilang lahat.
Ang Mga Mabubuting Bunga ng Paniniwala sa Mga Anghel
1) Upang ating mauunawaan ang Kadakilaan ng Allah (U), ang Kanyang Kapangayarihan at Kakayahan, at ang Kanyang Lubos na Kaalaman mula sa kagila-gilalas, kahanga-hanga na Kanyang mga nilikha na nagbibigay ng matatag na katibayan o patunay sa Kadakilaan ng Tagapaglikha.
2) Upang malaman ng isang Muslim na may dalawang Anghel na nagbabantay sa Kanya at isinusulat ang lahat ng kanyang sinasabi at ginagawa. Ito ay nagsisilbing isang patnubay upang gumawa ang tao ng mga mabubuting gawa at umiiwas sa lahat ng kasalanan maging siya man ay nag-iisa o may kasama sa kanyang kinaroroonan.
3) Upang mailayo ang sarili mula sa mga pamahiin at mga di-makatuwirang pabula.
4) Upang makilala ng isang Muslim ang Habag ng Allah (U) sa Kanyang mga alipin (mga nilikha) sa dahilang Siya ay nagtalaga ng mga Anghel na nagbabantay at nangangalaga sa kapakanan at gawain ng mga tao.
Ang Paniniwala sa Mga Banal na Kasulatan ng Allah (U)
Nararapat paniwalaan na ang Allah (U) ay nagpadala ng mga Banal na Kasulatan sa pamamagitan ng Kanyang mga Sugo upang ihatid ang mensahe sa lahat ng mga tao. Ang mga Aklat na ito sa kani-kanilang panahon ay naglalaman ng katotohanan at patnubay. Ang lahat ng mga Aklat na ito ay nag-aanyaya sa lahat ng tao na kumilala at sumamba lamang sa Nag-iisang Diyos, ang Dakilang Allah (U), na Siya ang Tanging Nag-iisang Tagapaglikha, ang Nag-iisang Nagmamay-ari, at taglay Niya ang lahat ng Magagandang Katangian at Pangalan. Ang Allah (U) ay nagsabi;
"Tunay na Aming ipinadala ang Aming mga Sugo na may dalang maliwanag na mga patunay, at ipinahayag sa kanila ang Kasulatan at ang Pamantayan (ng Katarungan) upang panatilihin (at ipatupad) ng sangkatauhan ang (diwa ng) katarungan…" (Qur’an 57:25)
Ang Muslim ay dapat maniwala sa lahat ng mga Banal na Aklat at nararapat paniwalaan na ang mga ito ay ipinanaog ng Allah (U).
Ang Mga Ibang Banal na Kasulatan ay ang mga sumusunod:


  1. Ang Suhuf (Kalatas) ni Propeta Abraham () at ang Tawrah (Torah) na ipinahayag kay Propeta Moises (); Ang Qur'an ay nagbigay ng maikling pananaw tungkol sa mga kaalaman na naitala ng dalawang kapahayagang ito. Ang Allah (U) ay nagsabi,




  1. "Hindi ba Niya batid kung ano ang nasa Kasulatan ni Moises, at ni Abraham na tumupad (at nagparating) ng lahat (ng mga ipinag-utos ng Allah sa kanya), na nagtatagubilin na walang sinuman ang maaaring magdala ng pasanin ng iba (kasalanan ng iba), na ang tao ay walang mapapakinabang maliban lamang sa kanyang pinagsusumikapan (na mabuti o masama); at ang (bunga) ng kanyang pagsisikap (mga gawa) ay malalantad, Kaya't siya ay gagantihan nang ganap sa pinakamainam na kabayaran; at sa iyong Rabb (Panginoon) ang layon at pagbabalik ng lahat." (Qur'an 53:36-42)




  1. Ang Tawrah; ito ay isang sagradong Aklat na ipinahayag kay Propeta Moises (). Ang Allah (U) ay nagsabi;


"Katotohanan, ipinadala Namin ang Tawrat (Torah) kay Musa, na matatagpuan roon ang patnubay at ang liwanag na siyang ginawang batayan ng paghatol sa mga Hudyo ng mga Propetang tumalima sa Kalooban ng Allah. At ang mga Rabbi at mga pari (ay naghatol din para sa mga Hudyo ng batay sa (Batas ng) Tawrat pagkaraan ng mga Propeta sapagka't sa kanila ipinagkatiwala ang pangangalaga sa Aklat ng Allah at sila ang naging mga saksi niyaon. Samakatuwid, huwag matakot sa mga tao kundi matakot sa Akin (kayong mga Hudyo) at huwag kalakalin (ipagpalit) ang Aking mga Talata para lamang sa kaaba-abang halaga. At sinuman ang hindi humatol ayon sa ipinahayag ng Allah, sila ang Kafirun." , (Qur'an 5:44)


  1. Ang 'Zaboor' (Psalmo): ay ang Aklat na ipinahayag kay Dawood (David) (). Ang Allah (U) ay nagsabi, Qur'an, Kabanata 4:163;


"… at kay Dawood (David) ay Aming ipinagkaloob ang Zaboor (Psalmo)."
4) Ang Injeel (Ebanghelyo): ay isang sagradong Aklat na ipinahayag kay 'Eisaa' (Hesus) (). Ang Allah (U) ay nagsabi;

"At sa kanilang yapak ay Aming isinugo si Hesus, ang anak ni Maria, na nagpapatunay sa Torah (mga Batas) na dumating nang una pa sa kanya, at Aming ipinagkaloob sa kanya ang Injeel (Ebanghelyo), na naririto ang patnubay at liwanag at pagpapatunay sa Torah (mga batas) na dumating bago pa rito, isang patnubay at paala-ala sa mga Muttaqi." (Qur’an 5:46)
Ang isang Muslim ay nararapat na maniwala sa lahat ng mga nabanggit na Banal na Kapahayagan. Dapat tayong maniwala na ang mga aklat na ito ay nagmula sa Allah (U). Hindi ipinahihintulot para sa sinumang Muslim na sumunod sa mga batas nito, sapagka't ang mga aklat na ito ay ipinahayag sa partikular na pamayanan o mamamayan at partikular na panahon. Bukod pa sa katotohanan na ang mga naunang kapahayagan ay wala na sa kani-kanilang orihinal na pagkakapahayag.
Ang Banal na Qur'an ay nagpaliwanag na ang ibang aral ay matatagpuan sa Tawrah at Injeel tulad ng pagdating ni Propeta Muhammad (). Ito ay nakatala rin sa Qur'an 7:156-157;
Yüklə 1,03 Mb.

Dostları ilə paylaş:
1   2   3   4   5   6   7   8   9   ...   14




Verilənlər bazası müəlliflik hüququ ilə müdafiə olunur ©genderi.org 2024
rəhbərliyinə müraciət

    Ana səhifə