Ang mensahe ng islam



Yüklə 1,03 Mb.
səhifə9/14
tarix16.11.2017
ölçüsü1,03 Mb.
#10373
1   ...   6   7   8   9   10   11   12   13   14

"As-Sadaqah (ang Kawanggawa) ay para lamang sa mga Fuqara (dukha) at Al-Masakin (maralita) at yaong mga kawaning naglilikom (ng kawanggawa) at sa mga taong ang mga puso ay malalapit (sa Islam); at sa pagpapalaya ng mga bilanggo at sa mga may pagkakautang; at sa Landas ng Allah (Mujahideen na nakikipaglaban) at sa mga Naglalakbay (na nawalan ng kakayahang magpatuloy sa paglalakbay); isang tungkulin sa Allah. At ang Allah ay Lubos na Maalam, ang Tigib ng Karunungan." (Qur’an 9:60)
Ang halaga na dapat bayaran ay 2.5% mula sa mga halagang naipon sa loob ng isang taon. Sa pamamagitan nito, pinapawi ng Islam ang pagiging dukha at kahirapan sa pamayanan ng mga Muslim at inaako sa maaaring kasamaan na magmumula dito, gaya ng nakawan, patayan at ang paglabag sa kapakanan ng mga tao. Binubuhay nito ang kasiglahan ng pagtitiwala at pangkapatiran sa pamayanan ng mga Muslim sa pagbabayad ng Zakah sa mga dukha at mahirap.
Ang pagkakaiba ng Zakaah sa buwis ay ang mga Muslim ay nagababayad ng kusang loob at sila mismo ang nagbibigay sa mga nararapat bigyan. Karagdagan dito, ang pangalan nito ay nangangahulugan ng kanyang hangarin, na siyang pagpapadalisay sa kaluluwa ng mga mayayamang Muslim. Nililinis din nito ang isang Muslim sa pagiging sakim, makasarili, pagka-maimbot at sa pagmamahal sa pansamantalang mundong ito na nalulunod sa pag-iimbot dito, na siyang dahilan upang makalimot sa kanyang mga kapatid na mga dukha at mahihirap. Ang Allah (U) ay nagsabi;
“…At sino man ang nailigtas mula sa sariling kasakiman (karamutan) sila ay yaong magsisitagumpay.” (Qur’an 59:9)
Nililinis din ng Zakat ang puso ng mga mahihirap na tao mula sa pagkamuhi o pagkainggit laban sa mga mayayaman lalo na kung nakikita nila ang mga mayayaman ay nagbabayad ng itinakdang bahagdan ng Zakat at inaalala sila ng may kabaitan at bukas-palad o kagandahang loob.
Binigyang ng mahigpit na babala ng Islam ang mga Muslim na tumatangging magbayad ng zakat:
At huwag isipin ng mga (taong) nagtitipon ng yamang ipinagkatiwala ng Allah sa kanila na ito ay makabubuti. Katotohanan, ito ay lalong masama para sa kanila. Yaong (mga bagay na) pinagtitipunan nila ay magiging kuwelyo sa kanila sa Araw ng pagbabangong muli…” (Ang Qur’an, Kabanata Al-’Imran, 3: 180)
Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi tungkol dito:
Ang isang mayamang tao na mayroong ginto at pilak nguni't hindi nagbayad ng karampatang Zakat (dapat niyang malaman na) ang kanyang ginto at pilak ay matutunaw sa Araw ng Paghuhukom at mapapalitan ng mga malalapad na tipak na paiinitin sa Apoy ng Impiyerno at pagkaraan, ang kanyang noo, mga tagiliran at likod ay ididikit dito. Kapag ang mga malalapad na tipak ay lumamig, ito ay muling paiinitin (sa pugon ng Impiyerno) at ang panghero o pangtatak ay patuloy sa maghapon na ang tagal ay katumbas ng limampung libong taon, at ang kaso ng lahat ng tao ay napagpasiyahan na sa oras na yaon at ipakikita sa kanila ang landas tungo sa Impiyerno o Paraiso.” (Muslim)
Ika-apat na Haligi ng Islam: Ang Sawm (Pag-aayuno) sa Buwan ng 'Ramadhan'
Kailangang mag-ayuno ang isang Muslim sa buwan ng Ramadhan, sa bawa't taon. Nararapat na umiwas sa lahat ng bagay na makasisira sa pag-aayuno, tulad ng pagkain, pag-inom at pakikipagtalik ng mag-asawa mula sa oras ng pagtawag o hudyat ng 'Salatul-Fajr' hanggang sa pagtawag o hudyat ng pagsapit ng 'Salaatul-Maghrib' bilang tanda ng pagtalima o pagsunod sa kautusan ng Allah (U). Ang Allah (U) ay nagsabi,;
"O kayong Mananampalataya (mga Muslim)! Ang (pagsasakatuparan ng) Sawm59 (pag-aayuno) ay ipinag-uutos sa inyo katulad ng ipinag-utos sa mga nauna sa inyo upang kayo ay maging Muttaqun60 ..." (Qur'an 2:183)
Ang layunin ng pag-aayuno ay hindi lamang nakatuon sa pagpipigil sa mga makamundo at mga pagnanasa ng katawan na nakakasira sa pag-aayuno, bagkus, higit sa lahat, nararapat ding umiwas sa mga bagay na makababawas (ng gantimpala) sa panahon ng pag-aayuno tulad ng pagsisinungaling, paninirang puri, pang-aalipusta, pandaraya, at mga kasuklam-suklam na asal. Dapat tandaan na tungkulin ng mga Muslim ang pag-iwas sa lahat ng mga hindi magandang gawain at pagsasalita sa lahat ng oras kahit hindi pa sa buwan ng Ramadhan, nguni't higit sa buwan na ito, katulad ng sinabi ng Propeta ():
"Hindi kailangan ng Allah ang pag-iwas sa pagkain at inumin (ang pag-aayuno) ng isang Muslim kung ito ay hindi umiiwas sa mga maling gawain at mga salita." (Bukhari)
Ang pag-aayuno ay isang pagpupunyagi sa gitna ng kaluluwa ng isang tao at ng kanyang hangarin at pagnanasa (sa kamunduhan). Marami itong panlipunang kahalagahan na iniulat ng Propeta () sa kanyang mga pananalita;
Lahat ng mga gawain ng mga anak ni Adan ay para sa kanilang sarili maliban sa pag-aayuno, dahil ito ay para sa Akin (Allah) at ito ay Aking gagantimpalaan. Ang pag-aayuno ay pananggalang; hindi siya dapat magsalita ng masama o magtaas ng boses o manigaw. At kung may nang-aaway sa kanya, dapat sabihin niya na, ‘Tunay na ako ay nag-aayunong tao.’ Sa Kanya na nakasalalay ang kaluluwa ni Muhammad, ang amoy mula sa bibig ng nag-aayunong tao ay higit na kasiya-siya sa Allah kaysa sa bango ng ‘musk’ (pabango). Ang isang nag-ayuno ay may dalawang kaligayahan: una ay sa oras ng paghinto ng pag-aauyno (at saka uminom) at sa oras na makatagpo at makita ang kanyang Rabb (Panginoon). (Bukhari)
Sa pamamagitan ng pag-aayuno, mapagtanto ng isang tao ang pangangailangan ng kanyang mahihirap na kapatid na walang sapat na makain, kasuotan at kulang sa kalinga; magkagayon siya ay magpursigi sa pagbibigay ng karapatan ng mga ito at mahikayat na magtanong sa kanilang kalagayan at kung ano ang kanilang kailangan.
Ikalimang Haligi ng Islam: Ang Hajj (Paglalakbay sa Makkah)
Ang Hajj ay isang banal na paglalakbay sa Banal na Tahanan ng Allah, U (ang Ka'bah) upang magsagawa ng mga itinakdang rituwal sa mga partikular na pook at partikular na oras. Ang pagsasagawa ng Hajj ay isang tungkulin ng isang Muslim minsan sa kanyang tanang buhay. Ang haliging ito ng Islam ay isang takdang tungkulin at nararapat gampanan ng lahat ng mga Muslim, lalake man o babae, na nasa tamang pag-iisip at tamang gulang, (mula sa gulang ng pagbibinata o pagdadalaga) at may sapat na kakayahang pangkalusugan at pananalapi. Sa isang Muslim na may sapat na pananalapi nguni't may karamdaman na sadyang humahadlang sa kanyang pagsasagawa ng Hajj, siya ay maaaring magtalaga ng isang tao upang magsagawa ng Hajj para sa kanya. Datapwa't kung ang kanyang nakalaang gugugulin ay sapat lamang sa kanilang mga pang-araw-araw na pangangailangan, hindi sapilitan sa kanya ang pagsasagawa ng Hajj. Ang Allah (U) ay nagsabi;
"… At ang Hajj sa Tahanan (Kaba’ah) ay isang tungkulin (na dapat gampanan) ng sangkatauhan sa Allah, yaong may kakayahang gumugol (ng kanilang paglalakbay). At sinuman ang magtakwil (tungkol dito), samakatuwid, ang Allah ay walang pangangailangan ng anuman sa sinuman sa Kanyang mga nilikha ('Alamin) (sangkatauhan, Jinn at lahat ng nilikha). (Qur'an 3:97)
Ang Hajj ay siyang pinakamalaking Islamikong pagtitipon. Ang mga Muslim sa buong mundo ay nagkakatipun-tipon sa isang lugar at oras, tumatawag (dumadalangin at nagsusumamo) sa iisang Rabb (Panginoon), nakasuot ng isang anyo ng kasuotan at nagsasagawa ng isang pamamaraan ng mga rituwal o seremonya, at pareho ang binibigkas;
"Lab’baik Al’laahum’ma lab’baik, lab’baika laa shareeka laka lab’baik. In’nal hamda wun’ni-mata laka wal-mulk laa shareeka lak.
Ang kahulugan ay:
"Narito ako O Allah, narito ako. Ikaw ay walang katambal. Narito ako. Tunay na lahat ng papuri at pagpapala ay para sa Iyo, at ang pamamahala! Ikaw ay walang katambal.
Sa panahon ng Hajj, walang pagkakaiba ang mayayaman at mahihirap, ang itim o puti, ang arabo o hindi arabo----lahat ay pantay sa paningin ng Allah (U). Ang tanging pagkakaiba lamang ng mga tao ay batay sa antas ng kabutihan o magandang pag-uugali. Pinatutunayan ang pagiging magkakapatid ng bawat isa at pinag-iisa ang kanilang mga damdamin at pag-asa.
Ang Aspetong Politikal ng Islam
Ang Islamikong legislatura ay nagpanukala ng pangunahing prinsipiyo at patakaran sa larangan ng pampulitikang na siyang tumatayong batayan o haligi kung saan naitayo ang Islamikong panlipunan. Ang namumuno ng Pamayanan ng Muslim ay katulad ng isang kinatawan na nagpapatupad sa mga kagustuhan ng Allah (U) sa panahon ng pagpapalakad niya sa mga tuntunin at mga prinsipiyo. Ang Allah (U) ay nagsabi;
Sila ba ay nagsisikhay ng paghusga (batay sa panahon ng pagano) kamangmangan? Datapwa't sino ba ang higit na mabuti sa paghuhusga maliban sa Allah sa paghatol sa mga tao na may katiyakan (sa kanilang) pananampalataya” (Qur’an 5:50)
Ang namumuno sa isang Pamayanan ng Muslim ay isang kinatawan ng buong Pamayanan na hinirang para ipatupad ang mga sumusunod;
1. Gawin ang kanyang makakaya para magkaloob ng tapat at marangal na kabuhayan para sa mamamayan, upang ipagtanggol ang Deen, ang kapayapaan, ang buhay ang ang kanilang ari-arian at kayamanan. Ang Propeta () ay nagsabi;
Walang alipin ang Allah na pinamahalaan sa pamumuhay ng mga Muslim, nguni't hindi nakapagbigay ng tapat at magandang buhay (sa kapakanan ng mga mamamayan) hindi niya malalanghap kahit na ang amoy ng Paraiso.” (Bukhari)
Ang namumuno sa Pamayanan ng Muslim ay dapat kagaya ng iniulat ni Khalifa Omar Ibn Al-Khattab (), ng sabihin niya sa kanyang mga kasamahan; “Dalhin ninyo ako sa isang tao na maaasahang maglingkod sa kapakanan ng mga Muslim na mahal sa akin.” Sinabi nila si Abdur-Rahman Ibn ‘Auf. Nasabi niya, “siya ay mahina”. Nagbanggit ng iba nguni't hindi rin niya pinahintulutan. Pagkatapos sila ay nagtanong, sino ang iyong gusto? Ang sabi niya; “Gusto ko ang isang tao, na kung hirangin kong maging Gobernador, siya ay dapat mag-asal ng gaya nila, at kahit na hindi siya ang namumuno ay dapat kumilos siya na parang siya ang namumuno.” Sinabi nila; ‘walang ibang higit na nararapat maliban kay ‘Ar-Rabee’ah ibn ul-Haarith.’ At sinabi ni Omar, sinabi ninyo ang katotohanan.
2. Ang namumuno ay hindi dapat humirang ng namamahala para sa mga Muslim ng sinuman na hindi marunong humawak ng pananagutan at hindi tapat. Hindi siya dapat magbigay ng pabor sa mga kaibigan o kamag-anak niya ng higit sa mga taong karapat-dapat sa isang katungkulan.
Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi;
Kung sinuman ang nandaya sa mga itinalaga para sa isang katungkulan ay papasok sa Impiyerno”. (Saheeh Al-Jami)
Ang mga nabanggit sa itaas na mga alituntunin at prinsipiyo ay maipapaliwanag sa mga sumusunod;


  • Ang mga ito ay banal na ipinag-uutos ng Allah (U). Alinsunod sa mga ito, ang lahat ay pantay-pantay; ang namamahala at ang mamamayan, ang mayaman at ang mahirap, ang mga maharlika (nakakataas) at mabababa, ang mga mapuputi at maiitim. Walang sinumang nakakataas ng tungkulin ang maaaring lumabag sa mga ito o magpanukala ng batas na salungat sa mga ito. Ang Allah (U) y nagsabi;

Hindi marapat sa isang nananampalataya, lalaki o babae, na kung ang isang bagay ay napagpasiyahan na ng Allah at ng kanyang Sugo, na magkaroon pa sila ng anumang pamimilian tungkol sa kanilang pasiya; at sinuman ang sumuway sa Allah at sa Kanyang Sugo, tunay na siya ay napaligaw sa maliwanag na kamalian.” (Qur’an 33:36)




  • Ang lahat ay kinakailangang igalang ang mga patakaran at prinsipiyo at hinihingi ang pagpapatupad mula sa pinuno at sa mga mamamayan. Ang Allah (U) ay nagsabi;

Ang tangi lamang pahayag ng mga matatapat na nananampalataya kung sila ay tawagin sa Allah at sa Kanyang Sugo, upang humatol sa pagitan nila, ay ang pagsasabi ng : ‘Kami ay dumirinig at kami ay tumatalima.’ At sila ang magtatagumpay (na mananahan sa Paraiso magpakailanman).” (Qur’an 24:51)


Sa Islam, walang sinuman ang may tunay na kapangyarihan, kasama na dito ang namumuno dahil ang kanyang kapangyarihan ay may hangganan na pinapatupad ng Islmikon legislatura; kung siya ay sumalungat dito, ang mga mamamayan ay di-dapat tumalima sa kanya datapwa’t nararapat lang na sumunod sa katotohanan. Ang Propeta () ay nagsabi;
Tungkulin ng isang Muslim na makinig sa kinauukulan maging ito ay kanyang gusto o hindi maliban kung siya ay inuutusang gumawa ng kasamaan. Samakatuwid kung ang pinasusunod ay gawaing kasamaan, hindi dapat makinig o sumunod.” (Bukhari)


  • Ang pagsasanggunian ang siyang pinaka-sentro ng sistemang pampolitikal ng Islam. Ang Allah (U) ay nagsabi;

At sila na dumirinig sa panawagan ng kanilang Rabb at nagsasagawa ng Salah (takdang pagdarasal), at namamatnugot sa kanilang kapakanan sa pamamagitan ng magkapantay na pagsasanggunian; at gumugugol sa anumang ipinagkakaloob Namin sa kanila.” (Qur’an 42:38)


At sinabi rin ng Allah (U):
At sa habag ng Allah, (O Muhammad) makipag-ugnayan sa kanila ng mahinahon. Kung ikaw ay naging mabalasik at matigas ang puso, sila ay maaaring lumisan sa iyo, kaya’t pagpaumanhin ang kanilang mga kakulangan at humingi ng kapatawaran sa Allah para sa kanila at sumangguni sa kanila hinggil sa kanilang gawain…” (Qur’an 3:159)
Sa naunang talata (ayat), ang Sanggunian ay binanggit kaalinsabay ng pagdarasal, samakatuwid ito ay tinatanggap bilang pangunahing sangkap ng isang mahusay na pamamalakad ng pamahalaan. Ang mga payo ng mga maaalam at mapananaligang Muslim ay dapat sundin sa lahat ng bagay na umuugnay sa kapakanan ng pamayanan. Sa huling talata ng ayat, ang Allah (U), ay nagbigay ng papuri sa mga mananampalataya sa malawak na pananaw ng kanilang marubdob na hangaring ipatupad ang prinsipyo ng sanggunian sa lahat ng kanilang pamumuhay.
Sa pangalawang talata (ayat) ang Allah (U) ay nag-utos sa Kanyang Huling Sugo () nang siya’y namumuno sa pamayanang Muslim, na humingi ng payo o isangguni ang mga bagay na nakaugnay sa kapakinabangan at gawain ng mga mamamayan kung walang kapasiyahan na ipinahayag ng Allah (U) tungkol dito. Nguni't kung mayroong maliwanag na paksa sa Shari’ah na nakaugnay sa pagpapasiya, ito ay hindi hahantong sa pagsasanggunian. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi ;
Walang taong lagi ng may Sanggunian, kundi sila yaong napapatnubayan sa pinakamabuting bagay. At binigkas ng Sugo ng Allah () ang : ‘At sino ang mga namamatnugot sa kanilang kapakanan sa pamamagitan ng sanggunian’”. (Adab al-Mufrad)
Ang mga may Autoridad ay isinasaalang-alang na ito (sanggunian) ay tungkulin ng isang mamumuno upang sumangguni sa tao kaugnay ng kanilang ikabubuti. Kung hindi binigyang pansin ang Sanggunian, kinakailangang ipilit ng tao ang kanilang karapatan na magsalita at magbigay ng sariling paliwanag o opinyon. Ito ay batay sa nasabing talata (ayat) sa itaas. Sapagkat sa Islamikong batas isinaalang-alang ang namumuno bilang kinatawan ng bansa na may tungkuling magsagawa ng anumang iniatang sa kanyang balikat. Sa kabilang dako ang mga tao naman ay kinakailangan magkaroon ng pagbabantay sa pagpapatupad ng batas ng isang namumuno. Ipinagkakaloob ng Islam sa bawat isa ang magbigay ng sariling kuro-kuro at pamumuna sa paraang naaangkop at alinsunod sa prinsipiyo na itinalaga ng Deen. Datapwa’t hindi sila dapat magsagawa ng mga bagay na makakapagpagulo. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi;
Ang pinakamabuting pakikibaka (Jihad) ng dahil sa Allah ay ang pagsasabi ng salitang makatarungan sa harap ng mapang-abusong namumuno.” (Haakim)
Si Abu Bakr (), ang unang Kalipa ng Islam, isang araw ay tumayo sa pulpito at nagbigay aral sa tao ng ganito;
O mamamayan, ako ay napili bilang inyong namumuno bagamat ako ay hindi pinakamabuti mula sa inyo. Kung ako ay makita ninyong nasa matuwid, tulungan ninyo ako. Kung makita ninyo akong nasa kamalian, itama ninyo ako. Sumunod kayo sa akin hangga’t ako ay sumusunod sa Allah sa pagtataguyod ng inyong pamumuhay. Nguni't kung ako ay sumuway sa Kanya (Allah) wala akong karapatang magpasunod sa inyo.”
Si Omar Ibn Khattab (), ang ikalawang Kalipa, isang araw ay nakatayo sa minbar at nagbibigay ng ‘Khutba’ sa mga tao;
O, mamamayan, kung inyong makita na ako ay mayroong katiwalian, itama ninyo ako. Isang bedouin ang tumindig at nagsalita; ‘Sa pamamagitan ng Allah, itatama ka namin sa pamamagitan ng espada”. Sa kabila nito, si Omar () ay hindi nagalit, itinaas niya ang kanyang kamay sa langit at nanalangin; “Ang Kapurihan ay para sa Allah, na Siyang lumikha ng isang taong mula sa amin upang ituwid ang kamalian ni Omar.”
Ang namumuno ay maaari ding tawagin ng mga tao upang papanagutin. Minsan, si Omar () ay nagsalita sa mga tao habang nakasuot ng dalawang pirasong damit. Nang siya ay nagsabi;
O, mamamayan, Makinig at maging masunurin”. Isang tao ang tumayo at nagsabi; ‘Walang makikinig at walang susunod!’ Si Omar ay nagtanong, “Bakit?” Ang tao ay sumagot; ‘Sapagkat ikaw ay may dalawang pirasong damit samantalang kami ay iisa lamang.’ (Si Omar ay namahagi ng tig-iisang damit sa bawat Muslim). Dali-daling tinawag ni Omar ang anak. “O, Abdullah Ibn Omar! Sabihin mo sa kanila”. Si Abdullah ay nagsalita, ‘Ibinigay ko ang aking damit sa kanya.’ Ang taong nag-atubili ay nagsalita; ‘Ngayon, kami ay makikinig at sumunod.’
Kaya, ang Islam ay pinanatili ang karapatan at pinangangalagaan ang kapayapaan ng tao maging ito ay pampubliko o pang-pribado. Inilalayo ang mga pinagmulan ng mga batas mula sa makasariling pagnanasa o kasiyahan ng mga tagapagpatupad ng batas, sapagkat ang kanilang pagpapatupad ay bunga ng pansariling pangangailangan at pagkakataon. Kung ano ang ginawang batas kahapon ay mapawalang bisa ngayon at ang ginawang batas ngayon ay mapawalang bisa bukas. Nguni't ang Islam ay hindi nag-iwan ng mga hindi tapos na batas para sa lahat ng bagay na pangangailangan. Sapagkat, ito ay maaaring mag-iwan ng bukas na pinto para ang mga Muslim na mambabatas para sa kanilang pansariling kapakanan at magamit kahit na sa anong lugar at sa anong oras, na ito’y sa pamamaraan na ang ginawang batas ay hindi taliwas sa prinsipiyo at saligan ng Islam.

Ang Aspetong Pangkabuhayan ng Islam
Ang Kayamanan ay siyang lakas at saligan upang ang buhay ay maging masagana. Ang Islamikong Batas (Shari’ah) ay may layuning magtayo ng isang malayang lipunan mula sa balanseng pamumuhay, hindi labis sa pagka-mayaman o labis na pagka-mahirap na mamamayan, sapagkat ito ay nagsisikhay ng makatarungan at mararangal na pamumuhay sa lipunan. Ang Allah (U) ay nagsabi;
Ang yaman at mga anak ay palamuti ng buhay sa mundo…” (Qur’an 18:46)
At dahil isinasaalang-alang ng Islam ang salapi bilang isang pangunahing pangangailangan ng tao o pangkat ng tao, itinakda ang isang bahagdang (2.5%) na tinatawag na Zakah (Kawanggawa para sa mga dukha) na kinukuha mula sa mayayaman at ipinamimigay sa mga mahihirap at nangangailangan. Ito ay isa sa karapatan ng mga mahihirap na hindi dapat ipagkait sa kanila.
Ito ay hindi nangangahulugan na inaalis ng Islam ang karapatan ng isang tao na magkaroon ng sariling ari-arian at kalakal. Sa katotohanan, pinahihintulutan at iginagalang ng Islam ang mga karapatang ito sa pamamagitan ng pagbibigay laya kung ano ang nararapat sa kanila. Ang Qur’an ay nagbabawal sa anumang pang-aapi o pang-aabuso sa mga ari-arian ng iba;
At huwag kamkamin ang ari-arian ng iba nang walang katarungan…” (Qur’an 2:188)
Samakatuwid ang Islam ay nagtakda ng mga Batas at panuntunan na ang pagpapatupad rito ay nagbubunga ng pagkakaroon ng marangal na buhay ng bawat kasapi ng Islamikong lipunan. Ang mga panuntunan ay binubuo ng;
1) Ang Pagpapatubo (Riba) ay ipinagbabawal sapagkat ito ay isang uri ng pagsasamantala sa kakayahan ng mga tao o pagkuha sa ari-arian ng tao sa di makatarungang paraan. Ang paglaganap ng pagpapatubo ay nagbibigay daan upang ang diwa ng kabaitan mula sa mga tao ay maglaho at ang paglago ng yaman sa kamay ng ilang tao. Ang Allah (U) ay nagsabi;
O kayong nananampalataya! Matakot sa Allah at talikdan kung ano ang nalalabi (pang utang) mula sa pagpapatubo, kung kayo ay tunay na sumasampalataya. At kung ito ay hindi ninyo gawin, inyong matatamo ang babala ng digmaan (galit) mula sa Allah at ng Kanyang Sugo. Nguni't kung kayo ay magsisi, inyong makukuha ang inyong puhunan (ng walang tubo). Huwag gumawa ng hindi makatarungan (ang pagbawi ng higit pa sa puhunan), upang kayo ay hindi gagawan ng hindi makatarungan (ang tumanggap ng kulang sa ipinautang).” (Qur’an 2:278-279)
2) Ang Deen ng Islam ay nanghihimok na magpautang. Ang Propeta () ay nagsabi :
Sinuman ang nagpautang sa isang Muslim ng dalawang ulit, siya ay makatatanggap ng gantimpala na ang katumbas ay ang gantimpala ng isang nagbigay ng isang ulit ng kawanggawa.” (Abu Ya’laa)
Ang Batas ng Islam ay nag-utos na ang palugit ay maaaring ipagkaloob sa may pagkaka-utang kung ito ay walang sapat na kakayahan na magbayad. Ang isang tao ay hindi dapat malupit kung may hangaring magbayad sa kanyang pagkakautang. At ang isang taong may kakayahang magbayad nguni't ayay magbayad, kailangan gumawa ng ibang pamamaraan upang mapilitang magbayad. Ang Allah (U) ay nagsabi;
At kung ang may-utang ay nasa panahong tag-hirap, magkagayon, bigyan ng panahon hanggang ang pagbabayad ay magaan para sa kanya…” (Qur’an 2:280)
Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi;
Sinuman ang nagpautang ng salapi sa isang tao sa oras ng kanyang paghihirap, siya ay makatatanggap ng gantimpala ng kawanggawa sa bawat araw mula nang siya ay nagpautang. At sinuman ang magbigay ng palugit sa isang may-utang na walang maibayad, siya ay makatatanggap ng gantimpala katulad ng gantimpala sa pagkawanggawa araw-araw mula sa araw ng pagbibigay ng palugit.” (Ibn Maajah)
3) Hinihimok ng Islam na bawasan ang pagkakautang kung nahihirapan sa pagbabayad (ang may utang), at mas higit na mabuti kung ang lahat ng utang ay ibibigay na lang bilang kawanggawa. Ang Allah (U) ay nagsabi;
At kung ang nagkautang ay nasa kagipitan (walang maibayad) inyong gawaran siya ng palugit hanggang maging madali sa kanya ang pagbabayad. Datapwa’t kung inyong ipatawad sa paraang kawanggawa, higit itong mabuti para sa inyo, kung inyo lamang nalalaman.” (Qur’an 2:280)
Ang Propeta () ay nagsabi :
Kung sinuman ang may nais na tulungan siya ng Allah sa kahirapan sa Araw ng Pagbabayad, dapat niyang bigyan ng palugit ang may pagkakautang sa kanya o kaya'y gawin siyang malaya sa kanyang utang. (Baihaqi)
4) Ang pagtatago at pagmonopolisa ng mga paninda o mga mahahalagang kagamitan ay ipinagbabawal sapagkat ang nangangalakal ay kukunin lahat ang mga produkto na kailangan ng mga tao at kanya itong itatago hanggat ang paninda ay magiging kakaunti, at doon niya ipagbibili sa halagang gusto niya. Ito ay nagbibigay ng higit na paghihirap sa mga tao at sa pamayanan, maging sa mahirap at sa mga mayayaman. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi;
Walang nagtatago (ng paninda) maliban sa mga makasalanan.” (Muslim)
Ayon kay Abu Yusuf (), estudyante ni Imam Abu Hanifah ();
Ang pagtatago ng anumang pagkain ay napatunayang nakapipinsala sa publiko, ito ay itinuturing na Monopoliya kahit ito ay ginto o pilak. Sinuman ang nagtatago (ng pagkain) ay tunay na inaabuso ang karapatan niya sa pagkakaroon ng sariling ari-arian. Ang pagpipigil sa Monopoliya ay may layon na pangalagaan ang mga tao laban sa kapinsalaan, sapagkat ang tao ay mayroong kanya-kanyang pangangailangan, at ang Monopoliya ay nagbibigay pasakit sa tao.”
Ang isang namumuno ay maaaring puwersahin ang isang nagtatago ng mga paninda upang ipagbili ito sa kaukulang halaga na hindi nakakasira sa isang namimili o nagtitinda. Kung ang taong nag-momonopoliya ay tumangging ipagbili nito, ang namumuno ay maaaring magpasiya sa bagay na ito na ipagbili sa halagang ukol dito, na ang layon ay upang hadlangan ang mga nagsasamantala sa mga tao sa pagmo-monopoliya sa mga paninda.
5) Ipinagbabawal ang suhol na kinuha sa mga mangangalakal upang payagan silang magtinda ng kanilang paninda o kaya ay umangkat ng mga paninda mula sa ibang bansa. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi;
Ang isang nagpapataw ng suhol (Rizwa) sa mga mangangalakal, upang pahintulutan na magtinda ng kanilang paninda, ay hindi tatanggapin sa Paraiso.” (Abu Dawood)
Ang “Rizwa” ay ang ipinagbabawal na salaping kinokolekta na ibinibigay rin sa mga walang karapatang tao. Lahat ng taong may kinalaman sa pangongolekta ng Rizwa, kasama na rito ang taga-singil, ang empleyado, saksi at taga-pagtanggap ay pumapailalim sa kasabihan ng Sugo ng Allah ();
Walang katawan na lumaki mula sa ipinagbabawal na bagay ang maaaring papasok sa Paraiso. Ang Impiyerno ang higit na naaangkop sa kanila.” (Ibn Hibbaan)
6) Ipinagbabawal ng Islam ang pagtatago o pag-iimbak ng kayamanan na hindi gugulin para sa kapakanan ng Allah ; ito rin ay para sa kapakinabangan ng bawat tao at ng pamayanan. Ang kayamanan ay nararapat na maipamahagi sa pamayanan upang mapasigla ang ekonomiya, at upang ang kabuhayan ng tao ay umunlad at para sa kabutihan at kapakinabangan ng lahat ng kasapi ng lipunan. Ang Allah (U) ay nagsabi:
“…Sinuman ang nag-imbak (nagtago) ng ginto at pilak (mga salaping nauukol na Zakat sa mga ito ay hindi pa nababayaran), at hindi ginugugol sa landas ng Allah, bigyan sila ng balita ng napakasakit na kaparusahan .” (Qur’an 9:34)
At dahil iginagalang ng Islam ang kalayaan ng bawat tao na magkaroon ng sariling ari-arian, itinakda rin ang mga tungkulin at karapatang nakaugnay dito. Ang mga tungkulin nito ay kina-bibilangan ng; ang paggugol ng may-ari para sa kanyang sariling pangangailangan, ang paggugol para sa kanyang pamilya at kamag-anakan na nasa kanyang kapamahalaan. Mayroong ibang mga karapatan hinggil sa bawat tao ng lipunan, katulad ng pagbabayad ng Zakat at Sadaqa. Ang tungkulin niya sa lipunan sa pangkalahatang kaunlaran – halimbawa ang pagpapatayo ng paaralan, pagamutan, bahay ng mga ulila, mga masjid at iba pang bagay na kapakanan ng lipunan. Ito ay siyang makapagpipigil sa pag-imbak ng salapi sa kamay ng ilang pangkat ng mamamayan.
Yüklə 1,03 Mb.

Dostları ilə paylaş:
1   ...   6   7   8   9   10   11   12   13   14




Verilənlər bazası müəlliflik hüququ ilə müdafiə olunur ©genderi.org 2024
rəhbərliyinə müraciət

    Ana səhifə