Balita content Generation & Web Development Training isinagawa



Yüklə 13,83 Kb.
tarix21.04.2018
ölçüsü13,83 Kb.
#39476

BALITA

Content Generation & Web Development Training isinagawa

Bilang bahagi ng taunang training ng Smart Schools Program (SSP) sa tulong ng Philippine Business for Social Progress (PBSP) isa ang Calulut Elementary School (CES) sa napili para lumahok sa nasabing training na kinabibilangan nina G. Ernesto Bundalian, Gng. Maylen Santos, G. Joven Flores at Paolo Montemayor na kumakatawan sa mga mag – aaral.

Ang nasabing training ay lalahukan ng iba’t ibang paaralan na magmumula sa Cavite, Laguna, Batangas, Isabela, Pamapanga at maging sa Metro Manila. Tinatayang aabot sa limampung katao o higit pa na kinabibilangan ng tatlong guro mula sa iba’t ibang paaralan at isang mag – aaral para maging kinatawan ng bawat paaaralan. Ang mga participants ay mananatili sa The Corprorate Inn Hotel sa Manila sa loob ng isang lingo.

Ang pagsasanay na ito ay may temang Content Generation and Web Development na magsisimula sa May 2 – 6 taong kasalukuyan na gaganapin sa Colegio de San Juan de Letran na kung saan ang mga kalahok ay tuturuan kung paano gumawa ng website para sa kanilang paaralan.

Makatutulong ito upang lubos na makilala ang kani – kanilang paaralan sa pamamagitan ng sariling website na kanilang gagawin sa loob ng limang araw.

CES,3rd Placer sa Division Nutri-Quiz

Bilang bahagi ng taunang pagdiriwang ng “Buwan ng Nutrisyon”,idinaos nitong nakaraang Hulyo 30, 2010 ang Division Nutri-Quiz sa San Fernando Elementary School,na kung saan nakamit ng Calulut Elementary School ang ikatlong pwesto.

Kinilala ang mag-aaral na si Eunice T. Ronquillo ng ika-anim na baitang ang siyang kumatawan sa nasabing paligsahan.Nilahukan din ito ng mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang paaralan ng Dibisyon ng Lungsod ng San Fernando (P).

Si Eunice ay pinagkalooban ng medalya at “cash price” bilang gantimpala sa kanyang pagkapanalo.

CES,wagi sa proyektong “Gulayan sa Paaralan”

Wagi ang Calulut Elementary School (CES) matapos itong tanghaling 1st placed winner sa nakaraang paligsahan sa proyektong “gulayan sa paaralan” na inilunsad ng Dibisyon ng Lungsod ng San Fernando (P) nitong nakaraang buwan ng Setyembre,2010.

Ayon sa pamunuan ng CES,inilunsad ang proyektong ito,una sa lahat,para makatulong sa mga mag-aaral saq pang-arawaraw nilang pangangailangan at para na rin masanay ang mga ito sa simple,malusog at makabuluhang pamumuhay.

Ayon parin sa kanila,malaking tulong sa kanilang pagkapanalo ang pagkakaroon nila ng sari-sari at masusustansyang gulay,lalong-lalo na ang matiyagang pagtutulungan ng mga guro at mag-aaral ng paaralan.

Gayunpaman,ang CES ay isinalang pang muli para sa isa pang “evaluation”,dahil ito ang kakatawan sa Dibisyon ng Lungsod ng San Fernando (P) sa “Regional Level Competition”.

5 karangalan,nasungkit ng CES sa DSPC 2010

Nakasungkit ng limang karangalan ang mga mag-aaral ng Calulut Elementary School (CES),sa ginanap na “Division Schools Press Conference” (DSPC) nitong nakaraang Nobyembre 11-12, 2010 sa Sindalan Elementary School,Lugsod ng San Fernando,Pampanga.

Ang mga nagsipagwagi ay kinilalang sina Khervy Siopongco,Karina Jade Omlang,Karl Vincent Regala,Danielle Loise Capulong at Angelie Mae Delos Reyes.

Samantala,muling nasubukan ang galig nina Khervy at Karina sa kani-kanilang kategorya noong December,2010 sila ay kabilang sa mga kumatawan sa ating Dibisyon sa ginanap na “Regional Schools Press Conference” (RSPC) dito sa Lungsod ng San Fernando,Pampanga.

Gayunpaman,lubos na pasasalamat ang ipinaabot ng mga nagsipagwaging mga mag-aaral sa kanilang mga gurong tagapagsanay na sina Gng. Nancy Bundalian,Gng. Elena Villa,Gng. Maria Luz Pineda,G. Joven Flores at sa buong pamunuan ng paaralan sa kanilang suportang ibinigay.

LATHALAIN

Grabe naman pala ang Global Warming

Hay naku! Sobrang init na talaga. Grabe naman ang panahon natin ngayon bukod sa mainit paiba – iba pa. Ano kaya ang nangyayari sa klima ng mundo?

Yan ang mga tanong na kadalasan ay mahirap sagutin ng mga ordinaryong tao na tulad natin. Ngunit kung ating aalamin ay baka mabigla tayo at sabihing “malala na pala ang kalagayan ng mundo at marahil ay malapit na ang katapusan natin”. Parang magkakatotoo yata ang pelikulang 2012.

Ang mga nagaganap na trahedya sa atin ngayon ayon sa mga eksperto ay bunga ng tinatawag na “Global Warming”. Ano ba ang Global Warming?

Ang Global Warming ay ang pag – init ng mundo na nagmumula sa sikat ng araw dahil sa pagkapal ng ozone layer at dahil dito ang init na ito ay pabalik – balik lang sa mundo na parang bola na tumatalbog - talbog. Sinasabi rin na ito ay dahilan ng kakulangan ng mga puno na siyang sumisipsip ng mga carbon dioxide at naglilinis ng hangin sa ating kapaligiran. Si Al Gore ng Amerika ay nangunguna sa paghikayat sa mga tao upang mapigilan ang patuloy na pag – inti na nararamdaman natin. Lahat ng bansa ay nakikipagtulungan sa pagpigil ng nasabing problema.

Alam nyo ba na ang lahat ng bansa ay apektado ng global warming?

Tama! Lahat tayo ay apektado ng Global Warming, lalong lalo na ang mga bansang malapit sa karagatan. Kung magkakatotoo man, alam nyo ba na maaari tayong lumubog at matabunan ng tubig dahil sa pagkatunaw ng ng mga yelo sa north pole at south pole.

Kung matatandaan ninyo kamakailan lang ang nangyari sa bansang Japan ay masasabi natin na epekto na rin ng global warming. Nagkaroon ng tsunami at dahil dito ay nasira ang mga kabahayan doon. Ang pangyayaring iyon ay lubos na ikinabahala ng mga tao sa buong mundo lalo na ang Pilipinas. Kung matatandaan natin, tayo ay napaliligiran ng tubig mula hilaga hanggang kanluran. Dahil dito ang mga kababayan nating malapit sa dagat ay naghanda dahil posibleng tumama rin ito sa atin.

Ah ganun pala yun! May magagawa po ba tayo para mapigilan ang Global Warming?

Meron. At malaki ang magagawa mo.

Paano?

Alam naman natin na laganap ang polusyon sa buong mundo.



Ah opo! alam ko na ang sagot upang mapigilan nag global warming. Di ba po ang mga puno ay may kakayahang linisin ang ang hangin at higupin ang init na nagmumula sa araw at ginagamit nila ito sa paggawa ng pagkain. Kaya ang dapat gawin ay magtanim.

Tama! Ang pagtatanim ng puno ay malaking tulong para sa ating mundo. Kaya naman ang ang ating pamahalaan ay lubos na hinihikayat ang mga tao na tayo ay magtanim ng puno. Sa isang puno ay libo – libong buhay ang maliligtas natin.

Ganyan kahalaga ang puno sa buhay ng tao.
Tanging ina

“ Ngiti niya’y walang kasing – tamis kahit puso niya’y puno ng hinagpis. Luha niya’y di mo man makitang umaagos sa kanyang pisnging tila bulak ang lambot”.

Para sa akin, ang kanyang ganda ay parang bukang liwayway na nagpapahiwatig ng isang panibagong bukas. Isang bukas na puno ng saya sa maghapong kasama siya.

Tumutulong pawis sa katawan niya’y di niya alintana ‘pagkat ang nais niya’y ang mapagsilbihan ka. Hirap na nararanasan niya ay walang sukling hinihiling. Sa lungkot man o saya, siya’y laging kasama.

Mga sikreto ko’y sa kanya ko isinisiwalat ‘pagkat siya’y itinuturing kong pinakamatalik na kaibigan. Siya’y karamay ko sa lahat ng aking problema. Mga haplos at yakap lang niya ang tanging makapagpapaginhawa.

Ikaw ang kaagapay ni itay sa araw – araw. Nangangalaga sa amin habang si ama’y naghahanapbuhay. Laging handang dumamay kay kuya sa tuwing nagkakamali siya.



Lahat na lang yata ay nasa iyo na, kung kaya’t kung mayroon mang isang bagay na ayaw kong mawala sa mundong ito, yun ay walang iba kundi ikaw, aking INAY.
Yüklə 13,83 Kb.

Dostları ilə paylaş:




Verilənlər bazası müəlliflik hüququ ilə müdafiə olunur ©genderi.org 2024
rəhbərliyinə müraciət

    Ana səhifə