Free dvds and Books



Yüklə 6,89 Mb.
səhifə3/272
tarix17.09.2017
ölçüsü6,89 Mb.
#44
1   2   3   4   5   6   7   8   9   ...   272
Paanong, kahit bago pa pumanaw ang kanyang asawa, ay nakakita siya ng mga tanging bagay.
Sa ika 4 na taon bago pumanaw ang kanyang asawa, ang isang santo ng lupain ng Sweden, Botvid ang pangalan, ay napakita sa kanya, tulad ng nasa alapaap ang kanyang isipan, at nagsabi: “ Ako, kasama ng ibang banal, ay pinagkalooban para sa grasya ng iyong Diyos- Pangalana’y, upang makakita at makadama ng mga bagay na espiritual-at ang espiritu ng Diyos ay magpapaalab sa iyong kaluluwa.”
Sa ikatlong taon bago pumanaw ang kanyang asawa, ang pinagpala sa lahat na Birheng Maria ay napakita sa kanya at nagsabi: ”Ako ang reyna ng mga yaong nagdurusa. Nais kong ipakita sa iyo kung ano ang kahalintulad ng aking anak sa kanyang pagkatao at ano ang kanyang kahalintulad nang sys sy magdusa sa krus. At ito ang magiging palatandaan sa iyo, na ikaw ay paroroon sa Jerusalem kung saan ako ay nabuhay sa katawan at doon, sa pamamagitan ng iyong espiritual na mga mata, ay makikita mo ang aking anak.” Matapos ang dalawampu’t walong taon, ang lahat ng ito ay natupad, at ito ay maliwanag na nakatala sa aklat ng mga pahayag na siya ay naparoon sa Jerusalem at Betlehem.
Kung paano, sa simula ng mga pahayag, sya ay inatasang maglagi sa isang monasteryo.
Gayun nga sa simula ng mga pahayag, sya ay inatasang sundin si Matthias, isang dalubhasa sa teologo. At maglagi sa monasteryo ng mga monghe ng Cistercian. Pangalanang, Santa Maria sa Alvastra, na nasa Sweden, sa diosesis ng Linkoping. Sinabi sa kanya ng espiritu sa isang pangitain:” Kung ito ay nakalulugod sa dakilang Panginoon na gumawa ng isang simpleng bagay, ang mga pangkalahatang gawain samakatuwid ay huwag kalimutan bagkus dapat na ibigin ng mas higit na may mas malaking pagaalab. Kung kaya Ako, ang Diyos ng lahat, na nagingibabaw sa lahat ng panuntunan, ay pinahihintulutan kang mamalagi sa kasalukuyang panahon sa tabi ng monasteryo-hindi upang ipagwalang bahala ang tuntunin, o magpasimula ng isang kaugalian, kundi upang ihayag ang aking dakilang gawa sa banal na lugar. Sapagkat si David sa panahon ng pangangailangan, ay kinain ang pinabanal na tinapay-isang pagkilos na hindi pinahihintulutang gawin ng ilan sa karaniwang panahon,”
May isang kapatid na linkod ng simbahan na ang ngalan ay Gerekin na nasa pareho ding monasteryo sa hanay ng Cistercian sa Alvastra. Sa loob ng apatnapung taon ay hindi sya lumabas ng monasteryo. ngunit araw at gabi, sya ay hirati sa mga pananalangin; at mayroon syang grasyang ganito, na, kapag sya ay nananalangin, ay halos walang patid niyang nakikita ang siyam na koro (uri) ng mga anghel; at sa pagkataas ng katawan ni Kristo, ay madalas siyang biyayaang makita si Kristo sa anyo ng isang bata. Nang si Lady Birgitta ay dumating sa monasteryo at naninirahan don, Ang kapatid na ito ay nagtaka sa kanyang puso at sinabi: “ Bakit dito lumalagi sa monasteryo ng mga monghe ang babaing iyon, nagpapasimula ba siya ng bagong kaugaliang labag sa aming tuntunin? At ang kapatid na iyon ay itinaas sa alapaap ng pagiisip at malinaw na narinig ang tinig na nagsasabi sa kanya: “ Huwag kang magulumihanan. Ang babaeng ito ay kaibigan ng Diyos; at siya ay pumarito upang sa paanan ng bundok na ito sya ay mangalap ng mga bulaklak kung saan ang lahat ng tao, pati na ang nangasa ibayong dagat at nangasa likod ng mga dulo ng daigdig, ay mangakatangap ng kagamutan.”
At muli, sa pangalawang pagkakataon, ang nasabing kapatiday nakita syang itinaas mula sa daigdig, at, tila baga, may kidlat na lumabas sa lanyang bibig. At pagkatapos narinig nya sa espiritu: “ Ito ang babae kung saan, mula sa mga dulo ng daigdig, ay magdudulot sa mga di mabilang na mga bansa ng karunungan upang maging inumin. At ito ang magiging palatandaan sa iyo: na siya mula sa bibig ng Diyos, ay sasabihin sayo ang hangahan ng iyong buhay. At ikaw ay lubhang liligaya sa kanyang mga salita at sa kanyang pagdating; at ang nasa mo ay magkakaroon ng lalong dagliang katuparan kundi ay makikita mo ang mga samang ibabagsak ng Diyos sa sambahayang ito.
Si Lord Hemming, ang obispo ng Abo, ay isinakatuparan ang kanyang mabathalang misyon sa France at England at nakitang ang mga hari ay kulang sa pagnanais sa pagtangap sa salita ng Diyos- pangalana’y, Yaong mga pahayag tunkol sa mga hari at ang digmaan sa pagitan ng kaharian ng France at England. Ang mga pahayag na ito ay matatagpuan sa ikaapat na aklat ng mga makalangit na pahayag, sa bandang katapusan ng kabanata ” Gulo ang puso,”etc. Habang sya ay natutulog, itong si Lady Birgitta ay nagpakita sa kanya at sinabi: “Bakit ka nagugulumihanan? Babalik ka sa iyong tinubuang lupa na matagumpay, at makapagdadala ka ng mga kaluluwang iyong ibinunga. Ngunit alamin mo na ang salot kung saan ikaw ay sinugo ay hindi pa magwawakas, sapagkat pinatigas ang kanilang mga puso sa pagsalungat sa Diyos, at sila ay pansamantalang maguguluhan hangang sa sila ay magpakumbaba.”
May isang madre na ang ngalan ay Katharine sa monasteryo ng Mount Saint Mary, sa kaharian ng Sweden. Natangap niya ang kanyang grasya. Ang pinagpalang si Maria ay napakita sa kanya, at, bukod pa sa sa ibang salita ay sinabi: “ Ipakikita ko sa iyo na ako ang Ina ng Diyos, at ihahayag ko sa iyo ang aking anak.” Nag makita ng babaeng ito si Lady Birgitta at sila’y magkakuwentuhan, ay sumagot siya: “ O ikaw na maligayang babae! Dahil hindi ko sinasabi ito upang ikaw o ako ay magyabang, sapagkat nakarinig ako ng isang tinig na nagsabi ng ganito: ‘ Alamin mo na si Birgitta ay di pa matatawag na maligaya sapagkat, kung sya ay itinakwil sa lupa, sya ay dadakilain sa langit at yaong mga ipapanganak ay mangagpahahayag ng kanyang pangalan.’ Sa gayon ay tumatag ka sapagkat walang pagaalinlangan na ito ay matutupad, gaya ng aking nadinig.”
Nang si Master Matthias, ang kanyang kompesor- na nabangit na sa itaas- ay makaranas ng isang tukso, ay may nagsabi kay Lady Birgitta nito sa espiritu: “ sya may magiging maalam mula pa ’noong una’ Halimbawa, mula sa simula ng Bibliya at sa aklat ng Genesis, kung saan sinimulan: ‘ Sa simula, nilikha ng Diyos ang langit at ang daigdig,’ hangang sa ‘Alpha at O,’ halimbawa, hanggang sa Apocalipse. Kung saan ang ‘Alpha at O’ sa isang banda ay nakasulat. At sya ay lalaya mula sa mga tukso, at ipagkakaloob ko sa kanya ang init ng aking espiritu.” At daglian nyang naramdaman sa kanyang sarili ang paglaya at siya ay pinagpahinga mula sa tukso. Gayun din, sa gayunding araw na ang kanyang si Master Matthias ay namatay sa kanyang tinubuang lupa, si Lady Birgitta, na namamalagi sa Roma, ay nadinig sa espiritu: “Maligaya ka, Master Matthias, dahilan sa koronang inihubog para sa iyo sa Sweden. Halika ngayon sa karunungang hindi magwawakas!”
Nang, sa katandaan, ang kapatid na si Algot ng Order ng Preachers, isang bihasa sa teologo at isang matalik na kaibigan ni Lady Birgitta, sa loob ng tatlong taon ay nakaranas ng pagkabulag at naghirap ng matindi dahil sa calculi, hiniling nya at sinabi kay Lady Birgitta na mag-alay ng panalangin sa Diyos para sa kanya. Nang sa pagtupad sa kanyang hiling, hiniling niya na gumaling ito, ang kasagutang ito ay dumating sa kanya sa espiritu: “ Siya ay nagniningning na tala. Hindi makabubuting ang kanyang kaluluwa ay paitimin ng kalusugan ng kanyang katawan. Ngayon sya ay nakipagsapalaran at umabot na sa katapusan Wala nang natitirang naitatago upang sya ay koronahan. Ito ang magiging palatandaan sa kanya. Ngayon mula sa oras na ito, ang sakit ng kanyang kalamnan ay maghihilom; ngayon ang buo niyang kaluluwa ay pagniningasin ng aking kabutihan.” At di na dumaan pa ang madaming araw, at sya ay pumanaw.
Ang nauna nang nabangit na si Lady Birgitta ay nagkamit din, mula sa Diyos, nitong natatanging grasya ng napakabuting katangian at kahiwagaan: Ang una ay kapag nakakapagsalita siya ng anumang labag sa kalooban ng Diyos, ay bigla siyang nakakadama ng napakapait sa kanyang bibig, animo isang sulphur. At dahil dito ay agad niyang nalalaman na nalalabag niya ang kalooban ng Diyos; at kapag naaalala niya ang salitang iyon ay agad niya itong ikinukumpisal sa kanyang kumpesor na may malaking kalunkutan at luha. Gayundin, kapag ang sinuman ay bumigkas sa kanya ng mapanlinlang at di karapat dapat na salita na makakasugat sa kalooban ng diyos, ay bigla niyang naaamoy ang nakapangingilabot at ang masamang amoy ng sulphur, na hindi niya matagalan. At ito ay isang tanda na ang Diyos ay nasalungat ng mga salita ng taong iyon-isang bagay na aming napatunayan sa hindi mabilang na pagkakataon.
Karagdagan pa, kapag ang kahit sinong taong magtanong sa kanya tunkol sa pagdududa sa sariling konsensiya at maghanap mula sa kanyang payo ng mga katangi-tanging lunas na makabubuti, at sumasagot siya ng ganito:” Manalangin ka sa Diyos tunkol dito. At kami din ay mag iisip, at gagawin namin ang magagawa para sa iyo-kahit na ako ay makasalanang hindi karapatdapat.” Sa katunyan, pgkatapos ng tatlong araw at gayon nga at kung minsan sa araw ding yaon, ay natutugunan niya ng taong iyon- kung ang taong iyon ay espiritual at tapat- sa pagtaas ng kanyang mga kamay sa langit habang sinasabi ito: “ ako ay isang makasalanan na hindi karapat dapat magsabi ng ganito; Gayunman, alamin na si Hesukristo ay napakita sa akin sa pananalangin at sinabi sa akin kung ano ang nararapat kong itugon sa bagay na iyong hinihingi ganito o ganyan, etc.”
At pagkatapos ay ibibigay niya sa kanya ang mga salitang natangap niya mula kay Kristo o mula sa Pinagpalang Birheng Maria bilang katugunan sa bagay na ito. O kaya ay isusulat niya sa pamamagitan ng sariling kamay at ng pananalita ng kanyang ina ang mga mabathalang mga kataga na ibinigay sa kanya; at buong katapatang isasalin niya ito sa wikang latin sa pamamagitan namin na kanyang mga kompesor. At pagkatapos non at pakikingan niya ang pagkakasalin kasama ang kanyang sariling isinulat, upang wala ni isang salitang madagdag o mawala kundi yaon lamang na kanyang taimtim na narinig at nakita sa pangitain.
Sa katunayan, kung siya ay may sakit, ay tinatawag nya ang kanyang kompesor at tagasulat- isang sekretarya na espesyal na nakatalaga dito- at pagkatapos, kalakip ng napakalaking debosyon at takot sa Diyos at kung minsan kasabay ng luha, ay pinapahayag niya sa kanya ang mga salitang yaon sa sarili niyang salita na may mataas at nakatuon na pagiisip, na para bagang binabasa niya ito sa isang aklat. At pagkatapos ay binibigkas ito ng kanyang kompesor sa wikang latin sa tigasulat, at isinusulat naman niya ito sa kanyang presensiya. At pagkatapos, Kapag ang mga salita any naisulat na, ay ninanais niyang pakingan ito; It pinapakingan niya itong mabuti at mataimtim. At sa gayon ibinibigay niya ang mga sulat na ito doon sa taong iyon na naghahanap ng kasagutan. Ito ay madalas- opo, napakadalas- mapatunayan sa karnasan ng Mahal na Reyna at ng archibishop ng Naples; gayundin ng Reyna at ng Hari at ng Prinsesa at ng marami pang iba mula sa kaharian ng Cyprus at mula sa kaharian ng Sicily; at ng mga kalalakihan, at pati na mga kababaihan, mula sa Italya, mula sa Sweden, at kahit na mula sa España.
Karagdagan pa dito. madalas din mangyari na ipahayag kay Lady Birgitta ang mga lihim na iniisip at pagdududa ng mga lumalapit sa kanya at pati yaong wala doon-ang mga bagay na hindi nila maihayag sa pamamagitan ng salita o pagsulat o senyales. Isa sa mga saksi dito: ay si Lord Nicholas ng Nola, isang rektor ng pagiging ama; si Lord Gomez ng Albornoz, isang rektor ng duke ng Spoleto; isang panginoon ng bilang ng Fondi; at marami pang iba, na relihiyoso o secular, kung saan pinahayag niya at sinulat ang mga bagay na natatago sa kaibuturan ng kanilang mga puso.
Maging ang isang tao ay mangigilalas sa iba pang grasya na natangap ng sinansabing babae mula sa kanyang esposo, na si Jesukristo. Sapagkat madalas na mangyari na may debosyon at pagtulong, na ang iba-ibang tao ay humihiling sa kanya na ipagdasal sa Diyos ang mga kaluluwa ng kanilang mga yumao. At kung inaakala niya na ang mga yaon ay nasa purgatoryo-isang lugar na kung saan ay kailangan nila ang pamagitang panalangin-ay hinihiling nila na sabihin niya ito sa kanila, ang katanungan ng mga buhay, at ipaalam sa kanila kung anong tulong o sakripisyo o kung anong pamagitang panalangin ng mga buhay ang makapagpapalaya sa mga patay sa mga pagdurusang iyon.
Sa katunayan, Ay tinangap niya sa mga sulat ang mga pangalan ng mga yumao na; at sa pamamagitan ng lubos na pagkamaawain at pagkahabag, ay nanalangin siya sa Diyos para sa kanila. At pagkatapos, sa pananalangin, ay natatamo niya ang kasagutan mula sa Diyos kung ang mga kaluluwang iyon ay nasa purgatoryo-at kahit na kung papaano ang nagyayari sa purgatoryong iyon at sa mga sakit na iyon kung nasaan sila-o kaya ay kung sila ba ay nasa impiyerno o nasa langit. Binigyan din siya na malaman, ng maliwanag at malinaw, kung anong uri ng pamagitang panalangin at pagbibigay sa kapwa kung saan ang mga kaluluwang iyon ay makakalaya.
Isang magandang patunay dito ay naranasan ng mga nasabing nabubuhay na tao na napangalanan na sa itaas na kung saan may debosyong humiling sa kanya ng mga nasabing bagay, at, patunkol dito, ay nagtamo ng mabathalang mga kasagutan mula sa kanyang mga sulat. Gayon nga ng siya mismo, o kaya ay kahit na sino sa amin sa kanyang tahanan, ay di mapalagay o may pagdududa sa kahit ano, sa bigla at walang pagkabalam, sa pamamagitan ng rebelasyon na mabathalang ibinigay sa kanya, buong pagkukumbabang ibinabalik niya mula kay Kristo, ang kanyang Esposo, o mula sa Birheng Maria, ang napaka mahalagang kasagutan na nagpapaliwanag ng nasabing bagay.
Anong hihigit pa? sa testimonia sa napakaraming katangian, sa gayong lubhang kabanalan at kabunyian, sa naguumapaw at sobra-sobrang grasya na mabathalang sumisinag sa kanya na binubuksan sa mga aklat ng makalangit na pahayag, na mabathalang ipinagkaloob sa kanya, at sa mga aklat ng katanungan, na ibinigay din sa kanya sa mabathalang pamamaraan, sa natatanging pagkilos ng Espiritu Santo, sa natatanging pamamaraan at, kung saan, sa loob ng isang oras lamang, habang siya ay nakasakay sa kanyang kabayo at patungo sa kanyang villa sa Vadstena, kung saan ito ay higit na buong nakatala sa simula ng pareho ding aklat ng mga katanungan.
Ang patunay ay sinasamahan din ng mga karanasan ng pangitain, sapagkat ang mga bagay na ito ay madalas naming makita at ng iba pang mga tao sa ibat ibang dako ng daigdig. Sapagkat madalas namin makita ang mga bagay na hinuhulaan niya madaming taon bago and takdang oras, at pagkatapos ay aktuwal naming nararanasan. Ito ay isang bagay na nakikita at nararanasan din ng marami pang iba. Mula dito maaaring malinaw na matitipon( at ito ay masusubok sa mga salita ng mga santo) na sya ay mayroon na mula sa Diyos ng isang tunay na espiritu ng paghahayag at yaong katalinuhang makakita ay mabathalang ibinigay sa kaniya.
Maging ang mga milagro na kahit simula pa nang sya ay mamatay na nangyayayri sa pamamagitan niya at sa kabutihan niya lumalabas pa ngayon.. at muli pang lalabas sa hinaharap, ang malinaw na saksi ng katotohanan sa mga di mabilang na grasya na mabathalang isinabog sa kaniya. Sa katunayan, bago itong babae ay tinawag sa espiritu ng Diyos, ay hindi lang hinulaan niya ang tunkol sa hinaharap-tulad ng mga propeta-ngunit pati na ang kasalukuyan at nakaraan; at nilinaw din niya ang maraming mga bagay tunkol sa mga pinagdududahang mga bagay sa sagradong kasulatan.
Dagdag pa dito, Katulad ng mga apostol, Ay iniwan niya ang lahat ng kanyang pag aari; at, sa tagubilin ng Diyos, Ay nagpadala siya ng mga liham sa mga pangunahing tauhan ng buong kakristiyanuhan. Pangalanay sa pinakamataas na Arsobispo; sa mga emperador; sa mga hari at reyna ng France at ng England, ng Sicily at Cyprus Sa mga prinsipe at prinsesa; sa ibat ibang mga may katungkulan sa pananampalataya; sa mga sekular at relihiyoso; sa mga kaharian, at sa mga lupa. Binisita din niya ng personal ang mga lupain, sa pagpapakita ng kalooban ng Diyos sa parehong dakila at aba para sa ikabubuti ng kanilang mga kaluluwa, na tinubos sa dugo ni Kristo.
Tulad ng mga banal na ebanghelista, sumulat din siya tungkol sa pagsilang ni kristo at tungkol sa kanyang dakilang buhay , at sa kahalintulad na paraan, tunkol sa kanyang kamatayan at tunkol sa kanyang pagkabuhay na maguli at tunkol sa kanyang walang hangang kaluwalhatian, tulad ng sapat na malinaw na ipinakikita sa kanyang mga pahayag.
Sa katotohanan, ay di maituturing na wala syang karanasan sa pagiging martir; sapagkat dinidisiplina niya ang sarili sa pamumuhay sa pagpapagal at abstinensiya, sa pamamagitan ng pagpapaubayang malagay ang kanyang buhay sa panganib sa lupa at karagatan, at sa pamamagitan ng pagtitiyaga ng may pagtitiis, para sa kapakanan ng pangalan ni Kristo, ang pagbatikos at paginsulto ng marami, sa kahinaan man ng katawan o sa magandang kalusugan.. Mula sa kaibuturan ng kanyang puso, ay patuloy niyang pinasasalamatan ang knyang Esposo, na si Jesukristo, sa mga kahirapan; at buong kapakumbabaang pinanalangin niya sa Diyos ang mga sumasalungat sa kanya.
Kung paanong ang isang babaeng namatay na ay napakita sa kanya at sinabi sa kanya ang mangyayari sa hinaharap.
Ngayon, sa unang buwan simula nang dumating si Lady Birgitta sa monasteryo ng mga monghe ng Cisterian- pangalanay, Saint Mary’s of Alvastra- isang babaing patay na at kilalang kilala niya, ang napakita sa kanya sa panalangin at sinabi: ”Sa iyo ipinagkaloob ang makaunawa ng mga bagay na espiritual; sa lahat ng bagay, samakatuwid, ay magpakumbaba ka. At upang malaman mo ito ng may mas malaking kasiguruhan, masdan mo, ibinibigay ko sa iyo ang tatlong palatandaan.
Ang una ay ang napakabigat na parusa sa akin dahil sa katigasan ng aking konsensiya, Ang pangalawa: na ang aking asawa, na kung sino ay hindi ko asawa, ngayon ay naghahanap ng aliw ng katawan- pangalana’y aliw ng katawan sa ibang babae na salungat sa Diyos-at ito ay nagdudulot sa kanya at sa kanyang salinlahi ng mga paghihirap. Ang pangatlo ay ikaw at tatawid ng karagatan; at ikaw ay mamamatay sa pinakamarangyang palasyo sa Roma.”
Dagdag pa dito, ang babae ay muling napakita sa kaniya sa pangalawang pagkakakataon at sinabi: “Nais kong ipaalam sa iyo ang aking kalagayan; sapagkat ikinalulugod ng Diyos na mahalin natin ang isat-isa samantalang tayo ay nabubuhay pa sa laman, kailangang mahalin natin ngayon ang isat-isa sa espiritu. Ako- sa pagsasalita gamit ang pagkakapareho- ay inilagay, tulad ng sa, isang makapal na salamin at nakadidinig, ngunit di pa makaabot, ng mga bagay na ninanasa ko. Samakatuwid, nauunawaan ko at ninanasa at umamasa ako sa walanghangang kaligayahan; ngunit di pa nakararating sa sukdulan hangang ang salamin, sa kalooban ng Diyos ay maging manipis at mawala.
At ito ay dahilan sa dalawang bagay na nagpabigat sa akin sa sanlibutan. Pangalana’y, ang dulot ng galit; at ang katotohanang hindi ako makuntento kung ano ang mayroon ako, sa halip ay haghahangad ako ang higit pa. Samakatuwid pakiusan ang aking mga kaibigan na maghandog ng dagdag pang sakripisyo para sa akin, kung saan ang sakripisyo ng aking Panginoong Jesukristo ay maialay; at pangalawa , upang magala-ala sa akin sa kabuuan ng isangtaon ng mga kaibigan ng Diyos. Upang sa pamamagitan niyon, ay walang duda, na mapalaya ng mabilisan sa kaparusahang ito.”
Anong uri ng pangyayari sa buhay sa lupa mayroon itong nasabing kapatid na babae ng asawa ni Lady Birgitta na nagpakita nga sa kaniya.
Ang nasabing babae kung saan matapos mamatay ay napakita kay Lady Birgitta ay kilalang kilala sa kanyang pag aayuno at pagdarasal. At isang panahon, nang sya ay nasa kalubhaan ng kanyang karamdaman, ay napakita sa kanya ang dyablo sa isang pinaka kakilakilabot na anyo, na may tila intensiyong agawin sya sa pagkakahiga nya roon. Sa katotohanan, daha ng matinding pagkatakot ay sumigaw sya: “ Sa buhay na walang hangan,” sabi nya “ako ay itinakwil!” habang inuulit niya ng maraming beses ang mga katagang ito, ay tinanong siya ng kanyang kompesor: “bakit,” wika nya, “ bakit mo sinasabi ang gayon samantalang iniibig mo ang Diyos ng higit sa lahat?” Siya samantala ay hindi tumutugon at nananatili sa dating lagay: “Itinakwil ako sa buhay na walang hangan!” Sa wakas, ay nanahimik sya sa pagkakahawak ng mga kasama; sa isang napakagandang paraan, ang mukha niya ay nagbago at nagkakulay, ito ay ay naging maputi at malarosas. Habang namamangha ang mga naroroon, ay sinabi niya sa isang malakas na tinig: “ Pinagpala ka, aking Diyos, na siyang lumikha sa akin at nagpalaya sa akin. Nagkukumpisal ako sa iyo at iniaalay sa iyo ang pagpapala.”
Ngunit nang mabawi niya ang kanyang hininga at nagbalik sa sariling kahinahunan, ay tinawag ang kanyang kompesor at ang iba pang mga taong may dakilang kalooban at sinabi sa kanila: “Nakita ko ang diyanblo sa nakapangingilabot na anyo. Nakakatakot sa kanyang kaanyuan, inaakala ko na ako ay itinakwil. At habang nasa ganito akong kabalisahan, ay nakita ko si Kristo, na nakatayo sa krus. Habang lumalayo ang diyablo, ay sinbi ni Kristo: ‘ sa paglipas ng isang taon, ay makikita mo ang katulad na pangitain, ngunit hindi ang diyablo. At ito ang magiging palatandaan sa iyo, na kung makita mo ito, na ang buhay mo ay dumating na sa wakas.’” At ito nga ang nangyari; sa pagkalipas ng isang taon, sa ganoon ding petsa ay nakita niya si Kristo; at ang kanyang kaluluwa ay lumisan na sa kanyang laman matapos ang mahabang paglilinis.
Kung papaanong ang babaeng ito ay napakita sa pangatlong pagkakataon sa Esposa ni Kristo na si Lady Birgitta.
Itong nasabing babae ay napakita din sa pangatlong pagkakataon pagkatapos ng kanyang pagkamatay sa tulad ding babaeng si Lady Birgitta at sinabi: “Ang matagal ko nang ninanasa, ay nakamtan ko na ngayon. Ang aking dating paghihirap ay itinapon na sa limot, at ang aking pag ibig ngayon ay ganap na. Dadapwat sa ganang sayo: maging masunurin ka! Sapagkat pasasaroon ka sa mga kalipunan ng mga dakila.”
Kung paanong, Matapos mamatay ang kaniyang asawa, ay ipinamahagi ni Lady Birgitta ang kanyang yaman.
Nang mamatay ang kanyang asawa, ay dagliang ipinamahagi ni Lady Birgitta ang kanyang yaman sa mga anak at sa mga mahihirap. Pinalitan niya ang uri ng kanyang pamumuhay at pananamit; at madami pa siyang higit na magagandang bagay na gagawin kundi lamang sa katotohanan na sya ay inatasan sa pahayag na maglakbay sa Roma. At nang sya ay nasasaktan sa mga sinasabi ng mga mariringal na tao dahil sa mga pagbabago at sa mga mumurahin niyang mga damit, ay sinagot niya: “ Hindi po sa inyo ang aking pagsimula o sa inyo ang aking pagtigil. Sapagkat napagtanto ko na sa aking puso na titiisin ang mga masasakit na salita, Samakatuwid, ipagdasal po ninyo na ako ay makapagtiis.”
Kung paanong sya ay mabathalang inatasan na magpunta sa hari ng Sweden
At gayun nga, nang siya ay inatasan sa espiritu na tumungo sa hari ng Sweden, at ng siya ay nakiusap sapagkat hindi niya malaman kung ano ang kanyang sasabihin sa hari, ang mga kasagutang ito ay siyang sinabi sa kanya ng Diyos: “ Kapag ikaw ay dumating doon,” wika niya,” buksan mo ang iyong bibig at pupunan ko ito.” Samakatuwid, nang sya nga ay dumating, ang mabathalang mga salita ay biglang ibinuhos sa kaniya- hindi lang ang mga salitang patunkol sa hari, kundi pati na ang maraming mangyayari sa hinaharap.
Kung paanong sya ay isnugo sa isang obispo at tinangap nito ang kanyang pagdating.
Itong si Lady Birgitta ay nagtungo din sa isang obispo na may napatunayan nang pamumuhay at debosyon at nagsabi dito ng mga salita na mabathalang ipinahayag sa kanya. Nang marinig nito ang mga salitang iyon, siya, sa kanyang sariling konsensiya, ay natuklasan-hangang sa huling punto-kung ano ang naiintindihan ni Lady Birgitta sa espiritu: Pangalana’y, mga bagay na, maliban sa Diyos at sa kanya, ay walang ibang taong nakakaalam. Sapagkat ang nasabing Lord Bishop ay mayroon ilang hindi maintindihang ninanasa, at, sa ilang bagay, ay masigasig sa pagkakaiba-iba na may katalinuhan. At ginawa niya ang pag aayuno ng higit sa karaniwan. Samakatuwid, ay mas malugod niyang tinatangap ang kanyang makalingang mga pagtutuwid, itinama ang lahat ayon sa panuntunan ng pagkalinga, at sinabi niya sa kanya: “ Nang nakaraang gabi,” wika niya, “ Ay maliwanag kitang nakita na pumapasok sa aking sarili at tinatanggal mo ang mga naglalakihang balakid sa aking puso. Samakatuwid, hindi lamang ako naniniwala sa iyong mga salita, kundi nakikita ko din sa aking kaluluwa na ginagawan ka ng Diyos ng mga kagilagilalas na bagay.”
Paano nay pinigilan ang isang hari sa pagkalap ng di makatarungang buwis at pagpupuri.
Nang ang hari ng Sweden ay kinakailangang magbayad ng malaking halaga ng pera at kumikilos upang ipapasan sa mga mamamayan ng kaharian ang bigat na dala-dala nito na labag sa batas at sa kanyang sinumpaang tungkulin, ay sinabi sa kanya ni Lady Birgitta “Aking Hari, huwag mong gawin iyan; sapagkat hindi ka makatatagal sa poot ng Diyos sa halip ay kunin mo ang dalawa kong anak; at gawin mo sila bilang mga bihag hangang sa ikaw ay makabayad; at huwag mong salungatin ang iyong Diyos.” At sa araw ding iyon, ay dumating sa kanya ang sumusunod na pangitain na kung saan ay nasalita si Kristo kay Lady Birgitta at sinabi ang ganito: Manapa’y kung paanong ang kaharian kung minsan ay naililigtas sa pamamagitan ng kawang gawa ng isang tao, gayun naman ang ibang kaharian ay tuluyang nawawala dahil sa mga bagong likha ng isang tao at mabigat na pagpataw ng buwis.
Ibibgay ko sa iyo ang isang halimbawa ng ganitong pangyayari sa sumusunod na kaharian. Sapagkat ang mismong hari ay sa salapi nagtiwala-pinapalapat ng pandaraya o ng di tunay na hustisiya mula sa kanyang mamamayan at mula sa mga manlalakbay-ng higit sa pagtitiwala sa akin. Sa gayon, ay nawala ang kanyang buhay at iniwan ang kanyang kaharian sa kaguluhan.
Ang ibang humalili sa kanya ay ginawang kaugalian ang kanyang baluktot na imbensiyon, at, kung paanong gayon nga, ay isinabatas ito. Ngunit kung ang hari ay magtitiwala sa akin, ang kanyang Diyos, at ang mga mamamayan ay humiling ng gabay na may kawang gawa, sa gayon ay maililigtas ko at mapapanatili sila ng mas madali sa kapayapaan dahil sa gayong kawanggawa. Samakatuwid kung ang hari ay gustong umunlad, tuparin nay ang kanyang mga pangko sa akin at panatilihin ang katotohanan sa komunidad na kanyang nasasakupan; at maging maingat siya na maghayag ng mga bagong imbensiyon o pagpaparangal o ng mga teknikalidad. Sa kanyang kagulumihanan, bayaang sundin niya ang mga payo ng mga taong may banal na takot sa Diyos, at huwag ang mga payo ng mga mapagnasa; sapagkat mas makabubuti na magdusa ng ilang kapighatian sa daigdig na ito kaysa may kaalamang magkasala sa akin at sa kanyang sariling kaluluwa.”
Kung paanong ang diyablo ay nais siyang dayain.
Isang araw, habang si Lady Birgitta ay patungo, sa tuntunin ng Espiritu, upang dalawin ang isang lalaki na hinahalinhan ng diyablo, ang kabayong nakaugalian na niyang gamitin, na dating napakaamo, ay bigla na lamang umalma, sukat na ang sapatos sa harap na mga paa ng kabayo ay makita na lahat. Dahilan sa pag almang ito, si Lady Birgitta ay nagtiis ng pagsakit ng likod sa mahabang panahon, kung saan ay ipinaunawa sa kanya na ang diyablo ay pinigilan ang pagbabalik loob ng makasalanang ito. Sa katotohanan ang lalaking iyon na bibisitahin ay isang marangal, ayon sa panuntunan ng sanlibutan, at isang maringal-ay ginugulo ng diyablo; at lalo na sa kanyang presensiya, ay lalong pinapalala, kung paanong, mas malala pa kaysa dati.
Pagkatapos ang nasabi ding lalaki ay nagsalita ng maraming mga nakapangingilabot na mga bagay patunkol sa Diyos at sinabi sa kaniya: “ Oh anong pagkakaiba ng iyong espiritu na sumasaiyo at ng aking espiritu na sumasaakin! Ngunit kung nanaisin ng espiritung sumasaiyo, ako ay ganap na gagaling; sapagkat siya mismo, dahil sa aking hindi paniniwala at ng aking natatagong pagkukulang, ay ipinaubaya ako sa malupit na kamay ng mangigipit.” Ngunit sinagot nya siya: ”Ipinapangako ko sayo na madali kang gagaling, ngunit bakit ka nagsasalita ng gayong kalapastanganan sa Diyos.” At sinabi niya: “hindi ako ang naghahari sa sarili ko.” Pagkatapos niyang sabihin ang katagang ito, ay nagsimula siyang magsalita, katulad ng dati, ng lalong mapapait laban sa Diyos at upang lapastanganin siya, sa pagsasabing: “ Siya na may likha ng langit at lupa, ay sinasamba ko; patunkol sa bago mong Diyos na si Kristo, ay manahimik ka!” At pagkatapos non ay sinabi ng esposa ni Kristo: “ Tumahimik ka, kasuklam-suklam na diyablo, sa iyong mga pananalita laban sa Diyos; sapagkat kung ikaw man ang tigapagpahirap ng nilikhang ito, hindi pa rin ikaw ang walang hangang nagmamayari ng kanyang kaluluwa.” Kapagdaka’y ang taong iyon, na para bagang biglang nanlata, at tumanimik; ngunit pagkatapos ng ilang araw, siya ay gumaling.
At isa pang himala ang nangyari. Sa isang pahayag, mabathalang sinabi sa nabangit na si Lady Birgitta na sa kapakanan ng Diyos siya ay magbigay ng panuntunan sa isang kapatid na si Pedro tunkol sa hanay ng mga Cistercian sa monasteryo ng Saint Mary sa Alvastra sa Sweden- upang isulat ang mga aklat ng mga pahayag na mabathalang ipinagkaloob sa nasabi ding si Lady Birgitta sa espiritual na pangitain. Ang taong ito ay isang napaka simpleng lalaki; At kahit kailan ay hindi itinalaga ang kanyang sarili sa pagsusulat; sapagkat pinapalagay niyang hindi dapat ang sarili, dahil sa kanyang kawalan ng kaalaman dito, at hindi pagiging marapat na gumawa ng higit na dakilang gawain. At sya ay pinaramdaman ni Kristo ng takot sa kamatayan-at halos mamatay-hangang sa sya ay sumang ayon. At ng ipagkaloob na niya ang kanyang pagsang ayon, sya ay dagliang gumaling ng walang lumilipas na saglit.
Gayon nga rin sa isang inaalinhan ng demonyo sa East Gothland. Sa presensiya ng dalawang mapagkakatiwalaang saksi, sa salita mula sa bibig ng nasabing relihiyoso-mga salita kung saan ay mula sa babaing ito na narinig kay Kristo at kung saan ay sinabi ng kapatid na ito sa isang demonyo ayon sa panuntunan ni Kristo-gayon nga ang inaalinhan ay nalinis.
Dagdag pa dito, isa pang inaalinhan sa Sweden ang nalinis sa katulad ding paraan ng nasabing relihiyoso, sa harap ng mga mapagkakatiwalaang mga saksi, sa tuntunin ng nabangit na si Lady Birgitta.
Dagdag pa, sa pamamagitan ng Pinagpalang Birheng Maria, kung saan kasama ni Kristo ay napakita sa nasabing si Lady Birgitta, ang isang babaing mababa ang lipad ay napagbago sa pamamagitan ng panalangin ng nasabi ring si Lady Birgitta. Dagdag pa, ay maraming mga mayayaman at maimpluwensiyang mga tao sa kaharian ng Sweden ay napagbago rin ng sa isang lugar at oras- liban sa mga ayaw tumangap kay Kristo- ay naranasan nila ang paggalaw ng kanilang mga puso tungo sa kabutihan: isang paggalaw na ginawa niya sa pamamagitan ng mga salita ng nasabing si Lady Birgitta at ang kanilang mga ikinumpisal ay kanyang dinala.
Kung paanong si Lady Birgitta ay hinatulan ng isang obispo sa kanyang puso at kung anong bagay ang dumating sa kanya.
Isang panahon, sa isang handaan, habang ang esposa ni Kristo ay nakaluklok sa isang upuan kasama ang isang debotong obispo at, sa paggalang sa Diyos, ay pinaunlakan ang mga masasarap na nakahain, siya ay hinatulan ng obispo sa kalooban nito sa kanyang isip; sapagkat sinabi niya sa kanyang puso: “Bakit kaya ang babaing ito na may dakilang espiritu ay hindi nag pipigil kumain ng masasarap na pagkain?” Gayon nga, sa oras ng pagsamba, siya sa sarili niya, nang hindi namamalayan ng gayong mga iniisip ng obispo, ay narinig ang mga bagay na ito sa espiritu: “ Sabihin mo sa obispo, ‘Ako ay siya na pumupuno sa mga pastol ng aking espiritu. Dahilan ba ito sa pag aayuno ng mga pastol? Ako ay siya na gumawang propeta sa mga may asawang lalaki . Ano ang kanilang ginawa upang maging karapatdapat dito? Ako ang nag utos sa isang propeta na mag asawa ng isang mangangalunya. Hindi ba siya sumunod? Ako ay siya ring nakipag usap kay Job sa kanyang kaluguran nang siya ay maupo sa mga dumi ng hayop.
Sa gayon, sapagkat ako ay puno ng kadakilaan, Ginagawa ko ang lahat ng bagay na nakalulugod sa akin nang hindi umaasa sa mga bagay na nagpapagiging karapat-dapat dito.’ “ At pagkarinig nito, ay napagtanto ng obispo ang kanyang sarili at ngayon ay pakumbabang hiniling niya kay Lady birgitta na ipanalangin siya. At pagkatapos, sa pangatlong araw, ang bukod na Pinagpalang Birheng Maria ay napakita sa pareho ring esposa ni Kristo at sinabi sa kaniya: “Sabihin mo sa naturang obispo na dahil kinagawian niya na simulan ang lahat ng kanyang homilya sa pagpupuri sa akin at sapagkat ang kanyang hatol ay kanyang ginawa dahil sa pamamahal at hindi dahil sa pagkainggit, ang kanyang pagmamahal ay aani ng kabutihan. Sabihin mo sa kanya samakatuwid, na ninanais kong maging isang ina sa kanya at ninanais ko rin na ihayag ang kanyang kaluluwa sa Diyos. At ngayon ipapaliwanag ko sa iyo kung paanong siya ay ikapitong hayop sa mga hayop na naipakita na sa iyo at kung paanong dadalhin niya ang aking mga salita sa harap ng mga hari at ng mga may matataas na katungkulan sa simbahan. “ Itong pahayag tunkol sa pitong hayop ay mas buong nakatala sa aklat ng mga pahayag.
Kung paanong si Lady Birgitta ay bumalik mula sa hari ng Sweden at paanong ang kanyang anak ay namatay.
At ngayon, nang si Lady Birgitta ay bumalik na mula sa hari ng Sweden tungong monasteryo ng Alvastra, napag alaman niya na ang kanyang anak-na, nung siya ay umalis, ay matagal nang may dinaramdam at ngayon ay nasa kalubhaan. At umiyak siya ng lubos dahil sa matagal nitong pagkakasakit at ipinalagay na nangyayari ito dahil sa mga kasalanan ng kanyang mga magulang. Nang magpakita ang diyablo sa kanya at sinabi” Bakit, babae, sa lahat nitong tubig ng luha, ay pinalalabo mo ang iyong paningin at nagpapagal ng walang katuturan? Makaaakyat ba ang tubig sa langit?” sa gayon ding oras, ang Kristo ay napakita sa kanyang esposa sa kanyang taong anyo at sinabi: “ Ang pagkakasakit ng batang ito ay hindi dahilan sa mga kalipunan ng mga bituin-tulad ng sinasabi ng mga hangal-o dahilan sa kanyang mga kasalanan. Siya ay nagkasakit dahil sa kanyang pisikal na kondisyon at sa gayon ang kanyang korona ay maging mas higit..
Samakatuwid, kung siya sa ngayon ay tinatawag sa kanyang sariling pangalang Benedict, anak ng Ulf, Simula ngayon siya ay tatawaging anak ng mga luha at panalangin; at wawakasan ko na ang kanyang kapighatian. Sa katunayan, sa ikalimang araw pagkatapos, ay narinig ang pinaka matamis na awit, kung saan, ng mga ibon sa pagitan ng higaan ng bata at ng dingding; at, masdan, pagakatapos ang kaluluwa ng bata ay lumisan; at ang Banal na Espiritu ay nagsabi sa nasabi ring Lady Birgitta: “Masdan mo kung ano ang nagagawa ng mga luha! Ngayon ang anak ng mga tubig at dumating na sa kanyang kapahingahan. Samakatuwid ang diyablo ay namumuhi sa mga luha ng mabubuting tao, na nagmumula sa mabathalang pag mamahal.”
Tunkol sa isang kapatid na naratay sa kayang karamdaman sa loob ng tatlong araw at higit pa.
Sa nasabing monasteryo ng Alvastra, may isang lay brother ng banal na pamumuhay ay nakaroon ng karamdaman sa loob ng tatlong taon at higit pa. Sa utos ni Kristo, ang kanyang esposa ay binisita ito at sinabi sa kanya:” Magbalik loob ka ng may higit na atensiyon sapagkat mayroon kang ikinukubli sa iyong puso. Habang patuloy mo itong ikinukubli ay hindi ka maaaring mamatay.” Nang tinugon niya ito ay wala siyang inilihim sa pag aayuno, Sinabi niya: “ Itanong mo kung ano ang iyong intensiyon nang pumasok ka sa monasteryo at kung anong intension nabubuhay ka sa ngayon.” Pagkatapos siya ay napuno ng luha at sinabi: “ Pagpalain nawa ang Diyos na nagbigay sa iyo sa akin. Ngayon na ikaw ay nagsalita, nais kong ipahayag ang katotohanan; sapagkat mayroon nga akong itinatago na hindi ko pinangahasang ibunyag sapagkat, sa tuwing ako ay magbabalik loob, ang aking dila ay tila natatali, at pinagsasalikupan ako ng matinding hiya kayat ang bagay na ito ay hindi ko mabuksan.
Kaya, sa tuwing ako ay nangungumpisal, ay umiimbento ako sa aking sarili ng mga bagong konklusiyon sa aking mga salita, at sinasabi sa huli: ‘ Idinidiklara ko sa Diyos at sa mga banal ng Diyos na ako ay umaamin sa lahat ng aking mga pagkakasala na sinabi sa inyo, Father, at sa lahat ng aking hindi nasabi.’ Naniwala ako na sa pamamagitan ng ganitong konklusiyon, lahat ay mapapatawad. Ngunit ngayon, kung ikalulugod ng Diyos, ay ikalulugod kong sabihin sa buong mundo.” At nang tinawag na ang kompesor, ay ipinaliwanag niya ang lahat-lahat nang lumuluha; at pagkatapos noon ay hindi na siya nagtagal.
Tunkol sa tukso ng katakawan kung saan si Lady birgitta ay tinukso
Ngayon isang panahon, si Lady Birgitta ay grabeng tinukso ng katakawan na sa gutom, ay halos di na makapag isip ng kahit ano. Hangang, sa pamamagitan ng espiritu, ay nakakita siya ng isang maitim na tao na may hawak na pagkain at tinapay at ang isang napakaguwapong kabataan na may hawak na marangyang sisidlan. At winika ng kabataan: “ Bakit mo iniinganya ang babaing iyan na nasa aking pangangalaga?” Sumagot ang taong maitim: “Sapagkat nadadakila siya sa pagpipigil na di sa kanya; sapagkat di siya tumitigil hangat di puno ang kanyang tiyan ng mga maselang na dumi. Kayat hawak ko ang pagkaing ito upang ang walang lasang iyan ay maging masarap, para sa kanya.”
Sumagot ang kabataan “ Alam mo naman na di siya tulad natin na di materyal ang kalagayan ngunit, sa halip, ay isang sisidlan na gawa sa lupa. Sapagkat ang lupa ay malambot at walang kapahingahan, ay kailangan niya ang patuloy na pag-aayos ng sarili..” Winika ng maitin na tao: “ ang iyong Kristo ay nag ayuno, nang wala siyang kinakain; at ang mga propeta ay kumain ng tinapay at uminom ng tubig nang katamtaman. Dahil dito ay nakamtan nila ang kataasan ng mga bagay.
At papaano ang babaing iyan ay magkakamit kung lagi siyang sagana?” Sumagot ang kabataan: “ Hndi ba iyo din si Kristo tulad ng sa amin?” Kung saan ang kabila ay sumagot: ”Hindi kailan man! Sapagkat hindi ako magpapakababa sa harap niya sa halip ay kikilos ng salungat sa kanya sapagkat hindi ako babalik sa kanyang kaluwalhatian!” Sumagot ang kabataan: “ Ang ating Kristo ay tinuruan tayo na mag ayuno, nang hindi labis na magiging sanhi ng matinding paghina ng katawan, kundi upang maging mababang loob at huwag yumabong ng lihis sa kanyang kaluluwa. Ang ating Kristo ay hindi humihingi ng ng mga bagay na imposible sa kalikasan kundi katamtaman lamang; hindi niya hinihingi ang kalidad o dami ng kinakain ng isang tao, kundi, ang kalidad ng intension at pag ibig ng isang kumakain.”
Kung saan sinabi ng maitim na tao: “ Makatarungan lang na ang hindi naranasan ng babaing iyan nung kabataan ay danasin niya sa katandaan.” Patangging nagsalita ang kabataan: Ang lalong higit na kapuripuri ay ang pag iwas sa kasalanan. Walang balakid sa kalangitan madilim man ang kulay o maselan ang laman kung ito ay may kalakip na pagibig sa Diyos. Kung minsan ang nakaugalian ng isang tinuturuan ay dapat na panatilihing mabuti, ng may pasasalamat, kung hindi ay seryosong hihina ang laman.” Pagkatapos nito, sa katulad ding oras, ang Birheng Maria ay napakita sa kanya- suot ang isang korona- at winika sa taong maitim: “Tumahimik ka, ikaw na isang negosiyador; tignan mong mabuti, sapagkat siya ay inihabilin sa akin!” At ang taong maitim ay nagsalita: Kung hindi ako makagagawa ang anuman,” ang sabi niya,” ay magsasaboy ako ng mga sanga ng tinik ni Kristo sa mga dulo ng kanyang damit.” Kung saan sinabi ng Birhen: “ Tutulungan ko siya. Kung gaano kadalas mo isaboy iyon, ganoon din iyon ay babalik at isasaboy sa iyong mukha; at ang korona niya ay madodoble.” Hindi nagtagal pagkatapos ng pangitaing ito, ang buong tukso sa katakawan ay inalis.
Kung paanong siya ay tinukso sa pagdarasal.
Sa kanyang pananalangin, ang esposa ni Kristo ay manakanakang tinutukso kahit na ng maruruming pag iisip. Ang Pinagpalang si Maria ay napakita sa kanya at sinabi: “ Ang diyablo ay tulad ng espiya na punong puno ng ingit, naghahanap siya ng maipipigil at maiaakusa sa mga mabubuti. Sa gayon higit na lalong manalangin habang ikaw ay tinutukso sapagkat ang iyong nasa at mainam na pagpapagal ay ibibilang sa iyong panalangin; at kung hindi mo maialis sa iyong pag iisip ang maruming mga bagay na dumarating dito, ang mga pagpapagal na iyon ay ibibilang sa iyong kagalingan kung ang mga ito ay hindi mo ikinatutuwa at labag sa iyong kalooban.”
Kung paanong ang panalangin ng esposa ng Diyos ay kapakipakinabang sa isang tao.
Isang relihiyoso ang tinukso sa loob ng labindalawang taon tungkol sa sakramento ng katawan ni Kristo at tunkol sa ngalan ng Pinagpalang Maria, kung saan ay hindi niya mapangalanan ng hindi nagiisip ng maruming bagay at kalapastanganan.. At sa mahabang panahon ay iniiwasan niya pati ang pagbibigay galang sa mga anghel. Pinakiusap niya ng may mga luha sa mata kay Lady Birgitta, ang esposa ni Kristo, Na manalangin para sa kanya; at, sa pagkakamit ng kanyang panalangin, siya ay lubhang pinalaya, na pagkatapos niyon, ay bihira na niyang banggitin ang pangalan ng pinagpalang Maria ng walang kaligayahan; at ang Katawan ng Kristo ay naging Matamis para sa kanya na hindi siya mapahinga sa isang araw na hindi siya nakakapagsimba.
Sa mahabang panahon, itong nasabing lalaki ay nagnanasang dumalaw sa mga banal na lugar sa Jerusalem; ngunit, dala ng pagsunod at dahilan sa kanyang propesyon ay hindi siya naphintulutang gawin iyon. Nang siya ay nasa extremis, siya ay inaliw at nakita ang lahat ng iyon sa espiritu na katulad ng nakita ng mga taong napunta na doon; at matapos niyang ihayag ang mga pagkakaayos ng mga lugar na iyon sa mga taong nakapunta na doon, siya ay yumao na, na itinataas sa Panginoon.

Kung paanong ang esposa ni Kristo ay inatasang pumunta sa Roma at sumaksi sa grasya ng Diyos.


Datapwat, sa paglipas ng halos dalawang taon sa Cistercian order sa nabangit na monasteryo ng Saint Mary of Alvastra, ay inatasan siya ni Kristo na pumunta sa Roma, Bagama’t ito ay nakatala sa sumusunod na pahayag.
Isang pahayag ukol sa parehong bagay.
Ang ating Panginoong Hesukristo ay minsang nangusap sa naturang si Birgitta at sinabi: “Tumungo ka sa Roma, kung saan ang mga daan ay nababalutan ng ginto at tinubos ng dugo ng mga banal at kung saan ay may mas maikling daanan patungong langit dahil sa mga indulhensiya na natamo ng mga banal na pontipikado sa pananalangin. Bukod pa dito, dapat kang manatili sa Roma hangang sa makita mo ang pinakamataas na pontipikado at ang emperador na sabay doon sa Roma, at sa kanila iyong ianunsiyo ang aking mga salita.”
Ano ang kanyang ginawa nang siya ay patungong Roma.
Matapos niyang umalis mula sa kanyang tinubuang lupa, siya ay mabathalang inatasan sa isang pangitain na iwan ang kanyang nakasanayang basahin at mag aral ng gramar. Ito ay nang siya ay inatas kay blessed Agnes upang gumabay sa kanya at si Master Peter, ang kanyang kompesor bilang isang guro upang magtuturo sa kaniya upang kaniyang sundin. Dagdag pa dito, ang nasabing babae, sa maikling panahon, ay maigting na sumulong sa karunungang gramar na alam niyang sa isang bahagi na bumasa,at makaintindi, at magsalita ng latin.
Kung paanong siya ay mabathalang inatasan na tumungo sa Naples at bisitahin doon ang mga lugar ng mga santo.
Matapos na siya ay lumagi ng matagal sa Roma, Nagsalita sa kanya si Kristo at sinabi: “Ipinagkakaloob sa iyo ang pahintulot na dalawin ang mga banal na dako sa Sicily sapagkat sa mga lugar na yaon ay ang mga labi ng maraming nagmamahal sa akin ng buong puso. Higit sa kanilang lahat ay si Thomas, ang aking apostol. Kapag dumating ka doon, Ay ipapakita ko sa iyo ang ilang mga lihim.” At sapagkat siya ay nagpatumpik tumpik sa pag aalalang ang kanyang gastusin ay hindi maging sapat, ay sumagot ang panginoon: Hindi irereserba ng isang nagma-may ari ng pastulan ang kanyang pastulan para sa isang kabayong pang serbisyo lamang.. Samakatuwid Ako, ang Panginoon, ay nagkakaloob sa aking mga kaibigan sa panahon ng kanilang pangangailangan; at pinagagalaw ko ang kaluluwa ng iba upang gumawa ng mabuti sa kanila.” Tignan sa Aklat ng mga Makalangit na Pahayag para sa tanging pangitain na pinagkaloob kay Lady Birgitta ng Kristo sa lungsod ng Ortona na kinababangitan ng pagpupuri kay pinagpalang Thomas at hinggil sa naturang Lungsod.
Kung Papaano sa Roma ay inatasan siyang tumungo sa Jerusalem bagamat ang atas ay walang itinakdang oras.
Muli ang Kristo ay nangusap sa kanya at sinabi: “ Tulad ako ng isang agila na naaabot tanaw ang mga lumilipad sa himpapawid na nagnanais manakit sa kanyang mga maliliit at pinapangunahan sila sa sariling paglipad upang hindi na sila makapanakit; samakatuwid ay nakikita ko ang mga oras at mga daan at ang mga kahirapan sa daan at ang mga disposisyon ng mga kaluluwa. Kaya’t sinasabi ko sa iyo: minsan, ‘tumayo at maghintay’ ngayon, ‘Humayo at magmadali.’ Samakatuwid, sapagkat ito na ang takdang oras, ay tumungo ka na ngayon sa mga lugar na ipinakita ko sa iyo: kung saan ay may sisidlanng malinis at di malinis; at kung saan mayroong kordero, nagupitan at di nagupitan; kung saan ang leon ay umungal at hindi umuungal; kung saan ang ahas ay gumalaw at di gumagalaw; kung saan ang agila ay lumipad sa dakong hindi nito pinanggalingan.”
Tunghayan sa Aklat ng mga katanungan, sa huli at sumunod sa huling mga kabanata, kung saan ang mga bagay na ito ay natala at nabathalang pinaglinaw. At nang siya ay magdahilan sa hindi maayos na pangangatawan at sa matandang edad, sa gayon ang kasagutan ay dumating sa kaniya mula kay Kristo: “ Sino ang bumuo ng kalikasan? Hindi ba ako? Samakatuwid ay dadagdagan ko ang iyong lakas. Pupunan ko ang para sa daan. Susubaybayan kita at pangungunahan kita sa iyong pagbabalik sa dakong ito ng Roma.”
Sa isang okasyon-labinglimang taon bago ang pangyayari na nabangit natin- nang si Lady Birgitta ay nananalangin sa Roma, ang Birheng Maria ay napakita sa kanya at sinabi: “ Dahil sa malabis na pagmamahal mo sa akin, Sinasabi ko sa iyo na ikaw ay tutungo sa Herusalem sa oras na ikalugod ng aking anak; at pagkatapos ay tutungo ka rin sa Bethlehem; at ipapakita ko sa iyo kung paanong ako ay nagluwal sa aking anak na si Jesukristo.” Ang pangakong ito ay tinupad ng Birheng Maria makalipas ang labing anim na taon, nang si Lady Birgitta ay nakarating sa mga nasabing lugar na ito- tulad ng lalong nakatala sa aklat ng mga pahayag, sa tanging pahayag na ginawa sa kanya sa Bethlehem na nagsasaad ng pagkapanganak ng Birheng Maria.
Paanong siya ay mabathalang inatasan, samantalang siya ay nasa Herusalem, na magbalik muli sa Roma.
S isang okasyon, habang si lady Birgitta ay nananalangin sa Jerusalem, Ang Kristo ay napakita sa kanya at winika:” Lahat ng lugar na pinupuntahan ng mga banal na manlalakbay, ay pupuntahan mo. Sapagkat mayroon pang mga ibang lugar kung saan habang ako ay nasa katawang mortal na dapat dalawin; ngunit sapat na sa iyo ang hanapin ang lalong pinakamalapit dahilan sa iyong hindi maayos na pangangatawan at sapagkat wala pang oras para sa nasabing habag ang nakatakda; pagkat iilan lamang ang nagsasa alang-alang ng pag ibig ng aking pasyon at ng aking pagtitiyaga. Ngunit kung makabalik ka na mula sa Jordan, ay ihanda mo ang iyong sarili sa iyong paglalakbay; Sapagkat mayroon pang mga bagay na dapat ipadala sa mga tanging princesa ng daigdig.” Tunghayan sa marami at magagandang mga pahayag na nasasaloob ng makalangit na aklat at nilikha sa nasabing Lady Birgitta sa Herusalem at sa Bethlehem.
Tunkol sa espesyal na tanda ng Espiritu.
Nararapat alamin ng isang tao na simula pa lamang nang unang dalawin ng espiritu ng Diyos ang naturang Esposa ng Diyos ay may taglay na tanda: na, sa tuwing siya ay lalapitan ng isang taong may espiritu ng diyablo o isang taliwas sa kabutihan, ay nakararamdam siya ng lubhang kabahuan sa kanyang ilong at napakapait na lasa sa kanyang bibig at ito ay halos di niya makayanan. Kung saan minsan, nang ang isang lalaki- nag nagbago ng landas mula sa kabutihan pabalik sa kanyang dating mga kasalanan-ay naupo sa tabi ng esposa ng Diyos at nakipag usap sa kanya, sinabi ng lalaki sa kanya: “Ano itong espiritu na sinasabing nasa iyo? Galing ba ito sa iyo o sa iba o sa demonyo?”
Dito-sa halos di na makaya ng kanyang lakas ang mabahong amoy- ay sumagot: “ may hindi kanais-nais na amoy ang iyong nakuha, at hindi kanais-nais na mga bagay ang lumalabas sa iyong bibig. Mabalik loob ka, samakatuwid, kung hindi ay darating sa iyo ang parusa ng Diyos.” Galit na tumalilis ang lalaki; at, nang siya ay natutulog na, ay nakarinig siya ng mga boses na walang bilang na nagsasabing: “ ilagay natin ang baboy sa lugar ng mga baboy sapagkat winalang bahala niya ang mga paalala ng kaligtasan.” Nang magbalik na siya sa kanyang sarili, ay lubusan na niyang naitama ang sarili; at nalanghap ni Lady Birgitta ang kanyang amoy na naging matamis.
Isang katulad na bagay, kung saan, ay nangyari kay Lady Birgitta sa Farmagusta sa kaharian ng Cyprus, ang isang relihiyoso na kanyang kausap; at ng marami pang iba, ay ganito rin ang nangyari sa kanya.
Isang bagay tunkol sa nabangit.

Ang Esposa ng Diyos ay mayroon din nitong espesiyal na indikasyon: na, sa ika dalawampu at walong taon simula nang siya ay makasihan ng Espiritu ng Diyos, ay hindi siya nag iba o pumunta sa ibang siyudad o sa ibang lugar maliban sa iniuutos o iniuudyok ng Banal na Espiritu.


Tunkol sa siyudad ng Milan
Nang siya ay nasa Milan, ay namalagi siya roon ng matagal na panahon; at doon ka kabila ng ilang mga salita, ang Pinagpalang Birheng Maria ay tumugon sa mga kataga ng isang dakilang dalubhasa sa teyolohiya, tulad ng natatala sa aklat ng mga pahayag.
Tunkol sa Roma.
Sa katotohanan, ang nasabing si Lady Birgitta at namalagi sa Roma sa mahabang panahon hindi lamang dahil sa mga indulhensiya kundi dahil sa mga pangakong matutupad. Doon, sa sunud-sunod na pamamaraan, ay nakaranas siya ng mga pagdalaw kapwa tunkol sa kalalagayan ng siyudad at tunkol sa kapakanan ng pagpapabuti ng lahat ng mga estado. At doon din, ay ipinaalam sa kanya ng may kasiguruhan ang tungkol sa maraming bagay sa hinaharap, tulad ng ipinakita sa mga pahayag na ginawa sa kanya, na mas maliwanag na nakatala sa kanyang mga aklat. At doon din sa Roma natupad ang pangakong binitiwan sa kanya nang siya ay nasa Sweden pa maraming taon na ang nakalilipas: pangalanay, na siya ay makarating sa Roma at manatili doon hangang sa makita niya doon ang banal na Papa at ang emperador.
Dagdag pa dito, nang ang papa, UrbanV, ay nais nang bumalik mula sa Italy tungo sa Avignon, ang Birheng Maria ay napakita sa nasabing si Lady Birgitta at sinabi sa kanya sa isang Pangitain, na itong nasabi ring Papa ay hindi nararapat bumalik mula sa Roma, o mula sa Italy, patungo sa Avignon; kung hindi ay, maari itong maging resulta ng maaga niyang pagkawala sa maikling panahon-na mas malinaw na nakatala sa pahayag na yaon na kung saan ang nasabing si Lady Birgitta, sa pamamgitan ng kanyang sariling mga kamay, ay inilahad sa nasabi ring banal na papa sa Montefiascone. At isa sa mga naroon, sa okasiyon na iyon, ay isa ring naging banal nating papa, si Gregory XI, na noon ay tinatawag na Cardinal Beaufort.
Dagdag pa doon, sa okasyon na iyon sa Montefiascone, Ang Birheng Maria ay inatasan siyang sabihin, sa kanyang sariling ngalan, sa isang paring hermit na si Alphonsus, isang kaibigan at kasamahan niya, na isulat at kopyahin ang mga aklat ng mga pahayag na mabathalang ibinigay sa kanya na tunay na nanatiling lihim hangang sa oras na iyon. Sa kamatayan nitong nasabi babae, ay kinumpirma ito ni Kristo sa pamamagitan ng pag atas sa nasabi ring si Lady Birgitta na sabihin sa kanyang mga kompesor na ipahawak sa nasabing hermit ang lahat ng lihim na mga pahayag at ang lahat ng hindi pa nila hawak upang ang nasabing hermit na ito ay isulat ang mga iyon at ipamahagi sa mga bansa para sa karangalan at kadakilaan ng Diyos.
Dagdag pa dito, sa Naples at sa Herusalem din, siya ay namalagi siya ng mahabang panahon; At doon siya ay nakakita ng mga pangitain tungkol sa kalagayan at sa kapighatian ng mga kaharian at tunkol sa kapanganakan at paghihirap ni Jesukristo at tungkol sa pagtawag sa mga bansa. Kung saan, sa Herusalem, ay nagusap sa kaniya si Kristo: “Ang aking mga salita,” wika niya, “ay kailangan mapakinggan at iproklama sa mahabang panahon; ang mga gawa at ang mga palatandaan ay darating pagkatapos.
Samakatuwid, ay alamin na maraming hindi pa ipinanganganak ang matamis na tatanggap ng aking mga salita. Kung saan, tulad ng nasusulat sa aking ebanghelyo; ‘Mapapalad sila na nakikinig ng mga salita ng Diyos’; kaya’t sinasabi ko ngayon: ‘ Mapapalad ang mga nakikinig ngayon ng aking mga salita at isakatuparan ito sa kaniyang mga gawa’ Gayundin, alamin na paglipas mo ay maraming tatanggap ng aking mga salita at susundan ito ng may katamisan, sapakat hindi ito tulad ng bulaklak na malalaglag kundi tulad ito ng bungang kahoy na mananatili kailanman.” Dapat ding alamin ng isang tao na habang buhay pa ang knyang asawa si Lady Birgitta ay nag aayuno na ng palihim, At nang pumanaw na ang kanyang asawa ay hindi pa siya nakontento sa pag aayunong ito. Sa katunayan, sa loob ng tatlumpung taon ay hindi siya nagsusuot ng mamahaling tela liban sa kanyang belo.
Maging sa bago siya matulog ay inilalagay niya ang kobrekama sa simyento at munting sapin sa kanyang ulo; at dito siya natutulog na may munting mantel lamang bilang kumot. Nang tanungin siya kung papaano siya nakakapahinga doon sa gayong kalamig na umiiral sa gayong parte ng Sweden, siya ay sumagot at sinabi: “ nararamdaman ko,” sabi niya, “ sa aking sarili ang init na nagmumula sa mabathalang grasya na wala akong maramdamang lamig at hindi ko na kailangang maghanap pa ng malambot na higaan.”
Araw at gabi, Ay nakaugalian na niyang magsagawa ng napakaraming pag luhod, pagyukod at pagpapatirapa sa harap ng Diyos na ito ay di karaniwan sa isang tulad niya na gawin ang gayong kahirap na bagay sa gayong maselan na kalagayan.
Nakaugalian din niya, na tuwing biyernes, na patakan ng naglalagablab na kandila ang kanyang lantad na balat hangang ito ay masugat; at kung maghilom ito bago dumating ang susunod na biyernes, ay ididiin niya dito ang kanyang kuko at sa gayon ang kanyang katawan ay hindi maiiwang walang hirap ng mga sugat; At ito ay ginagawa niya sa pag aala-ala ng mga sakit ng Kristo. Mayroon ding nakatali sa kaniya ng mahigpit na hindi niya inaalis may sakit man siya o wala.
Kapag siya sa isang banda, ay tumutungo sa mga lugar na ito ng Roma o Italya, dinadalaw niya ang mga banal na lugar ng may debosyon at may kadalasan; at may matinding pagpapagal ng sarili, ay pinangangalagaan niya ang nakagawian na huwag makipag usap sa kaninumang kanyang makita sa daan liban lamang kung sila mismo ang magtatanong sa kaniya-kung saan ay sumasagot siya ang may kakaunting salita lamang sa kumakausap sa kaniya. At tuwing makababangit siya ng mga salitang hindi niya napagnilay-nilay, sa rosaryo na nasa kanyang dibdib sa pagdarasal ng ama namin, ay matama niyang tinatandaan iyon kung saan ay nasalungat niya ang Diyos upang huwag malimutang ikumpisal at mapagbayaran sa pamamagitan ng pag aayuno.
Tulad din nito, kapag dinadalaw niya ang mga dambana, ay binabantayan niya ang sariling mga mata na huwag tumingin sa mukha ng mga tao. Kung halimbawang napatingin siya ng di sinasadya sa mukha ng isang tao, sa gayon ay maglalagay siya ng tanda sa rosaryo na nakasabit sa kanyang leeg hangang sa pamamagitan ng pag aayuno ay mapunan niya ang bagay na ito.
Mula sa kanyang pagkabata, ay nakaugalian na niya ang mangumpisal tuwing biyernes. Ngunit hindi siya kuntento sa ganito; hindi nga sapagkat siya ay nagungumpisal nang mas mahigit sa isa sa bawat araw ng taon tunkol sa mga magagaan na kanyang mga nasabi at naisip. Sapagkat sa kanya ay may pagkatakot sa Diyos na may kasamang malaking pagmamahal sa Kanya. Sa katunayan, sa mga biyernes dahilan sa paghihirap ni Kristo at sa kapaitan ng inuming apdo na ibinigay sa kanya bago siya mamatay. Ay nakaugalian na ni Lady Birgitta na mag babad sa kanyang bibig ng napakapait na halaman na tinatawag na genciana. Ginagawa din niya ito sa ibang mga araw na siya ay nakakapagsalita ng mga katagang hindi niya napagnilay-nilay.
Sa kanyang pangungumpisal, siya ay napaka mababang loob at masunurin sa mga itinakdang gawain para sa kanya. Dagdag pa dito, labis na minamahal niya ang tunay na kababaan ng loob na walang lugar na hindi niya ninais na magkaroon ng tagapagtaguyod na buong kababaang loob niyang sinusunod sa lahat ng bagay. Dagdag pa, ay minamahal niya nang lubos ang kahirapan na ang lahat na kanyang ariarian ay ipinamamahagi niya sa iba; at kung may nais siyang anuman dito, ay isinasanguni muna niya sa kanyang kompesor na namamahala dito sa ngalan ni Jesukristo na para bagang hindi niya ito pag aari.
Pinangangalagaan niya ang kapakanan ng mga taong kasama niya sa tirahan nang higit sa pangangalaga niya sa kanyang sariling kapakanan. Sapagkat may mga pagkakataon na ikinukubli niya ang sariling sirang sapatos habang ihinihingi niya na bigyan ng bagong sapatos ang iba.; at ginagawa din niya ito sa iba pang mahahalagang mga bagay; sa katunayan, ay buong tiyaga niyang pinagtitiisan ang lahat ng mga bagay na dumarating; at ang Pinagpalang Birhen ay minsang nagsabi sa kaniya sa isang pangitain: “Ikaw” wika niya, ay katulad ng isang salamin, malinaw at malinis, at tulad ng matalas na tinik-isang salamin sa katapatan at maka Diyos na pag uugali at magandang halimbawa, ngunit isang tinik sa hayagang pagsupil ng mga makasalanan.
Sa katunayan ay mahusay na ipinakikita ni lady Birgitta ang huling punto; sapagkat, saan man siya naroon ay ginagawa niya ito sa abot ng kanyang makakaya. Ipinakita niya ito ng mahusay sa Fagamusta, sa presensiya ng hari at ng reyna at ng prinsesa at ng iba pang mayayaman at maimpluwensiyang mga tao ng kaharian ng Cyprus, Seryoso at hayagan niyang isinalaysay ang pahayag na ginawa sa kanya sa Herusalem patunkol sa kaharian ng Cyprus- sa kabila ng sa mga oras na iyon, ang kanyang katawan ay nanghihina at may kapansanan. Itong pahayag ding ito ay nabibilang sa mga aklat ng mga makalangit na pahayag.
Dagdag pa dito, sa Naples man ay hindi siya nanahimik tunkol sa mga pahayag na ibinigay sa kaniya ukol sa mga tao sa nasabi ring siyudad bagkus inihayag ito sa arsobispo at sa tatlong batikan sa teyolohiya at sa iba pang mga dalubhasa ng mga batas ng kristiyano at ng lokal na pamahalaan at sa iba pang mga panginoon at kapitapitagang mga ginoo, at taong simbahan. Buong tapang niyang sinusupil ang kasalanan ng siyudad at ipinakikita kung paanong maiaayon nila sa katuwiran ang kanilang buhay- tulad ng ipinagagawa sa kanya ni Jesukristo sa pahayag na higit na maliwanag at malinaw na mababasa sa mga aklat ng mga pahayag.
Dagdag pa dito, habang siya ay nasa Herusalem, siya ay nagsimulang humina; at ang kanyang karamdamang ito ay tumagal ng isang taon. At mapadagat man o mapalupa, ay buong tiyaga niyang tiniis ang pagod at sakit at dito sa karamdamang ito siya namatay sa Roma.
At nangyari din sa wakas sa Roma –limang araw bago ang araw ng kanyang pagpanaw-na ang ating Panginoong Hesukristo ay napakita sa kanya sa harap ng altar na nakatayo sa kanyang higaan, Ipinakita nito ang kanyang sarili na may masayang mukha at sinabi sa kanya: “ Ginawa ko sa iyo kung ano ang karaniwang ginagawa ng lalaking ikakasal, itinatago ang kanyang sarili sa kanyang mapapangasawa upang lalo itong manabik sa kanya. Gayundin hindi kita pinadalan ng pang aaliw sa mga panahong ito; sapagkat ito ang mga panahnon ng pagsusubok sa iyo. Samakatuwid, ngayong ikaw ay subok na, ay humayo ka at ihanda ang sarili; sapagkat ito na ang oras kung saan-tulad ng aking ipinangako sa iyo-sa harap ng aking altar, ikaw ay daramtan at itatalaga bilang madre. At sa gayon ikaw ay hindi lamang ibibilang na aking esposa kundi isa ring madre at isang ina sa Vadstena,”
Ito ay isang villa na tinatawag sa pangalang ito; at natatayo doon yaong monasteryo ng mga madre at mga kapatiran na ang pagbubuo ay inihayag sa kanya ng Diyos at kung saan ang nasabing babae ay ililibing. Sa wakas ay sinabi sa kaniya ni Kristo: “ Gayunman, alamin mo na mahihimlay ang iyong katawan sa Roma hangang sa dalhin ito sa dakong inihanda para dito. Sapagkat ikinalulugod ko na alisin ka na sa iyong mga pagpapagal at tanggapin ang iyong kalooban kapalit ng nakumpleto nang mga gawa.”
Pagkatapos niyon at marami pang mga bagay na sinabi, ay binanggit niya at binilinan ang mga taong kasama niyang naninirahan doon, kung saan bago siya mamatay, ay sinabi niyang nakita niyang nakatayo sa harap ng Diyos.
Pagkatapos na marinig ang mga bagay na iyon, ay idinagdag ng panginoon ang mga salitang ito: “ Sa umaga sa ikalimang araw matapos mong matanggap ang sakramento, ay tawaging isa-isa ang mga binanggit kong pangalan; at sa kanila ay sabihin ang mga bagay na gagawin. Samantalang ang mga salitang ito at kanilang mga kamay, ikaw ay patutungo na sa iyong monasteryo-( sa aking ligaya); at ang iyong katawan ay ilalagay sa Vadstena.” Pagkatapos niyon, sa pagdating ng ikalimang araw, sa madaling araw, ay napakita muli sa kaniya si Kristo at inaliw siya. Ngunit nang matapos na ang misa at makatanggap siya ng banal na sacramento, sa mga kamay ng mga nasabing tao ay yumao ang kanyang espiritu.

Kaalaman tunkol sa amin


Ang mga Propesiya at Pahayag kay Santa Birgitta ng Sweden
Si Santa Birgitta ay kinanonisa ni Papa Boniface IX sa taong 1931

At kinumpirma ni Papa Martin V sa Council of Constance sa taong



1415
Pagpalain kayo ng Panginoon! Si Santa Birgitta ay isinilang mula sa katangitangi at mayamang pamilya. Ang kanyang pamilya ay may mainam na pananampalataya ayon sa ating panginoong Hesukristo at ipinamamahagi nila ang malaki sa kanilang mga kayamanan sa pagpapatayo ng mga simbahan at mga monasteryo at sa mga mahihirap. Minsan sa gulang na sampu, ay nakita niya ang Panginoon na nakapako sa krus, at sinabi ng Panginoong Hesukristo:” Masdan mo, kung papaano ako naghirap!” Ang akala niya ay talagang nangyayari iyon sa mga oras na iyon at sumagot siya: “O Panginoon, sino ang gumawa nito sa iyo?” Sumagot ang Panginoon: “Silang mga, nagwalangbahala sa akin at kinalimutan ang aking napakalaking pag ibig.” Nang mamatay ang kanyang asawa ay naging madre siya at ipinamigay ang kanyang kayamanan sa mga mahihirap. Ang lahat ng kanyang mga propesiya ay nangatutupad magpasa hangang ngayon at mayroon pang mga natitirang magkakaroon din ng katuparan.
Kami ay tatlong mga lingkod ng ating Diyos at Panginoong Hesukristo kung saan sa pamamagitan ng mga biyaya ng Diyos ay iniaalay ang aming buhay upang ibigin ang Diyos ng higit sa lahat, Mamuhay sa kalinisan, upang magpakumbaba at ikalat ang mga salita ni Hesus sa lahat ng dako sa daigdig. Ang aming misyon ay mangalap ng mga kapatid na lalaki’t babae na may magandang loob na maglakbay at ipangaral ang Bibliya at ang mga Banal na Pahayag na ito. Mangyaring magkaroon kayo ng link sa aming homepage at ipamalita sa inyong mga kaibigan at kamag anak ang tunkol sa aming misyon., sapagkat ang mga Pahayag na ito ay makapagpapabuti sa kaluluwa. Kung ikaw ay isang mangangaral, ay umaasa kami na ipangangaral mo ang mga salitang ito na mula sa Banal na Espiritu sa buo mong kongregasyon.
Buong kapakumbabaang hinihiling namin sa inyong lahat na sumipi ng mga kopya ng mga aklat na ito na may link sa aming homepage at ipamigay iyon ng walang bayad sa inyong mga kapatid na babae at lalake. Pumunta sa mga simbahan at ipamigay ang mga iyon o ilagay iyon sa mga sasakyang nakaparada sa simbahan para sa mga serbisyong pansimbahan. Ipinapakiusap din namin na sabihin ninyo sa inyong pinuno ng kongregasyon kung nais niyang bumili ng mga sipi ng Mga Propesiya at Mga Rebelasyon ni Santa Birgitta ng Sweden para sa kanyang buong kongregasyon sa napakamurang halaga. Hinihiling din namin na maglagay kayo ng mga kopya nitong napakadakilang rebelasyon sa lahat ng dako: sa pintuan, sa puno at sa iba pang mga lugar kung saan ito ay makikita ng lahat upang makapagligtas hangat maari ng maraming mga kaluluwa para sa ating Panginoong Hesukristo
Mateo 12:30 “ Siya na hindi panig sa akin ay laban sa akin, at siya na hindi nagsisinop na kasama ko ay nakakalat.”
Kami ay naghahanap ng mga nais magsalin sa ibang wika na may kakanyahang magsalin ng mahusay sa iba’t ibang wika. Naghahanap din kami ng maaaring gumawa ng Audio book sa mp3. Umaasa kami na maisalin sa kahit 50 wika, isang araw sa tulong ninyo, ng mambabasa. Sana ay tulungan niyo kami na makatagpo pa ng mga aklat ng Rebelasyon kay Santa Birgitta sa iba pang mga wika. Gagantimpalaan kayo ng napakalaki ng ating Panginoong Hesukristo, Pagpalain kayo sa pangalan ng ating Panginoong HESUKRISTO!
Wag sana ninyong kalimutang basahin ang mga pahayag na ito at ang iba pang mga salita ng Diyos sa araw araw upang yomabong kayo sa espiritu at magandang katangian, sapagkat ang diyablo ay ginagawa ang lahat sa kanyang lakas upang mapigil kayo sa inyong pagbabasa sa mga salita ng Diyos upang inyong malimutan iyon at mahulog kayo sa kasalanan. Huwag ninyong kalimutang magimprenta ng mga kopya nitong mga dakilang pahayag upang palagian itong nasa inyong mga kamay upang dumating man ang mas malaking delubyo na ibinababala ng Banal na Bibliya na mangyayari, sa gayon hindi kayo umaasa (gaya halimbawa) sa elektrisidad na hindi palagiang nandoroon.
Ang aklat na ito ay salamin kung saan ang kaluuwa ay makikita ang kanyang mga kasiraan at matututunan kung ano ang nakalulugod sa Diyos at kung ano ang nakasusuklam sa kanya. Basahin ang aklat na ito ng paulit-ulit at matututunan mo kung paano mo nararapat na mahalin ang Diyos at ang iyong kapwa, itakwil kung ano ang makamundo at hindi nananatili, magpagal para sa mga bagay na walang hangan at makalangit, pagtiisan sa kapakanan ng Kristo ang mga kahirapan ng mundong ito at itakwil ang kanyang mga kasaganaan at kagandahan, magpasalamat sa diyos sa mga sakit, huwag magmataas sa pagiging malusog, huwag maging palaasa sa magandang kinabukasan o mawalan ng pag asa sa mga pagsubok.
Matamang ipinapayo namin na dasalin ang 15 misteryo ng Santo Rosaryo araw-araw. Paulit-ulit na sinabi ng ating Mahal na Ina ang kahalagahan ng pagdarasal ng Rosaryo sa araw araw sa kanyang mensahe sa Fatima. Sinabi pa niya na kahit si Francisco ay dapat na magdasal pa ng maraming Rosaryo bago makapasok sa langit. Nararapat unahin ang pagbasa ng mga salita ng Diyos bago ang iba pang mga gawain upang lumago sa espiritu. Ang pagdarasal ng 15 dekada ng Rosaryo sa araw-araw ay magagawa sa ibat-ibang paraan. Sa isang banda, mas madali para sa marami na dasalin ang iba-ibang parte ng Rosaryo sa iba-ibang oras ng buong araw, gaya halimbawa, ang mga misteryo ng tuwa sa umaga, ang mga misteryo ng hapis sa tanghali, at ang mga misteryo naman ng luwalhati sa gabi. Ang ‘Salve Regina ay kailangan lang dasalin sa huling parte ng buong araw ng Rosaryo. Ang pinakamahalagang bahagi ng Rosaryo ay ang pagninilay-nilay sa mga misteryo, at mga yugto ng buhay ng ating Panginoon at Mahal na Ina. Ang ibig sabihin nito ay ang pag iisip ng mga iyon, paglalagay ng sarili sa isang tagpo na parang nakikita mo iyon sa iyong harapan, pagsasa alang-alang ng mga grasya at kapakinabangan na dulot niyon at gamitin iyon bilang inspirasyon upang lalong makilala at ibigin ang Diyos. Pangkaraniwan din ang ituon ang paningin sa partikular na katangian ng bawat misteryo.
Kailangan namin ang tulong ninyo sa paghahanap ng mga Katolikong magazine/ News paper na nasa ibat-ibang wika, kayat ipinakikiusap namin sa inyo na hanapin ang mga ganitong magazine sa inyong bansa at ang nga ito ay i e-mail ninyo sa amin. Kailangan namin ang ganitong suporta upang mai advertise namin at maipaalam itong mga pahayag na ito sa buong mundo.
Sana ay magkaloob kayo ng donasyon upang matulungan kami na maipalaganap ang mga propesiya at mga pahayag kay Santa Birgitta ng Sweden sa buong mundo upang mailigtas ang mga kaluluwa ng ating mga mahal na kapatid na lalake at babae.
Upang marating ang ganitong layunin sa inyong tulong, ay kailangan namin ng tulong na pananalapi upang mag advertise sa mga Kristiyanong mga magazine, at upang mailathala ang mga aklat na ito sa ibat ibang wika, at iba pa. Buong pagpapakumbaba na hinihiling namin sa inyong lahat na magkaloob mula sa inyong mga labis upang matulungan kami na magligtas ng mga kaluluwa.
Nasusulat: “ At kung ang sinuman ay magkaloob ng kahit isang basong malamig na tubig sa isa sa mga maliliit na ito sapagkat siya ay aking desipulo, ay sinasabi ko sa inyo ang katotohanan, tiyak na di niya mawawala ang kanyang gantimpala.”
Kailangan namin ang inyong tulong, magbigay ng donasyon dito pakiusap.
Kailangan din namin ang inyong panalangin! Pagpalain kayong lahat ng Diyos!
Kung nais ninyo kaming makontak, Mangyaring mag e-mail sa
http://www.prophecyfilm.com/contact/

We are looking for translators. Please contact us here.


Google translator: Kami ay naghahanap para sa mga tagasalin. Mangyaring makipag-ugnayan sa amin dito.
www.Catholic-Saints.net

Free DVDs and Books
The Prophecies and Revelations of

Saint Bridget (Birgitta) of Sweden




Yüklə 6,89 Mb.

Dostları ilə paylaş:
1   2   3   4   5   6   7   8   9   ...   272




Verilənlər bazası müəlliflik hüququ ilə müdafiə olunur ©genderi.org 2024
rəhbərliyinə müraciət

    Ana səhifə