Ng mga Shia



Yüklə 102,9 Kb.
tarix16.11.2017
ölçüsü102,9 Kb.
#10372



Maigsing Pagbubunyag ng Doktrinang Shiasmo



عقيدة التشيع



Ang Paglihis ng Kulto

(Uri ng Pananampalataya o Pagsamba) ng mga Shia

Mula sa Matuwid na Landas ng Islam

(Raafidah- Shiites)

Inihanda


Ni

Abdul Rahman Dimashqiah
Salin sa Pilipino

Ni

Josie G. Timpac


للشيخ عبدالرحمن دمشقيه

Mga Nilalaman

Paunang Salita …………………………………………….. 5 Panimula …………………………………………………... 8 Ang Kulto (Uri ng Pagsamba o Pananampalataya) ng Shia………………………………………………………… 9

Ang mga Shia at ang Shirk (Pagbibigay ng Katambal sa Allah)….. 11

Ang pagpapatirapa sa mga “Banal na Bato”………………. 17 Ang Pananaw ng mga Shia sa Pinagmulan ng


Paniniwalang Islamiko ……………………………………. 18

Ang mga Malabis at Nakakagulat na Paniwala Tungkol

sa mga Labindalawang Imam………………………………. 21

Ang Pamumuno (Imamate)………………………………… 26

Ang Pagdiriwang ng Aashooraa kaugnay ng

Pagpaslang Kay Husein…………………………………………. 29

Ang Pagpapalo sa Kanilang mga Katawan ay Isang Patunay

ng Kasinungalingan ng Kanilang Paniniwala ……………… 30


Ang Pansamantalang Pag-aasawa …………………………. 31

Ang Pagkukunwari (Relihyosong Kasinungalingan) ………. 33


Ang Katayuan ng mga Shia sa mga Sahabah ng Propeta …. 34


Ang Katayuan ng Pamilya ng Propeta sa Kanyang

mga Sahabah ………………………………………………. 40

Ang Pagbabalik ng Al-Mahdi………………………………….. 41

Ang Pagtatag ng isang Relihiyon sa Ibabaw ng


Nakalipas na Pagkapoot ay Sumasalungat sa Kanilang Panawagan ng Pagkakaisa …………………………………. 43

Makakaanyaya kaya ang mga Shia sa Islam?……………... 46



Paunang Salita


Sa ngalan ng Allah, ang Pinakamahabagin, ang Pinakamaawain.
Ang lahat ng papuri ay sa Allah lamang, ang Panginoon ng santinakpan. Ako ay sumasaksi na walang ibang Diyos maliban sa Allah, Siya ay walang katambal at ako ay sumasaksi na si Propeta Muhammad, (SAWS)1 ang Kanyang tagapaglingkod at sugo. Pagpalain nawa siya ng Allah at ang kanyang mga pamilya, mga kasamahan at ang mga sumusunod sa kanila hanggang sa Araw ng Paghuhukom.
Ang layunin ng pagsasalin-wika ng aklat na ito ay upang ipaalam sa mga mambabasa ng wikang Pilipino, Muslim man o hindi, ang isang dagliang sulyap tungkol sa mga simulain at mga paniniwala ng sektang Shiasmo. Ito ay hindi naghahangad na magbigay ng buong detalye sa halip ay upang ilahad ang mga mahahalagang impormasyon tungkol dito. Napakahalaga para sa bawat Muslim na malaman ang katotohanan ng paglihis ng mga Shia sa matuwid na landas ng Islam sa pamamagitan ng maigsi at malinaw na pagsiwalat sa mga tunay na katuruan nito.

Sa kasawiang palad, naging isang malawak na kaisipan na ang mga Shia ay isa sa mga magkaibang paaralan ng kaisipan (school of thought ) sa Islam at walang malaking pagkakaiba sa mga Sunni (tagasunod ng Sunnah ng Propeta, SAWS). Ngunit ang paniniwalang Shiasmo na babanggitin sa susunod na mga pahina ay magpapatunay na ang sektang ito ay walang kinalaman sa Islam o anumang uri ng kaisipan. Ang sinumang may malusog na pag-iisip ay hindi niya kailan man papaniwalaan o tatanggapin ang katuruan ng kultong ito.


Subalit ang ilan sa mga Muslim na may simpleng pag-iisip ay naniniwala sa mga Shiang nagsasabing iniwan na nila ang kanilang mga dating simulain at paniniwala at sila’y bumalik sa tamang landas. Ngunit ating matutuklasan mula sa kanilang mga gawi na ang paniwalang ito ay walang katotohanan. Na sinasalungat nila ang kanilang sinasabi sa pamamagitan ng maramihang paglilimbag at pamamahagi sa mga aklat na naglalaman ng kanilang mga huwad na paniniwala. Ang isang halimbawa nito ay ang aklat na pinamagatang “Al-Kafi” na pinaniniwalaang pinaka-autentikong aklat nila hanggang sa ngayon.
Samakatuwid, napakahalagang bigyan ng babala ang mga tao mula sa paniniwalang ito at maaring sila ay mahulog sa kanilang bitag sa ilalim ng lilim ng pagmamahal sa pamilya ng Propeta Muhammad, (SAWS).

Inaasahan namin na sa pamamagitan ng pagbasa at pag-unawa sa aklat na ito, ikaw ay mapaalalahanan at ilayo ang iyong sarili sa mga taong nagbibigay ng maling representasyon ng Islam dahil sa kanilang mga sukdulang (extreme) pananaw at gawi na nagbibigay ng malaking tulong upang pasamain ang magandang anyo ng Islam at bigyan ito ng di-makatarungan at barbarong larawan.


Dalangin namin sa Allah na nawa’y maging kapakipakinabang ang aklat na ito. Tunay na Siya ang dumidinig at tumutugon sa mga panalangin

Panimula

Sa ngalan ng Allah, ang Pinakamahabagin, ang Pinakamaawain.


Si Propeta Muhammad, (SAWS), ay nagbabala sa atin na ang nasyong ito (ng mga Muslim) ay mahahati sa pitumpu’t tatlong sekta o pangkat at silang lahat ay mapupunta sa impiyerno maliban lamang sa isa. Isang grupo lamang ang maililigtas. Idinagdag pa niya na maraming tao ang maglitawan sa loob ng nasyong ito na nag-aanyaya sa mga tao papuntang impiyerno sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng maling doktrina at maling paniniwala. Ayon pa sa kanya, ang ligtas na grupo, “al-firqa al-najiyah” ay yaong mga taong mahigpit na humahawak sa pamamaraan (sunnah) ng Propeta, (SAWS), at ng kanyang mga Sahabah (kasamahan).
Ito ang dahilan ng kanilang tagumpay. Kung ikaw ay umaasang mailigtas mula sa apoy ng impiyerno sa Araw ng Paghuhukom, maging isa ka sa ligtas na grupo. Panghawakan mong maigi ang mga katuruan ng Propeta, (SAWS). Sa kasalukuyan, ikaw ay nasa kalagayan ng pagsubok at pagsusuri.
Susunod ka ba sa Propeta, (SAWS) o susunod ka sa kabaguhan (bid’ah)? Susundan mo ba silang mga taong nag-uudyok sa kasinungalingan sa pamamagitan ng pera?

Ang Kulto (Uri ng Pananampalataya o Pagsamba) ng mga Shia

Ang salitang “Shia” ay isang Arabik na kataga na nangangahulugan ng “pilas na pangkat” (splinter-group). May ilang beses na ginamit ng Allah ang katagang ito sa Banal na Qur’an,


At huwag kayong mapabilang sa mga mushrikeen (mga taong sumasamba ng ibang diyos maliban sa Allah), silang nanghahati ng kanilang pananampalataya at naging mga sekta.” (Rum, 30:31-32).
At sinabi pa ng Allah, “Silang humahati sa kanilang relihiyon at naging mga sekta, ikaw (O Muhammad) ay walang kaugnayan ng anuman sa kanila” (al-An'am: 6:159).
Katulad ng bersong “Katotohanan, kasama ng mga taong sumunod sa kanyang [Nuh (Noah)] pamamaraan (sekta) ay si Abraham” (al-Saffat: 37:83).
Ang salitang “sekta” ay muling ginamit sa Surat (al-Qassas 28:15), “At nakakita siya (Mousa) roon ng dalawang lalaking nag-aaway, ang isa mula sa kanyang sekta, at ang isa ay mula sa kanyang kaaway.”

Ang katagang “Shia” ay walang natatanging ispiritual na katuturan o kahalagahan sa relihiyong Islam, at ito’y di nagpapaalala sa atin ng anumang karangalan o kapurihan. Sa katunayan, silang tinatawag na mga “Shia” ay kilala sa ngayon sa pangalang “raafidah” o mga tumatanggi o mga di -naniniwala. Isa sa mga sinaunang Imam (pinuno) mula sa angkan ng Propeta, (SAWS), na nagngangalang Zaid ibn al-Husein ibn Ali, ay nagpangalan sa kanila ng ganito pagkatapos nilang tanggihang kilalanin ang pagka-kalipato nina Abu Bakr at Omar, (RA)1 na sila noon ang pinakamalapit sa Propeta sa pagmamahalan at pagka-kamag-anak.

Samakatuwid, ang katagang Shia ay nangangahulugan ng isang kulto, subalit ang katagang Raafidah ay nangangahulugan ng “mga di-naniniwala o mga tumatanggi (ng katotohanan).

Samantala, ang ibig sabihin ng katagang “Sunnah” ay ang pamamaraan na nangangahulugan ng pagsunod sa pamamaraan ng Propeta, (SAWS).




Ang mga Shia at ang Shirk

(Pagbibigay ng Katambal sa Allah)

Ang kultong ito ay puno ng mga paniniwala at mga gawaing Shirk, pagbibigay ng katambal sa Allah. Ang shirk ay isang kasalanang kailanman ay hindi pinapatawad ng Allah. Sabi nga Niya,


Katotohanan, hindi pinapatawad ng Allah ang pagbibigay ng katambal sa Kanya, ngunit Siya ay nagpapatawad ng ibang kasalanan bukod dito sa kaninumang Kanyang nais,” (Al-Nisa 4:48). Sinabi pa Niya,

Kung ikaw ay magtambal (ng mga diyos sa Allah), ang iyong gawa ay tunay na magiging walang halaga, at ikaw ay tiyak na isa sa mga talunan” (al-Zumar 39:65).


Lahat ng mga paniniwala at mga gawain nilang aking babanggitin sa ibaba ay malinaw at walang dudang pagsasagawa ng shirk:
1. Sila ay nag-aalay ng kanilang mga panalangin sa mga patay sa halip na ialay sa Allah, ang Buhay na kailan man ay hindi mamamatay. Pumupunta sila sa mga libingan at kinakausap ang mga taong nakaburol doon. Inaaksaya nila ang kanilang kayamanan sa mga libingan ng mga mabubuting tao at sila ay nananangis sa kanilang harapan. Mga luhang ni minsan ay hindi tumulo sa anumang masjid, (mosque). Sila’y umimbento ng mga huwad na hadith (ulat) na nagsasaad ng katampatang gantimpala ng pananangis sa libingan ni Husein, (RA). At saka, ang sinumang magpalipas ng isang gabi sa kanyang libingan ay para na rin siyang bumisita sa Trono ng Makapangyarihang Allah.

2. Pumapayag sila na magsagawa ng Tawaf (paglibot) sa paligid ng mga libingan ng pamilya ng Propeta, (SAWS), katulad ng pagsasagawa ng Tawaf sa palibot ng Ka’aba sa Makkah, (Al-Kafi 1/287). Sinasabi nila na ang isang beses na pagdalaw sa libingan ni Husein, (RA), ang apo ng Propeta, ay nakapagbibigay ng gantimpalang isang daang hajj (paglalakbay) at isang daang umrah (pagbisita) sa Makkah.


3. Isa sa mga napapanahong pantas ng mga Shia na nagngangalang Khamini-ee ay tinanong ng isang grupo ng mga Shia kung ano ang kanyang kapasyahan sa kanilang paniniwalang si Ali, (RA), ay hindi mababa sa pagiging isang Diyos. Siya'y sumagot at sinabing sila ay hindi nabibilang sa mga di-naniniwala hangga't sila ay hindi nagbibigay ng katambal sa Allah. Samantalang ang paniniwalang ito tungkol kay Ali (RA) ay isang malinaw na pagsasagawa ng Shirk. (Ajwebah at istiftaa - Tanong blg. 325).

4. Sila’y humihingi ng tulong mula sa Propeta, (SAWS) o kaya’y sa kanyang pamilya kahit na sila’y nasa kalagayan ng sujod (pagpapatirapa) habang sila’y nagdarasal kagaya ng pagsasabi ng “O Ali,” o kaya ay “O Husein”. Sila’y maaring magpakupkop sa kanila mula kay Satanas. Si Alhuleini ay nagsabi, “Maari kayong magsabi ng, ‘A’udhu birasoolillah’ ” na nangangahulugan ng: Ako’y nagpapakupkop sa Propeta ng Allah mula sa anumang masama. (2/392).


Lahat ng mga Muslim ay nagmamahal sa angkan ng Propeta Muhammad, (SAWS), subalit isang malaking kasalanan at hindi kailan man patatawarin ng Allah kung sila’y ating diyusin o pag-alayan ng ating panalangin upang maibsan ang ating paghihirap o kasawian sa buhay. Ang mga gawain ding ito ay malinaw na sumasalungat sa sinabi ng Propeta, (SAWS), “Kung kayo ay hihingi (ng anuman) hingan ninyo ang Allah, at kung kayo ay hihingi ng tulong humingi kayo ng tulong sa Allah.”
Kung hinahanap natin ang tulong ng patay, ng Mahdi, o ni Husein, o ni Ali (RA), sa halip na hanapin natin ang tulong ng Allah, ito ay shirk, pagbibigay ng katambal sa Kanya. Ang pag-aalay ng panalangin sa iba maliban sa Allah ay shirk. Ang sabi ng Allah,
At ang mga masjid ay para sa Allah, sa gayon huwag kayong manawagan kaninuman bilang ipagtambal sa Allah.” (Al-Jin, 72:18). Ano ang ibig sabihin ng “kaninuman”? Hindi ba alam ng Allah na ang mga martir ay hindi sila patay? Oo dahil ang sabi Niya,
At huwag na huwag ninyong isipin na silang mga napaslang sa landas ng Allah ay katulad ng mga patay. Bagkus sila ay mga buhay, tumatanggap ng tustos sa kanilang Panginoon.” (Al-Imran, 3:169).
Kung gayon, bakit hindi tayo pinahintulutan ng Allah na manalangin sa mga propeta at sa mga martir at sa matutuwid na mga yumao? Si Hesus, (AS)1 ay magsasalita sa Allah sa Araw ng Paghuhukom,
At ako ay isang saksi sa kanila habang ako’y nanirahan sa kanila, subalit nang itaas Mo po ako, Ikaw na po ang SiyangTagamasid sa kanila dahil Ikaw po ang Tagamasid sa lahat ng bagay. (Al-Maida 5:117).
Ang Mesias ay hindi namatay ngunit siya ay itinaas ng Allah sa langit at nananatiling buhay, gayunman, siya ay hindi saksi sa anumang mga pangyayari sa lupa pagkatapos ng kanyang paglisan. Sabi ng Allah,
At sino ang higit na naliligaw kaysa sa isang nananawagan bukod sa Allah sa mga hindi nakasasagot sa kanya hanggang sa Araw ng Pagbabangon-muli, at sila ay walang-kamalayan sa kanilang panawagan." (al-Ahqaf, 46:5).

Kung sila ay inyong tawagin hindi sila nakaririnig sa inyong panawagan, at kung narinig man nila, sila ay hindi makasasagot sa inyo. At sa Araw ng Pagbabangon-muli, itatanggi nila ang inyong “pagtatambal” (Fatir, 35:14).


Tunay na silang inyong tinatawagan bukod sa Allah ay mga aliping tulad ninyo. Kayo ay manawagan sa kanila at hayaang pakinggan nila ang inyong panalangin, kung kayo ay mapagsabi ng totoo! (al-araaf, 7:194).

At silang kanilang tinatawagan maliban sa Allah ay hindi nakalilikha ng anuman, bagkus sila ay nilikha. Sila ay mga (sa katotohanan) patay, hindi buhay, at hindi nila matanto kung kailan sila bubuhaying muli.” (Al-Nahl, 16:20-1).


Ang bersong ito ay hindi tumutukoy sa mga batong diyus-diyusan, dahil ang mga ito’y hindi bubuhaying muli sa Araw ng Paghuhukom. Ito ay tumutukoy sa mga matutuwid na namatay at pagkatapos ginawa silang mga imahen o mga rebulto ng mga tao at sila’y sinamba dahil sa walang saysay nilang pagsusumikap na mapalapit sa Allah sa pamamagitan nila. Sabi nila,

Sinasamba lamang namin sila na maaring magpalapit sa amin sa Allah” (al-zumar, 39:3). Sa isa pang berso,

At sila ay sumasamba maliban sa Allah sa mga bagay na alinma’y hindi makapanakit sa kanila ni makapagbigay sa kanila ng pakinabang, at kanilang sinasabing: ang mga ito ay aming tagapamagitan sa Allah” (Yunus 10:18).
Ang mga taong ito ay paulit-ulit na sumasambit sa kanilang pang-araw-araw na pagdarasal ang, “Ikaw lamang ang aming sinasamba at Ikaw lamang ang hinihingan namin ng tulong,” at pagkatapos, sila ay mag-umpisa na namang humingi sa iba ng tulong sa halip na hingan nila ang Allah.
Ang Qur’an ay nagbigay–linaw na walang sinumang dapat sambahin o hingan ng tulong maliban lamang sa Allah. Ang sino pa mang iba ay mga tao lamang, sila ay mga patay at walang kamalayan sa daigdig. Hindi sila nakakarinig sa ating mga sinasabi. Ang sinumang tumatawag sa kanila sa ngayon ay makikita niya bukas na sila ay tutuligsa at tatanggi sa kaniya. Ang gawaing ito ng mga Shia na pagtawag sa mga patay ay katulad ng gawi ng mga Kristiyanong pagtawag kay Maria, ang ina ni Hesus. Sila ay hindi naniniwalang si Maria ay isang diyos maliban sa Allah, gayunpaman, siya pa rin ay kanilang tinatawagan sa pag-aakalang ito’y magpapalapit sa kanila sa Allah at ang kanilang mga panalangin ay Kaniyang tutugunan.
Ginagamit ni Satanas ang kanilang kamangmangan upang sila’y ilagay sa kanyang bitag at itong maging dahilan ng kanilang pagbibigay ng katambal sa Allah.
Nasa loob ba ng kapangyarihan ng iba maliban sa Allah ang pagdinig ng panalangin ng sangkatauhan sa lahat ng dako ng daigdig at sa magkaparehong panahon? Ang kaisipang ito ay parehong iwinawaksi ng Qur’an at ng ating sentido komun o ang ating likas na pagkukuro.

Samakatuwid, ang shirk, pagbibigay ng katambal sa Allah, ay likas na nag-aakay ng paghihiwalay ng mga Muslim (mga Sunni at mga Shia) at nagpapalawak ng puwang sa pagitan ng bawat isa. Ito ay hindi maaaring magkaisa at magkasundo sa kanila. Ang shirk ang siyang humahati sa kanilang katayuan at ginagawa sila sa iba’t ibang mga panig at mga sekta. Kaya, ang pagsamba lamang sa nag-iisang Diyos (tawhid) at ang pag-iwas sa paggawa ng Shirk at kabaguhan (bid’ah) ay siyang paraan ng pagkakaisa at pagkakasundo ng mga ito.

Ang pagpapatirapa sa mga

“Banal na Bato”

Ang lungsod ng “Karbala” kung saan pinaslang si Al-Husein, (RA) ay ginawang isang banal na pook para sa mga Shia. Pati ang mga bato at buhangin nito ay naging sagrado na rin at pinaniniwalaan nilang pinakamahusay na panlunas ng karamdaman, hanggang sila ay nanguha ng mga bato sa lungsod na ito at kanila itong pinagpapatirapaan sa kanilang pagdarasal.


Ang gawaing ito ay isa na namang pagsasagawa ng shirk at isang kahiya-hiyang gawain. Ang pagdadakila at pagpaparangal sa mga batong ito ay nagpapasama sa anyo ng Islam sa mata ng mga taong ang tingin dito ay isang monoteistang relihiyon. Ang gawaing ito ay isang inobasyon o kabaguhan (bid’ah) na kailan man ay hindi isinagawa ng Propeta, (SAWS) ng kanyang pamilya at kanyang mga sahabah.

Ang Pananaw ng mga Shia sa Pinagmulan ng Paniniwalang Islamiko



Ang Qur’an: Ang mga Shia ay naniniwalang ang Qur’an ay ipinahayag kay Propeta Muhammad, (SAWS), sa pamamagitan ni Anghel Jibril (Gabriel), (AS). Ngunit sila'y naniniwalang ang ibang mga bahagi nito ay nabawasan at ang iba ay nadagdagan. Halimbawa, isa sa kanilang pangunahing aklat ay naninindigan na tinanggal ng mga Sahabah ng Propeta ang ibang bahagi ng Qur’an at ang ibang mga bahagi nito ay kanilang inimbento. Ayon sa Al-Kitab al-Kafi, ang kabuuang bilang ng ipinahayag kay Propeta Muhammad, (SAWS) ay 17,000 berso, (Kitab al-Kafi, 2:634). Habang ang Qur’ang ginagamit ng mga Shia sa ngayon ay may 6,000 berso lamang.
Ang aklat ding ito (Kitab al-Kafi 1:240) ay nagsasabing, “Mayroon kaming Qur’an ni Fatima, sumpa man sa Allah, ito’y hindi naglalaman ni isang letra ng inyong Qur’an.” Isa pang Shiang manunulat ay nagsabi rin sa kanyang pagpapaliwanag ng Qur’an na kilala sa (Tafsir al-Safi) ng, “Ang Qur’ang nasa atin ngayon ay hindi yaong Qur’ang ipinahayag kay Propeta Muhammad, (SAWS), subalit ‘ito ay kanyang lubos na kabaligtaran’”. Idinagdag pa niya na tinanggal ng mga Sahabah ng Propeta ang ibang mga bahagi ng Qur’an, (paunang- salita ng Tafsir al-Safi, 14, 47).

Ito ay sadyang sumasalungat sa Qur’an mismo, na nagsasabing,



Kami ang Siyang nagpadala ng Dhikr (Qur’an) at pangangalagaan Namin ito.” (Al-Hijr 15:9).
Samantala, Ang Qur'an ang siyang dapat maging isang malawak na reperensiya ng bawat Sunni at Shia. Ngunit pinagdududahan nila ang pagka-mapagkatiwalaan (reliability) ng nag-iisang Qur’ang maaaring makuha sa kasalukuyan samantalang hindi naman sila makagawa ng alternatibong kopya ng sinasabi nilang Qur’ang nasa kanilang kamay. Sinasabi nila sa atin na ang buong kopya ng Qur’an ay nasa pag-iingat ng Mahdi na naglaho may mahigit 1000 taon na ang nakararaan noong siya ay limang taong gulang pa lamang. At balang araw ay babalik kasama ang buong Qur’an pagkatapos ng pagyao ng milyun-milyong tao (mga Shia at mga Sunni) habang ang alam lang nila ay ang nabagong Qur’an.
Paano kaya masasagot ng mga Shia ang mga Kristiyanong umiwan sa kanilang nabagong Bibliya at malalaman lang nila na sila rin ay nagsasabing ang Qur’an ay napasailalim sa pagbabago, pagdagdag at pagbawas?
Samantala, pinapalabas ng mga Shia sa atin sa kasalukuyan na hindi na sila naniniwalang ang Qur’an ay nabago ngunit pinanghahawakan pa rin nila ang kanilang mga lumang aklat na naglalaman ng mga pahayag na ang Qur’an ay nabago at hindi nila tinanggal ang mga reperensiyang ito. Ang kanilang mga gawa ay salungat sa kanilang mga salita at ito’y malinaw na paggamit ng isang maselang sitwasyon.
Dapat ipahayag nila ang katotohanang ang kanilang mahahalagang mga aklat tulad ng Al-Kafi, Tafsir Assafi...atbp. ay nagpaparatang sa mga Sahabah ng Propeta ng pagbago ng Qur’an, at palayain nila ang kanilang mga sarili mula sa mga aklat na ito na iginagalang pa hanggang ngayon ng kanilang mga pinuno.

Ang Sunna ng Propeta, (SAWS): Sa gayon ding paraan, ang mga Shia ay hindi nagtitiwala sa mga karaniwang pinagmulan ng mga hadith tulad ng Bukhari at Muslim. Subalit sila ay mayroong sariling mga aklat, ang pinakamahalaga sa kanila ay ang “Kitab al-Kafi”.

Karamihan sa mga ulat o salaysay sa aklat na ito ay nananatiling walang mga pagkasunod-sunod ng transmisyon (chains of transmission) o kaya ay reperensiya ng pinagmulan. Sa halip, isinasalaysay ang isang bagay ng ganito: “Sa kapangyarihan (authority) ng maraming-marami naming mga kaibigan......, sa kapangyarihan ni Ja’far al-Sadiq, ang pampitong Imam at dakilang apo ng Propeta: ang Mensahero ng Allah ay nagsabi........” Ito ay hindi pagkasunod-sunod ng transmisyon. Ito’y hindi katanggap-tanggap na pamamaraan ng pagtatransmiti ng kaalaman o karunungan. Ang kanilang mga aklat ay puno ng libu-libong salin-sabi na hindi mapatunayan ang pagka-awtentiko ng mga ito. Sino ang inyong maraming-maraming mga kaibigan? “Pangalanan ninyo nga sila?”




Ang mga Malabis at Nakakagulat na Paniniwala Tungkol

sa mga Labindalawang Imam


Ang mga Shia ay nagtataglay ng mga sukdulan (extreme) at nakakagulat na pananaw at paniniwala tungkol sa kanilang mga Imam, (pinuno) ng Ahlul Bait (pamilya at mga inapo ng Propeta). Ang ilan sa mga eksaherasyong ito ay ang mga sumusunod:
Una, ang paniwalang ang mga labindalawang Imam ay hindi maaaring magkamali.

Sila'y naniniwalang ang mga labindalawang Imam ay protektado mula sa anumang kasalanan, pagkalimot o pagkakamali, (aqa’edul imamiah 95 ibnil-mudhaffar). Ang paniniwalang ito ay tumatayong salungat sa kalikasan ng tao, na ang tao ay tiyak na nagkakamali. Walang sinuman ang hindi maaaring magkamali maliban lamang kung siya ay isang Diyos.


Pangalawa, ang paniwalang sila ay nakakaalam sa mga di-nakikita.
Naniniwala sila na ang kanilang mga Imam ay nagtataglay ng kaalaman sa lahat ng mga di-nakikita, kung ano ang mangyayari sa hinaharap, at kung kailan sila mamamatay at hindi sila maaring mamatay maliban lamang kung ito’y kanilang nanaisin. At alam din nila ang lahat ng bagay na nasa langit at nasa lupa at kung sino ang mapupunta sa langit at kung sino ang maitatapon sa impiyerno at walang maaaring maitago mula sa kanilang ganap na kaalaman. (Al-kafi 1/202-204).
Ang nakakagulat sa paniniwalang ito ay, habang sila'y naniniwalang ang kanilang mga Imam ay alam ang lahat ng mga di-nakikita at kung ano ang mangyayari sa hinaharap, sila naman ay nagtakda ng hangganan ng kaalaman ng Allah at sinasabing ang bagong kaalaman ay lumitaw sa Kanyang kaisipan na hindi Niya alam noon. Ito ay tinatawag nilang Al-Badaa, ang simula ng Kanyang bagong kaalaman. Ito ay kanilang pinaniniwalaan dahil sa pangyayaring si Ja'far Al-Sadiq ay may anak na nagngangalang Mousa na pinangakuan niyang hahalili sa kanya bilang Imam, ngunit siya ay namatay noong kanyang kapanahunan. Kaya, ipinahayag ni Ja'far na ang pagka-pinuno ay maililipat sa kanyang kapatid na si Ismaeel. At sinabi niyang ito ang bagong kaalamang lumitaw sa isipan ng Allah. (Al-kafi 1/115 & 199).
Pangatlo, ang paniwalang sila ang siyang layunin ng paglikha sa daigdig.

Sa madaling salita, nilikha ng Allah ang langit at ang lupa para sa kanila (Alwafi vol.2 part 8 page 224). Nilikha sila mula sa espesyal na uri ng alikabok na nakatago sa ilalim ng Kanyang trono at ang mga ito’y Kanyang hinaplusan at sila’y nabigyan ng ilan sa Kanyang ilaw. Mas mataas ang uri ng mga alikabok na ito kaysa sa uri ng alikabok na pinagmulan ng ibang tao. (Al-kafi 1/320).



Ang buong mundo ay kanilang pag-aari, sila ay pinahintulutan ng Allah na gawin ang anumang bagay na kanilang gustuhin doon. Pinapayagan nila ang isang bagay ayon sa kanilang kagustuhan, at ipinagbabawal nila ang isang bagay kung ito’y kanilang nanaisin. (Al-kafi 1/365 & 337).

Pang-apat, ang paniwalang sila ay dalisay.

Wala sa kanila ang maaring maging marumi. Ang kanilang dumi ay dalisay at ang amoy nito ay katulad ng amoy ng pabangong musk. (Al-kafi 1/319).

Panlima, ang paniwalang ang kasalanan ay mapapatawad dahil lamang sa kanyang pagmamahal at pagkilala kay Ali, (RA).


Ang sinumang kumilala kay Ali, (RA) na pinsan ng Propeta, ay papasok sa Paraiso kahit siya ay lumalabag sa kautusan ng Allah. At sa kabilang dako, ang sinumang di- kumilala sa kanya ay maitatapon sa Impiyerno kahit na siya ay masunurin sa Allah. Sinasabi pa nila na ang pagtitig lamang sa kanyang mukha ay isa nang gawaing pagsamba (ibadah). Karagdagan pa nito, pinaniniwalaan nilang siya ay pinahintulutan ng Allah na maghusga at magpasiya sa Araw ng Paghuhukom sa mga taong dapat mapunta sa langit at kung sino ang dapat itapon sa impyerno. (Al-Kafi 1/152).

Ang paniniwalang ito ay nagpapaalala sa atin ng paniniwalang Kristiyanismo tungkol kay Hesus, (AS). Ang sinumang nagmamahal at naniniwala sa kanya ay mapupunta sa Paraiso kahit na siya ay isang makasalanan dahil ayon sa kanila si Hesus ay namatay para sa kanilang mga kasalanan.


Pang-anim, ang paniwalang sila ay mga tagapamagitan ng tao at ng kanyang Lumikha.

Sila ay naniniwalang ang mga ito ay may kakayahang maging isang tagapamagitan ng tao at ng kanyang Tagapaglikha. Ayon sa kanila, pati lahat ng mga propeta ay tumanggap sa kanila bilang kanilang tagapamagitan sa Allah. Si Noah, (AS) ay nailigtas mula sa pagkalunod nang siya’y tumawag sa Allah sa pamamagitan ng kanilang pangalan. (Biharul Anwar 26/325 wasa’ilu shiah 4/1143).

Pampito, ang paniwalang sila'y tumanggap ng kapahayagan pagkatapos ng pagyao ng Propeta, (SAWS).

Ipinapahayag nila na ang mga Imam ay patuloy na tumanggap ng Kapahayagan mula sa Allah pagkatapos ng kamatayan ng Propeta, (SAWS). Ito ay sumasalungat sa salita ng Allah sa Banal na Qur’an na malinaw na nagsasabing,



Ngayon ginawa Kong ganap ang inyong relihiyon at binuo Ko ang biyaya Ko sa inyo.”

Pangwalo, ang paniwalang sila'y may karapatang lumikha ng mga bagong alituntunin at kautusan.

Ipinapalagay nila na sila ay nagtataglay ng karapatang lumikha ng mga bagong alituntunin at kautusan kahit na ang mga ito'y sumasalungat sa mga ipinahayag na batas ng Allah. Kabilang sa mga batas na kanilang binago ay ang mga sumusunod:


  1. Ang mga seremonya ng Hajj (paglalakbay sa Makkah) at ang pagdalaw sa mga sagradong pook.

  2. Ang mga alituntunin tungkol sa zakah (kawang-gawa) at ang pamamahagi nito.

  3. Ang panawagan sa dasal (adhan) at ang takdang oras at tindig sa mga dasal, at

  4. Ang itinakdang mga oras ng umpisa at katapusan ng pag-aayuno.

Pansiyam, ang paniwalang ang mga Imam ay higit na mataas ang katayuan kaysa sa mga propeta at mga anghel.

Lalo pang pumalayo si Khomeni,1 (isa sa kanilang mga pantas) sa kanyang pagtaas ng katayuan ng mga Imam nang higit pa sa katayuan ng mga propeta at ng mga anghel, sa kanyang pagsabing, “Katiyakan, ang ating mga Imam ay may puwang ng kaluwalhatian at pandaigdigang kapangyarihan sa harap ng bawat atomo ng uniberso na ang mga ito’y sumusuko sa kanila (Imam). Ang kanilang kinatatayuan ay di maaaring lapitan ng sinumang tagapaglingkod ng Allah (ang mga Anghel) o kaya’y sinumang propeta o mensahero ng Allah.” (al-Hukuma al-Islamiya, p.52).

Sinumang tao ay dapat magtanong: Kung ang mga taong ito (Imam) ay higit na mataas ang katayuan kaysa sa lahat ng mga propeta, dapat sana sila ang binigyan ng karapatang maging propeta. Bakit hindi iginawad ng Allah sa kanila ang pagka-propeta?

Ang Pamumuno (Imamate)

Iginigiit ng mga Shia na ang Imamate o ang pampolitika at ang relihiyosong pamumuno ng kumunidad ng mga Muslim ay lehitimong pag-aari lamang ng kanilang Labindalawang Imam mula sa angkan ng Propeta, (SAWS). Ayon sa kanila, lahat ng mga pamahalaan mula sa panahon nina Abu Bakr at Omar (RA) [maliban kay Ali (RA)] hanggang sa kasalukuyan ay mga mangangamkam at mga mang-aapi sa mga tao at ang mga ito’y naitatag sa pamamagitan ng pwersahang pag-agaw, kaya ito’y ilegal. Ipinapahayag nila na ang Qur’an ay nag-oobliga na ang Imamate ay mailipat kay Ali, (RA) at sa kanyang pamilya mula sa Propeta.

Itinatangi nila ang Imamate na isang banal na pagtalaga ng katayuan, katulad ng pagtatalaga ng isang propeta. Halos ang pagpili ng Allah ng magiging propeta ayon sa Kanyang kagustuhan ay katulad din ng Kanyang pagpili ng magiging pinuno ayon sa Kanyang kagustuhan. Ito ay isinasagawa ng Allah sa pamamagitan ng, papangyarihin Niya ang lehitimong Imam na magtalaga ng susunod na Imam. (Asl al-Shia wa Usuluha, p. 58 and in al-Hukuma al-Islamiya, p. 39, ni Khomeini).
Sa katunayan, ang Qur’an ay hindi nagtalaga ng anumang kahalili sa Propeta, (SAWS). Kung tatanungin ninyo silang patunayan ito mula sa Qur’an, sasabihin nila na tinanggal ito ng mga Sahabah ng Propeta, at kung tatanungin ninyo silang dalhin ang ang mga bersong ito ay sasagot sila ng ganito, “Hintayin ninyo ang pagbabalik ng Al-Mahdi!!!!!”

1) Alam ng lahat ng mga Muslim na ang Qur’an ay hindi naglalaman ng anumang pagbanggit ng kung sino ang dapat humalili sa Propeta, (SAWS). Kung ang mga Shia ay may patunay mula sa Qur’an, hayaan natin silang ipakita ito sa publiko.

2) Si Ali ibn Abi Talib, (RA) ay nagsagawa ng pampublikong panunumpa ng pagka-masunurin sa tatlong kalipa (pinuno) na humalili sa Propeta, bago pa man siya naging kalipa. Ang pangyayaring ito ay malawak na pinatitibayan ng mga patunay na mga ulat mula sa mga pinakamapagkatiwalaang pinagmulan ng kanilang paniniwala. <Ali, (RA) ang Kalipato pagkatapos ng pagyao ng pangatlong kalipa na si Othman, (RA) tinanggihan niya ito sa kanyang pagsabing, “Iwanan ninyo ako at magnomina kayo ng iba, dahil sa mas mabuti para sa akin na maging mabuting tagapayo ninyo kaysa sa maging inyong ministro”.>> (Nahj al-Balagh, p. 181). Ngayon, kung ang Qur’an ay nagtalaga kay Ali, (RA) na maging kahalili ng Propeta, (SAWS), hindi sana ito dapat tinanggihan ni Ali, (RA) dahil ito ay isang maka-Diyos na kautusan.

3) Ang nilalaman ng Qur’an ay sumasalungat sa paniwalang banal na pagtalaga ng pinuno ng pamayanan. Halimbawa, ang Qur’an ay nagsabi, At ang kanilang mga gawain ay sa pamamagitan ng mutwong sanggunian (mutual consultation) sa gitna ng kanilang sarili” (al-Shoura, 42:38). Ang pamumuno ng mga Muslim ay isang bagay na kanilang tinatalakay, at ang bagay na ito ay dapat sa pamamagitan ng sanggunian, at kung hindi, ito ay isang pagkahari (kingship).

4) Ang mga patunay mula sa pinagmulan ng kanilang paniniwala ay sumasalungat sa kanilang mga pahayag. Ayon sa mga ito na sinabi ni Ali, (RA)Ang sanggunian ay isang karapatan ng mga Muhajirin at ng mga Ansar (dalawang grupong Sahabah ng Propeta). Kung sila ay sumasang-ayon sa isang taong maging Imam, kung gayon, iyon ang siyang ikinasisiya ng Allah.” Ang mga ito rin ay nagtala ng panunumpa ng katapatan ni Ali kina Abu Bakr, Omar, at Uthman (RA) nang ang bawat isa sa kanila ay hinirang sa pagkakalipa nang halinhinan. Noong panahong iyon, si Ali, (RA), ang gobernador ng Kufa sa Iraq. Siya ay isang tagapaglingkod-bayan sa bawat kanilang mga pangasiwaaan. At ipinakasal pa niya ang kanyang anak na dalaga na si Um Kalthoum, (RA) kay Omar ibn al-Khattab, (RA).



Ang Pagdiriwang ng Aashooraa Kaugnay ng Pagpaslang Kay Husein
Ang mga pinagmulan ng kanilang paniniwala (Shia sources) ay nagpapatibay na ang mga Shia ng Kufa ang siyang nagkanulo at pumaslang kay Husein, (RA) pagkatapos siyang tawagin sa Iraq at pangakuang siya’y kanilang susuportahan (Muhsin al-Amin, A'yanul-Shia, 1:34).
Ang katotohanang ito ay napawi at ang mga Shia ay napatungo sa paniniwalang ang Bani Ummayah ang siyang nasa likod ng pagpaslang kay Husein, (RA) at ng mga taong kasama niya sa Karbala. Ngunit ayon sa Nahjul-Balagha at iba pang kilalang pinagmulan ng kanilang paniniwala, pinabayaan ng mga Shia si Ali at sila’y tumalikod papalayo. Nangako silang siya ay kanilang aalalayan kung iiwan niya ang Madina at pupunta sa Kufa. Ang kapalit, sila ay nagtaksil kay Husein at ibinigay siya sa kanyang mga kaaway.
Ang pangyayaring ito sa Karbala ay isang bagay na naging isang taunang ipinagdiriwang. Malawak na ikinakalat ang lason nito laban sa mga nakakaraming mga Muslim.
Ang Pagpapalo sa Kanilang mga Katawan ay Isang Patunay ng Kasinungalingan ng Kanilang Paniniwala
Sa panahon ng pagdiriwang ng Aashooraa, hinahampas ng mga Shia ang kanilang mga sarili ng mga kadena, hinihiwa nila ang kanilang mga katawan ng mga patalim katulad ng mga kutsilyo, mga ispada, at mga labaha habang sila’y nagpaparada sa mga lansangan at naghuhumiyaw at nananaghoy samantalang ang mga dugo’y dumadaloy sa kanilang mga mukha’t mga katawan. Maraming mga nasasaktan at maraming mga nadadala sa pagamutan at marami ring nangamatay dahil sa kanilang mga pinsalang natamo.
Sila’y naglulundagan at pinagpapalo ang kanilang mga ulo kasabay ng pagsigaw ng “Haidar! Haidar!” (isa pang pangalan ni Ali). Inaahitan nila ang mga ulo ng kanilang mga batang anak at hinahampasan at sinusugatan sa pamamagitan ngF mga punyal. Ang mga bata ay masisindak dahil sa mga dugong umaagos sa kanilang mga mukha. Ang kagila-gilalas na pagdiriwang na ito ay hindi nabibigong manghikayat ng pansin sa mga ibang hindi pa Muslim. Ito ay palagiang isinasapelikula o ipinapalabas sa mga telebisyon, lalong-lalo na sa Europa at Estados Unidos.

Maaari kayang ang kalabisang ito ay makakatamo ng kagalakan ng Allah? Hiniling ba ng Allah sa atin na sugatan ang ating mga sarili sa pamamagitan ng ating mga kamay, o kaya ay mga espada o mga punyal? Ang ganitong pagtatanghal ay isa na namang katibayan na ang mga Shia ay naligaw sa tamang landas. Sa katunayan, ang gawaing pagpapahiya sa sariling kagaya nito ay isang pagpapaalala ng gawi ng ibang mga Kristiyanong grupo na pumapalo sa kanilang mga katawan sa pamamagitan ng mga kadena upang maipaalala sa kanila ang parusa na kanilang tatamasain dahil sa kanilang mga kasalanan at upang pagtibayin ang kanilang pagdurusa dahil sa “pagkapako” sa krus ng Mesias.



Ang Pansamantalang Pag-aasawa
Pinahihintulutan ng mga Shia ang kanilang sarili na mag-asawa ng pansamantala lamang. Ayon sa pinagmulan ng mga hadith, ang pansamantalang pag-aasawa ay minsang ipinahintulot, ngunit ipinagbawal din sa huli. Ngunit ang mga Shia ay patuloy pa ring nagsasagawa ng ganitong gawain at lalo pa nila itong ginusto.
Pumalayo pa silang lalo sa pagsasabing ang pansamantalang pag-aasawa ay isang gawaing kabanalan na “nagpapayapa sa galit ng Panginoon” (Shia tafsir, Minhaj al-Sadiqin (2:493). Sinasabi nila na pinatatawad ng Allah ang kasalanan ng sinumang pumasok sa pansamantalang pag-aasawa. Ginawa nila ito isang pundamental na bahagi ng kanilang pananampalataya at sinasabi nilang si Ja'far al-Sadiq ay nagsabi, “Ang sinumang magsagawa ng pansamantalang pag-aasawa ay nagsasagawa ng ating relihiyon, at ang sinumang tumanggi rito ay tumatanggi sa ating relihiyon. (Ibn Ba-bawaih Alqumi, Man la Yahduruhu al-Faqih, 3:366, 463).
Bukod pa rito, sinasabi rin nila na ang sinumang magsagawa ng pansamantalang pag-aasawa, siya ay makikipagkompetensiya sa mga propeta sa pagpasok sa Paraiso, (Ibn Babawaih AlQummi “Man la Yahduruhu al-Faqih, 3:366). At ang sinumang hindi magsagawa nito, siya ay lilitaw sa Araw ng Paghuhukom na putol ang kanyang pribadong bahagi, (minhaj assadiqeen 2:495). Ipinahintulot din nila ang pagsasagawa ng sodomiya. (istibsar 2: 243 tah-dheebul ahkam 7:514).
Ang ganitong gawain ng mga Shia ay isang patuloy na panlipunang kapahamakan para sa mga Shiang kababaihan na dapat mamuhay sa ganitong kaugalian at sa mga di-Shiang biktima ng paniniwalang ito.

Ang Pagkukunwari

(Relihiyosong Kasinungalingan)

Ang pagkukunwari ay isang uri ng kasinungalingan na pinahihintulutan ng mga Shia sa kanilang mga sarili, ito ay ipinapalagay nilang isa sa haligi ng kanilang pananampalataya. Ang sinumang hindi magsagawa nito ay inilalayo niya ang kanyang sarili mula sa relihiyon ng Allah (al-Qumi, al-Itaqadat, p. 114). Iniulat nila na si Ja’far al-Sadiq ay nagsabi, “Ang sinumang hindi maglihim ng kanyang relihiyon, siya ay wala (walang relihiyon).”(al-Kafi al-Usul, 2:217).


Ang pagkukunwari ay nangangahulugan ng pagpapanatili ng huwad na kaanyuan, at pag-aangkin ng dobleng identidad. Ang iyong ipinapakita sa harap ay hindi iyon talaga ang tunay mong katauhan, at ang iyong mga salita at mga gawa ay magkaibang bagay o magkasalungat. Ito ay tumatayong salungat sa tunay na personalidad ng isang Muslim. Ang pagiging pagkamatapat ng mga tunay na Muslim ang siyang humihikayat sa maraming tao upang angkinin ang relihiyong ito.
Sa katotohanan, walang anumang relihiyon sa buong mundo ang humihikayat sa tao ng pagsisinungaling o pagkukunwari sa loob ng ibang pangalan. Lahat sila ay humihikayat sa kanilang mga tagasunod na ipagtanggol ang katotohanan, maliban lamang ang pananampalatayang Shiasmo. Sa kabilang panig, itinaas nila ang katayuan ng pagsisinungaling o pagkukunwari kapantay ng isang obligasyong panrelihiyon at isang kabanalan.


Ang Katayuan ng mga Shia sa mga Sahabah ng Propeta



Inaataki ng mga Shia ang mga Sahabah ng Propeta at sila’y kanilang sinisiraang-puri sa pagsasabing lahat sila maliban sa tatlo ay naging Murtaddin o Kuffar (apostata). Ang mga tatlong sinasabi nilang hindi bumalik sa pagiging di-naniniwala ay sina Abu Dhar, Salman Farisy at Miqdad (Usul al-Kafi, 2:245). Sinabi ni Khomeni na si Propeta Muhammad, (SAWS), ay nabigong disiplinahin at turuan ang kanyang mga Sahabah dahil siya ay pinalibutan ng mga hipokrita, (panayam ni Khomeni na ipinamalita ng Radio ng Tahran 21-6-1980).
Ang kanilang mga pagsusumamo sa Allah ay puno ng pahayag ng panlalait sa dalawang kalipatong sina Abu Bakr at Omar, (RA). Ang isang halimbawa nito ay ang pagsasabi nila ng, “O Allah, isumpa Mo sina Abu Bakr at Omar, at ang kanilang mga supling, at ang kanilang mga tagasunod.” (ang samo ng Sanamai Quraish)
Ang katayuang ito ng mga Shia ay sumasalungat sa salita ng Allah sa Banal na Qur’an,

Tunay na pinatawad na ng Allah ang Propeta at ang Muhajireen at ang Ansar”, (al-Tawba, 9:117), at sabi pa Niya, “Ang pangunahin (sa paniniwala) sa gitna ng Muhajireen at ng Ansar, at silang mga sumunod sa kanila na may magandang kaasalan, ang Allah ay nagalak sa kanila at sila rin ay nagalak sa Kaniya. (al-Tawba, 9:100).


Ito rin ay lumabag sa utos ng Propeta, (SAWS), “Huwag kayong magsalita nang masama sa aking mga Sahabah.”

Ipinahayag ng Qur’an ang pagkalugod ng Allah sa mga Sahabah ng Propeta. Ang mga Shia ba ay mayroong Qur’ang nagsasabing ang Allah ay nagalit sa kanila, pagkatapos ng Kanyang pagkasiya sa kanila? Maaari bang ang Propeta, (SAWS) ay nabigo sa kanyang tungkuling pagtuturo ng paniniwala sa henerasyon ng kanyang mga Sahabah, samantalang si Khomeni ay matagumpay ang kanyang pagtuturo sa henerasyon ng mga Shia? Bakit ang mga Hudyo ay nagsasabing ang pinakamabuti sa kanilang komunidad ay ang mga kasamahan ni Moses, (AS), at ang mga Kristiyano ay nagsasabing ang pinakamabuti sa kanila ay ang mga disipulo ni Hesus, (AS).


Gayunpaman, ang mga Shia ay nagsasabing ang pinakamasama sa lahat ng mga Muslim ay ang mga Sahabah ng Propeta! Sinasabi rin nila na nakapipinsala sa Propeta, (SAWS), ang pagkalibing nina Abu Bakr at Omar, (RA), sa kanyang tabi, (AlKafi 1L239-241), dahil sila’y naniniwalang sila ay mga kaaway ng Propeta, (SAWS).
Maaari kayang magtatag ng isang relihiyon sa ibabaw ng pagkasuklam sa mga unang taong nagtatag ng Islam (mga Sahabah ng Propeta)?
Ang pinakaunang taong humamak sa mga Sahabah ng Propeta ay isang Hudyo mula sa Yemen na nagngangalang Abdullah ibn Saabaa. Namuhay siya noong kapanahunan ni Ali, (RA), ang pang-apat na kalipa. Ang pangungumpisal na ito ay isinalaysay ng isa sa mga pinakamatandang iskolar na Shia (Al-noobakhti). Binanggit niya sa kanyang aklat, (Firaq al-Shia, p. 44) na si Ibn Saabaa ay nagkunwaring isang Muslim upang mag-akyat ng sapakatan (conspiracy) laban sa mga Sahabah ng Propeta.
Patuloy pa ring pinagkakatiwalaan ng mga Shia ang kanilang mga lumang aklat na puno ng inembentong panghahamak at paninirang-puri laban sa mga Sahabah ng Propeta, kahit na panlabas lamang nilang sinasabing tinatangkilik nila ang pagkakaisa ng mga Muslim at ang pagtawag ng toleransiya sa gitna ng lahat ng mga naniniwala. Ngunit ang toleransiya ay humihingi ng pag-ako ng puso at ang pagpayag na ang dating hidwaan ay ibaon na sa limot.

Paano papagkasunduin ang kapakanan ng toleransiya kasama ng patuloy na maramihang paglilimbag ng mga mapanirang-puring mga aklat na ito? Sa katotohanan, ang pinakabago nilang mga aklat ay patuloy pa ring sumusunod sa kanilang lumang pamamaraan.


Ang halimbawa ay ang aklat na tinatawag na, Thummahtadait. Ang aklat na ito ay naisalin sa mga dose-dosenang wika para ipamahagi sa hindi mga Shia. Ang isang dagliang sulyap sa aklat na ito sa kanyang talaan ng nilalaman ay magsiwalat ng kanyang kalikasan: “Ginalit ng mga Sahabah ang Mensahero ng Allah at sila’y naging mapagmataas sa kanyang harapan,” “Ang mga Sahabah ay hindi karapat-dapat ng anumang paggalang,” at “Binago ng mga Sahabah ang kanilang relihiyon, binago ang kanilang pananampalataya at iniba ang anyo nito at sila’y sumasaksi laban sa kanilang mga sarili na kanilang binago ang Sunna ng Propeta.”

Ang kanilang mga aklat din ay puno ng panghahamak at paninirang-puri sa mga asawa ng Propeta, (SAWS), lalong lalo na si Aishah, (RA). Sinasabi nila na siya ay isang kaaway ng Allah at ni Propeta Muhammad, (SAWS), (Al-Kafi1L239). At siya rin ang pinakapuno ng di-paniniwala, [disbelief], (Mashriq Anwar Al-yaqeen 86). Bukod dito, sinasabi nila na pinahintulutan niya ang mga taong kinamumuhian ng Allah na pumasok sa bahay ng Propeta at siya rin ay nakipagsabwatan kay Safiah, (RA), isa sa mga asawa ng Propeta at anak ni Omar, (RA), upang lagyan ng lason ang pagkain ng Propeta. (Alkafi 1/239 Hayatul Quloob 2/700 by Almajlisy).

Paano natin iisipin na ang isang taong humahamak sa mga Sahabah ng Propeta na siya ay isang taong sumusunod sa Sunna ng Propeta? Ang isang tao bang naninirang-puri sa mga Sahabah araw at gabi ay talagang sumusunod sa pamamaraan ng Propeta, (SAWS)? Yaong mga tao bang humahamak at naninirang-puri kay Aishah, (RA) ay tunay na tapat na tagatangkilik niya? Silang hindi nagbibigay-galang sa mga ito ay hindi nagbibigay-galang sa kanilang mga tagasunod, kahit na sila ay magkunwari pa sa kanilang pag-aasta.

Ang mga ito ay tumatayong ebidensiya na hindi maaaring magkasundo ang paniniwalang Shiasmo at ang malaking bilang ng pamayanang Muslim. Ito ay mananatiling imposible hanggat sila ay patuloy na humahamak sa mga Sahabah ng Propeta at sa kanyang mga asawa.

Ang tunay na tagasunod ng Propeta, (SAWS) ay silang mga taong nananahimik hinggil sa nagkaroong hidwaan sa pagitan ng mga Sahabah pagkatapos ng pagyao ng Propeta, (SAWS). Ang kanilang sasabihin ay,

Iyon ang isang (lipi) bansang nakalipas na. Aanihin nila ang bunga ng kanilang mga ginawa, at aanihin din ninyo ang bunga ng inyong mga ginawa. At hindi kayo tatanungin tungkol sa dati nilang mga ginagawa.” (2:134 at, 141).


Ngunit ang bersong ito ay sinasalungat ng mga Shia sa pagsasabing kung babalik ang Mahdi, (na ating tatalakayin sa susunod na mga pahina) ay pupuksahin niya lahat ng mga inanak ng mga taong pumatay kay Husein, bilang kaparusahan ng kanyang pagkapaslang. Ito ay isa na namang imitasyon sa Kristiyanismo na kilala sa “pagmamana ng kasalanan”.

Ang pagkahati sa pagitan natin at kanila ay mananatili hanggat patuloy nilang sinisiraan ang mga Sahabah at mga asawa ng Propeta. Sa katunayan, paano kaya mawawala ang ating pagkakaiba habang patuloy nilang ipinagdiriwang ang Aashooraa, na siyang ginagawa nila upang maipaalala sa kanila taun-taon ang dating hidwaan sa pagitan nila at ng mga nalalabing mga Muslim. Ang pagdiriwang na ito ay pinagmumulan ng libu-libong sakuna dahil ang dating masamang kalooban sa pagitan ng mga Shia at mga Sunni ay muling umaalab. Ang mga Shia ay nagsasagawa sa kanilang mga sarili ng isang nakakahibang at paulit-ulit na pagganap ng kamatayan ni Husein, (RA). Ito ay nagpapatunay na ang pagtawag nila ng pagkakaisa ay isang pandaraya.



Ang Katayuan ng Pamilya ng Propeta sa kanyang mga Sahabah
Kung ating susuriin ang sariling pinagmulan ng mga Shia, hindi tayo makakakuha ng anumang ebidensiya ng anumang hindi pagkakaunawaan o masamang kalooban sa pagitan ng pamilya ng Propeta at ng kanyang mga Sahabah.
Ayon sa (al-I'lam al-Rawa by al-Tabarsi p. 203), pinangalanan ni Ali, (RA), ang isa niyang anak ng Abu Bakr, ang isa ay Omar, at ang isa ay Othman. Pinakasalan ni Omar ibn al-Khattab, (RA) ang isa sa mga anak na babae ni Ali (RA) na si Umm Kalthoum, (RA). Pinangalanan ni Husein, (RA) ang isa sa kanyang anak ng Abu Bakr, at si Hasan, (RA) ay may isang anak na nagngangalang Omar. Silang ibang mga napaslang kasama ni Husein, (RA) sa Karbala ay ang kanyang kapatid na si Abu Bakr ibn Ali at ang kanyang anak na si Abu Bakr ibn Husein. Ang isa pang napatay sa Karbala ay si Omar ibn al-Hasan. Ang mga ito ay nagpapatunay lamang na ang katayuan ng mga Shia ay sumasalungat sa pamilya ng Propeta, (SAWS) hinggil sa mga Sahabah.

Ang pagbabalik ng Al-Mahdi

Pinaniniwalaan ng mga Shia ang paglaho ng panlabin-dalawang Imam na si Mohammed anak ni Al-Hasan al-Askari, ng may 1000 taon na ang nakalipas, at hinihintay nila ang kanyang muling pagbabalik. Sa katunayan, ang panlabin-dalawang imam na ito ay isang likhang-isip na tauhan at di-totoong kilala bilang anak ni Al-Hasan Al-Askari dahil siya ay namatay na walang anak. (Al-Kafi al-Hujja, p. 505; al-Irshad for Mufeed, p. 339).


Ang pinaka-unang misyon ng Mahdi, kung siya ay lalabas sa kanyang yungib ay: bubuhaying muli ng Allah para sa kanya ang lahat ng pamilya ng Propeta, at saka bubuhayin Niya ang kanilang mga kaaway na tumangay ng pagkakalipato nang labag sa batas mula sa kanila. Ang una sa kanila ay sina Abu Bakr, Omar at Othman. Pupuksahin sila ng Mahdi kasama ng mga inapo ng mga taong pumaslang kay Husein, bilang kaparusahan sa pagkamatay ng kanilang ama. Ang ganitong paniniwala ay sumasalungat sa salita ng Allah na Kanyang sinabi, “At walang dapat magdala ng pananagutan ng iba.” (Fatir 35:18)

Ito ang katayugan ng kawalang-katarungan, ang pagtawag sa pagpaslang sa mga anak ng mga sumunod sa Sunna kapalit ng ginawa ng kanilang ama. Ito rin ay tumatawag ng alaala ng paniniwalang Kristiyanismo tungkol sa pagmamana ng kasalanan, na paparusahan lahat ng Allah ang mga anak ni Adam bilang ganti sa kanyang maling ginawa.


Ipinagwalang-bahala ng mga Shia ang pahayag ng mga Sunni tungkol sa pamilya ng Propeta na sila ay dapat laging igalang ngunit di-dapat sambahin. Ipinaaalala rin nila sa mga Shia na si A’ishah, (RA) ay isa sa pamilya ng Propeta, (SAWS). Ngunit bakit siya ay hindi binibigyan ng respeto ng mga Shia? Ang Qur’an ay tumitistigo na ang isang asawang babae ay kabilang sa pamilya ng asawang lalaki. Tingnan ang (Hud 71-73 & Yusuf 25 & Alqasas 29). Ang ibang Shiang komentarista tulad ni Attabrasi sa kanyang aklat (Majma-ul bayan vo. 3 p. 180) at Al-kashani sa (Minhajussadiqeen vo. 4 p. 493) ay tumanggap sa katotohanang ito.


Ang Pagtatag ng isang Relihiyon

sa Ibabaw ng Nakalipas na Pagkapoot ay Sumasalungat sa Kanilang Panawagan ng Pagkakaisa

Maliwanag mula sa simula na ang paniniwala ng sektang ito ay batay sa pagkapoot. Ang unang haligi ng kanilang pananampalataya ay ang pagkapoot sa mga Sahabah ng Propeta, (SAWS). Ang pangalawa ay ang pagdiriwang ng Aashoora na siyang nagpapabuhay sa mga pagkamuhing ito. Ang pangatlo ay ang paniniwala sa pagbabalik ng Mahdi, na siyang kanilang hinihintay upang maghiganti sa mga “kasalanan” ng mga naunang tatlong Kalipa at upang parusahan ang mga supling nina Abu Bakr, Omar at Othman (RA), dahil sa nagawa ng kanilang mga ama.

Lumilitaw ang isang tanong. Paano natin mapaniniwalaan ang tawag na pagkakaisa at pagkakasundo ng mga Shia sa mga Sunni habang sila ay patuloy na naniniwala sa pagbabalik ng Mahdi at ng kanyang paghihiganti sa mga Sahabah ng Propeta? Paano natin papagkasunduin ang mga tawag na mga ito kasama ng taunang pagdiriwang ng mga pangyayari sa Karbala na muling nagpapaalab ng pagkapoot sa mga puso ng pangkaraniwang mga tao laban sa mga Sunni at muling bumubuhay ng sama ng loob sa pagitan ng dalawang pangkat na ito ng Islam.
Hayaang kanselahin nila ang kanilang paniwala sa “pagbabalik ng Mahdi” at ang pagdiriwang ng Aashoora upang kanilang ipamalas ang pagkatotoo ng kanilang mga panawagan. Hayaang pahintulutan tayong mag-anyaya ng paniniwalang Sunni sa Iran, katulad ng pagpapahintulot nila sa kanilang sarili na mag-anyaya ng paniniwalang Shiasmo sa loob ng ating mga masjid. Hayaang palayain nila ang mga Sunning pantas sa Iran at pahintulutan silang magsagawa ng pananampalataya ng Propeta nang walang hadlang. Hayaang igawad nila ang kanilang mga karapatan at payagan silang magpatayo ng Sunning masjid. Bakit hindi nila pinapalaya ang mga pantas na Sunni sa loob ng kanilang bilangguan at iwasto ang libu-libong mga taong kanilang pinatay? Bakit sila nananawagan ng tinatawag nilang pagkakasundo at pagkakaisa sa labas lamang ng Iran, ngunit hindi sa loob rin ng Iran?
Ang mayroon sa mga Shia ay: Pagbibigay ng katambal sa Allah, pagmamalabis, kamangha-mangha at puro mga kasinungalingang mga pahayag para sa kanilang mga Imam, paninirang-puri sa mga Sahabah ng Propeta, pagdududa sa pagka-mapagkakatiwalaan ng Banal na Qur’an na sinasabi nilang ito ay pinakialaman at binago ng mga Sahabah ng Propeta, na sila ay nagtaksil sa kanilang paniniwala, paninirang-puri sa ibang mga asawa ng Propeta lalung-lalo na si A’ishah, (RA), pagpapahintulot sa kanilang mga sarili sa pansamantalang pag-aasawa, pagsasagawa ng pagkukunwari bilang isang relihiyosong obligasyon, kung wala ito sa isang tao ay wala rin siyang paniniwala, pagpapalo ng kanilang mga sarili ng mga kutsilyo, at mga ispada, paghihintay sa pagbabalik ng isang taong may higit isang libong taon ang edad, na siyang pinaniniwalaan nilang darating at papaslang sa mga Sahabah ng Propeta at upang parusahan ang asawa ng Propeta na si A’ishah, (RA).

Ang lahat ng mga gawain at paniniwalang ito ay hindi nagpapasigla ng pagkakasundo sa pagitan ng mga Sunni at mga Shia kundi bagkus pagkakabahabahagi at paghihiwalay.




Makakaanyaya kaya ang mga Shia sa Islam?

Nasa adyenda ng kultong ito ang kawalan ng gawain o misyunaryong pag-anyaya sa mga Kristiyano tungo sa Islam. Sa katotohanan, sila ay katulad ng mga Kristiyanong kumakapit sa iba kaysa sa Allah. Kung aanyayahan nila ang mga Kristiyano sa Islam, ang sinumang Kristiyano ay sasagot ng:


1. Bakit hindi ninyo kami pinapayagang tumawag kay Hesus samantalang tinatawagan ninyo si Ali at Husein at humihingi kayo ng tulong sa kanila? Dahil kayo ay naniniwalang naririnig ni Husein ang inyong mga tawag at kanya itong sasagutin. Naniniwala kaming si Hesus ay buhay at matutugunan niya ang aming mga panawagan.
2. Ipinapahayag ninyo na ang Bibliya ay nabago, ngunit kayo rin ay parehong nagpapahayag ng ganito laban sa Qur’an nang sinabi ninyong binago ng mga Sahabah ng Propeta ang Qur’an!
3. Pinagbabawal ninyo kaming bumaling sa mga batong idolo at mga larawan, ngunit kayo ay naniniwala na lahat ng mga bato sa lungsod ng Karbalaa ay banal at pinagpapatirapaan ninyo ang mga ito kung kayo ay nagdarasal.
Samakatuwid, ang pagsisikap ng mga Shia ay isa lamang na kayarian laban sa mga Sunni at paglito sa mga ito, pagkalat ng kanilang pagkakaisa, at pagtawag sa kanila mula sa Tawhid patungong Shirk sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng pagdududa sa Qur’an, at pagsusumikap na hatiin ang kanilang mga ranggo sa pamamagitan ng paghihiyat ng labanan sa pagitan ng mga ito at pagsalakay at pagtuligsa sa Sunna ng Propeta, (SAWS), at paninirang-puri sa kanyang mga Sahabah at sa kanyang mga asawa.


1 SAWS: Sallallahu Alayhi Was Sallam (Sumakanya Nawa ang Pagpapala at Kapayapaan ng Allah).

1 RA, Radiyallahu Anhu, (para sa lalaki), Radiyallahu Anha, (para sa babae), Radiyallahu Anhuma (para sa dalawang sahaba), Radiyallahu Anhum (para sa higit sa dalawang sahabah). Ibig sabihin, “Malugod si Allah sa kaniya, (o sa kanila)”.

1 AS, Alayhis Salam (Sumakanya ang Kapayapaan).

1 Hindi natin kalilimutan na ang pantas na ito ay nagpahintulot sa pang aabusong seksuwal sa mga bata kahit sa mga sanggol.(Tahrirul Waseelah V 2 P216).




Yüklə 102,9 Kb.

Dostları ilə paylaş:




Verilənlər bazası müəlliflik hüququ ilə müdafiə olunur ©genderi.org 2024
rəhbərliyinə müraciət

    Ana səhifə