Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga kalahok ay: Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga kalahok ay



Yüklə 466 b.
tarix26.10.2017
ölçüsü466 b.
#6583



Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga kalahok ay:

  • Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga kalahok ay:

  • Magkakaroon ng sapat na pag-unawa ukol sa kahulugan ng ministry at kaugnayan nito sa BEC bilang pahiwatig ng pinagbagong Simbahan;

  • Matukoy ang ugnayan ng iba’t-ibang uri ng ministry tungo sa aktibong pakikilahok sa buhay at misyon ni Kristo bilang mala-pari, mala-hari at mala-propetang komunidad;

  • Mapahalagahan ang papel ng mga pinunong lingkod bilang mga pangunahing tagapagbuo ng komunidad at tagapagsulong ng mga ministry.



Pangkatang Gawain

  • Pangkatang Gawain

  • Ang mga Talento at Ministry

  • Ang mga Ministry ay Hindi hanapbuhay

  • Ang Ministry bilang aktibong pakikilahok sa misyon ni Kristo

  • Ang Mga Ministry ng Simbahan

  • Ang mga Antas ng Pagiging Simbahan

  • Ang BEC at mga Ministry

  • Ang LOMAs

  • Ang Dinamikong Ugnayan ng BEC, Parokya at mga pinunong lingkod

  • Talakayan



Panuntunan:

  • Panuntunan:

  • Magbuo ng grupo na may 5-6 na kasapi.

  • Mamili ng tagapagpadaloy, tagasulat at tagapag-ulat.

  • Magpakilala sa pangalan at magbigay ng isang talento na magaling ka.

  • Isulat ang sagot sa papel sa pag-uulat.



Panuntunan

  • Panuntunan

  • Ang bawat tagapag-ulat ay may 2-3 minuto lamang.

  • Ipakilala ang kasapi ng grupo.

  • Basahin lamang kung ano ang nakasulat. Bawal ipaliwanag ang nakasulat.



Ang karisma o natatanging talento ay isang regalo o biyaya. Ang paggamit ng mga biyayang ito para itaguyod ang buhay at misyon ng Simbahan ay tinatawag na ministry. Ang ministry samakatuwid, ay isang uri ng paglilingkod, sinasagawa na tuloy-tuloy at may sapat na batayan, kinilala ng Simbahan at inangkin bilang sa kanya (PCM II, p. 101).

  • Ang karisma o natatanging talento ay isang regalo o biyaya. Ang paggamit ng mga biyayang ito para itaguyod ang buhay at misyon ng Simbahan ay tinatawag na ministry. Ang ministry samakatuwid, ay isang uri ng paglilingkod, sinasagawa na tuloy-tuloy at may sapat na batayan, kinilala ng Simbahan at inangkin bilang sa kanya (PCM II, p. 101).

  • Sa personal-pangkomunidad na konteksto, ang ministry ay isa lamang pagsasakatuparan ng “sino-ako-para-sa-iba.







Ang Ministry ay isang aktibong pakikilahok sa buong misyon ni Kristo: nagpapahayag, naglilingkod at nagpapabanal. Sa katunayan, ito ang unang inspirasyon ng pag-unawa ng WES, na tumutukoy sa pakikilahok ng isang Kristiyano sa pagiging pari (Worship o Pagsamba), propeta (Education o Paghuhubog) at pagiging hari (Service o Paglilingkod) ng kanyang Master (PCM II, p. 107).

  • Ang Ministry ay isang aktibong pakikilahok sa buong misyon ni Kristo: nagpapahayag, naglilingkod at nagpapabanal. Sa katunayan, ito ang unang inspirasyon ng pag-unawa ng WES, na tumutukoy sa pakikilahok ng isang Kristiyano sa pagiging pari (Worship o Pagsamba), propeta (Education o Paghuhubog) at pagiging hari (Service o Paglilingkod) ng kanyang Master (PCM II, p. 107).



Ang tuloy-tuloy na pag-unlad ng mga ministry ay nagpapakita ng patuloy na pastoral na paghahangad para sa pag-uugnay at pagpapanibago. Sa Christifideles Laici, 20 taon pagkatapos ng Vatican II, ipinahayag ni Papa Juan Pablo II na ang mga tanda ng panahon noong 1987 ay iba mula sa panahon ng Vatican II. Kaya, ang Simbahan ay nagninilay at nagbubuo ng mga ministry upang matugunan ang mga pangangailangan ng pamayanan, at upang pananagutan na sila ay nagpapayaman, imbis na nagpapahina, sa kaisahan at misyon ng Simbahan (PCM, p. 102).

  • Ang tuloy-tuloy na pag-unlad ng mga ministry ay nagpapakita ng patuloy na pastoral na paghahangad para sa pag-uugnay at pagpapanibago. Sa Christifideles Laici, 20 taon pagkatapos ng Vatican II, ipinahayag ni Papa Juan Pablo II na ang mga tanda ng panahon noong 1987 ay iba mula sa panahon ng Vatican II. Kaya, ang Simbahan ay nagninilay at nagbubuo ng mga ministry upang matugunan ang mga pangangailangan ng pamayanan, at upang pananagutan na sila ay nagpapayaman, imbis na nagpapahina, sa kaisahan at misyon ng Simbahan (PCM, p. 102).



  • Renewed Formation/Education

  • Renewed Social Apostolate

  • Renewed Worship

  • ORGANIZING – strategic component of

  • integral evangelization











  • Bilang organisasyon, ang buong bahagi ng mananampalataya sa buong mundo ay bumubuo ng tinatawag na Simbahang Unibersal na siyang pinamunuan ng Santo Papa.

  • Ngunit, para sa pagpapanibago ng Simbahan at pagiging epektibo ng gawaing ebanghelisasyon, kinilala natin ang tatlong antas ng pagiging Simbahan:

  • 1. Basic Ecclesial Community (BEC)

  • 2. Parish Community

  • 4. Diocesan Community



Ang Simbahang Unibersal ay umiiral at nararanasan sa Simbahang Lokal – Diyosesis.

  • Ang Simbahang Unibersal ay umiiral at nararanasan sa Simbahang Lokal – Diyosesis.

  • Ang Simbahang Lokal – Diyosesis ay umiiral at nararanasan sa Parokya.

  • Ang Parokya ay umiiral at nararanasan sa komunidad sa ibaba – BEC.











Ayon sa PCP II (1991) at PCM II (1996), ang mga lay organizations, movements and associations (LOMAs) ay nagbibigay ng kalikasan para sa pag-unlad at tulong para sa apostolikong pagsisikap ng mga layko.

  • Ayon sa PCP II (1991) at PCM II (1996), ang mga lay organizations, movements and associations (LOMAs) ay nagbibigay ng kalikasan para sa pag-unlad at tulong para sa apostolikong pagsisikap ng mga layko.

  • Halimabawa:

    • Apostleship of Prayer (AP); Catholic Women’s Legue (CWL); Mother Butler's League (MBG), Knights of Columbus (KoC); El Shaddai; Couples for Christ (CFC); Soldiers of Christ; Legion of Mary; Neo Catechumenate, etc.
  • Ang mga BEC ay hindi kailangan nagwawalang bisa sa kanila, dahil ang nauna ay may mas malawak na saklaw ng paglilingkod at ng mga kasapian sa parokya.



Ang mga LOMAs ay potensyal na pamamaraan ng pagpapanibago ng Simbahan.

  • Ang mga LOMAs ay potensyal na pamamaraan ng pagpapanibago ng Simbahan.

  • Sa partikular, sila ay maaaring linangin para sa pagsusulong ng mga BECs.

  • Ang mga LOMAs ay patuloy na magiging specialized “task forces” batay sa kanilang partikular na mga apostolikong layunin.

  • Halimbawa:

  • Si Clarita ay isang masipag na kasapi ng CWL. Nang pinakiusapan siya ng kanyang kura na magiging Parish BEC Coordinator, tinanggap niya ito ng walang pag-alinlangan at mahusay na ginagawa ang tungkulin na hindi kailangang umalis bilang kasapi ng CWL.



Ang mga LOMAs na ito ay nagbibigay ng pamumuno na kailangan upang bigyang-buhay ang mga paghuhubog ng mga maliliit ng kristiyanong komunidad sa kanilang bawat komunidad na kinabilangan.

  • Ang mga LOMAs na ito ay nagbibigay ng pamumuno na kailangan upang bigyang-buhay ang mga paghuhubog ng mga maliliit ng kristiyanong komunidad sa kanilang bawat komunidad na kinabilangan.

  • Ang mga LOMAs ay instrument ng totoong pagbabalik-loob, lugar ng mapagbagong pakikipagtagpo sa Panginoon. Sila ay paaralan ng evangelical zeal.

  • Halimbawa:

  • Dahil sa Neo-Catechumenate Formation Program, si Nelia ay mas napalapit sa Diyos at tumitingkad ang kanyang pagnanais na maglingkod sa Simbahan . Siya ngayon ay kumikilos bilang Parish BEC Coordinator na nangunguna sa pagsusulong at pagbubuo ng BEC sa buong parokya.



Ang parokya bilang komunidad ng mga komunidad (community of communities) ay nagsusulong at nagbubuo ng BEC bilang pastoral na prioridad.

  • Ang parokya bilang komunidad ng mga komunidad (community of communities) ay nagsusulong at nagbubuo ng BEC bilang pastoral na prioridad.

  • Ang mga pinunong-lingkod ng parokya ay sama-samang gumagampan ng tungkulin bilang tagapanguna (pastoral agents) para sa pagsusulong at pagtaguyod ng buhay at misyon ni Kristo (ministry). Ang ministry ay hindi maaaring angkinin ng iisang pinuno lamang.

  • Ang mga BEC ay nagsasabuhay at nakikilahok sa buong ministry bilang mala-pari, mala-propeta at mala-haring komunidad, ngunit hindi maaaring ikahon sa iisang ministry lamang ang BEC, bagkos ang BEC ay mahalagang daan sa paglilinang ng mga pinunong-lingkod.











Yüklə 466 b.

Dostları ilə paylaş:




Verilənlər bazası müəlliflik hüququ ilə müdafiə olunur ©genderi.org 2024
rəhbərliyinə müraciət

    Ana səhifə