89
hindi niya papasukin maliban sa Makkah at Madínah. Pagkatapos ay bababa si
Jesus
(AS)
at papatayin niya ang Dajjál.
90
Nakatagpo ng isang lalaking ang pangalan ay
‘Abdulláh
ang isang lalaking ang
pangalan ay
‘Abdunnabíy.
1
Minasama ni
‘Abdulláh
ang pangalang ito sa sarili niya
at sinabi niya: “Papapaanong sasambahin ng isa ang iba pa kay Allah?” Pagkatapos
ay kinausap niya si
‘Abdunnabíy
at sinabi: “Sumasamba ka ba sa iba pa kay Allah?”
‘Abdunnabí:
Hindi. Ako ay hindi sumasamba sa iba pa kay Allah. Ako ay Muslim
at sumasamba kay Allah lamang.
‘Abdulláh:
Samakatuwid, ano itong pangalan mo na nakahahawig ng mga
pangalan ng mga Kristiyano dahil sa pagpapangalan nila ng ‘Abdulmasíh
2
at hindi
kataka-taka sapagkat ang mga Krisytiyano ay sumasamba kay Jesus. Ang
nakaririnig ng pangalan mo ay papasok sa isip niya na ikaw ay sumasamba kay
Propeta Muhammad
(SAS)
. Hindi ito ay ang paniniwala ng Muslim sa Propeta niya.
Bagkus ang isinasatungkulin sa kanya ay na maniwala siya na si Muhammad
(SAS)
ay alipin ni Allah at Sugo Niya.
‘Abdunnabí
: Subalit si Propeta Muhammad
(SAS)
ay ang pinakamabuting mortal at
ang pinuno ng mga propeta. Kami ay nagpapangalan ng ganitong pangalan bilang
pagpapabiyaya at pagpapalapit-loob kay Allah sa pamamagitan ng kabunyian niya at
mataas na kalagayan niya sa ganang kay Allah. Hinihiling natin sa kanya ang
pamamagitan dahil doon. Huwag kang magtaka; ang kapatid ko, ang pangalan niya
ay ‘Abdulhusayn. Bago pa siya, ang ama ko, ang pangalan niya ay ‘Abdurrasúl.
3
Ang pagpapangalan sa pamamagitan ng mga ganitong pangalan ay isang matandang
kaugalian at laganap sa mga tao. Nakagisnan na namin ang mga ninuno namin sa
kaugilang ito. Kaya huwag kang magpakahigpit sa usaping ito sapagkat tunay na ang
bagay na ito ay magaan at ang Relihiyong Islam naman ay maluwag.
‘Abdulláh:
Ito ay isang nakasasama na higit na malaki kaysa sa unang
nakasasama: ang paghiling sa iba pa kay Allah ng isang bagay na wala namang
nakakakaya kundi si Allah. Magkatulad lamang kung ang hinihilingang ito ay si
Propeta Muhammad
(SAS)
mismo o sinumang mababa pa sa kanya na gaya ng mga
matuwid na tao tulad ni Husayn
(RA)
o iba pa. Ito ay sumasalungat sa Tawhíd na
ipinag-utos sa atin at sa kahulugan ng La iláha illa -lláh. Maglalahad ako sa iyo ng
ilang katanungan upang luminaw sa iyo ang kasukdulan ng usapin at ang mga
kahihinatnan ng pagpapangalan ng ganitong pangalan at mga tulad nito. Wala
akong hangarin ni pakay kundi ang katotohanan at ang pagsunod dito, ang
paglilinaw sa kabulaanan at ang pag-iwas dito, at ang pag-uutos sa nakabubuti at
ang pagsaway sa nakasasama. Si Allah ang hinihingan ng tulong. Sa Kanya ang
pananalig. Walang galaw at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allah, ang
Mataas, ang Sukdulan. Subalit magpapaalala ako sa iyo bago iyon ng sinabi ni
1
Ang ibig sabihin ng ‘Abdulláh ay alipin o mananamba ni Allah at ang ibig sabihin naman ng
‘Abdunnabí_:__Upang_anyayahan_ang_Mushrik_para_sa_pagsamba_kay_Allah_lamang_at_iwan_ang_lahat_ng_itinatambal_sa_Kanya._‘Abdulláh'>‘Abdunnabíy ay alipin o mananamba ng Propeta. Bagamat may mga naturang Muslim na
‘Abdunnabíy ang pangalan ipinagbabawal sa tunay na Islam ang ganitong pangalan.
2
Ang ibig sabihin nito ay alipin o mananamba ni Kristo. Karaniwang pangalan ito ng mga Arabeng
Kristiyano.
3
Ang ‘Abdulhusayn ay alipin o mananamba ni Husayn at ang ‘Abdurrasúl ay alipin o mananamba
ng Sugo.
Mahinahong Talakayan
91
Allah:
Tanging ang sasabihin ng mga sumasampalataya kapag tinawag sila
kay Allah at sa Sugo Niya upang humatol siya sa kanila ay ang sinasabi
nilang: “Narinig namin at tumalima kami.”
1
at ng sinabi pa Niya:
Kaya kapag
nagkahidwaan kayo sa isang bagay ay isangguni ninyo ito kay Allah at sa
Sugo, kung kayo ay sumasampalataya kay Allah at sa Huling Araw.
2
Ikaw ay nagsabi na ikaw ay naniniwala kay Allah lamang at sumasaksi na walang
Diyos kundi si Allah, kaya maaari mo bang linawin sa akin ang kahulugan niyon?
‘Abdunnabí:
Ang Tawhíd ay ang sumampalataya ka na si Allah ay umiiral; Siya
ang lumikha sa mga langit at lupa; na Siya ang Nagbibigay-buhay, ang
Nagbibigay-kamatayan, ang nagpapainog sa sansinukob, at Siya ang Palastustos,
ang Maalam, ang Nakababatid, ang Nakapangyayari...
‘Abdulláh:
Kung sakaling ganito lamang ang Tawhíd, talaga sanang ang Paraon, ang
mga tao niya, si Abú Jahl, at ang iba pa ay mga naniniwala sa Tawhíd sapagkat hindi
nalingid sa kanila ang bagay na ito gaya ng nakararami sa mga Mushrik. Ang Paraon
na nag-angkin ng Pagkapanginoon ay kumikilala at naniniwala noon sa kaibuturan
ng sarili niya na si Allah ay umiiral at Siya ang nagpapainog sa sansinukob. Ang
patunay ay ang sabi ni Allah:
Ikinaila nila ang mga tanda na ito, samantalang
natiyak ang mga ito ng mga sarili nila, dala ng paglabag sa katarungan at
pagmamataas.
3
Lumitaw ang pagkilalang ito nang hayagan noong humantong siya
sa pagkalunod. Subalit sa katotohanan ang Tawhíd na alang-alang doon ay ipinadala
ang mga sugo, ibinaba ang mga banal na kasulatan, at kinalaban alang-alang doon
ang angkan ng Quraysh ay ang pagbubukod-tangi kay Allah sa pagsamba. Ang
pagsamba ay isang pangalang sumasaklaw sa bawat anumang naiibigan ni Allah at
kinalulugdan Niya ng mga salita at mga gawa, na hayag at lingid. Ang Diyos sa
adhikaing
Walang Diyos kundi si Allah ay nangangahulugang ang sinasamba na
hindi tutumpak ang pagsamba malibang ukol sa Kanya.
Nalalaman mo ba kung bakit isinugo ang mga sugo sa lupa, na ang kauna-
unahan sa kanila ay si Noe?
‘Abdunnabí:
Upang anyayahan ang Mushrik para sa pagsamba kay Allah lamang
at iwan ang lahat ng itinatambal sa Kanya.
‘Abdulláh:
At ano ang dahilan ng paggawa ng Shirk ng mga tao ni Noe?
‘Abdunnabí:
Hindi ko alam!
‘Abdulláh:
Isinugo ni Allah si Noe sa mga tao niya noong nagpakalabis sila sa
pagdakila sa mga matuwid na taong sina Wadd, Suwá‘, Yaghúth, Ya‘úq, at Nasr.
‘Abdunnabí:
Ibig mo bang sabihin na sina Wadd, Suwá‘, at iba pa ay mga
pangalan ng mga lalaking matuwid at hindi pangalan ng mga mapaniil na Káfir?
‘Abdulláh:
Oo. Ang mga ito ay mga pangalan ng mga lalaking matuwid na
ginawang mga diyos ng mga tao ni Noe at sinunod naman sila doon ng mga Arabe
noon. Ang patunay niyon ay ang nabanggit ayon kay Ibnu ‘Abbás
(RA)
, na nagsabi:
1
Qur’an 24:51.
2
Qur’an 4:58.
3
Qur’an 27:14.
Dostları ilə paylaş: |