108
niya matagpuan ito ay siya ang higit na karapat-dapat dito. Nagsabi si Allah:
Kapag sinabi sa kanila: “Sundin ninyo ang ibinaba ni Allah,” sasabihin nila:
“Bagkus susundin namin ang natagpuan namin sa mga ninuno namin.” Kahit
na ba ang mga ninuno nila ay hindi nakauunawa ng anuman at hindi
napapatnubayan?
1
Kaingat ka sa pagwangis sa mga Káfir sapagkat tunay na ito ay ulo ng bawat
pagsubok. Nagsabi ang Sugo
(SAS)
:
Ang sinumang nagpapakawangis sa [ilang] mga
tao, siya ay kabilang sa kanila.
Isinalaysay ito ni Imám Abú Dáwud
.
Kaingat ka na manalig sa iba pa kay Allah sapagkat nagsabi Siya:
Ang
sinumang nananalig kay Allah, Siya ay sapat na sa kanya.
2
Huwag ka na tumalima sa alinmang nilikha kapalit ng pagsuway kay Allah.
Sinabi ng Sugo
(SAS)
:
Walang pagtalima ukol sa isang nilikha kapalit ng
pagsuway sa Tagapaglikha.
Isinalaysay ito ni Imám atTirmidhíy
.
Kaingat ka sa masagwang pag-aakala kay Allah sapagkat Siya ay nagsabi sa
Hadíth Qudsí:
Ako ay ayon sa palagay ng lingkod Ko sa Akin.
Kaingat ka na magsuot ng singsing o pendant o mga tulad nito na pangtaboy raw
ng kamalasan bago dumapo ito o pag-aalis nito kapag dumapo.
Kaingat ka sa pagsusuot ng mga pangontra sa usog sapagkat ito ay Shirk.
Nagsabi ang Sugo:
Ang sinumang nagsuot ng isang bagay [bilang agimat],
ipagkakatiwala siya roon.
Kaingat ka na magpabiyaya sa mga bato, mga punongkahoy, mga alaala, at mga
estruktura sapagkat ito ay Shirk.
3
Kaingat ka sa tatayyur
4
at paniniwala sa kamalasan ng anuman sapagkat ito ay
Shirk. Nagsabi ang Sugo
(SAS)
:
Ang tatayyur ay Shirk, ang tatayyur ay Shirk.
Tatlong ulit na sinabi.
Kaingat ka na maniwala sa mga mangkukulam at mga astrologo na nag-aangking
may kaalaman sa nakalingid.
5
Nagsusulat sila ng mga horoscope sa mga diyaryo
tungkol sa suwerte at kamalasan ng mga tao. Ang paniniwala sa kanila kaugnay sa
mga ito ay Shirk dahil walang nakaaalam sa nakalingid kundi si Allah.
Kaingat ka na pag-uugnay ng pagbuhos ng ulan dahil sa mga bituin o mga
panahon sapagkat ito ay Shirk. Inuugnay lamang ito kay Allah.
Kaingat ka na manumpa sa iba pa kay Allah maging ano man ang sinusumpaang
ito sapagkat ito ay Shirk. Nasaad nga sa Hadíth:
Ang sinumang nanumpa sa iba
pa kay Allah ay tumanggi ngang sumampalataya o gumawa ng Shirk.
Isinalaysay
ito ni Imám Ahmad
. Ito ay gaya ng pagsumpa sa Propeta, sa katapatan, sa karangalan,
o sa pananagutan, o sa buhay.
1
Qur’an 2:170.
2
Qur’an 65:3.
3
Ang halimbawa ng alaala rito ay ang anumang pag-aari gaya ng tungkod ng isang banal na tao at
ang halimbawa naman ng estruktura ay ang tinirahan ng isang banal na tao.
4
Ang literal na kahulugan ng tatayyur ay ang pagtuturing na malas na makakita ng ibon sa isang takdang
sandali. Katulad ito ng pamahiin sa atin na malas daw ang makakita ng isang itim na pusa sa isang
takdang sandali. Sa kabuuan ito ay ang pag-uugnay ng kamalasan sa anumang bagay o pangyayari.
5
Ang nakalingid na tinutukoy rito ay ang tinatawag na ghayb sa Arabe. Kabilang sa nakalingid ay
ang mga bagay na mangyayari sa hinaharap.
109
Kaingat ka sa pang-aalipusta sa panahon, pang-aalipusta sa hangin, o araw, o
lamig, o init sapagkat ito ay pag-alipusta kay Allah na lumikha sa mga ito.
Kaingat sa pagsabi ng “kung sana’y” kapag dinapuan ka ng isang
kinasusuklamang pangyayari sapagkat ito ay nagbubukas sa gawain ng Demonyo at
mayroon itong pagtutol sa itinakda ni Allah. Bagkus ay sabihin mo: “Itinakda n
iAllah at ang anumang niloob Niya ay ginagawa Niya.”
Kaingat ka na gawing mga masjid ang mga libingan sapagkat hindi magdarasal
sa isang masjid na sa loob nito ay may libingan. Ayon kay ‘Á’ishah
(RA)
na nagsabi:
“Tunay na ang Sugo ni Allah ay nagsabi samantalang siya ay nasa sandali ng mga
hapdi ng paghihingalo:
Isinumpa ni Allah ang mga Hudyo at mga Kristiyano.
Ginawa nilang mga sambahan ang mga libingan ng mga propeta nila.
Nagbibigay-babala siya laban sa ginawa nila.” Sinabi pa niya: “Kung sakaling
hindi sinabi iyon ay talagang iniangat sana nila ang libingan niya.”
Isinalaysay ito ni
Imám alBukháríy
. Nagsabi pa ang Sugo
(SAS)
:
Tunay na ang mga nauna noon sa inyo
ay gumagawa sa mga libingan ng mga propeta nila at mga taong matuwid nila
bilang mga sambahan. Kaya huwag ninyong gawin ang mga libingan bilang
mga sambahan; tunay na ako ay nagbabawal sa inyo kaugnay roon.
Itinala ito ni
Abú ‘Awánah.
Kaingat ka na maniwala sa mga Hadíth na iniugnay ng mga palasinungaling sa
Sugo ni Allah
(SAS)
kaugnay sa pag-uudyok sa pagsusumamo sa pamamagitan ng
pagkatao niya o ng mga matuwid na tao na kabilang sa mga Kalipunan niya. Ang
mga Hadíth na ito ay gawa-gawang bunga ng kasinungalingan. Ang isa sa mga ito:
Magsumamo kayo sa pamamagitan ng kabunyian ko sapagkat tunay na ang
kabunyian ko sa ganang kay Allah ay sukdulan. Ang isa pa sa mga ito: Kapag
pinanghina kayo ng mga bagay-bagay ay umasa kayo sa mga taong nakalibing.
Ang isa pa sa mga ito: Tunay na si Allay ay nagtatalaga ng isang anghel sa libingan
ng bawat walíy na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga tao. Ang isa pa sa
mga ito: Kung sakaling pinaganda ng isa sa inyo ang palagay niya sa isang bato ay
makapagdudulot ito ng pakinabang sa kanya. Ang iba pa rito ay marami.
Kaingat ka na magdiwang ng mga tinatawag ng okasyong pangrelihiyon tuladng
Kaarawan ng Propeta, Gabi ng Isrá’ at Mi‘ráj, Gabi ng Nisfu Sha‘bán, at iba pa.
Ang mga ito ay bid‘ah na walang patunay mula sa Sugo ni Allah
(SAS)
ni mula sa
mga Sahábíy niya na umiibig sa Sugo nang higit kaysa sa atin at masigasig sa mga
mabuti nang higit na matindi kaysa sa akin. Kung sakaling iyon ay mabuti ay
talagang naunahan na nila sana tayo roon.
Dostları ilə paylaş: |