106
kawalang pananampalataya o gumagawa nito dala ng pangamba sa kabawasan ng
yaman o kabunyian o sa pakikipagmabutihan sa isa ay higit na masahol kaysa sa
nagsasalita niyon nang pabiro dahil ang nagbibiro sa kadalasan ay hindi naniniwala sa
puso niya sa sinasabi ng dila niya dahil nagpapatawa lamang siya sa mga tao. Ang
nagsasalita naman ng kawalang pananampalataya o gumagawa ayon dito dala ng
pangamba o pag-iimbot sa taglay ng isang nilikha ay naniwala nga sa Demonyo sa
pangako nito:
Ang Demonyo ay nagbabanta sa inyo ng karalitaan at nag-uutos sa
inyo na gumawa ng kahalayan.
1
at nangamba sa banta nito:
Itong Demonyo ay
nagpapakaba lamang sa inyo sa mga katangkilik niya;
2
Hindi ito naniwala kay
Allah, ang Napakamaawain, sa pangako Niya:
samantalang si Allah ay nangangako
sa inyo ng isang kapatawaran mula sa Kanya at isang kabutihang-loob.
3
Hindi
ito nangamba sa banta ni Allah, ang Palasupil:
kaya huwag kayong mangamba sa
kanila bagkus mangamba kayo sa Akin kung kayo ay mga mananampalataya.
4
Karapat-dapat ba ang sinumang ito ang kalagayan niya na maging kabilang sa mga
katangkilik ni Allah o kabilang sa mga katangkilik ng Demonyo?
Ang ikalawang áyah: Ang sabi ni Allah:
Ang sinumang tumangging
sumampalataya kay Allah pagkatapos ng pagsampalataya niya, maliban sa
pinilit habang ang puso niya naman ay napapanatag sa Pananampalataya, at
ang sinumang nagbukas ng dibdib sa kawalang pananampalataya ay
tatanggap sila ng galit mula kay Allah at magkakaroon sila ng isang sukdulang
pagdurusa.
5
Hindi magpagpapaumanhin si Allah sa mga ito maliban sa pinilit
ngunit ang puso niya ay napapanatag sa pananampalataya. Ang iba pa rito ay naging
Káfir na, ginawa niya man ito dala ng pangamba, o pag-iimbot, o paglalangis sa isa,
o pagkaibig sa bayan niya o mag-anak niya o angkan niya o yaman niya, o ginawa
niya iyon sa paraang pabiro, o dahilang iba pa roon, maliban sa pinilit. Ang áyah ay
nagpapakita na ang tao ay hindi mapipilit maliban sa salita at gawa samantalang ang
paniniwala ng puso ay walang isang makapipilit. Ang sabi pa ni Allah:
Iyan ay
dahil sa sila ay umibig sa makamundong buhay higit sa Kabilang-buhay at
dahil sa si Allah ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tumatangging
sumampalataya.
6
Nilinaw nito na ang pagdurusa ay hindi dahil lamang sa
paniniwala, kamangmangan, pagkamuhi sa relihiyon, o pag-ibig sa kawalang
pananampalataya, ang dahilan din nito ay na siya ay may isang magandang
kapalaran sa mundo ngunit minagaling niya ito higit kaysa sa Kabilang-buhay.
Matapos ang lahat ng ito hindi ba nalalapit na sa iyo, patnubayan ka ni Allah, na
magpabalik-loob ka sa Panginoon mo, manumbalik sa Kanya, at iwan mo ang
kinalalagay mo sapagkat ang bagay na ito gaya ng narinig mo ay seryoso at
maselan, ang usapin ay matindi, at ang kalagayan ay mabigat?
1
Qur’an 2:268.
2
Qur’an 3:175.
3
Qur’an 3:268.
4
Qur’an 3:175.
5
Qur’an 16:106.
6
Qur’an 16:107.
107
‘Abdunnabí
: Humihingi ako ng tawad kay Allah. Nagbabalik-loob ako sa Kanya.
Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allah at na si Muhammad ay Sugo ni
Allah. Tumanggi na akong sumampalataya sa lahat ng sinasamba ko noon bukod pa
kay Allah. Hinihiling ko kay Allah na pagpaumanhinan ako sa anumang nagdaan na,
na magpawalang-sala Siya sa akin, na pagkalooban Niya ako ng kabaitan Niya,
kapatawaran Niya, at awa Niya, at na patatagin Niya ako sa Tawhíd at tamang
paniniwala hanggang sa makatagpo ko Siya. Hinihiling ko sa Kanya na gantimpalaan
ka Niya, kapatid na ‘Abdulláh, ng mabuti dahil sa payong ito yamang ang Relihiyon
ay ang pagpapayo; dahil sa pagtutol mo sa dating kalagayan ko: ang pangalan kong
‘Abdunnabíy, na ibinabalita ko sa iyo na papalitan ko ito ng pangalang
‘Abdurrahmán; dahil sa pagtutol sa nakasasamang kubli na dati kong pininiwalaan:
ang ligaw na paniniwalang kung sakaling nakatagpo ko si Allah samantalang ako ay
nanantili roon ay talang hindi ako magtatagumpay magpakailanman.
Subalit nais ko na humiling sa iyo ng isang mabuting hiling. Banggitin mo sa akin
ang ilan sa mga nakasasama na dumami ang pagkakamali ng mga tao kaugnay rito.
‘Abdulláh:
Walang ano man. Ibigay mo sa akin ang pakikinig mo:
Kaingat ka na ang adhikain mo sa anumang usaping nagkasalungatan sa pag-
unawa mula sa Qur’an at Sunnah ay ang pagsunod sa pinagkakasalungatan sa
paghahangad ng kaguluhan at paghahangad ng pakahulugan niyon. Sa katotohanan,
walang nakaaalam sa pakahulugan niyon kundi si Allah. Hinihiling ko na ang
adhikain mo ay ang adhikain ng mga nakaugat sa kaalaman, na nagsasabi sa tungkol
sa bawat matalinghaga:
Sumasampalataya kami rito; lahat ay buhat sa
Panginoon namin.
1
Kaugnay pa sa pinagkakasalungatan ay ang sabi ng Sugo
(SAS)
:
Iwan mo ang nagpapaalinlangan sa iyo patungo sa hindi nagpapaalinlangan sa
iyo.
Isinalaysay ito nina Imám Ahmad at Imám atTirmidhíy
. Ang sabi pa ng Propeta:
Kaya
ang sinumang nangilag sa mga nakalilito ay nangangalaga sa reliyon niya at sa
karangalan niya. Ang sinumang nasadlak sa mga nakalilito ay nasadlak sa
ipinagbabawal.
Isinalaysay ito nina Imám alBukháríy at Imám Muslim
. Ang sabi pa ng
Propeta
(SAS)
:
Ang kasalanan ay ang anumang lumiligalig sa loob ng dibdib mo at
kinasuklaman mo na mapag-alaman ito ng mga tao.
Isinalaysay ito ni Imám Muslim
.
Ang sabi ng Propeta
(SAS)
:
Sanguniin mo ang puso mo; sangguniin mo ang sarili
mo – tatlong ulit niyang sinabi – at ang pagpapakabuti ay ang anumang
napanatag dito ang sarili at ang kasalanan ay ang anumang lumiligalig sa sarili at
nagpapaatubili sa loob ng dibdib kahit pa man nagpayo ang mga tao sa iyo at
nagpayo sila sa iyo.
Isinalaysay ito ni Imám Ahmad
.
Kaingat ka na sumunod sa pithaya sapagkat tunay na si Allah ay nagbabala
laban doon ayon sa sabi Niya:
Nakita mo ba ang gumawa sa pithaya niya bilang
diyos niya? Kaya ikaw ba sa kanya ay magiging isang katiwala?
2
Kaingat ka sa bulag na pagkiling sa mga tao, mga pananaw, at anumang
nakagisnan ng mga magulang sapagkat ito ay humahadlang sa pagitan ng tao at
katotohanan. Ang katotohanan ay pinakamimithi ng mananampalataya; saan man
1
Qur’an 3:7.
2
Qur’an 25:43.
Dostları ilə paylaş: |