114
Ang saláh ay ikalawa sa mga sandigan ng Islam at hindi ito magiging tumpak kundi
sa pamamagitan ng tahárah. Ang tahárah ay hindi maisasakatuparan kundi sa
pamamagitan ng tubig at alabok.
Ang mga uri ng tubig: 1. Táhir (dalisay).
Ang dalisay sa sarili mismo, ang
nakapagdadalisay sa iba. Ito ay nakapag-aalis ng hadath at nakapag-aalis ng najis.
1
2. Najis (marumi).
Ito ang nasaling ng najásah
2
kahit kaunti, o nagbago ang lasa
nito o ang kulay nito o ang amoy nito dahil sa najásah kahit marami.
Paalaala:
Ang maraming tubig ay hindi nagiging najis maliban kung nabago ng
najásah ang isa sa mga katangian nito: ang kulay nito, o ang lasa nito, o ang amoy
nito. Ang kaunting tubig ay nagiging najis kapag nasalang ng najásah. Itinuring na
ang tubig ay marami kapag humigit ito sa dalawang qullah o mga 210 litro.
Ang sisidlan.
3
Ang lahat ng sisidlan na táhir ay ipinahihintulot na taglayin at
gamitin maliban sa mga sisidlang ginto at pilak. Magiging tanggap ang tahárah sa
pamamagitan ng ginto at pilak kaya nga lamang ay may kasalanan. Ipinahihintulot
gamitin ang mga sisidlan at mga kasuutan ng mga Káfir maliban kapag nalaman
natin ang pagiging najis ng mga ito.
Ang balat ng maytah.
4
Ito ay ganap na najis. Ang maytah ay alin sa dalawang uri:
1.
ang hayop na bawal kainan;
2.
ang hayop na hindi bawal kainin ngunit hindi nakatay.
Ang hayop na hindi bawal kainin ngunit hindi nakatay, kapag kinulti ang balat nito,
ay ipinahihintulot gamitin sa mga bagay na tuyo, hindi sa mga bagay na likido.
5
Ang istinjá’.
6
Ang pag-aalis ng maruming lumabas sa ari at puwit. Kapag ito ay sa
pamamagitan ng paghuhugas ng tubig, tinatawag ito na istinjá’. Kapag sa
pamamagitan ng bato o papel at mga tulad nito, tinatawag ito na istijmár. Isang
kundisyon sa paggsasagawa ng istijmár lamang ay ang paggamit ng bagay na táhir,
ipinahihintulot, nakapaglilinis, at hindi kinakain. Ito ay isasagawa sa pamamagitan
ng tatlong bato, halimbawa, o higit pa. Ang pagsasagawa ng istinjá’ o istijmár ay
isinasatungkulin sa bawat pag-ihi o pagdumi. Ipinagbabawal sa sinumang iihi o
dudumi ang manatili sa palikuran nang higit pa sa pangangailangan niya; ang
pagdumi at ang pag-ihi sa pinanggagalingan ng tubig o sa daang dinadaanan o sa
sinisilungan o sa ilalim ng lilim ng punong-kahoy na may bunga; at ang pagharap
sa Qiblah sa sandali ng pag-ihi at pagdumi. Kinasusuklaman para sa sinumang iihi
o dudumi ang pagpasok sa palikuran nang may dalang anumang may nakasulat na
pangalan ni Allah, ang pagsasalita habang nasa loob nito, ang pag-ihi sa butas
7
at
tulad nito, ang paghipo ng ari sa pamamagitan ng kanang kamay, ang pagharap sa
Qiblah sa loob ng palikuran. Ipinahihintulot ang mga unang nabanggit kung
1
Ang najis ay ang anumang itinuturing na marumi sa Islam.
2
Ang najásah ay ang anumang may taglay na najis.
3
Ang lalagyang ng likido na gaya ng tubig. Ito ay maaaring baso, tabo, kaldero, batya at iba pa.
4
Ang hayop na namatay nang hindi sadyaang kinatay gaya ng nasagasaan, o namatay sa sakit o
suwag o ano pa man. Hindi rin ito maaaring kainin
5
Ang halimbawa ng bagay na tuyo ay sapatos at ang halimbawa naman ng bagay na basa ay ang
waterskin.
6
Ang paghuhugas sa ari o sa puwit matapos umihi o dumumi.
7
Para sa hindi umiihi sa palikuran.
Ang Tahárah
115
kailangan. Kaibig-ibig sa sinumang iihi o dudumi ang gansal na bilang ng
paghuhugas o pagpupunas at ang pagsasama ng istinjá’ at istijmár.
Ang siwák.
Sunnah na gumamit ng siwák sa pamamagitan ng isang malambot na
patpat gay ng arák at nagiging tiyak ang pagiging Sunnah nito sa sandali ng saláh,
pagbigkas ng Qur’an pagsasagawa ng wudú’ bago magmumog, pagkagising,
pagpasok sa masjid at bahay, at pagbabago ng amoy ng bibig, at tulad ng mga ito.
Ang wudú’.
Ang mga sandigan nito ay:
1.
ang paghuhugas ng mukha kabilang na
ang pagmumog at pagsinghot ng tubig,
2.
ang paghuhugas ng mga kamay mula sa
mga dulo ng mga daliri hanggang sa pati ang mga siko,
3.
ang pagpupunas sa
buong ulo kasama ang mga tainga,
4.
ang paghuhugas sa mga paa hanggang sa pati
ang mga bukung-bukong,
5.
ang pagkakasunud-sunod, 6. ang pagkatuluy-tuloy.
Ang mga Sunnah ng wudú’.
Ang paggamit ng siwák, ang paghuhugas ng mga
palad sa simula nito, ang pagpapauna sa pagmumumog at pagsinghot ng tubig bago
maghugas ng mukha, ang paglulubus-lubos sa pagmumumog at pagsinghot ng
tubig para sa hindi nag-aayuno, ang pagsingit ng mga daliri sa makapal na balbas,
ang paghaplos sa pagitan ng mga daliri, ang pagsisimula sa kanang bahagi ng
katawan, ang paghuhugas sa bahagi ng katawan nang makalawa o makatatlo, ang
pagsinghot ng tubig sa pamamagitan ng kanang kamay at ang pagsinga nito sa
pamaamgitan ng kaliwang kamay, ang pagkuskos sa mga bahaging hinuhugasan,
ang paglubus-lubos sa pagsasagawa ng wudú’, ang pagdalangin sa pamamagitan ng
du‘á’ na nasaad mula sa Propeta
(SAS)
pagkatapos ng wudú’.
Ang mga isinatungkulin sa wudú’.
Ang pagsambit ng basmalah bago nito, ang
paghuhugas ng mga kamay para sa kagigising sa pagtulog sa gabi nang makatatlo
bago isasaw ang mga kamay sa tubig.
Ang mga kinasusuklaman sa wudú’.
Ang pagsasagawa ng wudú’ sa
pamamagitan ng tubig na mainit o malamig, ang kalabisan sa tatlong paghuhugas
para sa iisang wudú’, ang pagpagpag sa tubig na naiwan sa hinugasang bahagi, at
ang paghuhugas ng loob ng mata. Tungkol naman sa pagpupunas sa bahaging
hinugasan matapos ang wudú’, ito ay pinahihintulutan.
Paalaala:
Ang pagmumumog ay kailangang may pagpapagalaw ng tubig sa loob
ng bibig. Ang pagsinghot ay kailangang may pagpapasok ng tubig sa loob ng ilong
sa pamamagitan ng paghatak ng hininga hindi ng kamay lamang at ganoon din ang
pagsinga; hindi magiging tama ang dalawang ito kundi sa pamamagitan ng gayong
paglalarawan.
Ang mga katangian ng wudú’.
Ito ay sa pamamagitan ng paglalayon nito sa puso.
Pagkatapos ay babanggitin ang basmalah at huhugasan ang mga kamay.
Pagkatapos ay magmumumog at sisinghot ng tubig at isisinga. Pagkatapos ay
huhugasan ang mukha (ang saklaw nito ay mula sa karaniwang tinutubuan ng
buhok hanggang sa baba, pababa; at mula sa isang tainga papunta sa isang tainga,
pahalang). Pagkatapos ay huhugasan ang mga kamay kasamga ang mga braso at
ang mga siko. Pagkatapos ay pupunasan ang buong ibabaw ng ulo mula sa
hangganan ng mukha hanggang sa batok at sa balat sa ibabaw ng mga tainga.
Ipapasok ang mga hintuturo sa mga butas ng mga tainga at papahiran ang mga
Dostları ilə paylaş: |