programa ng california
sa pag-iwas sa hika na
may kaugnayan sa
trabaho
Sangay ng Kalusugan sa Trabaho
Kagawaran ng Kalusugan ng Publiko ng California
Hika na may kaugnayan sa trabaho: Ano ang dapat
mong malaman
Ano ang hika?
Ang hika ay isang sakit kung saan naninikip at nagbabara ang mga daanan ng hangin sa mga
baga, na nagiging dahilan para mahirapang huminga. Maaari itong magsimula anumang oras
sa iyong buhay at maraming ibang bagay na maaaring magpasimula ng mga sintomas ng hika.
Kabilang sa mga sintomas ang humuhuning paghinga, paninikip ng dibdib, ubo at kapos na
paghinga.
Ano ang hika na may kaugnayan sa trabaho at ano ang nagdudulot nito?
Ang mga manggagawa ng
ospital ay nalalantad sa mga
mapanganib na
pangdisimpekta
Ang hika na may kaugnayan sa trabaho (Work-related asthma, WRA)
ay hika na dulot o pinalalala ng isang bagay sa trabaho. Ipinapakita ng
mga pag-aaral na sa pagitan ng 15-30% ng lahat ng nasa hustong
gulang ay dulot ng mga kondisyon o mga kemikal sa trabaho.
Mayroong mahigit sa 320 substansiya na kilalang nagdudulot ng
bagong hika sa mga taong walang ganito dati. Kabilang sa ilang
halimbawa ang harina, ilang kemikal sa paglilinis, ilang usok sa
paghihinang, latex, maliliit na bagay na nahuhulog mula sa hayop,
mga epoxy, chlorine, mga isocyanate, formaldehyde, kusot, ilang
pangdisimpekta at mga likido mula sa paggawa ng bakal.
Napakakaunti sa mga bagay na ito ang maaaring magdulot ng hika sa
ilang tao, kahit ang mga lebel na mababa sa mga limitasyon ng
Cal/OSHA sa pagkakalantad ng manggagawa (kapag mayroon ng mga
ito). Minsan maaaring magtrabaho ang mga tao sa paligid ng isang
substansiya para sa maraming taon nang walang problema. Sa
kalaunan maaari silang maging sensitibo, o magkaroon ng alerhiya sa
substansiya at makakuha ng bagong hika. At saka, anumang
nakakairitang substansiya o karaniwang allergen (nagdudulot ng
alerhiya) ay maaaring magpalala sa mga sintomas ng hika sa isang tao
na mayroon nang hika.
Hunyo 2014
Ang isang guro sa middle school ay biglang nagkaroon ng hika mula sa matapang na cologne
ng isang estudyante
Sa loob ng 23 taon, ang isang 49 na taong gulang na guro sa sining ay nagtrabaho sa isang
distrito ng paaralan sa suburban nang walang anumang problema sa paghinga. Ngunit isang
araw, mayroong pumasok sa silid-aralan na mayroong napakatapang na cologne. Nag-spray
pa ng cologne ang estudyante habang nasa silid-aralan. Nagkaroon ng reaksyon ang guro sa
loob ng ilang segundo, nagkaroon ng paninikip ng dibdib at humuhuning paghinga. Isang taon
ang nakalipas, mayroon pa ring hika ang guro na lumalala kapag nasa paligid siya ng maraming
pabango at iba pang kemikal. Kailangan na niya ngayong palaging magdala ng inhaler.
Iwasan ang hika: Gumawa ng mga patakaran na walang pabango sa iyong paaralan, opisina
o ibang lugar ng trabaho.
Nagkaroon ng hika ang isang 44 na taong gulang na manggagawa sa kahoy pagkatapos ng
20 taong pagtatrabaho sa kusot
Nagkarpintero ang manggagawa sa kahoy at nag-remodel gamit ang iba't ibang uri ng kahoy,
kabilang ang California Redwood at Western Red Cedar. Wala siyang mga sistemang
tagakolekta ng alikabok sa kanyang kagamitan at kitang-kita na maraming alikabok sa hangin.
Unti-unti siyang nagsimulang magkaroon ng mga problema sa paghinga sa gabi pagkatapos
ng trabaho. Noong nakatanggap siya ng pagsusuri sa hika, nagambla na siya ng kanyang hika
sa karamihan ng pagkakataon. Labindalawang taon ang nakalipas, mayroon pa rin siyang mga
problema sa paghinga. Kinailangan niyang pumunta sa emergency room nang dalawang
beses, at umiinom ng apat na iba't ibang gamot sa hika.
Iwasan ang hika: Maglagay ng mga sistemang tagakolekta ng alikabok kapag nagtatrabaho
sa kahoy.
Anu-anong mga uri ng trabaho ang maaaring humantong sa WRA?
Kadalasan, ito ay isang partikular na gawain o mga gawain sa trabaho na humahantong sa
mapanganib na mga pagkakalantad, tulad ng paggamit ng ilang pangdisimpekta o mga epoxy
resin. Kung mayroon nang hika ang isang tao, maaari itong lumala dahil sa maraming iba't
ibang kondisyon o mga substansiya, kahit na hindi itinuturing na ‘mataas ang panganib’ para
sa hika ang kanilang trabaho. Hindi kinakailangang direktang nagtatrabaho ang isang tao
kasama ng substansiya para malantad dito, at maaaring magkaroon ng mga problema dahil
malapit siya kung saan ito ginagamit. Nasa ibaba ang ilang halimbawa ng mga karaniwang
trabaho na mayroong mga pagkakalantad na kilalang nagdudulot ng bagong hika sa mga
manggagawang walang ganito dati.
Uri ng
Manggagawa
Mga pagkakalantad na
maaaring magdulot ng hika
Mga karaniwang gawain
Mga Manggagawa
sa Ospital
Glutaraldehyde, mga
pangdisimpekta, latex, gamot,
mga enzyme, formaldehyde
Pangkaraniwang paglilinis,
pagproseso ng scope, pagsusuot
ng mga latex na glove,
pagtatrabaho sa mga lugar kung
saan gumagamit ng mga kemikal
Mga Humahawak
ng Hayop
Maliliit na bagay na nahuhulog
mula sa hayop at mga protina
Pag-aalaga ng hayop, paglilinis ng
mga kulungan
Manggagawa/
Pintor sa
Pagkukumpuni ng
Katawan ng
Sasakyan
Mga isocyanate, mga
epoxy, acrylate,
chromium, styrene
Pagpipintura ng mga kotse,
paggawa ng katawan ng sasakyan
Mga
Magsasaka/Mga
Manggagawa sa
Bukid
Mga pesticide, pollen, protina
ng itlog, alikabok mula sa grain,
maliliit na bagay na nahuhulog
mula sa hayop, chlorine
Paglalagay ng mga pesticide,
pagtatrabaho sa mga bukid, pag-
aalaga ng mga hayop,
pagpapakete/paglilinis ng mga
prutas at gulay
Mga Manggagawa
sa Beauty Salon
Mga persulfate, henna,
formaldehyde, mga
methacrylate
Pagbe-bleach/pagkukulay ng
buhok, pagpapalambot ng buhok,
paglalagay ng mga artipisyal na
kuko
Mga Custodian/
Mga Tagalinis
Mga pangdisimpekta,
ammonia, mga
ethanolamine, latex
Paglilinis ng mga ibabaw,
pagdidisimpekta ng mga ibabaw,
pag-strip at paglalagay ng wax sa
mga sahig, pagsusuot ng mga latex
na glove
Mga Panadero
Harina, cinnamon
Paghahalo ng harina,
pagwawalis/paglilinis ng
harina
Mga Pamproseso
ng Pagkain
Pagkaing-dagat, harina, pulbos
ng bawang, mga vegetable
gum, pulbos na protina ng itlog
Paghahalo,
pagpoproseso o
pagpapakete ng pagkain
Mga Manggagawa
sa Konstruksiyon/
Kahoy
Kusot, mga usok sa
paghihinang, formaldehyde,
mga epoxy
Paglalagari at pagliliha ng
kahoy, paghihinang, pagdidikit
Mga Bumbero
Usok, kusot
Pag-aapula ng apoy, paglalagari ng
kahoy
Mga Manggagawa
sa Paggawaan
Mga epoxy, mga likido sa
paggawa ng bakal, chlorine,
phtalic anhydride, mga
isocyanate
Pagmomolde, pagpapakete,
produksyon na kinabibilangan ng
mga kemikal, pagpapatakbo ng
makina
Paano ko malalaman kung mayroon akong WRA?
Maaari kang magkaroon ng hika na may kaugnayan sa trabaho kung:
malala ang iyong mga problema sa paghinga kapag nasa trabaho
bumubuti ang iyong mga problema sa paghinga kapag wala ka sa trabaho nang ilang
araw, tulad ng tuwing Sabado at Linggo o kapag bakasyon
nagsimula ang iyong mga problema sa paghinga pagkatapos mong magsimula ng b
trabaho
mayroon kang bagong hika na nagsimula bilang isang nasa hustong gulang
nagkaroon ka ng hika ngunit lumala ito bilang isang nasa hustong gulang
agong
Nalalantad ang mga guro sa
maraming substansiya na
maaaring magdulot o
magpasimula ng hika, kabilang
ang mga produktong panlinis
Kung magagawa mo, dalhin ang Mga Dokumento sa
Kaligtasan (Safety Data Sheets, mga SDS) para ipakita sa
doktor. Maaaring makatulong ang mga ito na matukoy ang
dahilan para sa iyong WRA at magmungkahi ng mga bagay
na magagawa mo para mabawasan ang iyong mga sintomas.
Ang iyong employer ay kinakailangang magbigay sa iyo ng
isang SDS para sa bawat substansiya na ginagamit mo sa
trabaho. Kung hindi ka bibigyan ng iyong employer ng SDS,
ikaw o ang iyong doktor ay maaaring mahanap ang SDS sa
internet.
Sasabihin sa iyo ng SDS kung anu-anong mga kemikal ang
nasa mga produkto, anong mga epekto sa kalusugan ang
mayroon ang mga ito, at kung paano gagamitin nang ligtas
ang mga ito. Ang ilang sangkap ay maaaring hindi nakalista
kung ang mga ito ay napakakaunti, kahit na maaaring
magdulot ng hika ang mga ito. Ang ilang SDS ay maaaring
hindi kumpleto at maaaring wala ng lahat ng epekto sa
kalusugan, tulad ng hika, na maaaring dulot ng
isang kemikal. Sa ganoong kaso, kakailanganing gumawa ng
higit pang pananaliksik ng iyong doktor para malaman kung
anong kemikal ang maaaring magdulot ng hika. Tingnan ang
Mga Mapagkukunan/Mga Link sa ibaba para sa karagdagang
impormasyon.
Sabihin sa iyong doktor kung kailan nangyari ang iyong mga sintomas at bigyan ng maraming
detalye ang iyong doktor tungkol sa ginagawa mo sa trabaho hangga't maaari. Maaaring
gumawa ng mga simpleng pagsusuri ang iyong doktor na susukat sa iyong paghinga sa
trabaho at wala sa trabaho.
Nagkaroon ng hika ang isang batang tagapintura ng kotse pagkatapos ng dalawang buwan,
kasama ng mga katrabaho
Pagkatapos magtrabaho sa isang shop na nagpipintura ng kotse at katawan ng sasakyan sa
loob lang ng dalawang buwan, nagkaroon ng malubhang humuhuning paghinga ang isang 19
na taong gulang na manggagawa mula sa pagpipintura ng mga kotse. Nagsuot siya ng
respirator noong pininturahan niya ang mga kotse sa mga booth, ngunit hindi nagkasya ang
respirator sa kanyang mukha at luma at hindi mabisa ang mga cartridge na laman nito. Hindi
niya alam na kailangan siyang pakitaan ng kanyang employer ng SDS at sanayin siya tungkol sa
mga panganib ng mga kemikal sa trabaho. Matapos kaagad ng kanyang pagsusuri para sa hika,
umalis siya sa trabaho dahil malubha ang kanyang sakit at nag-alala sa kanyang kalusugan.
Nag-ulat din ang dalawa sa kanyang katrabaho ng mga problema sa paghinga na katulad nito.
Iwasan ang hika: Magpasanay para ligtas na gumawa kapag nasa paligid ng mga
mapanganib na kemikal. Halimbawa, basahin ang SDS, magsuot ng proteksyon na
kasyang-kasya, at magpanatili ng kagamitang pangkaligtasan.
Ano ang magagawa ko sa trabaho kung mayroon akong WRA?
Makakatulong ang iyong doktor na gamutin ang iyong hika. Ipinapakita ng mga pag-aaral na
sa lalong madaling panahon na titigil ang iyong pagkakalantad, mas malamang na bumuti
ang iyong hika. Kung ang iyong hika ay may kaugnayan sa mga partikular na pagkakalantad
sa trabaho, ang pinakamahalagang bagay ay iwasang magtrabaho sa o nang malapit sa mga
substansiya na nagpapalala sa iyong hika.
Ano ang magagawa ng aking employer para maiwasan ang WRA?
Pinakamabisa
(pinakamabutin
g mapipili)
Pinaka hindi
mabisa (huling
gagawin)
Alisin ang pagkakalantad (Pag-alis)
Gumamit ng mas ligtas na kemikal (Paggamit ng Pamalit)
Aktwal na ihiwalay ang manggagawa mula sa kemikal na
nagdudulot ng hika (Mga Pang-inhinyerong Kontrol)
Limitahan o iwasan ang pagkakalantad gamit ang mga
tuntunin o mga pamamaraan (Mga Administratibong Kontrol)
Magbigay ng personal na kagamitang pamproteksyon
(personal protective equipment, PPE)
Ang iyong kumpanya ay kinakailangang magbigay sa iyo ng isang ligtas na lugar para
magtrabaho. Maaaring kailanganin ng iyong employer na maglagay ng ilang opsyong
binanggit sa itaas o maghanap ng ibang gawain na mas ligtas para sa iyo. Dapat tingnan ng
iyong kumpanya na hindi rin nagkakasakit ang iba pang mga manggagawa mula sa paggamit
ng mga substansiya na kilalang nagdudulot ng hika.
Hika na may kaugnayan sa trabaho sa California
Humigit-kumulang 900,000 nasa hustong gulang sa California ang tinatayang mayroong WRA.
Sinusubaybayan ng Programa sa Pag-iwas ng Hika na May Kaugnayan sa Trabaho (Work-related
Asthma Prevention Program, WRAPP) ang mga dahilan at dami ng WRA sa buong estado at
nagsusumikap upang maiwasan ito. Nakakita ang WRAPP ng mga kaso sa maraming iba't ibang
trabaho at industriya at mula sa maraming iba't ibang uri ng mga pagkakalantad.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa WRA o WRAPP, tumawag sa 1-800-970-6680 (CA
Relay Service: 711). Para makakuha ng kopya ng dokumentong ito sa alternatibong format,
mangyaring tawagan kami sa (510) 620-5757. Maghintay nang kahit 10 araw para maayos ang
mga serbisyo para sa alternatibong format.
Mga Mapagkukunan/Mga Link
Sinusubaybayan ng Programa sa Pag-iwas ng Hika na May Kaugnayan sa Trabaho (WRAPP)
Kagawaran ng Kalusugan ng Publiko ng California
(www.cdph.ca.gov/wrapp/asthma)
National Institute for Occupational Safety and Health
(
www.cdc.gov/niosh/topics/asthma/)
Listahan ng Association of Occupational and Environmental Clinics (Association of Occupational
and Environmental Clinics , AOEC) ng mga substansiyang kilala bilang nagdudulot ng hika (mga
asthmagen)
(
www.aoecdata.org/ExpCodeLookup.aspx)
Sangay ng Kalusugan sa Trabaho
(www.cdph.ca.gov/wrapp/asthma)
Dostları ilə paylaş: |