188
52
Ang alay na
hayop
Nagsabi ang mga Kasamahan ng Sugo ni Allah
(SAS)
: O Sugo ni Allah, ano
ang mga alay na hayop na ito? Nagsabi siya: Sunnah ng ama ninyong si
Ibráhím. Sinabi nila: Kaya ano naman ang mapapala natin sa mga ito, o
Sugo ni Allah? Nagsabi siya:
Sa bawat buhok ay may magandang gawa.
Sinabi nila: At ang balahibo, o Sugo ni Allah? Nagsabi siya: Sa bawat
buhok mula sa balahibo ay may magandang gawa.
53
A
ng
m
ab
ut
in
g
la
yu
ni
n
ay
na
gp
ap
ar
at
in
g
sa
m
an
an
am
pa
la
ta
ya
sa
m
ga
k
al
al
ag
ya
ng
m
at
aa
s s
a
Pa
ra
is
o
ka
la
ki
p
ng
p
ag
pa
pa
un
a
sa
m
ak
ak
ay
an
g
ga
w
ai
n
Ang paghahalintulad sa kalipunang ito [ng Islam] ay katulad ng apat na tao.
May isang lalaki na binigyan ni Allah ng yaman at kaalaman kaya naman
siya ay gumagawa ayon sa kaalaman niya: sa yaman niya ay gumugugol siya
sa kinauukulan nito. May isang lalaki na binigyan ni Allah ng kaalaman at
hindi binigyan ng yaman kaya siya ay nagsasabi: “Kung sakaling nagkaroon
ako ng tulad sa [taong] ito ay gagawin ko roon ang tulad sa ginagawa nito.”
Nagsabi ang Sugo ni Allah
(SAS)
:
“Kaya silang dalawa sa gantimpala ay
magkatulad.” May isang lalaki na binigyan ni Allah ng yaman at hindi
binigyan ng kaalaman kaya naman siya ay nagwawaldas sa yaman niya: sa
yaman niya ay gumugugol sa hindi kinauukulan nito. May isang lalaki na
hindi binigyan ni Allah ng kaalaman ni yaman kaya siya ay nagsasabi:
“Kung sakaling nagkaroon ako ng tulad sa [waldas na] ito ay gagawin ko
roon ang tulad sa ginagawa nito.” Nagsabi ang Sugo ni Allah
(SAS)
:
“Kaya
silang dalawa sa pananagutan ay magkatulad.”
54
Ang
gantimpala ng
nakaaalam at
ang
kalamangan
niya
Ang kalamangan ng nakaaalam sa sumasamba ay
gaya ng
kalamangan ko sa pinakamababa sa inyo.
Pagkatapos ay nagsabi pa ang Sugo ni Allah
(SAS)
: “Tunay na si
Allah, ang mga anghel Niya, ang mga naninirahan sa mga langit at
lupa, pati na ang langgam sa lungga nito, pati na ang balyena ay
talagang nagnanais ng kabutihan sa nagtuturo sa mga tao.”
55
A
ng
g
an
tim
pa
la
ng
m
ar
tir
Ang martir para kay Allah ay may anim na katangian: patatawarin siya sa
unang pagkakataon, makikita niya ang kalalagyan niya sa Paraiso,
pangangalagaan siya laban sa pagdurusa sa libingan, maliligtas siya sa
pinakamalaking hilakbot, maglalagay sa ulo niya ng koronang rubi ng
kahinahunan na mainam kaysa sa mundo at anumang narito, ipakakasal
siya sa pitumpu’t dalawang asawa na kabilang sa dilag ng Paraiso, at
pamamagitanin siya para sa pitumpu sa mga kaanak niya.
56
Ang
pagkasugat
alang-alang
Allah
Kapag nasusugatan ang isa alang-alang kay Allah – at si Allah ay higit na
nakaaalam sa kung sino ang nasusugatan alang-alang sa Kanya – ay
darating siya sa Araw ng Pagbangon habang ang mukha niya ay tumutulo
ng dugo na ang kulay ay kulay ng dugo at ang amoy ay amoy ng musk.
57
Ang pagtatanod
laban sa kaaway
alang-alang kay
Allah
Ang pagtatanod laban sa kaaway alang-alang kay Allah ay
mainam kaysa sa mundo at anumang nasa ibabaw nito. Ang
bahaging singlaki ng panghagupit ng isa sa inyo sa Paraiso ay
mainam kaysa sa mundo at anumang nasa ibabaw nito.
58
Ang pagbibigay ng
kakailanganin ng
mandirigma
Ang sinumang nagbigay ng kakailangin ng mandirigma alang-
alang kay Allah
ay nakidigma nga. Ang sinumang umagapay
sa isang mandirigma sa mag-anak nito
ay nakidigma nga.
59
Ang paghiling kay
Allah ng kamartiran
nang may katapatan
Ang sinumang humiling kay Allah ng kamartiran
1
nang may
katapatan ay
pararatingin siya ni Allah sa mga kalagayan
ng mga martir kahit pa man namatay siya sa higaan niya.
1
Pagiging shahid.
189
60
Ang pag-iyak dahil sa takot kay
Allah at ang pagbabantay
alang-alang sa Kanya
May dalawang mata
na hindi sasalingin ng Apoy:
matang umiyak dahil sa takot kay Allah at matang
magdamag na nagbantay alang-alang kay Allah.
61
Ang
pagsubok
Walang dumadapo sa Muslim na kapaguran ni karamdaman ni
kabalisaan ni kalungkutan ni kapinsalaan ni kapighatian − pati na ang
tinik na tumuturok sa kanya − na hindi
ipambabayad-sala ni Allah iyon
sa ilan sa mga kasalanan niya.
62
Ang pananalig kay
Allah at ang pagtigil sa
pagpapahero, paghiling
ng ruqyah [na labag sa
Islam], at paniniwala sa
masamang pangitain
Itinambad sa Propeta
(SAS)
ang mga kalipunan sa panaginip niya
at nakita niya ang kalipunan niya at may kabilang sa kanila na
pitumpong libong
papasok sa Paraiso nang walang pagtutuos ni
pagdurusa. Sila ang mga hindi humiling na pagsagawaan ng
ruqyah, mga hindi nagpapahero, mga hindi naniniwala sa
masamang pangitain, at sa Panginoon nila ay nananalig.”
63
Ang gantimpala ng
namatay na may
mga maliit na anak
Walang Muslim na mamatay habang mayroon siyang tatlong anak
na hindi umabot sa tamang gulang
malibang papapasukin ito ni
Allah sa Paraiso ayon sa kalamangan ng awa Niya sa kanila.
64
Ang pagkawala ng
paningin at ang
pagtitiis dahil
doon
Tunay na si Allah ay nagsabi: Kapag sinubok ko ang lingkod Ko
sa pamamagitan [ng pagkawala] ng dalawang pinakamamahal
niya at nagtiis siya,
tutumbasan Ko siya dahil sa mga ito ng
Paraiso. Tinutukoy Niya ang mga mata niyon.
65
Ang pag-iwan ng anuman
bilang pangingilag sa
pagkakasala kay Allah
Tunay na ikaw ay walang iiwanang anuman bilang
pangngilag sa pagkakasala kay Allah malibang
bibigyan ka ni Allah ng mainam kaysa roon.
66
Ang
pangangalaga
sa ari at dila
Ang sinumang gagarantiya sa akin [ng paggamit sa mabuti] ng nasa
pagitan ng bigote at balbas niya at ng nasa pagitan ng dalawang
paa niya ay
maggagarantiya ako sa kanya ng Paraiso.
Ang tintutukoy niya ay ang dila at ang ari.
67
Ang
pagsambit ng
bismi -lláh sa
pagpasok sa
bahay at sa
pagkain
Kapag pumasok ang lalaki sa bahay
at bumanggit kay Allah sa
pagpasok niya at sa pagkain niya ay magsasabi ang Demonyo [sa mga
kampon nito]: walang tutuluyan sa gabi para sa inyo at walang hapunan.
Kapag pumasok siya at hindi bumanggit kay Allah ay magsasabi ang
Demonyo [sa mga kampon nito]: Nakaabot kayo ng tutuluyan sa gabi.
Kapag hindi siya bumanggit kay Allah sa pagkain niya ay magsasabi ito
[sa mga kampon nito]: Nakaabot kayo ng tutuluyan sa gabi at hapunan.
68
Ang
pagpupuri
kay Allah
matapos
kumain,
uminom, at
magsuot ng
bago
Ang sinumang kumain ng pagkain at nagsabi ng alhamdu lilláhi
-lladhí at‘amaní hádhá wa razaqaníhi min ghayri hawlim minní wa lá
qúwah
1
ay
patatawarin siya sa nauna sa pagkakasala niya. [Gayon
din] kapag uminom siya ng inumin ay nagsabi siya ng alhamdu lilláhi
-lladhí
saqáníní
2
hádhá wa razaqaníhi min ghayri hawlim minní wa
lá qúwah; at kapag nagsuot ng isang bagong kasuutan ay nagsabi ng
alhamdu lilláhi -lladhí
kasání
3
hádhá wa razaqaníhi min ghayri
hawlim minní wa lá qúwah.
1
Ang papuri ay ukol kay Allah na nagpakain sa akin nito at nagkaloob sa akin nito nang walang
kapangyarihan mula sa akin ni lakas
2
nagpainom sa akin
3
nagpadamit sa akin
Dostları ilə paylaş: |