190
69
Ang sinumang
nagnais na
pagaanin ni
Allah para sa
kanya ang
hirap ng
gawain niya
Humiling si Fátimah
(RA)
sa Propeta
(SAS)
ng isang katulong kaya
nagsabi siya rito at kay ‘Alí: Hindi ba ako magtuturo sa inyo ng
mainam kaysa sa hiniling ninyo sa akin? Kapag humiga kayo sa mga
higaan ninyo ay magsabi kayo ng Alláh akbar nang tatlumpu’t apat
na ulit, magsabi kayo ng subhána -lláh ng tatlumpu’t tatlong ulit, at
magsabi kayo ng alhamdu lilláh nang tatlumpu’t tatlong ulit
sapagkat ito ay mainam kaysa sa isang katulong.
70
Ang pagsubok
Walang dumadapo sa Muslim na kapaguran ni karamdaman ni
kabalisaan ni kalungkutan ni kapinsalaan ni kapighatian − pati na
ang tinik na tumuturok sa kanya − na hindi
ipambabayad-sala ni
Allah iyon sa ilan sa mga kasalanan niya.
71
Ang paggawa ng
maganda sa mga
anak na babae
Ang sinumang sinubok dahil sa mga anak na babaeng ito ngunit
gumawa ng maganda sa kanila,
sila para sa kanya ay magiging
pananggalang laban sa Apoy.
72
Ang pagbibigay-
kasiyahan ng
maybahay sa
asawa niya
Kapag nagdasal ang babae ng lima sa mga [sálah na] ito, nag-
ayuno sa [Ramádan], nangalaga sa puri niya, at tumalima sa
asawa niya, sasabihin sa kanya:
Pumasok ka sa Paraiso sa
alinman sa mga pinto ng Paraiso na loloobin mo.
Alinmang babae na namatay
samantalang ang asawa niya ay
nasisiyahan sa kanya ay papasok sa Paraiso.
73
Ang pakikipag-
ugnayan sa
kaanak
Ang sinumang ikasasaya niya na luwagan siya sa kaloob sa kanya
o guni-gunitain siya sa alaala niya ay
makiugnay siya sa kaanak
niya.
74
Ang pag-aaruga
sa ulila
Ako at ang nag-aaruga ng ulila sa Paraiso ay ganito.” Sinabi
niya iyon na magkadikit ang dala-wang daliri niya: ang hintuturo
at ang hingigitna.
75
Ang
pagmamalasakit
sa balo at dukha
Ang nagmamalasakit sa balo at dukha ay
gaya ng nakikibaka sa
landas ni Allah o
gaya nagdarasal na hindi nanghihina at gaya
ng nag-aayuno na hindi humihinto.
76
Ang kagandahan
ng kaasalan
Tunay na ang mananampalataya ay talagang hahantong, sa
pamamagitan ng kagandahan ng kaasalan niya, sa
antas ng
isang nag-aayuno [sa maghapon] at nagdarasal [sa gabi].
Ako ay pinuno...at may bahay
sa kataas-taasan ng Paraiso para
sa sinumang naging maganda ang kaasalan niya.
77
Ang pagkaawa sa
mga nilikha at
ang pagkahabag
sa kanila
Kaaawaan lamang ni Allah ang mga lingkod Niyang mga
maawain.
Kaawaan ninyo ang sinumang nasa lupa,
kaaawaan kayo Niya
na nasa langit.
78
Ang pagkaibig ng
mabuti para sa
mga Muslim
Hindi sumasampalataya ang [bawat] isa sa inyo malibang iibigin
niya para sa kapatid niya ang iniibig niya para sa sarili niya.
79
Ang
pagkakaroon
ng hiya
Ang pagkakaroon ng hiya ay
walang naihahatid kundi mabuti.
Ang pagkakaroon ng hiya ay
bahagi ng pananampalataya.
May apat na kabilang sa mga kaugalian ng mga isinugo: ang
pagkakaroon ng hiya, ang pagpapabango, ang paglilinis ng ngipin, at
ang pag-aasawa.
191
80
A
ng
pa
gp
ap
as
im
ul
a
ng
p
ag
ba
ti
Na may isang lalaki na pumunta sa Propeta
(SAS)
at nagsabi: Assalámu
‘alaykum. Nagsabi ang Propeta
(SAS)
:
Sampu. Pagkatapos ay dumating
ang isa pa at nagsabi: Assalámu ‘alaykum wa rahmatu -lláh, kaya
nagsabi ang Propeta
(SAS)
:
Dalawampu. Pagkatapos ay dumating
naman ang isa pa at nagsabi: Assalámu ‘alaykum wa rahmatu -lláhi wa
barakátuh, kaya nagsabi ang Propeta
(SAS)
:
Tatlumpu. Ang tinutukoy ng
mga bilang ay ang mga magandang gawa.
81
Ang pagkakamayan
sa pagtatagpo
Walang dalawang Muslim na nagtatagpo at nagkakamayan
na hindi sila
patatawarin bago sila maghiwalay.
82
Ang pagtatanggol sa
karangalan ng
Muslim
Ang sinumang magsanggalang sa karangalan ng kapatid niya
ay
ipagsasanggalang ni Allah ang mukha niya laban sa
Apoy sa Araw ng Pagbangon.
83
Ang pag-ibig sa mga
matuwid at ang
pakikisalamuha sa
kanila
Ikaw ay kasama ng inibig mo.
Nagsabi si Anas
(RA)
: Kaya walang ikinatuwa ang mga
Kasamahan [ng Propeta] sa anuman higit sa pagkatuwa nila
sa Hadíth na ito.
84
Ang mga
nagmamahalan dahil
sa pagpipitagan kay
Allah
Nagsabi si Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan:
Ang mga nagmamahalan dahil sa pagpipitagan sa akin ay
magkakaroon sila ng mga pulpitong yari sa liwanag, na
magmimithi sa taglay nila ang mga propeta at ang mga martir.
85
Ang sinumang
dumalangin para sa
kapatid niyang Muslim
Ang sinumang dumalangin para sa kapatid niya nang lingid
ay magsasabi ang anghel na itinalaga sa kanya:
Amen at
magkakaroon ka ng tulad ng sa kanya.
86
Ang paghingi ng
tawad para sa mga
lalaking
mananampalataya at
mga babaeng
mananamapalataya
Ang sinumang humingi ng tawad para sa mga lalaking
mananampalataya at mga babaeng mananampalataya ay
magtatala si Allah dahil sa bawat lalaking mananampalataya
at babaeng mananampalataya ng isang magandang gawa.
87
Ang sinumang
nagturo sa isang
kabutihan
Ang sinumang nagturo sa isang kabutihan
ay magkakaroon
siya ng tulad ng kabayaran ng gumagawa nito.
88
Ang pag-aalis sa
daan ng
nakapipinsala
Talaga ngang nakakita ako sa Paraiso ng
isang lalaking pagala-
gala sa Paraiso dahil sa isang punong-kahoy na pinutol niya na
nakaharang sa daan na nakapipinsala noon sa mga tao.
89
Ang
pagpapamalagi sa
kabutihan
Tunay na si Allah ay hindi nagsasawa hanggang sa magsawa
kayo at tunay na
ang pinakakaibig-ibig sa mga gawain para kay
Allah ay ang namamalagi kahit pa man kaunti.
90
Ang paghinto sa
pakikipagtaltalan
at
pagsisinungaling
Ako ay pinuno
sa isang bahay sa gilid ng Paraiso para sa sinumang
huminto sa pakikipagtaltalan kahit pa man siya ay nasa
katotohanan at
sa isang bahay sa gitna ng Paraiso para sa
sinumang huminto sa pagsisinungaling kahit pa man siya ay
nagbibiro.
91
Ang pagpipigil
ng galit
Ang sinumang nagpigil ng galit gayong siya ay makakakayang
ipatupad ito ay tatawagin siya ni Allah sa Araw ng Pagbangon sa
mga harapan ng mga nilikha hanggang sa
pamimiliin siya kung sa
aling mga dilag ng Paraiso ang nanaisin niya.
Dostları ilə paylaş: |