196
42
Ang
panunumpa
sa pagtitinda
Kaingat kayo sa kadalasan ng panunumpa sa pagtitinda sapagkat ito ay nakapag-
uudyok sa pagbili
at pagkatapos ay nakapagpapalaho sa biyaya. Ang
panunumpa ay pang-udyok sa pagbili ng paninda at
pampapalaho ng biyaya.
43
Ang pagpapakawangis sa
mga Káfir
Ang sinumang nagpapakawangis sa [isang uri ng] mga
tao,
siya ay kabilang sa kanila.
44
Ang inggit
Kaingat kayo sa inggit sapagkat tunay na ang inggit ay
kumakain sa
mga magandang gawa gaya ng pagkain ng apoy sa panggatong. Sa
ibang sanaysay ay sinabi niya: sa damo.
45
Ang pagpapatayo ng estruktura
sa ibabaw ng libingan
Ipinagbawal ng Sugo ni Allah
(SAS)
na palitadahan ang
libingan, na upuan ito, at na tayuan ito [ng gusali].
46
Ang
panlilinlang
ang kataksilan
Kapag tinipon ni Allah ang mga una at ang mga huli sa Araw ng
Pagkabuhay ay
mag-aangat para sa bawat nanlilinlang ng isang
watawat at sasabihin: Ito ang panlilinlang ni Polano na anak ni Polano.
47
Ang pag-upo sa
ibabaw ng libingan
Ang maupo ang isa sa inyo sa baga
kaya sinusunog na nito ang
damit niya at aabot na ito sa balat niya ay mainam para sa kanya
kaysa sa maupo siya sa puntod.
48
Ang pagluluksa sa
patay
Hindi ipinahihintulot sa isang babaing sumasampalataya kay
Allah at sa Huling Araw na magluksa sa isang patay nang higit
sa tatlong araw maliban kung sa asawa.
49
Ang paghingi nang
walang tunay na
pangangailangan
May tatlong kalagayan na susumpa ako kaugnay sa mga iyon at
magsasalaysay ako sa inyo ng isang salaysay...kapag binuksan
ng isang tao ang pinto ng panghihingi ay bubuksan ni Allah ang
pinto ng
karalitaan.
50
Ang pagtatagisan
sa pagtitinda
Hindi magtitinda ang isang hádir para sa isang bádí.
1
Huwag
kayong magbilihan sa pamamagitan ng najsh.
2
Hindi
magbebenta ang tao sa isang binibentahan na ng kapwa niya.
51
Ang paghahanap
ng nawawalang
bagay
Ang sinumang nakarinig ng isang lalaki na naghahanap ng isang
nawawalang bagay sa masjid ay sabihin:
Huwag na sanang
ibalik iyon ni Allah sa iyo, sapagkat ang mga masjid ay hindi
ipinatayo para sa [paghahanap na] ito.
52
Ang pagdaan sa
harap ng
nagsasagawa ng
saláh
Kung sakaling nalalaman ng nagdaraan sa harapan ng
nagdarasal kung ano [ang kasalanan] sa kanya ay talagang
ang
pagtigil niya ng apatnapung [araw] ay higit na mabuti para sa
kanya kaysa sa dumaan siya sa harapan nito.
53
Ang pagliban sa
saláh na ‘asr
Ang sinumang lumiban sa saláh na ‘asr ay nawalang-kabuluhan
ang gawa niya.
54
Ang
pagkukulang
sa saláh
Ang kasunduan na nasa pagitan namin at nila ay ang saláh. Kaya ang sinumang
lumiban sa pagsasagawa nito ay naging Káfir nga siya. Ang namamagitan sa tao at
sa Shirk at Kawalang-pananampalataya ay ang pagliban sa saláh.
55
Ang pag-
anyaya tungo
sa kaligawan
Ang sinumang nag-anyaya sa kaligawan, siya ay mananagot sa
kasalanang
tulad ng sa mga kasalanan ng sinumang sumunod sa
kanya, na hindi makababawas iyon ng anuman sa mga kasalanan nila.
1
Ang hádir ay ang naninirahan sa bayan, nayon, at lungsod. Ang bádí naman ay ang naninirahan sa
disyerto. Ang isang hádir ay ipinahihintulot na magsilbing middleman ng isang bádí.
2
Ang najsh ay ang pag-aalok ng isang mataas na halaga para sa isang paninda ngunit wala naman
talagang layuning bilhin ito bagkus ay upang dayain ang isang taong nagnanais talagang bumili.
197
56
Mga pagbabawal
sa pag-inom
Ipinagbawal ng Sugo ni Allah
(SAS)
ang pag-inom sa bunganga
ng sisidlan ng tubig. Sinaway ng Propeta
(SAS)
ang pag-inom
nang nakatayo. Ipinagbawal niya ang pag-ihip sa inumin.
57
Ang pag-inom
mula sa mga
sisidlang yari sa
ginto o pilak
Huwag kayong uminom sa mga sisidlang ginto at pilak at huwag
kayong magsuot ng manipis na sutla at makapal na sutla
sapagkat ito ay para sa kanila sa mundo at
para sa inyo sa
Kabilang-buhay.
58
Ang pag-inom sa
pamamagitan
ng kaliwang
kamay
Huwag ngang kumain ang isa mula sa inyo sa pamamagitan ng kaliwang
kamay niya at huwag nga siyang uminom sa pamamagitan nito sapagkat
tunay na
ang Demonyo ay kumakain sa pamamagitan ng kaliwang
kamay niya at umiinom sa pamamagitan nito.
59
Ang pumuputol sa
ugnayan sa kaanak
Hindi papasok sa Paraiso ang pumuputol. Tinutukoy ng Propeta
(SAS)
ang pumuputol sa ugnayan sa kaanak.
60
Ang pagtigil sa
pagdalangin para
sa Propeta
Hamak ang isang tao na nabanggit ako sa piling niya ngunit hindi
dumalangin para sa akin. Ang maramot ay ang sinumang nabanggit
ako sa piling niya ngunit hindi dumalangin para sa akin.
61
Ang
pangangalandakan
sa pamamagitan ng
pananalita
Nagsabi ang Propeta
(SAS)
: Tunay na ang pinakamumuhi-muhi
sa inyo para sa akin at ang pinakamalayo mula sa akin sa
kauupuan sa Araw ng Pagbangon ay ang mga madaldal, ang
mga nangangalandakan, at ang mga ngumangawa.
62
Ang
pagmamay-ari
ng aso
Ang sinumang nagmay-ari ng isang aso maliban sa asong gamit sa
pangangaso o bantay ng mga hayupan, tunay na siya ay nababawasan
ng dalawang qírát sa gantimpala niya sa bawat araw.
63
Ang
pagpapahirap
sa mga hayop
Pinagdusa ang isang babae dahil sa isang pusa na ikinulong niya hanggang sa
namatay ito. Kaya papasok siya, dahil dito, sa Apoy. Huwag ninyong gawing
pinatatamaan ang isang bagay na may kaluluwa.
64
Ang patubo
sa utang
Isinumpa ni Allah ang kumakain ng patubo at nagpapakain nito. Ang isang
dirham na patubo na kinakain ng tao samantalang siya ay nakaaalam tungkol
doon ay higit na matindi kaysa sa tatlumpu’t tatlong pangangalunya.
65
Ang sugapa
sa alak
Walang papasok sa Paraiso na isang sugapa sa alak ni isang
sumasampalataya sa panggagaway ni isang pumputol sa ugnayan sa kaanak.
66
Ang pangangaway sa
mga tinangkilik ni Allah
Tunay na si Allah ay nagsabi: Ang sinumang nangaway sa isang
Aking tinangkilik, ipinahayag Ko na sa kanya ang pakikidigma.
67
Ang pagpatay sa
taong nasa ilalim ng
pangangalaga ng
isang bayang Muslim
Ang sinumang pumatay ng isang taong nakipagkasunduan
1
nang
wala sa katwiran ay hindi makasusumpong sa halimuyak ng
Paraiso samantalang ang halimuyak ng Paraiso ay talagang
nasusumpungan mula sa layong [nilalakbay ng] isang daang taon.
68
Ang pagkakait sa
tagapagmana ng
mana nito
Ang sinumang nagkait ng pamana sa tagapagmana niya ay
ipagkakait ni Allah ang pamana sa kanya na Paraiso sa Araw ng
Pagbangon.
69
Ang
pagpapahalaga sa
kamunduhan
Ang sinumang ang kamunduhan ay nasa niya,
ilalagay ni Allah
ang karalitaan niya sa harap ng mga mata niya, paghihiwa-
hiwalayin ni Allah ang kabuuan niya, at hindi siya bibigyan ng
bahagi sa mundo bukod pa sa itinakda para sa kanya.
1
Sa mga Muslim o isang bansang Muslim. Ang tinutukoy rito ay ang dayuhang naninirahan nang
legal sa isang bansang Muslim.
Dostları ilə paylaş: |