200
A
A
n
n
g
g
P
P
a
a
g
g
s
s
u
u
s
s
u
u
l
l
i
i
t
t
s
s
a
a
m
m
g
g
a
a
M
M
u
u
’
’
m
m
i
i
n
n
.
.
Sa huling araw ng Pagtitipon ay susundan ng
mga Káfir ang mga diyos nila na sinasamba nila. Pararatingin sila ng mga ito sa
Apoy bilang mga pangkat na gaya ng mga kawan ng mga hayupan, na umuusad sa
pamamagitan ng mga paa nila o mga mukha nila. Walang matitira kundi ang mga
Mu’min at ang mga Munáfiq. Pupuntahan sila ni Allah at magsasabi Siya:
Ano ang
hinihintay ninyo?
Sasabihin nila: “Hinihintay namin ang Panginoon namin,” at
makikilala nila Siya sa pamamagitan ng lulod Niya kapag itinambad: Niya ito.
Susubsob sila na mga nakapatirapa maliban sa mga Munáfiq. Magsasabi si Allah
(68:42)
:
“Sa Araw na itatambad ang isang lulod ni Allah at tatawagin sila para
sa pagpapatirapa ngunit hindi nila makakaya,”
Pagkatapos ay susundan nila
Siya at itutukod Niya ang Sirát.
Bibigyan Niya sila ng liwanag at papatayin naman
Niya ang liwanag ng mga Munáfiq.
A
A
n
n
g
g
S
S
i
i
r
r
á
á
t
t
.
.
Ito ay isang tulay na ilalatag sa ibabaw ng Impiyerno upang tawiran ng
mga Mu’min patungo sa Paraiso. Inilarawan ito ng Propeta
(SAS)
na ito ay madulas
na nakatitisod, na may mga sungkit at mga kalawit na gaya ng mga tinik ng sa‘dán,
na higit na manipis kaysa sa buhok at higit na matalas kaysa sa tabak.
Isinalaysay ito
ni Imám Muslim
. Sa tabi nito ay ibibigay sa mga Mu’min ang liwanag ayon sa dami
ng mga gawa nila. Ang pinakamataas sa kanila sa liwanag ay gaya ng mga bundok
at ang pinakambaba sa kanila ay kapantay sa taas ng hinlalaki ng paa. Tatanglaw
ito sa kanila at tatawirin nila ang sirát na ito sa bilis na ayon sa sukat ng mga gawa
nila. Kaya tatawid ang Mu’min sa bilis na gaya ng kisap ng mata, gaya ng kidlat,
gaya ng hangin, gaya ng mga ibon, gaya ng mga matuling kabayo, at gaya ng mga
sasakyang kamelyo.
Kaya may maliligtas na lubos, may nagalusan na nakaalpas, at
may naitulak sa Impiyerno
.
Muttafaq ‘Alayhi. Tungkol naman sa mga Munáfiq,
sila ay walang liwanag. Babalik sila at pagkatapos ay magtatayo sa pagitan nila at
ng mga Mu’min ng mga pader. Pagkatapos ay hahangarin nilang tawirin ang sirát
ngunit magsisibagsakan sila sa Apoy.
A
A
n
n
g
g
A
A
p
p
o
o
y
y
.
.
Papasukin ito ng mga Káfir, pagkatapos ay ng ilan sa mga sumusuway
na mga Mu’min, at pagkatapos ay ng mga Munáfiq. Sa bawat 1,000 ay
papasok
roon ang 999
. Iyon ay may pitong pintuan. Ito ay
higit na matindi
kaysa sa apoy ng
mundo
nang 70 ulit
.
Palalakihin
doon ang katawan ng Káfir upang lubos na
malasap niya ang pagdurusa. Kaya ang haba ng nasa pagitan ng mga balikat niya
ay layong lalakbayin sa tatlong araw at ang bagang niya ay singlaki ng bundok ng
Uhud. Kakapal ang balat niya at papalit-palitan upang malasap niya ang pagdurusa.
Ang inumin nila ay tubig na napakamainit na puputol sa mga bituka nila. Ang
pagkain nila ay ang Zaqqúm, ang tagas ng sugat, at ang naknak.
Ang pinakamagaan
sa kanila sa parusa
ay ang lalagyan ang ilalim ng dalawang paa niya ng baga, na
kukulo dahil dito ang utak niya. Sa loob niyon ay may pagluluto ng balat,
paglulusaw, pamamaso, pangangaladkad, mga tanikala, at mga kulyar sa leeg.
Ang
kailaliman nito
ay malayo. Kung sakaling may inihagis doon na isang sanggol ay
talagang aabot ito sa
70 taong gulang
pagdating sa kailaliman. Ang mga
201
panggatong nito ay ang mga Káfir at mga bato. Ang hangin nito ay nakapapasong
hangin. Ang lilim nito ay maitim na mainit na usok. Ang damit nila ay apoy, na
lumalamon ng bawat bagay kaya hindi nagtitira at hindi nag-iiwan, na nagsisiklab,
na umuungol, na sumusunog sa mga balat, at umaabot sa mga buto at mga puso.
A
A
n
n
g
g
T
T
a
a
w
w
i
i
r
r
a
a
n
n
.
.
Nagsabi ang Propeta
(SAS)
:
“
Maliligtas ang mga Mu’min sa Apoy
ngunit patitigilin sila sa isang tawiran sa pagitan ng Paraiso at Impiyerno.
Maggagantihan para sa ilan sa kanila dahil sa ilan sa mga paglabag sa
katarungan sa pagitan nila noon sa mundo. Kapag nalinis na sila at nadalisay
na sila ay ipahihintulot na sa kanila ang pagpasok sa Paraiso. Kaya sumpa man
sa Kanya na ang kaluluwa ni Muhammad ay nasa mga kamay Niya, talagang
ang bawat isa sa kanila ay higit na nakaaalam sa tirahan niya sa Paraiso kaysa
sa tirahan niya noon sa mundo.
”
Isinalaysay ito ni Imám alBukhárí
.
A
A
n
n
g
g
P
P
a
a
r
r
a
a
i
i
s
s
o
o
.
.
Iyon ang kanlungan ng mga Mu’min.
Ang mga gusali niyon ay yari
sa pilak at ginto. Ang simento niyon ay musk. Ang mga graba niyon ay mga perlas
at mga rubi. Ang alabok niyon ay asapran. Mayroon iyong
walong
pinto, na ang
luwang ng isa sa mga ito ay layong lalakbayin sa tatlong araw subalit ito ay
maninikip dahil sa siksikan. Sa loob niyon ay may
100
antas, na ang layo sa
pagitan ng dalawang antas ay gaya ng layo ng langit at lupa. Ang Firdaws ay ang
pinakamataas sa mga ito at mula rito ay bumubulwak ang mga ilog. Ang bubong
niyon ay ang trono ni Allah. Ang mga ilog niyon ay pulut-pukyutan, gatas, alak, at
tubig, na dumadaloy nang walang agusan, na pinadadaloy ng Mu’min kung
papaanong loloobin niya. Ang mga bunga doon ay palagihan, malapit, at pinadaling
pitasin. Sa loob niyon ay may hungkag na kubol ng perlas, na ang luwang niyon ay
animnapung milya. Sa bawat sulok ay mayroong mga naninirahan: mga walang
balahibo sa katawan, mga walang balbas, at mga may mata na initiman sa ilalim.
Hindi maglalaho ang kabataan nila at hindi maluluma ang mga damit nila; walang
ihi, walang dumi, walang kasalaulaan. Ang mga suklay nila ay ginto. Ang pawis
nila ay musk. Ang mga babae roon ay magaganda, mga birhen, malalambing,
magkakasinggulang. Ang unang papasok doon ay si Muhammad
(SAS)
at ang mga
propeta.
Ang pinakakaunti sa kanila
na magmimithi ay bibigyan ng sampung ulit
niyon. Ang mga utusan nila ay mga batang lalaki na pinamalaging bata na parang
mga mutyang ikinalat. Ang ilan sa pinakadakila sa mga lugod ng Paraiso ay
ang
pagkakita kay Allah, ang kasiyahan Niya, at ang buhay na walang-hanggan
.
Dostları ilə paylaş: |