El filibusterismo talaan ng mga nilalaman



Yüklə 220,83 Kb.
səhifə4/4
tarix21.04.2018
ölçüsü220,83 Kb.
#39475
1   2   3   4
Simoun - ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na umano'y tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa kanyang mga kaaway.

  • Isagani - ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino.

  • Basilio - ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli.

  • Kabesang Tales - ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle.

  • Tandang Selo - ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo.

  • Senyor Pasta - Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal.

  • Ben Zayb - ang mamamahayag sa pahayagan.

  • Placido Penitente - ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan.

  • Padre Camorra - ang mukhang artilyerong pari.

  • Padre Fernandez - ang paring Dominikong may malayang paninindigan.

  • Padre Salvi - ang paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego.

  • Padre Florentino - ang amain ni Isagani

  • Don Custodio - ang kilala sa tawag na Buena Tinta

  • Padre Irene - ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila

  • Juanito Pelaez - ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila

  • Macaraig - ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.

  • Sandoval - ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral

  • Donya Victorina - ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita.

  • Paulita Gomez - kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.

  • Quiroga - isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas.

  • Juli - anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.

  • Hermana Bali - naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra.

  • Hermana Penchang - ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli.

  • Ginoong Leeds - ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya.

  • Imuthis - ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds

  • Pepay - ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibigan daw ni Don Custodio.

  • Camaroncocido - isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang panlabas na anyo.

  • Tiyo Kiko - matalik na kaibigan ni Camaroncocido.

  • Gertrude - mang-aawit sa palabas.

  • Paciano Gomez - kapatid ni Paulita.

  • Don Tiburcio - asawa ni Donya Victorina.

    D. Balangkas ng Pangyayari


    a. SIMULA: KABANATA 7: “SI SIMOUN” – “Walang lihim ang hindi nabubunyag”
    Malapit sa puntod na pinanggalingan ni Basilio may nakita siyang di kakilalang lalaki sa malayo at yun ay si Simoun. Naghuhukay ang alahero, walang suot na salaming asul kaya naman nagbago ang anyo nito. Kinilabutan si Basilio dahil alam niyang ito rin ang di kilalang lalaki na humukay ng paglilibingan ng kanyang ina labintatlong taon na ang nakalipas, higit na matanda nga lamang ngayon, may puti na ang buhok, maybigote at balbas ngunit iyon parin ang mga mata nito at ang mapanglaw na mukha. Naisip niya na samakatuwid na ang namatay o naglaho na tagapagmana ng lupaing ito ay walang iba kundi ang alaherong si Simoun—napagtagpi-tagpi na ni Basilio na si Simoun nga si Crisostomo Ibarra.

    Nilapitan niya ito at tinanong kung may matutulong siya. Sa pagkagitla ni Simoun, tinanong niya si basilio kung alam ba niya kung sino siya at sumagot si Basilio na isa raw siya sa mga taong itinuturing niyang banal sapagkat 13 years ago tumulong ito sa kanya sa paglilibing ng kanyang ina. Sumagot si Simoun na taglay ni Basilio ang lihim na maaaring makasira sa kanyang mga balak.


    b. TUMITINDING GALAW:KABANATA 19: “ANG PAGLISAN” “ang lumakad ng matulin kung matinik ay malalim”
    Nakikipag-usap si Kabesang Andang kay Placido at nagmamaka awa na bumalik ito sa unibersidad.

    - Yung dating Maestro na sinuspindi ay naging taga gawa ng pulbura

    -Sinabi na ni Simoun ang mga plano niya kay Placido at ang hudyat na unang putok ng kanyon. Umalis si Placido na sigurado na sa kanyang pagsali sa rebolusyon.
    c. TUNGGALIAN
    Tunggaliang Tao sa Sarili
    Dito ipinakikita ang maigting a paglalabang pangkatauhan. Nilalabanan ang kanyang sarili.Lutang na lutang ito sa isang tagpo sa kabantang "Ang Kadayaan." Si Padre Salvi ay halos mawalan ng ulirat sa takot habang nanonood ng palabas na may kinalaman sa buhay ng isang ulong pugot. Sa paglalabanang sarili, ang umiiral ay ang kosensya ng tao. Umiiral din ito sa kanyang mga pagpapasiya.

    Kabanata 18"Ang Kadayaan"


    Tunggaliang Tao sa Lipunan
    Ipinakita rito ang maigting na pakikibaka ng tauhan sa mga kasawiang dulot ng lipunang kanyang kinabibilangan. Ang tao ay bahagi ng isang lipunan. Ang kabukulan ng lipunan ay nagdudulot ng kasawian sa buhay ng isang taong kaanib nito. Isa sa biktima ng kalakarang panlipunan ay si Kabesang Tales. Isang marangal at matalinong mamamayan na napilitang maging tulisan dala nga kasawiang dulot ng lipunan.

    Kabanata 4 " Kabesang Tales"


    Tunggaliang Tao sa Tao
    Ipinakikita rin dito ang kasiphayuan ng isang tao dulot ng kanyang kapwa. Lutang na lutang sa nobelang ito ang ganitong sitwasyon. Isinasakripisyo ng bawat isa ang damdamin ng kanyang kapwa maisagawa lamang niya ang nais niya. Ito ay naganap sa "Klase sa Pisika", ang panlalait na ginawa ni Pari Millon, isang propesor na Kastila kay Placido Penitente, isang mag-aaral na katutubo.

    kabanata 13 "Klase sa Pisika"


    d.KASUKDULAN:KABANATA 35: “ANG PIGING”- Binubulag ng pag-ibig ang isang tao
    Nasa harap ng bahay ni Kapitan Tiago si Basilio, minamasdan ang mga taong pumapasok sa pagdiriwang, nagdalawang isip siya dahil sa dami ng madadamay na mga inosenteng buhay. Nakita niyang bumaba sa karwahe si Padre Salvi at Padre Irene, at naisip niya na pabayaang magbayad ang mga mabuti kasama ang mga makasalanan. Dumating si Simoun na hawak ang lampara, na sadyang napakaganda at kaayaaya, sumond dito ang pagdating ng Kapitan Heneral. Naawa ulit si Basilio at tinangkang pumasok sa bahay ngunit hindi siya pinapasok,dahil sa napakaaba ng kanyang bihis. Pinigilan siya at binalaan na tatawagin ang isang pares ng beterana, pag pinagpilitan niya pang pumasok sa pagdiriwang. Malugod na tinanggap an lampara na hawak ni Simoun, lahat ay manangha at pinuri ang lampara. Nasunod sa plano ito ay nilagay sa gitna ng mesa na pinsadya ni Simoun. Hinay-hinay na umalis si Simoun na hindi na napansin ng mga tao sa loob dahil sa pagkamangha sa lampara. Makaraan ang ilang minuto lumabas si Simoun na bahagyang namumutla. Parang tinutukoy nito na wala na itong magagawa dahil “tapos na ang pagtaya” o :”Alea Jecta Est”. Sa pagsakay niya sa karwahe ay sinabi niya na bilisan ang pagpunta sa Escolta. Dahil doon naisip ni Basilio ang kanyang kaligtasan, naglakad-takbo papalayo si Basilio sa bahay, nababangga ang sino mang makasalubong sa daan. Bigal siyang nabunggo kay Isagani at itoy niyaya niya papalayo sa bahay. Sinagot naman siya ni Isagani na bakit daw ito aalis, pag pinatagal niya mag-iiba na si Paulita bukas. Sinabi ni Basilio na may malaking sakuna ang darating, mamaya niya ikukuwento ang detalye, ang importante ay mapalayo sila sa bahay ni Kapitan Tiago. Pero pinagpilitan pa rin ni Isagani ang tumuloy sa pagdiriwang. Mabilis na umalis at naglakad papalayo si Basilio.
    e. KAKALASAN:KABANATA 35: “ANG PIGING”

    Matapos nun, at napaisip si Isagani at napagtagpi-tagpi ang, mga sinabi ni Basilio. Nawala sa isip niya ang pag-aalinlangan, at selos, at tanging nasa isip niya ay ang maisalba ang buhay ng kanyang minamahal, si Paulita.

    Sa loob pala ng pagdiriwang ay may isang papel ang pinasapasa na may nakasulat na “Mane thecel phares” at sa ilalim nito ang pangalan at lagda ng isang nagngangalang Juan Crisostomo Ibarra. Nagtanong ang Kapitan Heneral kung sino ito, at sinagot naman siya na ito nga ay matagal ng patay, isang pilibustero. Nagpatuloy ang kasiyahan. Napaisip si Don Custodio sa mensahe ng sulat, kamatayan ng lahat sa gabing ito? Bigla niyang nabitawan ang kanyang hawak na kubyertas, baka sila ay lalasunin sa pagkain.

    Namatay ang ilaw ng lampara, nagkagulo at inutos ng Kapitan Heneral na itaas ang mitsa uoang magkailaw ulit. Ngunit biglang may taong kumuha sa lampara at dalian itong tumalon palabas ng bahay patungong ilog. Nagsigawan ang mga nakakita, at nagkagulo ulit dahil may magnanakaw daw! Hindi na nila ito nakilala dahil dalian itong tumalon sa ilog.

    f. WAKAS:KABANATA 39: KATAPUSAN Ang nagtatanim ng hangin, bagyo ang aanihin

    Sa katapusan makikita natin na inamin ni Simoun na sya ay nagkamali subalit pinanindigan pa din na dapat makamtam ng mga Pilipino ang kalayaan sa mapagparusang kamay ng mga Kastila. At hindi pinahintulot na sya ay mahuli ng buhay mas ninais pa niyang mamatay na lamang. Ipinakita din ang pagkakaiba ng kanilang pananaw ukol sa paghihiganti, Diyos, at sa mga paraan Nito. Nakita din natin ang kabutihan ng isangn paring indiyo at ang kasawian at katapusan ni Ibarra na nagpanggap na si Simoun.

    E.Estilo ng Pagkakasulat ng Akda
    a. Paglalantad sa Likod ng Pagtatago

    Isa sa nagiging tatak ng isang masining na akda ay ang pagkapanitikan nito na makikita sa angkop na pamimili ng mga salita at kakayahan ng manunulat na humabi ng mga salitang punung-puno ng kahulugan.

    Mula sa Kabanatang " Isang Bangkay", " Ang Mitsa", " Mga Ayos-Maynila".

    b. Pakikipagkapwa-teksto

    Kung babasahin ang dalawang nobela, mapapansing ito ay may pagkakatulad. Maaring sa banghay, sa tauhan, paniniwala sa mensahe, o sa tunggalian at iba pa. Ito ay patunay lamang na ang akda ay nakikipagkapwa-teksto.

    May pagkakahawig ang nobelang La Loba Negra ni Padre Jose Burgos at El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal. May ilang kaalamang nakapaloob sa naunang nobela na makikita sa ikawala t sa ganitong sitwasyon, ang El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal ay nakikipagkapwa-teksto sa akda ni Padre Burgos.


    c. Paggamit ng makabuluhang tagpuan

    May nais sabihin ang isang nobelista sa kanyang nobela. At sa pagsasabi niya ng katotohanan nagigin mahalagang sangkap ang paggamit ng mg angkop na tagpuan. Mga tagpuang aakay sa mga mambabasa na madama ang nais ipahiwatig ng akda.

    Maraming nais sabihin ni Dr. Jose Rizal sa nobelang ito at nasabi niya iyon nang buong linaw sa pamamagitan ng angkop na mga tagpuan. Ito ang isang magandang istilo ng manunulat na nakapaloob sa akda ni Rizal.

    Mula sa Kabanatang " sa Kubyerta"


    d. Paglalahad ng mga karunungan

    May nais sabihin ang isang nobelista s kanyang akda. Ito ay maaaring paglalantad ng isang istema o pagpapahayag ng nais na mangyari.

    Mayaman ang El Filibusterismo ni Rizal sa mga karunungang nagsasaad ng katotohanang kalagayan ng kanyang panahon at ang panahon sa kasalukuyan. Ang kanyang mga pahayag tungkol sa pamahalaan, edukasyon, lipunan, teknolohiya, wika at iba pa ay pahayag ng katotohanan.



    1. Epekto sa Mambabasa

    Ang El Filibusterismo ay maganda ang epekto sa mambabasa, ito ay nakakatulong sa kanila para malaman ang mga nangyayari noong mga panahon ni Rizal. Nakatutulong d sa kanila ang mga tayutay na mapag-aralan kasi puro tayutay ang ginamit sa El Filibusterismo. Nagdudulot ito ng aral sa mga taong kaugnay ang mga bagay sa El Filibusterismo.Pero may masama ring dulot ng El Filibusterismo kasi ang mga pangyayari sa El Filibusterismo ay hindi ito maganda at baka makakadulot ito ng kasamaan sa mga mambabasa o kaya'y gayahi nila ang mga nangyayari.




    1. Konklusyon

    Nagustuhan ko ang aklat kasi nadagdagan ang aking kaalaman tungkol sa mga dinanas ng ating lahi noong tayo’y sinakop ng mga dayuhan.



    Karapat-dapat itong irekomenda sa lahat lalo na sa ating mga Pilipino upang magsilbing aral na hindi dapat tayong magpaapi dahil wala namang aapihin kung walang magpapaapi.Ang natutunan ko ay ang maging makabayan at huwag mag-paapi. Ang pagsasakripisyo ay may maidudulot na kabutihan lalo na kung ito’y para sa kapakanan ng lahat.



    1. Aral/Kaisipan


    Hindi natin dapat sisihin ang Diyos kung di man tayo nagtagumpay sa ating nais gawin o ating ginawa dahil ito’y may dahilan kung bakit niya pinahintulutang mangyari ang bagay na ganon at hindi rin natin dapat gamitin ang pangalan ng Diyos para sa ating sariling kapakanan at kasiyahan bagkus atin itong igalang. At isabuhay at gawin natin ang aral ng Diyos na “huwag gawan ng masama ang masama” tulad ng ginawa ni Crisostomo Ibarra o Simoun dahil walang madudulot na kabutihan ang paghihiganti, matuto tayong magpatawad dahil nandyan ang Diyos na makatarungan.
    Yüklə 220,83 Kb.

    Dostları ilə paylaş:
  • 1   2   3   4




    Verilənlər bazası müəlliflik hüququ ilə müdafiə olunur ©genderi.org 2024
    rəhbərliyinə müraciət

        Ana səhifə