136
Isinasatungkulin ang pag-aayuno sa Ramadán sa bawat Muslim na báligh,
1
‘áqil,
2
kayang mag-ayuno, at hindi nireregla o may nifás. Uutusan ang bata na mag-ayuno
kung makakaya nito upang makasanayan niya. Nalalaman ang pagsapit ng buwan ng
Ramadán sa pamamagitan ng alin sa dalawa:
1.
Ang pagkakita ng bagong buwan
ayon sa pagsaksi ng isang Muslim na makatarungan at mukallaf
3
kahit babae;
2.
Ang
pagkabuo ng 30 araw ng Sha‘bán. Nagsisimula ang tunguling mag-ayuno sa pagsapit
ng tunay na madaling-araw hanggang sa lumubog ang araw. Kailangan sa pag-
aayunong isinatungkulin na magkaroon ng layunin bago magmadaling-araw.
Ang mga nakasisira sa pag-aayuno:
1.
Ang pakikipagtalik. Kailangan niyang
magsagawa ng qadá’ at magbigay ng kaffárah
4
at ito ay ang pagpapalaya ng isang
alipin; ngunit kung hindi nakakita ng mapalalaya ay pag-aayuno ng dalawang
buwang magkasunod; ngunit kung hindi makakaya ay pagpapakain ng 60 dukha;
ngunit kung hindi makakita ay wala na siyang gagawin.
2.
Ang paglabas ng punlay
dahil sa paghalik o paghipo o masturbation, ngunit hindi masisira ang pag-aayuno
kung ito ay dahil sa wet dream.
3.
Ang pagkain o ang pag-inom nang sinasadya,
ngunit kung nakalimot lamang ay tumpak pa rin ang pag-aayuno niya.
4.
Ang
pagpapalabas ng dugo sa pamamagitan ng hijámah o pagbibigay nito, ngunit ang
kaunting pagpapalabas ng dugo para sa pagsusuring medikal o ang anumang
lumabas nang hindi sinasadya gaya ng pagkasugat at balinguyngoy ay hindi
makasisira sa pag-aayuno.
5.
Ang pagsuka nang sadya.
Kapag nakalunok ng alikabok at umabot sa lalamunan, o nagmumog o nakasinghot
ng tubig at may umabot na tubig sa lalamunan, o nakapag-isip at may lumabas na
punlay, o dumanas ng wet dream, o may lumabas sa kanya na dugo o suka nang
hindi sinasadya, hindi masisira ang pag-aayuno niya.
Ang sinumang nakakain sa pag-aakalang gabi na ngunit natalos na araw pa pala,
kailangan niyang magsagawa ng qadá’. Ang sinumang kumain sa gabi habang
nagdududa sa pagsapit ng madaling-araw, hindi nasira ang pag-aayuno niya. Kung
nakakain sa araw samantalang nagdududa sa paglubog ng araw, kailangan niyang
magsagawa ng qadá’.
Ang mga patakaran kaugnay sa hindi pag-aayuno:
Ipinagbabawal ang hindi
pag-aayuno sa Ramadán para sa sinumang walang tanggap na dahilan.
Kinakailangang hindi mag-ayuno ang nireregla o ang may nifás, ang sinumang
nangangailangang hindi muna mag-ayuno upang sumagip ng isang buhay mula sa
isang kapahamakan. Sunnah ang hindi mag-ayuno para sa isang naglalakbay na
pinahihintulutang magpaikli ng saláh at para sa isang maysakit na
pinangangambahang makasasama ang mag-ayuno. Ipinahihintulot din ang hindi
pag-ayuno para sa isang muqím na naglakbay sa loob ng maghapon at para sa isang
1
Nagiging báligh ang tao kapag naging ganap nang 15 gulang, o tinubuan ng buhok sa maselang
bahagi ng katawan, o kapag may punlay na lumalabas sa wet dream o sa iba pang paraan kung
lalaki, at kapag nagkaroon na ng regla kung babae.
2
May sapat at matinong pag-iisip.
3
Nasa edad o kalagayang maaari nang pumasan ng pananagutan.
4
Pambayad sa kasalanan.
Ang Pag-aayuno
137
nagdadalang-tao o isang nagpapasuso na nangangamba para sa sarili nila o para sa
anak nila. Ang lahat ng ito ay kailangang magsagawa ng qadá’ lamang.
Magdadagdag ang nagdadalang-tao o ang nagpapasuso ng pagpapakain sa dukha
para sa bawat araw na hindi napag-ayunuhan, bukod pa sa qadá’, kapag hindi nag-
ayuno dahil lamang nangambang makasasama ito sa anak.
Ang sinumang hindi makakakayang mag-ayuno dahil sa katandaan o karamdamang
hindi maaasahang gumaling ay magpapakain ng isang dukha para sa bawat araw na
hindi napag-ayunuhan at wala nang qadá’ para sa kanya.
Ang sinumang naantala sa pagsasagawa ng qadá’ dahil sa isang tanggap na dahilan
hanggang sa naabutan siya ng isa pang Ramadán, kailangan niyang magsagawa ng
qadá’ lamang. Kung wala namang tanggap na dahilan sa pagkaantala nito,
magpapakain siya ng isang dukha kalakip ng qadá’ para sa bawat araw na hindi
napag-ayunuhan. Kung hindi naisagawa ang qadá’ dahil sa isang tanggap na
dahilan at namatay siya, wala siyang pananagutan. Kung wala namang tanggap na
dahilan sa hindi pagkakasagawa ng qadá’, ay magpapakain alang-alang sa kanya ng
isang dukha para sa bawat araw na hindi niya napag-ayunuhan. Sunnah para sa
kaanak niya na mag-ayuno para sa anumang napabayaan niya na qadá’ para sa pag-
aayuno sa Ramadán o para sa pag-aayunong panata niya at na isagawa ang bawat
panata niya bilang pagtalima kay Allah para sa kanya.
Ang sinumang tumigil muna sa pag-aayuno bunsod ng isang tanggap na dahilan at
pagkatapos ay naglaho ang tanggap na dahilan niya sa mga sandali ng maghapon
ng Ramadán ay kailangang tumigil sa pagkain at pag-inom. Kung yumakap ang tao
sa Islam, o tumigil ang regla ng babae, gumaling ang maysakit, o dumating ang
naglalakbay, o naging báligh ang bata, o nanumbalik ang pag-iisip ng baliw sa mga
sandali ng maghapon ng Ramadán samantalang ang mga ito ay hindi nag-aayuno,
kinakailangang magsagawa sila ng qadá’ kahit pa pinag-ayunuhan nila ang
nalalabing bahagi ng maghapon. Ang sinumang pinahintulutan na hindi mag-ayuno
sa Ramadán ay hindi mag-aayuno ng pag-aayunong hindi sa Ramadán.
Ang pag-aayunong boluntaryo:
Ang pinakamainam dito ay salitan sa araw ng
pag-aayuno at hindi pag-aayuno. Pagkatapos ay ang pag-aayuno sa Lunes at
Huwebes. Pagkatapos ay ang pag-aayuno ng tatlong araw sa bawat buwan at
pinakamainam dito ay ang tinatawag na mga puting araw: ang ika-13, ika-14, at
ika-15 sa bawat buwan ng kalendaryo ng Islam. Sunnah na mag-ayuno sa higit na
maraming araw sa mga araw ng Muharram at Sha‘bán, sa araw ng ‘Áshurá’, sa
araw ng ‘Arafah, at sa anim na araw sa Shawwál. Hindi kanais-nais na magtangi sa
Rajab, sa Biyernes, at Sabado ng isang pag-aayuno at gayon din ang pag-aayuno sa
araw na nakalilito: ang ikatatlumpo ng Sha‘ban kapag hindi maulap ang
kalangitan.
1
Ipinagbabawal ang pag-aayuno sa araw ng ‘ídulfitr at ‘ídul’ad'há, at sa
mga araw ng tashríq: ang ika-11, ika-12, at ika-13 ng Dhulhijjah maliban sa isang
nagsagawa ng hajj na tamattu‘ o qiran na kailangang mag-ayuno.
1
Ang ika-30 ng Sha‘bán ay maaaring ang huling araw ng Sha‘bán o maaari ring ang unang araw ng
Ramadán kung lumitaw na ang bagong buwan. Kapag malinaw ang kalangitan dahil walang ulap,
matitiyak kung ang ika-30 ng Sha‘ban ay sa Sha‘ban o sa Ramadán.
Dostları ilə paylaş: |