142
kaliwang balikat. Magsisimula siya sa tapat ng alHajar al’Aswad (Batong Itim).
Hihipuin niya ito at hahalikan o ituturo ito habang nagsasabi ng bismi -lláhi wa -lláhu
akbar. Gagawin niya sa bawat ikot. Pagkatapos ay ilalagay niya ang Ka‘bah sa gawing
kaliwa niya at iikot ng pitong ulit. Magsasagawa siya ng raml (mabilis na paglalakad sa
maliit na mga hakbang) sa unang tatlong ikot ayon sa makakaya at maglalakad sa mga
natirang ikot. Sa tuwing matatapat sa arRukn alYamáníy ay hihipuin ito kung makakaya
at sasabihin sa pagitan ng arRukn alYamáníy at alHajar al’Aswad:
rabbaná átiná fi
-ddunyá hasanah, wa fi -l’ákhirati hasanah, wa qiná ‘adhába -nnár
.
1
Sa ibang
bahagi ng pag-ikot ay mananalangin ng anumang maibigang panalangin. Pagkatapos ay
magsagawa ng dalawang rak‘ah na saláh sa harap ng Maqám Ibráhim kung makakaya.
Bibigkasin pagkatapos ng alFátihah ang Súrah alKáfirún sa unang rak‘ah at ang Súrah
al’Ikhlás sa ikalawa. Pagkatapos ay iinom ng tubig ng Zamzam at dadamihan ang
iinumin. Babalik sa alHajar al’Aswad at hihipuin ito kung makakaya at pagkatapos ay
mananalangin sa Multazam (pagitan ng alHajar al’Aswad at pintuan ng Ka‘bah).
Pagkatapos ay pupunta sa Safá upang magsagawa ng sa‘y.
2
Aakyat doon at magsasabi
ng abda’u bimá bada’a -lláhu bihi.
3
Pagkatapos ay bibigkasin niya ang sinabi ni Allah:
inna -ssafá wa -lmarwata min sha‘á’iri -lláhi faman hajja -lbayta awi -‘tamara falá
junáha ‘alayhi ay yattawwafa bihimá wa man tatawwa‘a khayran fa’inna -lláha shákirun
‘alím.
4
Magsasabi siya ng takbír at lá iláha illa -lláh. Haharap siya sa Qiblah, iiangat
ang mga kamay, at mananalangin. Pagkatapos ay bababa at maglalakad patungo sa
palatandaang kulay berde. Pagkatapos ay tatakbo patungo sa isa pang palantandaang
kulay berde. Pagkalampas ay maglalakad na naman hanggang sa dumating sa Marwah
at gagawin ang tulad ng ginawa sa Safá. Pagkatapos ay bababa mula sa Marwah at
gagawin ang ginawa sa unang shawt hanggang sa mabuo ang pitong shawt. Ang
pagpunta mula sa Safá hanggang sa Marwah ay isang shawt at ang pagpunta mula
naman Marwah hanggang sa Safá ay isang shawt din. Pagkatapos ay paiiklian niya ang
buhok niya o ipapakalbo. Ang pagpapakalbo ay higit na mainam maliban sa ‘umrah ng
hajj na tamattu‘ dahil magsasagawa pa ng hajj pagkatapos nito at dapat may natirang
buhok. Tungkol naman sa nagsasagawa ng hajj na qirán at ifrád, matapos ang tawáf ng
pagdating ay hindi siya magpapagupit hanggat natatapos ang pagsasagawa ng ramy sa
Jamrah al‘Aqabah (alJamrah alKubrá) sa araw ng ‘íd. Ang babae ay gaya ng lalaki
ngunit siya ay hindi maglalakad nang mabilis (raml) sa tawáf at sa‘y.
Ang pamamaraan ng pagsasagawa ng hajj:
Kapag araw na ng tarwiyah
(ikawalong araw ng Dhulhijjah), magsasagawa ng ihrám sa kinaroroonan sa
Makkah kung kumalas sa unang ihrám at pupunta sa Miná upang magpagabi roon
sa gabi ng ika-9 ng Dhulhijjah. Kapag sumikat na ang araw ng ika-9 ng Dhulhijjah
5
1
Panginoon namin, bigyan Mo po kami sa mundo ng mabuti at sa Kabilang-buhay ng mabuti rin; at
iadaya Mo po kami sa pagdurusa sa Apoy.
2
Pagparoon at pagparito sa pagitan ng Safá at Marwah.
3
Sisimulan ko ang sinimulan ni Allah.
4
Qur’an 2:158: Tunay na ang Safá at ang Marwah ay kabilang sa mga sagisag ni Allah. Kaya ang
sinumang magsasagawa ng hajj sa Bahay o magsasagawa ng ‘umrah ay hindi kasalanan para sa
kanya magpabalik-balik sa pagitan ng dalawang iyon. Ang sinumang magkusang-loob na gumawa
ng mabuti, tunay na si Allah ay Kumikilala sa kabutihan, Nakaaalam.
5
Sa kalendaryo ng Islam ay nagpapalit ng petsa sa paglubog ng araw at hindi sa hatinggabi kaya
ang gabi ng isang petsa ay laging una sa maghapon ng petsa.
143
ay pupunta sa ‘Arafah. Kapag lumihis na ang araw sa katanghaliang-tapat ay
isasagawa ang dhuhr at ‘asr na magkasama at pinaikli. Ang buong ‘Arafah ay pook
na pananatilihin maliban sa Lambak ng ‘Urnah (Wádí ‘Urnah). Dadalasan ang
pagsabi ng Lá iláha illa -lláhu wahdahu lá sharíka lah, lahu -lmulku wa lahu
-lhamd, wa huwa ‘alá kulli shay’in qadír.
1
Magpapakasigasig sa pananalangin,
pagbabalik-loob, at pagdulog kay Allah. Kapag lumubog ang araw ay lilisan
patungong Muzdalifah nang may kapanatagan at kahinahunan habang sumasambit
ng talbiyah at nag-aalaala kay Allah. Kapag dumating na sa Muzdalifah ay
isasagawa roon ang saláh na maghrib at ‘ishá’ nang magkasama at pinaikli.
Pagkatapos ay magpapagabi roon. Pagkatapos ay isasagawa ang saláh sa fajr sa
unang oras nito at mananatili roon na dumadalangin hanggang sa nagliliwanag na
ang kalangitan. Pagkatapos ay lilisan at kapag dumating sa Wádí Muhassir ay
magmamadali nang labis kung makakaya hanggang sa dumating sa Miná at
sisimulan sa Jamrah al‘Aqabah (alJamrah alKubrá) ang pagbato (ramy). Babatuhin
ito ng pitong maliit na bato na halos kasinglaki ng garbansos. Magsasabi ng takbír
sa bawat pagbato. Iaangat ang kamay sa pagbato at kinakailangang bumagsak ang
bato sa sahuran kahit hindi man tamaan ang pinupukol. Ititigil ang pagsambit ng
talbiyah sa pagsisimula ng pagbato. Pagkatapos ay kakatayin ang hady. Pagkatapos
ay magpapakalbo o magpapaiksi ng buhok. Ang pagpapakalbo ay higit na mainam.
Sa pamamagitan ng pagbato (ramy) at pagpapakalbo (o pagpapaiksi ng buhok) ay
magiging ipinahihintulot na ang lahat maliban sa pakikipagtalik. Ito ang unang
tahallul (pagpapahintulot ng dating ipinagbabawal sa sandali ng ihrám). Pagkatapos
ay pupunta sa Makkah at isasagawa ang tawáf al’ifádah. Ito ang tawáf na
kinakailangan sa hajj na sa pamamagitan nito ay nalulubos ang hajj. Pagkatapos ay
magsagawa ng sa‘y sa pagitan ng Safá at Marwah kung nagsasagawa ng hajj na
tamattu‘ o kung hindi nagsagawa ng sa‘y matapos ang tawáf ng pagdating. Kapag
ginawa niya ito. Ipinahihintulot na ang lahat pati ang pakikipatalik. Ito ang
ikalawang tahallul. Pagkatapos ay babalik sa Miná at kailangang magpagabi roon
ng ilang gabi. Magsasagawa ng ramy sa mga Jamrah pagkatapos ng katanghaliang-
tapat sa mga araw ng pananatili sa Miná. Bawat Jamarah ay pitong bato.
Magsisimula sa alJamarah asSughrá at babatuhin ito ng pitong bato. Pagkatapos ay
susulong at titigil at mananalangin kay Allah. Pagkatapos ay pupunta sa alJamrah
alWustá at babatuhin din ito ng pitong bato at mananalangin pagkatapos.
Pagkatapos ay pupunta sa Jamrah al‘Aqabah (alJamrah alKubrá) at babatuhin ito
ngunit hindi na titigil sa tabi nito pagkatapos. Pagkatapos ay magsasagawa uli ng
ramy sa kasunod na araw rin. Kung ibig na magmadaling umalis ay lalabas sa
Makkah bago lumubog ang araw. Kung sa paglubog ng araw sa ika-12 ng
Dhulhijjah ay nasa Miná pa siya, kailangang magpagabi siya sa Miná at
magsagawa uli ng ramy kinabukasan. Kung naantala siya ng siksikan ngunit
nakapagpasya na siyang lumabas sa Makkah, walang masama na makalabas siya
1
Walang [totoong] Diyos kundi si Alláh — tanging Siya, wala Siyang katambal. Ukol sa Kanya ang
paghahari at ukol sa Kanya ang papuri, at Siya sa bawat bagay ay Makapangyarihan.
Dostları ilə paylaş: |