146
Ninanais ng Demonyo na madaig ang tao sa pamamagitan ng isa sa pitong
balakid. Kapag hindi niya nakaya sa pamamagitan ng isa ay lilipat siya sa kasunod
nito. Ang mga ito ay ang balakid ng Shirk at Kufr. Kung hindi pa rin niya nakaya
ay sa pamamagitan naman ng bid‘ah sa paniniwala at sa pagtalikod sa patulad sa
Propeta
(SAS)
at mga Kasamahan niya
(RA)
. Kung hindi pa rin niya nakaya ay sa
pamamagitan naman ng paggawa ng mga malaking kasalanan. Kung hindi pa rin
niya nakaya ay sa pamamagitan naman ng paggawa ng mga maliit na kasalanan.
Kung hindi pa rin niya nakaya ay sa pamamagitan naman ng pagpaparami ng
paggawa ng mga ipinahihintulot. Kung hindi pa rin niya nakaya ay sa pamamagitan
naman ng paggawa ng mga gawaing pagsunod nga kay Allah ngunit ang ibang mga
gawain ay higit na mainam kaysa sa mga ito at higit na malaki sa gantimpala. Kung
hindi pa rin niya nakaya ay sa pamamagitan naman pagbibigay ng kapamahalaanan
sa mga demonyong jinn at tao.
Ang gawang masagwa. Mapapawi ito at mababayaran sa pamamagitan ng mga
gawain ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod: ang tapat na pagbabalik-loob, ang
paghingi ng tawad, ang paggawa ng mga gawang maganda, ang pagdanas ng
pagsubok sa pamamagitan ng pagtamo ng mga kasawian, ang kawanggawa, at ang
panalangin ng ibang tao. Kung may natira at hindi siya pinatawad ni Allah, dahil sa
mga gawang masagwa na iyon ay parurusahan siya sa libingan o sa Araw ng
Pagbangon o sa Apoy ng Impiyerno hanggang sa madalisay siya mula sa mga
iyon.Pagkatapos ay papasok siya sa Paraiso kung namatay siya sa Tawhíd. Kung
namatay siya sa kufr o shirk o pagpapanggap, pananatilihin siya sa Apoy ng
Impiyerno.
Ang mga pagsuway at ang mga pagkakasala ay may maraming
epekto sa tao. Ang epekto ng mga ito sa puso. Ang mga ito ay nagsasanhi ng
pangungulila, kapanglawanan, kaabahan, at karamdaman. Humahadlang ang mga
ito sa kanya kay Allah.
Ang epekto ng mga ito sa pananampalataya. Ang mga
ito ay nagsasanhi ng tulad ng epekto sa puso. Nagkakait ng pakikinabang sa
pagtalima kay Allah at sa panalangin ng Sugo
(SAS)
, mga anghel, at mga
mananampalataya.
Ang epekto ng mga ito sa pagtustos ni Allah. Ito ay nagkakait
ng pagtustos ni Allah, nag-aalis ng biyaya, at pumapawi sa pagpapala sa yaman.
Ang epekto ng mga ito sa indibiduwal. Ito ay pumapawi sa biyaya ng buhay at
nagsasanhi ng masikip na pamumuhay at pagpapahirap ng mga kalagayan.
Ang
epekto ng mga ito sa mga mabuting nagawa. Ito ay humahadlang sa pagtanggap
nito ni Allah.
Ang epekto ng mga ito sa lipunan. Ito ay nag-aalis ng biyaya ng
katiwasayan, pagmahal ng bilihin, pangingibabaw ng mga naghahari-harian at mga
kaaway, pagkapigil ng pagpapatak ng ulan ng langit, at iba pa. Nagsabi si Ibnu
alJawzíy, kaawaan naman siya ni Allah: “Ang pinakasukdulang pagpaparusa ay
ang hindi makadama ang pinarurusahan ng kaparusahan. Ang pinakamatindi kaysa
roon ay maganap ang pagkatuwa sa isang bagay na isang parusa pala, gaya ng
pagkagalak sa yamang bawal at ang kadalubhasaan sa pagkakasala.
Ang mga alalahanin.
Ang kapahingahan ng puso, ang galak nito, ang paglaho
ng mga alalahanin nito ay hiling ng bawat isa at sa pamamagitan nito ay natatamo
ang kaaya-ayang buhay. Ang pagtamo niyon ay may mga kadahilanang
Sari-saring Paksa
147
panrelihiyon, pangkalikasan, at panggawain na hindi natitipon kundi sa isang
mananampalataya. Kabilang doon:
1.
ang pananampalataya kay Allah;
2.
ang
paggawa sa mga ipinag-uutos at ang pag-iwas sa mga sinasaway;
3.
ang
pagmamagandang-loob sa nilikha sa pamamagitan ng salita, gawa, at mga uri ng
nakabubuting gawain;
4.
ang pagpapakaabala sa mga mabuting gawa, pagtamo ng
mga napakikinabangang kaalaman na panrelihiyon at pangmundo;
5.
ang hindi pag-
iisip sa mga gawain sa hinaharap o nakaraan bagkus ay magpapakaabala sa mga
gawaing pang-araw-araw;
6.
ang madalas na pag-alaala kay Allah;
7.
ang
pagsasalita tungkol sa panlabas at panloob na mga biyaya ni Allah;
8.
ang pagtingin
sa sinumang higit na kapos kaysa sa atin at ang hindi pagtingin sa sinumang
nakalamang sa atin sa mga bagay-bagay sa mundo;
9.
ang pagsisikap para maaalis
ang mga kadahilanang humatak sa mga alalahanin at matamo ang mga kadahilanang
humahatak sa kagalakan;
10.
ang pagpapakanlong kay Allah sa pamamagitan ng
ilan sa mga panalanging ginagamit ng Propeta sa paghingi ng tulong sa pag-alis ng
alalahanin gaya ng sabi niya
(SAS)
:
Kapag may isang dinapuan ng alalahanin at
lungkot at nagsabi siya ng
Alláhumma inní ‘abduk, wa -bnu ‘abdik, wa -bnu
amatik, násíyatí biyadik, mádin fíya hukmuk, ‘adlun fíya qadá’uk, as’aluka
bikulli -smin huwa lak, sammayta bihi nafsak, aw anzaltahu fí kitábik, aw
‘allamtahu ahadan min khalqik, awi -sta’tharta bihi fí ‘ilmi -lghaybi ‘indak, an
taj‘ala -lqur’ána rabí‘a qalbí, wa núra sadrí, wa jalá’a huzní, wa dhahába
hammí
,
1
aalisin ni Allah ang alalahanin niya at lungkot niya at papalitan Niya
ito bilang kapalit nito ng tuwa.
Isinalaysay ito ni Imám Ahmad
. Ang aral: Sinabi ni
Ibráhím alKhawwás, kaawaan nawa siya ni Allah: “Ang gamot ng puso ay limang
bagay: ang pagbigkas ng Qur’an ng may pagnilay-nilay, ang kawalan ng laman ng
tiyan, ang pagdarasal sa gabi, ang pasusumamo [kay Allah] bago magmadaling-
araw, ang pakikihalubilo sa mga matuwid.” Ang sinumang dinapuan ng kasawian ay
nagnais na pagaanin ito at paliitin ito ay gunigunihin niya na ito ay higit na malaki,
isip-isipin niya ang gantimpala ng pagtitiis dahil dito, at ipagpalagay niya ang
pagbaba ng higit na sukdul kaysa roon.
Ang saláh na náfilah.
Napagtibay na ang Sugo
(SAS)
ay nagdarasal bawat araw
ng labingdalawang rak‘ah na hindi isinatungkuling saláh: dalawang rak‘ah bago
ang saláh sa fajr, apat na rak‘ah bago ang saláh sa dhuhr at dalawang rak‘ah
pagkatapos nito, dalawang rak‘ah pagkatapos ng maghrib, at dalawang rak‘ah
pagkatapos ng ‘ishá’. May iba pang tumpak na nasaad ayon sa Sugo na mga
náfilah: apat na rak‘ah bago ang saláh sa dhuhr, ‘asr, at jumu‘ah, apat pagkatapos
ng dhuhr, maghrib, at ‘ishá’, dalawang rak‘ah pagkatapos ng adhán sa maghrib, at
dalawang rak‘ah pagkatapos ng witr.
1
O Allah, tunay na ako ay alipin Mo, anak ng lalaking alipin Mo, at anak ng babaing alipin Mo. Ang
bumbunan ko ay nasa kamay Mo, matutupad sa akin ang hatol Mo, at makatarungan sa akin ang
paghuhukom Mo. Hinihiling ko sa Iyo sa pamamagitan ng bawat pangalan na taglay Mo na
ipinangalan Mo sa sarili Mo, o ibinaba Mo sa Aklat Mo, o itinuro mo sa isang sa mga nilikha Mo, o
sinarili Mo sa kaalaman sa nakalingid na nasa Iyo, na gawin Mo ang Qur’an bilang bukal ng puso ko,
liwanag ng dibdib ko, tagapagpalisan ng kalungkutan ko, at tagapag-alis ng alalahanin ko.
Dostları ilə paylaş: |