184
17
Ang pagpunta sa
masjid
Ang sinumang pumaroon sa masjid o pumunta ay
maghahanda
si Allah para sa kanya sa Paraiso ng isang pang-aliw sa tuwing
pumaroon siya o pumunta.
18
Ang
paghahand
a at ang
maagang
pagpunta
sa saláh sa
jumu‘ah
Ang sinumang naghugas sa araw ng Biyernes at naligo, pagkatapos ay
nagpakaaga at nakaabot nang maaga, naglakad at hindi sumakay, at
lumapit sa imám at saka nakinig at hindi gumawa ng walang kabuluhan ay
magkakaroon siya sa bawat hakbang niya ng [gantimpala sa] gawain ng
isang taon: sa kabayaran ng pag-aayuno rito at panggabing dasal dito.
Kapag naligo ang isang lalaki sa araw ng Biyernes, nagpakadalisay ayon
sa makakaya niyang kadalisayan, nagpahid ng langis niya o sumaling ng
pabango ng bahay niya, pagkatapos ay hindi sumisingit sa dalawang
[nakaupo na], pagkatapos ay dinasal niya ang anumang itinakda sa kanya,
pagkatapos ay nanahimik siya kapag nagsalita ang imám,
patatawarin siya
sa [kasalanang] nasa pagitan nito at ng kasunod na Biyernes.
19
Ang pagkaabot sa
panimulang takbír
(takbíratul’ihrám)
Ang sinumang nagdasal kay Allah nang apatnapung araw sa
isang konggregasyon habang nakaaabot sa unang takbír ay
magtatakda para sa kanya ng dalawang pagpapawalang-
kaugnayan: pagpapawalang-kaugnayan sa Apoy at
pagpapawalang-kaugnayan sa pagkukunwari.
20
Ang saláh na isinatungkulin na
isinasagawa sa konggregasyon
Ang saláh ng konggregasyon ay
nakalalamang sa
saláh ng namumukod ng dalawampu’t pitong antas.
21
Ang saláh sa ‘ishá’ at
fajr na isinasagawa
sa konggregasyon
Ang sinumang nagdasal ng ‘ishá’ sa isang konggregasyon ay
para bagang nagdasal ng kalahating gabi. Ang sinumang
nagdasal ng fajr sa isang konggregasyon ay
para bagang
nagdasal ng buong gabi.
22
Ang saláh sa
unang hanay
Kung sakaling nalalaman ng mga tao ang [gantimpala] sa [pagtugon
sa] panawagan [ng saláh] at [pagtayo sa] unang hanay at pagkatapos
ay hindi sila makakatatagpo [ng puwang] kung hindi sila
magpapalabunutan para rito ay talagang nagpalabunutan na sana sila.
23
Ang
pangangalaga
sa mga saláh
na sunnah.
Ang sinumang nagdarasal sa araw at gabi ng labindalawang rak‘ah
ay
magpapatayo para sa kanya ng isang bahay sa Paraiso; apat
[na rak‘ah] bago ang dhuhr at dalawang rak‘ah matapos nito,
dalawang rak‘ah matapos ang maghrib, dalawang rak‘ah matapos
ang ‘ishá’, at dalawang rak‘ah bago ang saláh sa fajr.
24
Ang
saláh ng
babae
sa
bahay
niya
May pumuntang babae sa Propeta
(SAS)
at nagsabi ito: “O Sugo ni Allah, tunay na
naiibigan ko ang pagdarasal kasabay mo.” Kaya nagsabi siya: “Nalaman ko nga
na ikaw ay ibig magdasal kasabay ko, ngunit ang pagdarasal mo sa tulugan mo
ay higit na mabuti kaysa sa pagdarasal mo sa silid mo, ang pagdarasal mo sa
silid mo ay higit na mabuti kaysa sa pagdarasal mo sa tahanan mo,
ang
pagdarasal mo sa tahanan mo ay higit na mabuti kaysa sa pagdarasal mo sa
masjid ng mga kaanak mo, at ang pagdarasal mo sa masjid ng mga kaanak mo
ay higit na mabuti kaysa sa pagdarasal mo sa masjid ko.”
185
25
Ang
pagpaparami
ng saláh na
sunnah
Panatilihin mo ang dami ng pagpapatirapa kay Allah sapagkat
tunay na ikaw ay kapag nagpatirapa ka kay Allah ng isang
pagpapatirapa ay
iaangat ka ni Allah dahil doon ng isang antas at
mag-aalis Siya sa iyo dahil doon ng isang kamalian.
26
Ang saláh na sunnah
bago ang saláh na fajr
at ang saláh na fajr
Ang [saláh na] dalawang rak‘ah bago ang [saláh sa] fajr ay
higit na mabuti kaysa sa mundo at anumang nasa loob nito. Ang
sinumang nagdasal ng fajr,
siya ay nasa pag-iingat ni Allah.
27
A
ng
sa
lá
tu
dd
uh
á
Sa umaga ay tungkulin ng bawat kasu-kasuan ng [bawat] isa sa inyo na
magbigay ng kawanggawa. Bawat pagsabi ng subhána -lláh ay kawanggawa.
Bawat pagsabi ng alhamdu lilláh ay kawanggawa. Bawat pagsabi ng lá iláha illa
-lláh ay kawanggawa. Bawat pagsabi ng Alláhu akbar ay kawanggawa. Ang pag-
uutos ng nakabubuti ay kawanggawa at ang pagsaway ng nakasasama ay
kawanggawa.
Maitutumbas roon ang dalawang rak‘ah na dadasalin sa umaga.
28
Ang sinumang umupo sa
pinagdarasalan niya
habang sumasambit ng
dhikr kay Allah
Ang mga anghel ay
dumadalangin ng kapatawaran para sa
[bawat] isa sa inyo hanggat siya ay nasa pinagdarasalan
niya, hanggat hindi nasisira ang wudú’, na nagsasabi: O
Allah, patawarin Mo siya; o Allah kaawaan Mo siya.
29
Ang pagsambit ng dhikr kay
Allah matapos ang saláh sa fajr
sa konggregasyon hanngang sa
sumikat ang araw at pagkatapos
ay magdarasal ng dalawang
rak‘ah
Ang sinumang nagdasal ng fajr sa isang
konggregasyon at pagkatapos ay naupo habang
sumasambit ng dhikr kay Allah hanggang sa sumikat
ang araw at pagkatapos ay nagdasal ng dalawang
rak‘ah, siya ay
magkakaroon ng gaya ng gantimpala
sa hajj at ‘umrah na lubos na lubos na lubos.
30
Ang sinumang
nagising upang
magdasal sa gabi at
gumising sa asawa niya
Ang sinumang nagising upang magdasal sa gabi at gumising
sa asawa niya at magkasama silang nagdasal ng dalawang
rak‘ah,
itatala sila na kabilang sa mga lalaking nag-aalaala
at mga babaing nag-aalaala kay Allah nang madalas.
31
Ang sinumang
naglayon na magdasal
sa gabi ngunit
napanaigan siya ng tulog
Kapag ang isang tao na may [nilayong isasagawang] saláh
sa gabi at napanaigan siya ng tulog,
magtatala si Allah para
sa kanya ng gantimpala sa saláh niya [na nilayon niya] at
ang pagkatulog niyang iyon ay isang kawanggawa.
32
Ang
Panalangin ng
sinumang
nagising sa
gitna ng tulog.
Ang sinumang nagising sa gitna ng tulog sa gabi at nagsabi ng lá
iláha illa -lláh wahdahu lá sharíka lah, lahu -lmulku wa lahu -lhamdu
wa huwa ‘alá kulli shay’in qadír, alhamdu lilláh, subhána -lláh, alláhu
akbar, wa lá hawla wa lá qúwata illá bi-lláh pagkatapos ay nagsabi ng
Alláhumma -ghfir lí
1
o dumalangin, tutugunin siya; at kung
nagsagawa siya ng wudú’ at nagdasal,
tatanggapin ang saláh niya.”
1
Walang Diyos kundi si Allah, nag-iisa Siya: wala Siyang katambal. Ukol sa Kanya ang paghahari at
ukol sa Kanya ang papuri, at Siya sa bawat bagay ay makapangyarihan. Ang papuri ay ukol kay
Allah; Kaluwalhatian kay Allah; at Si Allah ay dakila; Walang kapangyarihan at walang lakas
kundi sa pamamagitan ni Allah. Pagkatapos ay nagsabi ng O Allah patawarin Mo ako.
Dostları ilə paylaş: |