176
Talaga ngang itinangi ni Allah ang tao higit sa lahat ng mga nilikha. Ibinukod Niya
iyon sa pamamagitan ng biyaya ng pagsasalita at ginawa Niya ang kasangkapan
nito, ang dila. Ito ay isang biyayang nagagamit sa kabutihan at kasamaan. Kaya ang
sinumang gumamit ng biyayang ito sa kabutihan ay pararatingin siya nito sa
kaligayahan sa Mundo at sa mga kalagayang napakataas sa Paraiso. Ngunit ang
sinumang gumamit nito sa iba pa roon ay ihahatid siya nito sa mga kapahamakan sa
Mundo at Kabilang-buhay. Ang pinakamainam na magagamit sa pakikinabang ng
oras matapos ang pagbabasa ng Qur’an ay ang pagsambit ng dhikr
1
kay Allah.
Ang kainaman ng dhikr kay Allah.
May nasaad na maraming hadíth hinggil dito.
Ang ilan dito ang sinabi ng Sugo
(SAS)
:
Hindi ba ako magbabalita sa inyo ng
tungkol sa higit na mabuti sa mga gawain ninyo, higit na dalisay sa mga ito para
sa Hari ninyo, higit na nakaangat sa mga ito sa mga antas ninyo, higit na mabuti
para sa inyo kaysa sa paggugol ng ginto at pilak, higit na mabuti para sa inyo
kaysa sa makatagpo ninyo ang kaaway ninyo at saka tatagain ninyo ang mga
leeg nila at tatagain naman nila ang mga leeg ninyo?
Sinabi nila: Siya nga po.
Sinabi niya:
Ang pag-alaala kay Allah.
Isinalaysay ito ni Imám atTirmidhí
.
Ang sabi pa ng Sugo
(SAS)
:
Ang paghahalintulad sa isang nag-aalaala sa
Panginoon niya at sa isang hindi nag-aalaala sa Panginoon niya ay tulad ng
buhay at patay. Muttafaq ‘Alayhi.
Nagsabi si Allah sa Hadíth Qudsí:
Ako ay ayon sa palagay ng lingkod Ko
sa Akin at Ako ay kasama niya kapag binanggit niya Ako. Kaya kung
binanggit niya Ako sa sarili Niya ay binanggit Ko rin siya sa sarili Ko. Kung
binanggit niya Ako sa isang madla ay binanggit Ko rin siya sa isang madla na
mainam kaysa sa kanila. Kung nagpakalapit siya sa Akin ng isang dangkal ay
nagpakalapit naman Ako sa kanya ng isang bisig.
Ang sabi pa ng Sugo
(SAS)
:
“
Nauna ang mga mufarrid.
” Nagsabi sila: “At ano
po ang mufarrid, o Sugo ni Allah?” Nagsabi siya:
“
Ang mga lalaking nag-aalaala
kay Allah nang madalas at ang mga babaing nag-aalaala.
”
Isinalaysay ito ni Imám
Muslim
.
Ang sabi pa ng Sugo
(SAS)
habang nagtatagubilin sa isa sa mga Kasamahan niya:
Hindi titigil ang dila mo sa pagiging basa dahil sa pag-alaala kay Allah.
Isinalaysay ito ni Imám atTirmidhí
. May iba pang mga hadíth.
Ang Pag-iibayo ng mga gantimpala.
Nag-iibayo ang mga gantimpala sa mga
matuwid na gawain gaya ng pag-iibayo ng gantimpala sa pagbabasa ng Qur’an.
Iyon ay dahil sa dalawang bagay:
1.
alinsunod sa nilalaman ng puso na
pananampalataya, katapatan, pag-ibig kay Allah, at ang mga kaalinsabay nito;
2.
alinsunod sa pagmumuni-muni at pagpapakaabala ng puso sa dhikr sapagkat
hindi nararapat na ito ay sa dila niya lamang. Kaya kung nalubos iyon, pagtatakpan
ni Allah nang lubos ang mga masagwang gawa niya at bibigyan siya ng buong
kabayaran niya. Ang kakulangan ay umaalinsunod din doon.
1
Ang dhikr ay ang pag-alaala o ang pagsambit. Sa Islam, ito ay ang anumang pananalita o pangungusap
na sinasambit sa pag-alaala kay Allah bilang papuri, pagluluwalhati, at panalangin sa Kanya.
177
Ang mga pakinabang ng dhikr.
Nagsabi si Shaykh al’Islám: Ang dhikr para sa
puso ay gaya ng tubig para sa isda. Kaya papaano na ang kalagayan ng isda kapag
nahiwalay ito sa tubig?
Nagsasanhi ito ng pag-ibig kay Allah, pagkalapit sa Kanya, kasiyahan Niya,
pagkatakot sa Kanya, pangingilabot sa Kanya, pagbabalik-loob sa Kanya,
pagbabalik sa Kanya, nakatutulong sa pagtalima sa Kanya.
Nag-aalis ito ng ligalig at lumbay sa puso, naghahatak ng galak, at nagdudulot sa
puso ng buhay, lakas, at kadalisayan.
Sa puso ay may pangangailangan at kakulangan na walang makatutugon kundi
ang pagsambit ng dhikr kay Allah, at katigasang walang makatutunaw at
makapagpapalambot kundi ang pagsambit ng dhikr kay Allah.
Ang lunas ng puso, ang gamot nito, ang lakas nito, at ang sarap nito na walang
makatutumbas sa sarap; ang pagkalingat ang sakit nito.
Ang kakauntian nito ay patunay ng pagkukunwari sa pananampalataya, ang
dami nito ay patunay sa lakas ng pananampalataya at katapatan ng pag-ibig kay
Allah dahil ang sinumang umibig sa isa ay dinadalasan niya ang pag-aalaala roon.
Ang tao kapag nakakilala kay Allah sa pamamagitan ng pagsambit ng dhikr sa
Kanya sa panahon ng kaginhawahan ay kikilalanin siya [ni Allah] sa panahon ng
kagipitan, lalo na sa sandali ng kamatayan at paghihingalo niya.
Isang dahilan sa kaligtasan mula sa parusa ni Allah at sa pagpapababa [ni Allah]
ng katiwasayan, paglulukob ng awa, at paghingi ng tawad ng mga anghel.
Magpapakaabala rito ang dila sa halip na sa kabalbalan, panlilibak, paninirang-
puri, pagsisinungaling, at iba pang mga kinasusuklaman at mga ipinagbabawal.
Ang pinakamadali sa mga pagsamba, at kabilang sa pinakakapita-pitagan at
pinakamainam sa mga ito. Ito ay pananim sa Paraiso.
Dinadamitan ang nag-aalaala ng dignidad, karikitan, kaaliwalasan ng mukha.
Ang dhikr ay liwanag sa Mundo, sa puntod, at sa Kabilang-buhay.
Nagiging dahilan ng basbas ni Allah at pagdalangin ng mga anhel ng basbas
para sa sumasambit ng dhikr. Ipagkakapuri ni Allah ang mga sumasambit ng dhikr
sa mga anghel Niya.
Ang pinakamainam sa mga taong may mga gawang pagsamba ay ang
pinakamarami sa kanila sa pagsambit ng dhikr kay Allah, kaya naman ang
pinakamainam sa mga nag-aayuno ay ang pinakamarami sa kanila sa pagsambit
ng dhikr kay Allah sa sandali ng pag-aayuno niya.
Pinadadali nito ang mahirap, pinagiginhawa nito ang di-maginhawa, pinagagaan
nito ang mabigat, hinahatak nito ang panustos, at pinalalakas nito ang katawan.
Itinataboy nito ang demonyo, sinsupil iyon, hinihiya iyon, at hinahamak iyon.
Dostları ilə paylaş: |