168
1. Ang mga hayag na kadahilanan:
ang pagsasagawa muna ng mga matuwid na
gawain gaya ng pagkakawanggawa, pagsasagawa ng wudú’, pagsasagawa ng saláh,
pagharap sa Qiblah, pag-aangat ng mga kamay, pagbubunyi kay Allah sa
pamamagitan ng karapat-dapat sa Kanya, at paggamit ng mga pangalan ni Allah at
mga katangian Niya na nababagay sa ipinapanalangin. Kaya kapag ang panalangin
ay ang paghiling ng Paraiso, ang pagsusumamo ay sa pamamagitan ng kabutihang-
loob Niya at awa niya. Kapag dumalangin laban sa isang maniniil, halimbawa, ay
hindi gagamitin ang pangalan ni Allah na Arrahmán (ang Napakamaawain) o
Alkarím (ang Mapagbigay); ang gagamitin lamang ay ang pangalan Niyang
Aljabbár (ang Tagasupil) o Alqahhár (ang Palalupig).
Kabilang din sa mga kadahilanan ng pagtugon sa panalangin ang pagdalangin
para sa Propeta
(SAS)
sa simula ng panalangin, kalagitnaan nito, at sa katapusan nito,
ang pag-amin sa mga pagkakasala, ang pasasalamat kay Allah sa mga biyaya Niya,
at ang pagsamantala sa mga sandaling nakalamang sa pagtugon sa panalangin na
nasaad ang patunay na ang sandaling iyon ay sandaling malamang na tugunin ang
panalangin. Ang mga sandaling ito ay marami, na ang ilan sa mga ito ay ang
sumusunod: Sa araw at gabi: sa huling ikatlong bahagi ng gabi kapag bumababa
si Allah sa mababang langit, sa pagitan ng iqámah at adhán, pagkatapos
magsagawa ng wudú’, sa sandali ng pagkatirapa, bago sabihin ang salám ng saláh,
mga sandali matapos ang mga saláh, kapag natapos basahin ang Qur’an, kapag
tumilaok ang tandang, sa paglalakbay, sa pagdalangin ng naaapi, sa pagdalangin ng
nagigipit, sa pagdalangin ng magulang sa anak niya, sa pagdalangin nang palihim
ng isang Muslim sa kapwa niya, at kapag nakatagpo ang kaaway sa digmaan. Sa
isang linggo: sa araw ng Biyernes lalo na sa huling bahagi nito. Sa mga buwan:
sa buwan ng Ramadán sa sandali ng iftár at sa sandali ng sahúr, sa laylatu'lqadr, at
sa Araw ng ‘Arafah. Sa mga mahal na pook: sa masjid sa pangkalahatan, sa tabi
ng Ka‘bah lalo na sa tabi ng pinto nito, sa tabi ng Maqám Ibráhím
(AS)
, sa ibabaw
ng Safá at Marwah, sa ‘Arafát, sa Muzdalifah, sa Miná sa araw ng Hajj, sa pag-
inom ng tubig ng Zamzam, at iba pa.
2. Ang mga kubling kadahilanan. Bago magsagawa ng panalangin:
ang
pagsasagawa muna ng totoong pagbabalik-loob; ang pagpapanumbalik sa mga
nakuhang labag sa katarungan; na ang pagkain, ang inumin, ang kasuutan, at ang
tirahan ay mula sa kinitang halál; ang pagpaparami ng mga pagtalima kay Allah;
ang pag-iwas sa mga ipinagbabawal; ang pagpipigil sa sarili sa mga bagay na
mapaghihinalaan at mga hilig ng laman. Sa sandali ng panalangin: ang pagkatuon
ng puso, ang pagtitiwala kay Allah, ang lakas ng pag-asa, ang pagpapakalinga sa
Kanya, ang pagpapakumbaba, ang pagpupumilit, ang pagpapaubaya ng kapakanan
sa Kanya, ang pagputol ng pagtingin sa iba pa sa Kanya, at ang pagkadama ng
katiyakan sa pagtugon.
Ang mga nakahahadlang sa pagtugon sa panalangin.
Maaaring dumadalangin
ang isang tao ngunit hindi siya tinutugon o nababalam ang pagtugon. Ang mga
kadahilanan ay marami, na ang ilan ay ang sumusunod. Ang pagdalangin sa iba
pa kay Allah kasama kay Allah. Ang pagdedetalye sa panalangin gaya ng
169
pagpapakupkop laban sa INIT ng Impiyerno, sa SIKIP nito, at sa KADILIMAN
nito, yayamang makasasapat na magpakupkop laban sa IMPIYERNO lamang.
Ang pagdalangin ng isang Muslim laban sa kapwa niya Muslim o sa iba pa nang
labag sa katarungan.
Ang pagdalangin na humihiling ng kasalanan at pagpuputol
sa ugnayan sa kaanak. Ang pag-uugnay ng panalangin sa kalooban ni Allah sa
pamamagitan ng pagsabi ng ganito: O Allah patawarin Mo ako kung loloobin Mo,
at mga tulad nito. Ang pagmamadali sa pagtugon anupa’t nakapagsasabi ng
ganito: Nanalangin na ako ngunit hindi pa ako tinutugon.
Ang panghihinawa o
ang pagtigil sa pagdalangin dala ng pagkapagod o pagkasawa sa panalangin.
Ang pagdalangin nang wala sa loob at nalilingat. Ang hindi magandang pag-asal
sa harap ni Allah gaya ng narinig ng Propeta
(SAS)
sa isang lalaki na dumadalangin
sa mga saláh nito ngunit hindi dumadalangin para sa Propeta
(SAS)
kaya nagsabi ang
Propea: “Nagmadali ito” at pagkatapos ay tinawag niya ito at sinabihan ito o ang
iba pa rito: “Kapag nagdasal ang bawat isa sa inyo ay magsimula siya sa
pamamagitan ng pagpuri kay Allah at pagbubunyi sa Kanya, pagkatapos ay
dumalangin siya para sa Propeta, at pagkatapos ay dumalangin siya matapos niyon
ng anumang loloobin niya;”
isinalaysay ito ni Imám atTirmidhí
.
Ang pagdalanging
humihiling ng isang bagay na natapos nang pagpasyahan gaya ng panalanging
humihiling ng buhay na walang hanggan sa lupa.
1
Ang pilit na matulaing
pagbigkas ng panalangin; nagsabi si Allah (7:55):
Manalangin kayo sa Panginoon
ninyo nang may pagpapakumbaba at paglilihim. Tunay na hindi Niya iniibig
ang mga lumalabag sa hangganan. Nagsabi naman si Ibnu ‘Abbás: “Kaya mag-
ingat kayo sa matulaing pagbigkas ng panalangin; iwasan ninyo ito, sapagkat tunay
na ako ay nakababatid sa Sugo ni Allah
(SAS)
at sa mga Kasamahan niya: wala
silang ginagawa kundi iyon.” Ang ibig niyang sabihin ay: Wala silang ginagawa
kundi ang pag-iwas na iyon.
Ang pagpapalabis sa pagtataas ng tinig sa
panalangin. Nagsabi si Allah (17:110): Huwag mong lakasan ang dasal mo at
huwag mong ibulong ito bagkus maghangad ka sa pagitan niyon ng isang
katamtamang paraan. Nagsabi naman si ‘Á’ishah
(RA)
: “Ibinaba ito dahil kaugnay
sa panalangin.”
Kaibig-ibig na isaayos ng dumadalangin ang panalangin niya gaya ng
sumusunod:
una:
ang papuri at ang pagbubunyi kay Allah;
ikalawa:
ang
pagdalangin para sa Propeta
(SAS)
;
ikatlo:
ang pagbabalik-loob at ang pag-amin sa
pagkakasala;
ikaapat:
ang pasasalamat kay Allah sa mga biyaya Niya;
ikalima:
ang pagsisimula agad sa pagdalangin at ang pagsisigasig sa mga
masaklaw na panalangin at panalanging napagtibay na itinuro ng Propeta
(SAS)
o ng
Salaf;
2
ikaanim:
Ang pagwawakas sa panalangin sa pamamagitan ng panalangin
para sa Propeta
(SAS)
.
1
Napagpasyahan na ni Allah na ang tao ay hindi mamumuhay nang walang hanggan sa lupa kaya
hindi na ito maaaring hilingin pa sa panalangin.
2
Kadalasang tumutukoy ang katawagang ito sa unang tatlong salinlahi ng mga Muslim bagamat
maaaring mangahulugan ito na mga matuwid na sinaunang Muslim o mga naunang salinlahing Muslim.
Dostları ilə paylaş: |