166
niya dahil ang pagkakaalam sa pangalan o ang kawalan ng kaalaman ay hindi makapagbabago ng
anuman sa pagpapagaling. Ang paghingi ng anuman mula sa mga kasuutan ng maysakit gaya
ng damit o kamiseta.
Maaaring humingi sa maysakit ng isang hayop na may mga takdang
katangian upang ialay sa jinn.
Ang pagsusulat at ang pagbabasa ng mga bulong na hindi
maunawaan at walang kahulugan.
Ang pagbibigay sa maysakit ng isang papel na may
nakasulat na mga kuwadrado na sa loob ng mga ito ay may mga titik at mga numero. Tinatawag
ito na hijáb
1
[sa Arabe].
Ang pag-uutos sa maysakit na humiwalay sa mga tao sa loob ng ilang
panahon sa loob ng isang madilim na silid. Tinatawag ito na hajbáh [sa Arabe].
Ang pag-
uutos sa maysakit na huwag sumaling ng tubig sa loob ng isang takdang panahon.
Ang
pagbibigay sa maysakit ng isang bagay na ililibing niya sa lupa o isang papel na susunugin niya
at ipampapausok niya.
Ang pagpapabatid sa maysakit ng ilan sa mga kaalamang ukol lamang
sa kanya na hindi nalalaman ng iba o ng pangalan niya, ng bayan niya, at ng sakit niya bago pa
man siya nagsalita.
Ang pagsusuri sa kalagayan ng maysakit pagkakilala sa kanya sa
pamamagitan lamang ng pagpasok sa kinaroroonan niya o ng telepono o ng sulat.
Ang paniniwala ng Ahlussunnah ay na ang jinn ay nakasasanib sa tao at ang
patunay ay ang sabi ni Allah:
Ang mga nakikinabang sa pagpapatubo sa utang
ay hindi babangon kundi gaya ng pagbangon ng ibinubuwal ng Demonyo
dahil sa pagkabaliw.
2
Nagkaisa ang mga mufassir
3
na ang tinutukoy rito na
pagkabaliw sa áyah na ito ay ang kabaliwang dulot ng demonyo na dumadapo sa
tao dahil sa pagsanib ng jinn sa kanya.
Aral:
Ang inggit ay ang pagmimithi ng paglaho ng biyaya sa iba. Kadalasang ang
usog ay mula sa inggit. Ito ay kabilang sa napakalaki sa mga pagkakasala. Bagkus
ay ito ang saligan ng mga pagkakasala at kauna-unahan sa kasalanang
ipinangsuway kay Allah sapagkat umayaw si Satanas na magpatirapa kay Adan
dala ng inggit sa kanya at si Abel ay pumatay sa kapatid niya dala rin ng inggit.
Ang lunas sa inggit ay ang malaman ang kabigatan ng pagkakasala, na ito ay
lumalamon sa mga gawang maganda gaya ng paglamon ng apoy sa gatong.
Ang ibinigay ni Allah sa iba ay batay sa pagtatakda Niya at karunungan Niya
kaya ang kawalan ng kasiyahan doon ay isang pagtutol kay Allah at kahinaan ng
pananampalataya sa tadhana at takda.
Ang pagsabi mo ng má shá’a -lláh báraka -lláhu lak
4
pagkakita mo ng anumang
hinahangaan mo ay isang patunay sa kabutihan ng kalooban mo.
Ang pagkakaalam sa gantimpala ng pag-iwan sa inggit sapagkat ang sinumang
natulog samantalang sa puso niya ay walang pagkainggit sa isa man, ang gantimpala sa
kanya ay malaki. Napagtibay na ang Propeta
(SAS)
ay nagpalugod sa isa sa mga Sahábíy
sa pamamagitan ng pagbalita ng pagpasok sa Paraiso sapagkat natulog sa bahay niya si
‘Abdulláh ibnu ‘Amr [nang hindi nakadama ng inggit] at tiniyak niya na iyon ang
dahilan ng paghahatid sa kanya ng nakalulugod na balita ng pagpasok sa Paraiso.
1
Wala itong kinalaman sa hijáb ng babae.
2
Qur’an 2:275.
3
Dalubhasa sa pagpapaliwanag ng Qur’an.
4
[Nangyari] ang niloob ni Allah at pagpalain ka ni Allah.
167
Ang lahat ng mga nilikha ay mga nagdarahop kay Allah at mga nangangailangan
sa anumang nasa Kanya, samantalang Siya ay walang-pangangailangan sa kanila at
hindi nangangailangan sa kanila.
Isinatungkulin ni Allah sa mga lingkod Niya ang pagdalangin, kaya naman sinabi
Niya (40:60):
“Dumalangin kayo sa Akin, tutugunin Ko kayo; tunay na ang
mga nagmamalaki sa pag-ayaw sa pagsamba sa Akin ay magsisipasok sa
Impiyerno na mga hamak.” Ang ibig sabihin ng pagsamba sa Akin ay
pagdalangin sa Akin. Nagsabi ang Propeta
(SAS)
:
“
Ang sinumang hindi humiling
kay Allah ay kagagalitan Niya.
”
Isinalaysay ito ni Imám Ibnu Májah
. Kalakip nito, si
Allah ay natutuwa sa paghiling ng mga lingkod Niya sa Kanya. Iniibig Niya ang
mga mapilit sa Kanya at inilalapit Niya sila sa Kanya.
Talaga ngang nadama ng mga Kasamahan ng Propeta
(SAS)
ang bagay na ito
sapagkat may isa sa kanila na hindi nagmamaliit ng anumang hihilingin niya kay
Allah. Hindi rin nila idinudulog ang mga hiling nila sa isa sa mga nilikha Niya.
Walang ibang dahilan iyon kundi dahil sa pagkahumaling nila sa Panginoon nila at
pagkalapit nila sa Kanya at pagkalapit Niya sa kanila, bilang pagsunod sa sabi Niya
(2:186):
“Kapag tinanong ka ng mga lingkod Ko hinggil sa Akin ay sabihin
mo: “Tunay na Ako ay malapit:” Ang pagdalangin ay may dakilang kalagayan
para kay Allah sapagkat ito ay napakarangal na gawain para kay Allah at maaaring
makapigil sa tadhana. Ang bawat dumalangin kay Allah ay tinutugon Niya kung
umiral ang mga kadahilanan sa pagtugon at nawala ang mga pumipigil sa
pagtugon. Bibigyan ang dumadalangin ng isa sa mga kalagayang binanggit ng
Propeta
(SAS)
sa sinabi niya:
“
Walang isang Muslim na dumadalangin ng isang
panalanging walang lamang kasalanan ni paglagot sa ugnayan sa kaanak na
hindi magbibigay si Allah dahil doon ng isa sa tatlo: maaaring mamadaliin para
sa kanya ang tugon sa panalangin niya, maaaring ilalaan iyon para sa kanya sa
Kabilang-buhay, at maaaring maglalayo sa kanya ng isang masamang katumbas
niyon.
” Nagsabi sila: “Kung gayon ay dadamihan namin [ang panalangin]?”
Nagsabi siya:
“Si Allah ay [nagmamay-ari] ng higit na marami.”
Ang mga uri ng panalangin
ay dalawang uri:
1.
Panalangin ng pagsamba: gaya
ng saláh at pag-aayuno,
2.
Panalangin ng paghingi at paghiling.
Ang pagkakalamangan ng mga gawain.
Ang pagbabasa ba ng Qur’an ay
pinakamainam o ang dhikr o ang panalangin at ang paghiling? Ang pagbabasa ng
Qur’an ay pinakamainam, walang pasubali. Pagkatapos ay ang dhikr at ang
pagbubunyi kay Allah. Pagkatapos ay ang panalangin at ang paghiling kay Allah.
Ito ay sa ganang pagbubuod. Subalit maaaring malagay ang gawaing nalamangan
sa kalagayang gagawa rito na maging higit na karapat-dapat kaysa sa gawaing
nakalalamang. Ang panalangin sa araw ng ‘Arafah ay higit na mainam kaysa sa
pagbabasa ng Qur’an at ang pagpapakaabala sa pagsambit ng mga dhikr na nasaad
sa Sunnah pagkatapos ng saláh na isinatungkulin ay higit na karapat-dapat kaysa sa
pagbabasa ng Qur’an.
Ang mga kadahilanan sa ikatutugon ng panalangin. Mayroong mga hayag na
kadahilanan at mga kubling kadahilanan:
Ang Panalangin
Dostları ilə paylaş: |