71
Palalupig),
AlHaqq
(Ang Totoo),
AlMubín
(Ang Naglilinaw),
AlQawíy
(Ang
Malakas),
AlMatín
(Ang Matibay),
AlHayy
(Ang Buhay),
AlQayyúm
(Ang
Tagapagpanatili),
Al‘Alíy
(Ang Mataas),
Al‘Adhím
(Ang Sukdulan),
ashShakúr
(Ang Mapagpasalamat),
AlHalím
(Ang Matimpiin),
AlWási‘
(Ang Malawak),
Al‘Alím
(Ang Maaalam),
AtTawwáb
(Ang Palatanggap ng pagsisi),
AlHakím
(Ang Marunong),
AlGhaníy
(Ang Mayaman
1
),
AlKarím
(Ang Mapagbigay),
Al’Ahad
(Ang Iisa),
AsSamad
(Ang Dulugan),
AlQaríb
(Ang Malapit),
AlMujíb
(Ang Tumutugon),
AlGhafúr
(Ang Mapagpatawad),
AlWadúd
(Ang
Mapagmahal),
AlWalíy
(Ang Katangkilik),
AlHamíd
(Ang Kapuri-puri),
AlHafídh
(Ang Mapag-ingat),
AlMajíd
(Ang Maringal),
AlFattáh
(Ang Tagapagpasya),
AshShahíd
(Ang Saksi),
AlMuqaddim
(Ang Tagapagpauna),
AlMu’akhkhir
(Ang
Tagapagpahuli),
AlMalík
(Ang Kahari-harian),
AlMuqtadir
(Ang Nakakakaya),
AlMussa‘ir
(Ang Tagapagpaliyab),
AlQábid
(Ang Tagapagpagipit),
AlBásit
(Ang
Tagapagpaluwag),
ArRáziq
(Ang Tagapagtustos),
AlQáhir
(Ang Tagalupig),
AdDayyán
(Ang Palagantimpala
2
),
AshShákir
(Ang Nagpapasalamat
3
),
AlMannán
(Ang Mapagbiyaya),
AlQádir
(Ang Nakapangyayari),
AlKhalláq
(Ang
Palalikha),
AlMálik
(Ang Nagmamay-ari),
ArRazzáq
(Ang Palatustos),
AlWakíl
(Ang Pinagkakatiwalaan),
ArRaqíb
(Ang Mapagmasid),
AlMuhsin
(Ang
Mapagmagandang-loob),
AlHasíb
(Ang Tagapagtuos),
AshSháfíy
(Ang
Tagapagpagaling),
ArRafíq
(Ang Magiliw),
AlMu‘tíy
(Ang Tagapagbigay),
AlMuqít
(Ang Tagakandili),
AsSayyid
(Ang Poon),
AtTayyib
(Ang Kaaya-aya),
AlHakam
(Ang Hukum),
Al’Akram
(Ang Pinakamapagbigay),
AlBarr
(Ang
Mabuti),
AlGhaffár
(Ang Tagapagpatawad),
ArRa’úf
(Ang Mahabagin),
AlWahháb
(Ang Mapagkaloob),
AlJawwád
(Ang Mapagmabuting-loob),
AsSubbúh
(Ang Maluwalhati),
AlWárith
(Ang Tagapagpamana),
ArRabb
(Ang
Panginooon),
Al’A‘lá
(Ang Kataas-taasan),
Al’Iláh
(Ang Diyos).
4
Ang kahulugan ng
nakabilang sa mga ito ay gumawa ayon sa mga ito. Kaya
kapag sinabi ng isang Muslim ang AlHákím (Ang Marunong) ay isusuko nito ang
lahat ng gawain nito kay Allah dahil ang lahat ng iyon ay magiging alisunod sa
karunungan Niya. Kapag naman sinabi nito ang AlQuddús (Ang Banal) ay isasaisip
nito na si Allah ay malayo sa lahat ng mga kakulangan. Bahagi rin ng paggawa
ayon sa mga ito ay ang pagdakila sa mga ito, ang pagpipitagan sa mga ito, at ang
pagdalangin kay Allah sa pamamagitan ng mga ito.
10. Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng mga pangalan ni Allah at mga katangian
Niya?
Ang mga pangalan ni Allah at ang mga katangian niya ay kapwa
ipinahihintulot gamitin sa panalangin ng pagpapakupkop at sa panunumpa. Subalit sa
mga ito ay may mga pagkakaiba na ang pinakamahalaga ay ang sumusunod:
1
O Ang Walang-pangangailangan
2
O Ang Palasupil, Ang Palahatol, Ang Palahukom.
3
Kumikilala sa kabutihang nagawa.
4
Ang pangalan ni Allah ay ang mga salitang Arabe na ipinantawag Niya sa sarili niya. Ang salin ng
mga pangalan ni Allah ay hindi Niya pangalan. Halimbawa ang Al‘lím ay isa sa mga pangalan ni
Allah samantalang ang Ang Maalam ay kahulugan ng pangalan niya sa Tagalog at hindi ang
mismong pangalan Niya.
72
1.
Ang mga pangalan ni Allah, ngunit hindi ang mga katangian Niya, ay
ipinahihintulot na gamitin sa pangalang nagsisimula sa ‘Abd at sa pagdalangin. Ang
pagpapangalang nagsisimula sa ‘Abd ay tulad ng pangalang ‘Abdulkarím (Alipin ng
Mapagbigay). Ang pangalang ‘Abdulkaram (Aliping ng Pagkamapagbigay) ay hindi
ipinahihintulot.
1
Ang pagdalangin naman ay gaya ng pagsabi ng Yá Karím.
2
Hindi
ipinahihintulot ang Yá Karam.
3
2.
Ang mga pangalan ni Allah ay pinaghahanguan ng
mga katangian gaya ng ArRahmán (Ang Napakamaawain) na pinaghahanguan ng
isang katangian Niya, ang rahmah (awa). Tungkol naman sa mga katangian Niya,
hindi hahango mula sa mga ito ng mga pangalan Niya. Kaya ang katangiang istiwá’
(pagluklok) Niya ay hindi pinaghahanguan ng pangalang AlMustawí’ [bilang
pangalan ni Allah].
3.
Ang mga nagagawa ni Allah ay hindi pinaghahanguan ng mga
pangalan Niya. Kabilang sa mga nagagawa ni Allah ay ang magalit (ghadab), ngunit
hindi masasabing kabilang sa mga pangalan ni Allah ang AlGhádib (Ang Nagagalit).
Ang mga katangian Niya ay hinahango mula sa mga gawain Niya. Kaya ang
katangiang magalit (ghadab) ay kikilalaning taglay ni Allah dahil ang magalit ay
kabilang sa mga nagagawa Niya.
11. Ano ang kahulugan ng paniniwala sa mga anghel?
Ito ay ang tiyak na pagkilala
sa kairalan nila, na si Allah ay lumikha sa kanila para sumamba sa Kanya at ipatupad
ang utos Niya. Sinabi ni Allah:
bagkus mga pinarangalang lingkod sila. Hindi nila
Siya inuunahan sa pagsasalita at sila sa utos Niya ay nagsasagawa.
4
Ang
paniniwala sa kanila ay naglalaman ng ilang bagay:
1.
ang paniniwala sa kairalan nila;
2.
ang paniniwala sa sinumang nalaman natin sa kanila ang pangalan niya gaya ni
Jibríl;
3.
ang paniniwala sa anumang nalaman natin sa mga katangian nila gaya ng
kalakihan ng pagkakalikha sa kanila;
4.
ang paniniwala sa anumang nalamanan natin
sa mga katungkulan nila na natatangi sila roon gaya ng Anghel ng Kamatayan.
12. Ano ang Qur’an?
Ang Qur’an ay ang Salita ni Allah, na ang pagbigkas nito ay
pagsamba. Mula sa Kanya nagsimula ito at sa Kanya babalik ito. Sinalita Niya ito
sa katotohanan sa pamamagitan ng titik at tinig. Narinig ito mula sa Kanya ni Jibríl
at pagkatapos ay ipinarating ito ni Jibríl kay Propeta Muhammad
(SAS)
. Ang mga
makalangit na kasulatan ay lahat salita ni Allah.
13. Magkakaysa ba tayo sa Qur’an nang walang Sunnah ng Propeta?
Hindi ito
ipinahihintulot sapagkat si Allah ay nag-utos na tanggapin ang Sunnah ayon sa sinabi
Niya:
Ang anumang ibinigay sa inyo ng Sugo ay tanggapin ninyo at ang
anumang sinaway sa inyo ng Sugo ay tigilan ninyo.
5
Ang Sunnah ay dumating
bilang isang tagapaliwanag para sa Qur’an. Hindi malalaman ang detalye ng katuruan
ng Islam kung hindi sa pamamagitan nito. Nagsabi ang Sugo
(SAS)
:
Pakatandaan!
Tunay na ako ay binigyan ng Kasulatan at tulad nito kasama nito. Pakatanadaan!
Halos may isang lalaking busog na busog na nakaupo sa sopa niya, na nagsasabi:
Manatili kayo sa Qur’an na ito. Kaya ang anumang natagpuan ninyo rito na
1
Dahil ang karam ay hindi pangalan ni Allah.
2
O Mapagpigay (o O Marangal).
3
O Pagkamapagbigay (o O Dangal).
4
Qur’an 21:26-27.
5
Qur’an 59:7.
Dostları ilə paylaş: |