73
ipinahintulot ay ipahintulot ninyo at ang anumang natagpuan ninyo rito na
ipinagbawal ay ipagbawal ninyo.
Isinalaysay ito ni Imám Abú Dáwud
.
14. Ano ang kahulugan ng paniniwala sa mga sugo?
Ito ay ang tiyak na paniniwala
na si Allah ay nagpadala sa bawat kalipunan ng sugong kabilang sa kanila. Nag-
aanyaya ito sa pagsamba kay Allah lamang at sa pagtangging sumampalataya sa
anumang sinasamba bukod pa sa Kanya. Silang lahat ay mga tapat, mga
mapaniniwalaan, mga matalino, mga marangal, mga nagpapakabuti, mga nangingilag
sa pagkakasala, mga mapagkakatiwalaan, mga napatnubayan. Sila ay nagparating ng
pasugo nila. Sila ang pinakamainam sa mga nilikha. Sila ay napangalagaan laban sa
pagtatambal kay Allah magmula sa pagsilang sa kanila at hanggang sa kamatayan nila.
15. Ano ang kahulugan ng paniniwala sa Huling Araw?
Ito ay ang tiyak na
paniniwala sa kaganapan nito. Napaloloob roon ang paniniwala sa kamatayan at
anumang magaganap pagkatapos nito, gaya ng pagsubok sa libingan, pagdurusa
roon, at ginhawa roon; sa pag-ihip sa tambuli; sa pagtayo ng mga tao sa harap ng
Panginoon nila; sa pagbubuklat sa mga talaan ng gawa; sa paglalagay ng
timbangan; sa Sirát; sa Hawd; sa Pamamagitan; at mula roon patungong Paraiso o
patungong Impiyerno.
16. Ano ang mga uri ng Pamamagitan sa Araw ng Pagbangon?
1.
Ang mga ito
ay iba’t ibang uri na ang pinakadakila sa mga ito ay ang pinakadakilang
Pamamagitan. Ito ay magaganap sa tinatayuan sa Araw ng Pagkabuhay matapos na
tumayo ang mga tao nang limampung libong taon habang naghihintay na hatulan
sila. Mamamagitan si Propeta Muhammad
(SAS)
sa Panginoon niya at hihilingin sa
Kanya na magbaba ng hatol sa mga tao. Ito ay laan lamang sa Propeta nating si
Muhammad
(SAS)
. Ito ang pinapupurihang kalagayan na ipinangako sa kanya.
2.
Ang Pamamagitan para sa paghiling na buksan ang pintuan ng Paraiso. Ang unang
hihiling na buksan ang pintuan niyon ay ang Propeta nating si Muhammad
(SAS)
at
ang unang papasok roon sa lahat ng mga kalipunan ay ang kalipunan niya.
3.
Ang
Pamamagitan para sa ilang pangkat ng mga tao na nautusan nang pumasok sa Apoy
upang hindi na sila pumasok doon.
4.
Ang Pamamagitan para sa mga pumasok na
sa Apoy na mga sumusuway na sumampalataya sa Tawhíd upang lumabas sila
roon.
5.
Ang Pamamagitan para sa pag-aangat sa mga antas ng ilang pangkat ng
mga taong kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso. Ang huling tatlong
Pamamagitan ay hindi ukol lamang sa Propeta natin subalit siya ang mangunguna
roon. Pagkatapos niya, ang mga propeta, ang mga anghel, ang mga matuwid, at ang
mga martir ay mamamagitan din.
6.
Ang Pamamagitan para sa ilang pangkat upang
pumasok sila sa Paraiso nang walang pagtutuos.
7.
Ang Pamamagitan para sa
pagpapagaan ng pagdurusa ng ilan sa mga Káfir. Ito ay ukol lamang sa Propeta
natin
(SAS)
alang-alang sa tiyuhin niyang si Abú Tálib upang pagaanin ang
pagdurusa nito. Pagkatapos ay magpapalabas si Allah mula sa Apoy dahil sa awa
Niya ng ilang pangkat ng mga taong namatay sa paniniwalang Tawhíd nang walang
Pamamagitan ng isa man. Walang makabibilang sa kanila kundi si Allah at
papapasukin Niya sila sa Paraiso dahil sa awa Niya.
17. Ipinahihintulot ba ang pagpapatulong o ang paghiling ng Pamamagitan
74
mula sa mga taong buhay?
Oo, ipinahihintulot at nag-uudyok ang Islam sa
pagtulong sa iba sapagkat nagsabi nga si Allah:
Magtulungan kayo sa kabutihan at
pangingilag sa pagkakasala,
1
at nagsabi naman ang Sugo
(SAS)
:
Si Allah ay nasa
pagtulong sa tao kapag ang tao ay nasa pagtulong ng kapwa niya.
Isinalaysay ito ni
Imám Muslim
. Tungkol naman sa Pamamagitan, ang kabutihan nito ay malaki. Ito ay
nangangahulugang pagpapagitna. Nagsabi ang Sugo:
Ang sinumang namagitan ng
isang magandang pamamagitan ay magkakaroon siya ng isang bahagi [ng
gantimpala] mula roon.
Nagsabi pa ang Sugo:
Mamagitan kayo, gagantimpalaan
kayo.
Isinalaysay ito ni Imám alBukháríy
.
Ang lahat ng iyon ay alinsunod sa mga
sumusunod na kundisyon:
1.
na ito ay mula sa taong buhay sapagkat ang patay ay
hindi nakakakayang magdulot ng kapakinabangan sa sarili kaya papaanong
makapagdudulot iyon ng kapakinabangan sa iba?
2.
na nauunawaan nito ang sinasabi
sa kanya;
3.
na ang hinihilingan ay kausap mismo;
4.
na ang Pamamagitang ito ay sa
anumang makakaya;
5.
na ito ay kaugnay sa mga baga-bagay sa Mundo;
6.
na ito ay
sa ipinahihintulot na bagay na walang pinsalang dulot.
18. Ilan ang mga bahagi ng tawassul
2
?
Dalawa. Una: Ang ipinahihintulot at ito
ay tatlong uri:
1.
Ang pagsusumamo kay Allah sa pamamagitan ng mga pangalan
Niya at mga katangian Niya.
2.
Ang pagsusumamo kay Allah sa pamamagitan ng
ilan sa mga nagawang matuwid gaya ng nasaad sa kuwento ng tatlong tao na
nakulong sa yungib.
3.
Ang pagsusumamo kay Allah sa pamamagitan ng
panalangin ng matuwid na buhay na Muslim na kapiling mismo na inaaasahang
tutugunin ang panalangin nito.
Ikalawa: Ang ipinagbabawal at ito ay dalawang uri: 1.
Na hihiling kay Allah sa
pamamagitan ng kabunyian ng Propeta
(SAS)
o ng isang walíy
3
gaya ng pagsabi ng:
O Allah, tunay na ako ay humihiling sa Iyo sa pamamagitan ng kabunyian ng
Propeta Mo, o kabunyian ni Husayn, halimbawa. Tama na ang kabunyian ng
Propeta
(SAS)
ay sukdulan sa ganang kay Allah at gayon din ang kabunyian ng mga
matuwid. Subalit ang mga Sahábíy, bagamat sila ang pinakamasigasig sa mga tao
sa kabutihan, noong nagkaroon ng tagtuyot ay hindi nagsusumamo sa pamamagitan
ng kabunyian ng Propeta
(SAS)
samantalang ang libingan ng Propeta ay nariyan
lamang sa gitna nila. Nagsumamo na lamang sila sa pamamagitan ng panalangin ng
tiyuhin ng Propeta na si ‘Abbás
(RA)
.
2.
Na hihiling ang tao sa Panginoon nito ng pangangailangan nito habang sumusumpa
sa Propeta Niya
(SAS)
o sa inaakalang walíy Niya gaya ng pagsabi ng: O Allah, tunay
na ako ay humihiling sa iyo ng ganito sumpa man sa walíy Mo na si Polano o sumpa
man sa karapatan ng propeta Mo na si Polano. Ipinagbabawal ito ay dahil sa ang
1
Qur’an 5:2.
2
Ang tawassul ay ang pagsusumamo na gawin o ibigay ang isang bagay sa pamamagitan ng
paggamit ng kaparaanang ikapagpapalapit-loob sa pinagsusumamuhan.
3
Ang walíy, sa literal na kahulugan ay katangkilik o tinangkilik ni Allah. Siya ay taong banal at
malapit kay Allah. Siya ay maaaring makagawa ng mga himala at mga kababalaghan. Subalit wala
talagang nakaalam kung ang isang tao ay walíy bukod pa kay Allah. Kung ituring ng ilang Muslim
ang inaakala nilang walíy ay halos gaya ng turing ng mga Katoliko sa santo nila. Hindi ito
ipinahihintulot sa Islam.
Dostları ilə paylaş: |