92
“Ang mga diyus-diyusan na nasa mga tao ni Noe noon ay naging nasa mga Arabe
pagkatapos. Si Wadd ay naging [diyus-diyusan] sa liping Kalb sa Dúmatuljandal.
Si Suwá‘ naman ay naging [diyus-diyusan] sa liping Hudhayl. Si Yaghúth naman
ay naging [diyus-diyusan] sa liping Murád at pagkatapos sa angkan ng Ghutayf sa
malapit sa Saba’. Si Ya‘úq naman ay naging [diyus-diyusan] sa liping Hamdán. Si
Nasr naman ay naging [diyus-diyusan] sa mag-anak ni Dhulkalá‘. [Ang mga ito ay]
mga pangalan ng mga matuwid na lalaking kabilang sa mga tao ni Noe, ngunit
noong namatay sila ay nag-udyok ang Demonyo sa mga tao ni Noe na gumawa ng
mga rebulto sa mga pinagtitipunan nila na inuupuan nila noon at tawagin ang mga
ito sa mga pangalan nila. Ginawa ng mga iyon ngunit hindi sila sinamba hanggang
sa noong namatay ang mga iyon at naglaho ang kaalaman ay saka sila sinamba.”
Isinalaysay ito ni Imám alBukháríy
.
‘Abdunnabí_:__Ito_ay_isang_pambihirang_pananalita._‘Abdulláh'>‘Abdunnabí:
Ito ay isang pambihirang pananalita.
‘Abdulláh:
Hayaan mong banggitin ko sa iyo ang higit na pambihira kaysa riyan.
Nalalaman mo na ang pangwakas sa mga Propeta ay ang pinuno natin na si
Muhammad
(SAS)
. Isinugo siya ni Allah sa mga taong humihingi ng tawad,
sumasamba, nagsasagawa ng tawáf, nagsasagawa ng sa‘iy, nagsasagawa ng hajj, at
nakakawanggawa. Subalit sila ay gumagawa sa ilan sa mga nilikha bilang mga
tagapagitna sa pagitan nila at ni Allah. Sinasabi nila: “Ninanais namin sa kanila ang
mapalapit-loob kay Allah at ninanais namin ang pamamagitan nila sa Kanya, gaya
ng sa mga anghel, kay Jesus, at iba pang mga taong kabilang sa mga matuwid.”
Kaya ipinadala ni Allah si Muhammad
(SAS)
na nagpapanumbalik para sa kanila sa
relihiyon ng ninuno nilang si Abraham
(AS)
at nagpapabatid sa kanila na ang
pagpapakalapit-loob at ang paniniwalang ito ay karapatang tanging kay Allah at
hindi naaangkop ang anuman dito sa iba pa sa Kanya sapagkat Siya ang
Tagapaglikha lamang: wala Siyang katambal, walang tagapagtustos kundi Siya.
Ang pitong langit at ang sinumang nasa mga ito at ang pitong lupa at ang sinumang
nasa mga ito, lahat sila ay mga alipin Niya at nasa ilalim ng pamamalakad Niya at
pangingibabaw Niya. Bagkus pati na ang mga diyos na sinasamba nila ay kinkilala
nila na nasa ilalim ng paghahari Niya at pamamalakad Niya.
‘Abdunnabí:
Ito ay isang pananalitang maselan at pambihira, kaya mayroon bang
patunay rito?
‘Abdulláh:
Ang mga patunay ay marami. Kabilang dito ang sabi ni Allah: Sabihin
mo:
“Sino ang nagtutustos sa inyo mula sa langit at lupa? O sino ang
nagmamay-ari ng pandinig at mga paningin? Sino ang nagpapaluwal ng
buhay mula sa patay at ang nagpapaluwal ng patay mula sa buhay? Sino ang
nangangasiwa sa kapakanan?” at magsasabi sila na si Allah. Kaya sabihin mo:
“Kaya hindi pa ba kayo mangingilag magkasala?”
1
at ang sabi pa Niya: Sabihin
mo:
“Kanino ang lupa at ang sinumang narito kung kayo ay nakaaalam.”
Sasabihin nila: “Kay Allah.” Sabihin mo: “Kaya hindi ba kayo
1
Qur’an 10:31.
93
magpapaalala?” Sabihn mo: “Sino ang Panginoon ng pitong langit at ang
Panginoon ng dakilang trono? Sasabihin nila: “Si Allah.” Sabihin mo: “Kaya
hindi ba kayo mangingilag magkasala?” Sabihin mo: “Sino siyang nasa kamay
niya ang paghahari sa bawat bagay at siya na kumakalinga ngunit hindi siya
kinakalinga kung talagang nalalaman ninyo?” Sasabihin nila: “Si Allah.”
Sabihin mo: “Kaya naman bakit pa kayo napaglalanganan?”
1
Ang mga
Mushsrik noon ay sumasambit ng talbiyah sa hajj sa pamamagitan ng pagsabi nila
ng
Labbayka -lláhumma labbayka labbayaka lá sharíka laka illá sharíkan huwa
laka tamlikuhu wa má malak.
2
Ang pagkilala ng mga Mushrik ng liping Quraysh
na si Allah ay ang namamalakad ng sansinukob o ang tinatawag ng Tawhíd
arRubúbíyah ay hindi nagpapasok sa kanila sa Islam. Ang pagdulog nila sa mga
anghel o mga propeta o mga matuwid na tao sa pagnanais nila ng pamamagitan ng
mga ito at pagpapakalapit-loob kay Allah dahil doon ay siyang nagkait sa
pangangalaga sa mga buhay nila at mga ari-arian. Dahil dito, kinakailangang ang
panalangin ay ibaling lahat kay Allah, ang panata ay ibaling lahat kay Allah, ang
pag-aalay ay ibaling lahat kay Alah, ang pagpapatulong
3
ay ibaling lahat kay Allah.
Ang lahat ng pagsamba ay ibabaling lahat kay Allah.
‘Abdunnabí:
Kapag ang Tawhíd ay hindi lamang ang pagkilala sa kairalan ni Allah
at pamamalakad Niya sa sansinukob gaya ng sinasabi mo, kung gayon ay ano ito?
‘Abdulláh:
Ang Tawhíd na isinugo alang-alang doon ang mga sugo at tinanggihan
ng mga Mushrik ang pagkilala roon ay ang pagbubukod-tangi kay Allah sa
pagsamba. Kaya hindi ibabaling ang anuman sa mga uri ng pagsamba sa iba pa sa
Kanya, gaya ng panalangin, pamamanata, pag-aalay, pagpapasaklolo,
4
at iba pa.
Ang Tawhíd na ito ang kahulugan ng sabi mo na walang Diyos kundi si Allah. Ang
Diyos para sa mga Mushrik ng liping Quraysh ay ang nilalayon ng mga
pagsambang ito, maging ito man ay anghel, o propeta, o walíy, o punong-kahoy, o
puntod, o jinn,. Hindi nila tinutukoy ang Diyos ay ang Tagapaglikha, ang
Tagapagtustos, at ang Tagapangasiwa sapagkat tunay na sila ay nakaaalam na iyon
ay kay Allah lamang gaya ng naunang nabanggit. Pumunta sa kanila ang Propeta na
nag-aanyaya sa Adhikaing ng Tawhíd: Walang Diyos kundi si Allah, at sa
pagpapatupad sa kahulugan nito hindi si pagbigkas lamang nito.
‘Abdunnabí:
Para bagang ninanais mong sabihin na ang ma Mushrik ng liping
Quraysh ay higit na maalam sa kahulugan ng adhikaing Walang Diyos kundi si
Allah kaysa sa marami sa mga Muslim sa panahon natin.
‘Abdulláh:
Oo. Ito ang nakasasasakit na reyalidad. Tunay na ang mga mangmang
na Káfir ay nakaaalam na ang tinutukoy ng Propeta sa adhikaing ito ay ang
pagbubukod-tangi kay Allah sa pagsamba, ang pagtangging sumampalataya sa
anumang sinasamba bukod pa kay Allah, at ang pagpapawalang-kaugnayan doon
1
Qur’an 23:84-89.
2
Bilang pagtugon sa Iyo, o Allah, bilang pagtugon sa Iyo, bilang pagtugon sa Iyo. Wala kang katambal
maliban sa katambal na ukol sa Iyo, na minamay-ari Mo siya at at ang anumang minay-ari niya.
3
Sa anumang walang makatutulong kundi si Allah. Hindi masamang magpatulong sa tao kung kaya nito.
4
Sa anumang walang makasasaklolo kundi si Allah. Hindi masamang magpasaklolo sa tao kung kaya nito.
Dostları ilə paylaş: |