98
‘Abdunnabí_:__Ang_Shirk_kay_Allah_ay_ang_pagsamba_sa_mga_diyus-diyusan,_ang_pagbaling_sa_mga_ito,_ang_paghiling_sa_mga_ito,_at_ang_takot_sa_mga_ito._‘Abdulláh'>‘Abdunnabí_:__Oo;_kinikilala_ko_ito._Ito_ay_maliwanag_sa_pananalita_ni_Allah._‘Abdulláh'>‘Abdunnabí_:__Subalit_ako_ay_hindi_nagtatambal_kay_Allah_ng_anuman_at_ang_pagdulog_sa_mga_matuwid_na_tao_ay_hindi_isang_shirk._‘Abdulláh'>‘Abdunnabí:
Subalit ako ay hindi nagtatambal kay Allah ng anuman at ang
pagdulog sa mga matuwid na tao ay hindi isang shirk.
‘Abdulláh:
Inaamin mo ba at kinikilala na si Allah ay nagbawal sa Shirk nang higit
na sukdulan kaysa sa pagbabawal sa pangangalunya, at na si Allah ay hindi
magpapatawad nito.
1
‘Abdunnabí:
Oo; kinikilala ko ito. Ito ay maliwanag sa pananalita ni Allah.
‘Abdulláh:
Ikaw ngayon ay nagkaila para sa sarili mo ng shirk na ipinagbawal ni
Allah. Kaya maaari ba, sumpa man kay Allah sa iyo, na linawin mo sa akin kung
ano ang Shirk kay Allah na hindi ka nasadlak doon at ikinaila mo para sa sarili mo?
‘Abdunnabí:
Ang Shirk kay Allah ay ang pagsamba sa mga diyus-diyusan, ang
pagbaling sa mga ito, ang paghiling sa mga ito, at ang takot sa mga ito.
‘Abdulláh:
Ano ang kahulugan ng pagsamba sa mga diyus-diyusan? Inaakala mo
ba na ang mga Káfir ng liping Quraysh ay naniniwala na itong mga [rebultong]
kahoy at mga [rebultong] bato ay lumilikha, nagtutustos, at nangangasiwa sa
kapakanan ng sinumang dumalangin sa mga ito? Sila ay naniniwala ng gayon gaya
ng nabanggit ko sa iyo.
‘Abdunnabí:
At ako ay hindi rin naniniwala ng gayon. Tunay na ang sinumang
nagsadya sa isang kahoy o isang bato o isang estruktura sa ibabaw ng puntod o iba
pa, dumadalangin doon, nag-aalay para roon, at nagsasabing: “Tunay na iyon ay
nagpapalapit sa amin kay Allah nang pagkalapit-lapit at nagsasanggalang si Allah sa
amin sa pamamagitan nito,” ito ay pagsamba sa mga diyus-diyusan na tinutukoy ko.
‘Abdulláh:
Totoo ang sinabi mo. Subalit ito ang gawain ninyo sa tabi ng mga bato,
mga estruktura, mga mauseleo na nasa ibabaw ng mga puntod, at iba pa. Ang sabi
mo rin na ang Shirk ay ang pagsamba sa mga diyus-diyusan, ang nais mo bang
sabihin ay na ang Shirk ay natatangi sa sinumang gumawa niyon lamang? Na ang
pag-asa sa mga [patay na] matuwid at ang pagdalangin sa kanila ay hindi
nagpapapasok sa tinatawag na Shirk?
‘Abdunnabí:
Oo; ito ang nais kong sabihin.
‘Abdulláh:
Kung gayon, saan ka lalagay sa maraming áyah na binanggit ni Allah
sa mga ito ang pagbabawal sa pag-asa sa [patay na] mga propeta at mga matuwid
na tao at sa pagkahumaling sa mga anghel at iba pa, at ang kawalang-
pananampalataya ng sinumang gumawa niyon, gaya ng nauna mong nabanggit at
nagbigay-patunay ka pa roon?
‘Abdunnabí:
Subalit ang mga dumalangin sa mga anghel at mga propeta ay hindi
naging mga Káfir sa kadahilanang ito, bagkus ay naging mga Káfir sila noong
sinabi nila na ang mga anghel ay mga anak na babae ni Allah at ang Kristo ay anak
ni Allah. Kami ay hindi nagsabing si ‘Abdulqádir ay anak ni Allah ni si Zaynab ay
anak na babae ni Allah.
‘Abdulláh:
Tungkol sa pag-uugnay ng anak kay Allah, ito ay isang kawalang-
pananampalatayang hiwalay [sa tinatalakay]. Nagsabi si Allah:
Sabihin mo: “Siya,
1
Kung hindi ihiningi ng tawad bago namatay. Ang lahat ng kasalanan ay mapatatawad ni Allah
kahit hindi ihiningi ng tawad, maliban sa Shirk.
99
si Allah, ay Iisa.
1
Si Allah ay ang Dulugan sa pangangailangan. Hindi Siya
nagkaanak at hindi Siya ipinanganak,”
2
Ang sinumang nagkaila nito ay naging
Káfir na, kahit pa man hindi niya ikinaila ang huling bahagi ng Súrah na ito.
Nagsabi si Allah, pagkataas-taas Niya:
Hindi gumawa si Allah ng anumang
anak. Hindi nangyaring may kasama Siya na anumang diyos. Kung
nagkagayon ay talagang dinala na sana ng bawat diyos ang nilikha nito at
talagang nangibabaw na sana ang ilan sa kanila sa iba.
3
Samakatuwid ay pinag-
iba Niya ang dalawang kawalang-pananampalataya. Ang patunay rito rin ay na ang
mga naging mga Káfir dahil sa pagdalangin kay Allát gayong siya ay isang lalaking
matuwid ay hindi gumawa sa kanya bilang anak ni Allah. Ang mga naging mga
Káfir dahil sa pagsamba sa mga jinn ay hindi gumawa sa mga ito bilang gayon.
Gayon din ang apat na madhhab na bumabanggit sa isang kabanata tungkol sa hatol
sa tumiwalag sa Islam na ang Muslim, kapag nag-akala siya na si Allah ay may
anak, siya ay isang tiwalag; na kung siya ay nagtambal kay Allah, siya ay isang
tiwalag. Kaya nga pinag-iiba nila ang dalawang uri.
‘Abdunnabí:
Subalit si Allah ay nagsasabi:
Pakatandaan, tunay na ang mga
katangkilik ni Allah ay walang pangamba sa kanila at hindi sila
malulungkot:
4
‘Abdulláh:
Tayo ay sumasampalataya na ito ang katotohanan at pinaniniwalaan
natin ito suabalit hindi sila sasambahin. Tayo ay walang tinatanggihan kundi ang
pagsamba sa kanila kasama kay Allah at ang pagtatambal sa kanila sa Kanya. Ang
isinasatungkulin sa iyo ay ang ibigin sila, ang sundin sila, at ang kilalanin ang mga
himala nila. Walang nagkakaila sa mga himala ng mga walíy ni Allah kundi ang
mga kampon ng bid‘ah. Ang Relihiyon ni Allah ay panggitna sa pagitan ng
dalawang dulo, patnubay sa pagitan ng dalawang pagkaligaw, at katotohanan sa
pagitan ng dalawang kabulaanan.
‘Abdunnabí:
Ang mga taong ibinaba dahil sa kanila ang Qur’an ay hindi
sumasaksi na walang Diyos kundi si Allah, nagpapasinungaling sa Sugo ni Allah
(SAS)
, nagkakaila sa pagkabuhay, nagpapasinungaling sa Qur’an, at nagtuturing dito
na isang panggagaway. Kami ay sumasaksi na walang Diyos kundi si Allah at na si
Muhammad ay Sugo ni Allah. Naniniwala kami sa Qur’an. Sumasampalataya kami
sa pagkabuhay. Nagdarasal kami at nag-aayuno kami. Kaya papaano ninyo kaming
ituturing na tulad ng mga iyon?
‘Abdulláh:
Subalit walang salungatan sa pagitan ng mga maalam sa Islam, lahat sila,
na ang tao kapag naniwala kay Muhammad
(SAS)
sa isang bagay at nagpasinungaling
sa kanya sa isang bagay, siya ay isang Káfir na hindi napabibilang sa Islam. Gayon
din kung naniwala siya sa isang bahagi ng Qur’an at nagkaila sa iba pang bahagi nito,
gaya ng isang kumilala sa Tawhíd at nagkakaila sa saláh, o kumilala sa Tawhid at
1
O Siya, si Allah, ay isa; O Siya ay si Allah, isa.
2
Qur’an 112:1-4.
3
Qur’an 23:19.
4
Qur’an 10:62.
Dostları ilə paylaş: |