100
saláh ngunit nagkakaila sa pagka-obligado ng zakáh, o kumilala sa lahat ng ito ngunit
nagkakaila sa pag-aayuno, o kumilala sa lahat ng ito ngunit nagkakaila sa pagka-
obligado ng hajj. Noong hindi sumunod ang ilang tao noong panahon ng Propeta
(SAS)
sa pagsasagawa ng hajj ay nagbaba si Allah ng áyah patungkol sa kanila:
Kay Allah
ay may tungkulin ang mga tao na magsagawa ng Hajj sa Bahay: ang sinumang
makakakayang
makarating
doon.
Ang
sinumang
tumangging
sumasampalataya, tunay na si Allah ay di-nangangailangan sa mga Nilalalang.
1
Kung ikinaila niya ang pagkabuhay na muli, naging Káfir siya ayon sa ijmá‘.
2
Dahil
doon, ipinahayag ni Allah sa Aklat Niya na ang sinumang sumampalataya sa isang
bahagi ng Qur’an at tumangging sumampalataya sa iba pang bahagi nito, siya Káfir
sa totoo. Ipinag-utos niya na tanggapin ang Islam nang buo. Ang sinumang
tumanggap ng isang bahagi at nag-isang sa isang bahagi ay naging Káfir nga. Kaya
ikaw ba ay kumikilala na ang sinumang sumampalataya sa isang bahagi at nag-iwan
sa isang bahagi ay naging Káfir?
‘Abdunnabí:
Oo; kinikilala ko iyon. Ito ay maliwanag sa Marangal na Qur’an.
‘Abdulláh:
Kaya kapag ikaw ay kumikilala na ang sinumang naniniwala sa Sugo
(SAS)
sa isang bagay at nagkaila sa pagka-obligado ng saláh, o kumilala sa lahat ng bagay
maliban sa pagkabuhay na muli, siya ay isang Káfir ayon sa ijmá‘ ng mga madhhab.
Binigkas nga ng Qur’an ito gaya nang naunang nabanggit. Kaya alamin mo na ang
Tawhíd ay pinakadakilang tungkulin na inihatid ng Propeta
(SAS)
. Ito ay mas dakila
kaysa sa saláh, zakáh, at hajj. Kaya papaano na kapag nagkaila ang tao ng isa sa mga
bagay na ito? Magiging Káfir siya, kahit pa man nagsagawa siya ng lahat ng inihatid
ng Sugo
(SAS)
. Kapag ikinaila niya ang Tawhíd na paniniwala ng lahat ng sugo ay hindi
siya nagiging Káfir? Subhána -lláh! Kay bihira ng kamangmangang ito! Bukod pa
riyan, pagnilay-nilayan mo ang mga Kasamahan ng Sugo ni Allah
(SAS)
noong
nakipaglaban sila sa angkan ni Hanífah sa Yamámah. Yumakap sa Islam ang mga ito
sa harap ng Propeta
(SAS)
. Sila ay sumasaksi na walang Diyos kundi si Allah at na si
Muhammad ay Sugo ni Allah, nagdarasal, nagsasagawa ng adhán.
3
‘Abdunnabí:
Subalit sila ay sumasaksi na si Musaylamah ay isang propeta raw
samantalang kami ay nagsasabing wala nang propeta pagkatapos ni Muhammad
(SAS)
.
‘Abdulláh:
Subalit kayo ay nag-aangat sa ilan sa mga matuwid na gaya ng mga
propeta, o mga anghel, o mga Sahábíy, o iba pa sa kanila, sa antas ng superhuman
sa mga langit at lupa. Kapag ang isang nag-angat sa isang tao sa antas ng Propeta
(SAS)
ay naging Káfir, napagkaitan ng pangangalaga ng Islam ang buhay niya at ang
ari-arian niya, at hindi makapagdudulot sa kanya ng pakinabang ang shahádatán at
ang saláh, ang sinumang nag-angat sa isang tao sa antas ni Allah ay masahol pa.
Gayon din ang mga sinunog ni ‘Alíy
(RA)
sa apoy, lahat sila ay nag-aangkin ng
pagkaanib sa Islam. Sila ay mga kasamahan ni ‘Alíy. Natuto sila ng kaalaman mula
sa mga Sahábíy. Subalit may pinaniwalaan sila kay ‘Alíy na tulad ng paniniwala
1
Qur’an 3:97.
2
Nagkaisang pahayag o paniniwala ng Kalipunang Islam.
3
Kinalaban sila ng mga Sahábíy dahil sa pagkampi nila sa huwad na propetang si Musaylamah.
101
ninyo kay ‘Abdulqádir at iba pa sa kanya.
1
Papaanong nagkaisa ang mga Sahábíy
sa pagkalaban sa kanila at pagkawalang-pananampalataya nila? Inaakala mo ba na
ang mga Sahábíy ay nagpararatang ng pagka-Káfir sa mga Muslim? O inaakala mo
na ang paniniwala sa Sayyid at mga tulad niya ay hindi nakapipinsala at ang
paniniwala kay ‘Alíy
(RA)
ay ikapagiging Káfir?
Masasabi rin:
Kapag ang mga sinauna ay hindi itinuring na Káfir malibang dahil
ipinagsama nila ang Shirk, ang pagpapasinungaling sa Sugo
(SAS)
at sa Qur’an, ang
pagkakaila sa pagkabuhay na muli, at iba pa roon, ano ang kahulugan ng kabanata na
binanggit ng mga maalam sa Islam sa bawat madhhab: Kabanata sa Hatol sa Tiwalag,
at ito ay ang Muslim na naging Káfir matapos ng pagkaanib niya sa Islam. Bumanggit
sila ng maraming bagay. Bawat uri sa mga ito ay nagpapalabas sa Islam sa
nakagagawa niyon. Hanggang sa sila ay bumanggit pa ng mga bagay na maliit para sa
gumagawa niyon, gaya ng isang pananalita tungkol sa pagkagalit kay Allah na
binibanggit ng dila na wala naman sa puso, o binabanggit niya bilang pagbibiro at
paglalaro. Gayon din ang mga taong nagsabi si Allah patungkol sa kanila:
“Kay
Allah, sa mga Tanda Niya, at sa Sugo Niya ba kayo nangungutya?” Huwag na
kayong magdahilan pa; tumanggi na kayong sumampalataya matapos ang
pagsampalataya ninyo.
2
Ang mga ito na ipinahayag ni Allah na sila ay naging Káfir
matapos ang pagsampalataya nila at sila ay kasama ng Sugo Niya sa paglusob sa
Tabúk ay nagsabi ng isang salitang nabanggit nila na sila ay nagsabi niyon bilang
pagbibiro.
Masasabi rin:
Ang isinalaysay ni Allah tungkol sa mga anak ni Israel sa kabila ng
pagkayakap nila sa Islam,
3
kaalaman nila, at pagkamatuwid nila, sila ay
nakapagsabi kay Moises:
gumawa ka para sa amin ng isang diyos.
4
Gayon din
ang sabi ng ilang taong kabilang sa mga Kasamahan ng Propeta
(SAS)
: “Gumawa ka
para sa amin ng Dhátu Anwát.
5
” Kaya sumumpa ang Propeta
(SAS)
na ito tulad ng
sinabi ng mga anak ni Israel:
gumawa ka para sa amin ng isang diyos gaya ng
pagkakaroon nila ng mga diyos.
6
‘Abdunnabí:
Subalit ang mga anak ni Israel at ang mga humiling sa Propeta
(SAS)
na
gumawa siya para sa kanila ng Dhátu Anwát ay hindi naging mga Káfir dahil doon.
‘Abdulláh:
Ang sagot doon ay na ang mga anak ni Israel at ang mga humiling sa
Propeta ay hindi gumawa niyon. Kung sakaling ginawa nila iyon ay talagang
naging Káfir na sana sila.
1
May mga mangmang na niniwala na si ‘Abdulqádir ay may mala-Diyos na kapangyarihan. Ang
mga sinunog ni ‘Alíy (RA) ay naniniwalang siya ay Diyos.
2
Qur’an 9:65-66.
3
Islam ng panahon ni Moises. Ang relihiyong hatid ng lahat ng mga propeta ay Islam. Ang Islam na
kilala ngayon ay ang kalubusan ng Islam, na inihatid naman ni Propeta Muhammad (SAS).
4
Qur’an 7:138.
5
Ang literal na kahulugan ng Dhátu Anwát ay May Nakasabit. Isa itong punongkahoy na may
nakasabit na mga sandata. Isinasabit dito ng mga Mushrik ang mga sandata nila bilang
pagpapabiyaya. Dahil bago pa sa Islam ang ilan sa mga Sahábíy ay hiniling nila sa Sugo (SAS) na
gawan din sila ng Dhátu Anwát nila, na ikinagalit naman ng Sugo (SAS).
6
Qur’an 7:138.
Dostları ilə paylaş: |