104
matindi ang lakas,
1
Kaya kung sakaling pinahinutlutan siya ni Allah na kunin ang
apoy na susunog kay Abraham at ang anumang nakapalibot dito na lupa at mga
bundok at itatapon niya ang mga ito sa silangan o kanluran ay talagang hindi
makapagpapahina sa kanya iyon. Ito ay gaya ng isang taong mayaman na nag-alok
sa isang nangangailangan na pauutangin niya ito ng pera upang ipantugon sa
pangangailangan nito ngunit tumanggi naman ito hanggang sa naghatid si Allah
rito ng panustos na walang maisusumbat doon ang isa man. Paano mong
ihahambing ito sa pagpapasaklolo na pagsamba at Shirk na ginagawa mo ngayon?
Dapat mong malaman kapatid na ang mga sinanaunang mga tao na ipanadala sa
kanila si Propeta Muhammad ay higit na magaan sa Shirk kaysa sa mga tao sa
panahon natin dahil sa tatlong kadahilanan:
1.
Ang mga sinaunang tao ay nagtatambal lamang kay Allah sa iba pa sa Kanya sa
panahon ng kaginhawahan. Sa panahon ng kagipitan ay nagpapakawagas sila sa
pagsamba kay Allah ayon sa patunay ng sinabi ni Allah:
Kapag nakasakay sila sa
sasakyang-dagat ay dumadalangin sila kay Allah bilang mga nagpapakawagas
sa Kanya sa pagtalima; subalit noong naihatid na Niya sila nang ligtas sa
katihan, walang-anu-ano sila ay nagtatambal sa Kanya
2
at ng sinabi pa Niya:
Kapag nilukob sila ng mga alon na gaya ng mga anino ay dumadalangin sila
kay Allah bilang mga nagpapakawagas sa Kanya sa pagtalima. Ngunit noong
nailigtas Niya sila patungo sa katihan ay mayroon sa kanila na katamtaman sa
pagpapasalamat. Walang nagkakaila sa mga tanda Namin kundi ang bawat
palasira sa pangako na walang utang na loob.
3
Samakatuwid ang mga Mushrik
na nakalaban ng Propeta
(SAS)
ay dumadalangin kay Allah at dumadalangin sa iba sa
Kanya sa panahong ng kaginhawahan ngunit sa panahon ng kagipitan ay wala
silang dinadalanginan kundi si Allah lamang at kinakalimutan nila ang mga poon
nila. Ang mga Mushrik naman sa panahon natin ay tunay na sila ay dumadalangin
sa iba pa kay Allah sa panahong ng kaginhawahan at kagipitan. Kapag nagipit ang
isa sa kanila ay magsasabi ito: “O Sugo ni Allah, o Husayn,” at iba pa. Subalit
nasaan ang nakauunawa niyon?
2.
Ang mga sinauna ay dumadalangin kasama kay Allah sa mga malapit kay Allah, na
maaaring isang propeta, o isang walíy, o isang anghel, o kahit papaano ay isang bato o
isang punong-kahoy na likas na tumatalima kay Allah at hindi sumusuway sa Kanya.
Ang mga tao naman sa panahon natin ay dumadalangin sa mga tao na kabilang sa
pinakasuwail sa mga tao. Ang naniniwala sa matuwid na tao o sa isang hindi
sumusuway gaya ng bato at punong-kahoy ay higit na magaan sa sa kasalanan kaysa
sa isang naniniwala sa isang nasasaksihan ang kasuwailan nito at katiwalian nito.
3.
Ang kabuuan ng mga Mushrik sa panahon ng Propeta
(SAS)
, ang Shirk nila ay sa
Tawhíd al’Ulúhíyah at hindi sa Tawhíd arRubúbíyah, taliwas sa Shirk ng mga
1
Qur’an 53:5. Ang ibig sabihin ng áyah na ito ay: Tinuruan si Propeta Muhammad (SAS) ni Anghel
Gabriel na matindi ang lakas.
2
Qur’an 29:65.
3
Qur’an 31:32.
105
makabago sapagkat ang Shirk sa mga ito ay nagaganap sa kadalasan sa Tawhíd
arRubúbíyah kung papaanong ito ay nagaganap sa Tawhíd al’Ulúhíyah rin.
Itinuturing nila ang kalikasan, halimbawa, na siyang tagapangasiwa sa sansinukob
sa pagbibibagay-buhay at pagbibigay-kamatayan.
Marahil ay wawakasan ko ang aking pananalita sa pagbanggit ng isang dakilang
usapin na mauunawaan mo mula sa nauna nang nabanggit. Walang salungtan na
ang Tawhíd ay kailangang sa pamamagitan ng paniniwala ng puso, pagsasalita ng
dila, at paggawa ng mga kadahilanan sa pamamagitan ng pagkilos ng mga bahagi
ng katawan. Kaya kung may nasirang anuman mula rito, ang tao ay hindi magiging
isang Muslim. Kung nalaman niya ang Tawhíd at hindi niya isinagawa, siya ay
isang Káfir na nagmamatigas gaya ng Paraon at ni Iblís. Nagkakamali rito ang
marami sa mga tao at sinasabi nila: Ito ay totoo subalit hindi natin makakayang
gawin ito, hindi ipinahihintulot sa mga mamamayan ng bayan namin at mga kalahi
namin. Kailangang makiayon sa kanila at maglangis sa kanila dahil
pinangangambahan ang masamang magagawa nila. Hindi alam ng pobre na ang
karamihan sa mga ulo ng kawalang pananampalataya ay nakaaalam sa katotohanan
at iniwan nila ito dahil lamang sa isa sa mga dahilan, gaya ng sinabi ni Allah:
Ipinagpalit nila ang mga Tanda ni Allah sa isang kakaunting halaga at
humadlang sila sa landas Niya. Tunay na sila ay masama ang kanilang
ginagawa noon.
1
Ang sinumang nagsasagawa sa Tawhíd sa panlabas na gawain
ngunit hindi niya ito nauunawaan at hindi niya ito pinaniniwalaan sa puso niya,
siya ay isang Munáfiq. Siya ay masahol pa sa purong Káfir dahil sa sabi ni Allah:
Tunay na ang mga nagkukunwaring sumasampalataya ay malalagay sa
pinakamababang palapag ng Apoy, at hindi ka makatatagpo para sa kanila ng
isang tagaadya,
2
Ang usaping ito ay lilinaw sa iyo nang maliwanag kapag
nagmuni-muni ka sa binibitawan ng mga dila ng mga tao. Makikita mo ang
nakaaalam sa katotohanan at umaayaw sa paggawa ayon dito dahil sa pangamba sa
kabawasan ng makamundong tinatamasa niya gaya ni Qárún, o ng kabunyian niya
gaya ni Hámán, o ng paghahari niya gaya ng Paraon. Makikita mo rin ang
gumagawa ayon sa katotohanan sa panlabas hindi sa panloob gaya ng mga Munáfiq
kaya kapag tinanong mo siya tungkol sa pinaniniwalaan niya sa puso niya ay
nakagugulat na siya ay hindi nakaaalam.
Subalit may kailangan kang maunawaan na dalawang áyah mula sa Aklat ni
Allah:
Ang unang áyah:
Ang nauna nang nabanggit, ang sinabi Niya:
Huwag na kayong
magdahilan pa; tumanggi na kayong sumampalataya matapos ang
pagsampalataya ninyo.
3
Kapag nalaman mo na ang ilan sa mga lumusob sa
Silangang Roma kasama ng Sugo ni Allah
(SAS)
ay naging mga Káfir dahil sa isang
pananalitang sinabi nila nang patuya at pabiro ay lilinaw sa iyo na ang nagsasalita ng
1
Qur’an 9:9.
2
Qur’an 1:45.
3
Qur’an 9:65-66.
Dostları ilə paylaş: |