110
Naisalaysay mula sa salaysay ng isang Sahábíy na ang susi ng paraiso ay ang Lá
iláha illa -lláh subalit ang lahat ba ng nagsasabi nito ay karapat-dapat na pagbuksan
ng pinto ng Paraiso? Sinabi kay Wahab ibnu Munabbih
(RA)
: “Hindi ba’t ang Lá
iláha illa -lláh ay susi ng Paraiso?” Sinabi niya: “Siya nga. Sublit walang susi na
walang mga ngipin. Kaya kapag nagdala ka ng isang susi na may mga ngipin ay
mapagbubuksan ka at kung hindi ay hindi ka mapagbubuksan.”
May Nasaad ayon sa Prtopeta
(SAS)
na maraming Hadíth na nililinaw ng mga ito
sa kabuan ang mga ngipin ng susing ito gaya ng sabi niya:
Ang sinumang nagsabi
ng Lá iláha illa -lláh nang tapat...na nakatitiyak dito ang puso niya...nagsasabi
nito nang totoo mula sa puso niya
...at iba pa. Iniugnay niya ang mga Hadíth na ito
at iba pa sa pagpasok sa Paraiso alinsunod sa kaalaman sa kahulugan nito,
pananatili rito hanggang sa mamatay, sa pagpapakumbaba sa ipinahihiwatig nito, at
iba pa. Mula sa kabuuan ng mga patunay ay nakahulo ang mga maalam sa Islam ng
mga kundisyong kailangang matupad kaalinsabay ng paglaho ng mga
nakahahadlang sa katuparan nang sa gayon ang adhikaing Lá iláha illa -lláh ay
maging susi para sa Paraiso at makinabang ang nagtatalay nito. Ang mga
kundisyon na ito ay ang mga ngipin ng susi. Ang mga ito ay ang sumusunod:
Ang Kaalaman.
Yamang ang bawat pahayag ay may kahulugan, kinakailangan
na malaman mo ang kahulugan ng Lá iláha illa -lláh batay sa kaalamang
sumasalungat sa kamangmangan. Ito ay nagkakaila sa pagkadiyos ng iba pa kay
Allah at kumikilala nito para sa Kanya. Ang ibig sabihin ay walang sinasamba sa
katotohanan kundi si Allah.
Nagsabi si Allah: maliban sa mga sumaksi sa
katotohanan at sila ay nakaaalam sa katotohanan.
1
Nagsabi naman ang Sugo:
“
Ang sinumang namatay samantalang siya ay nakaaalam na walang Diyos
kundi si Allah, papasok siya sa Paraiso.
”
Isinalaysay ito ni Imám Muslim
.
Ang Katiyakan.
Ito ay nangangahulugang pakatitiyakin nang matibay
bibigkasin ang kahulugan nito sapagkat tunay na ito ay hindi tumatanggap ng
pagdududa, ni ng pagpapalagay, ni ng pag-aatubili, ni ng pag-aalinlangan. Bagkus
kinakailangan na ito ay nakabatay sa katiyakang matatag at matibay sapagkat
nagsabi si Allah sa paglalarawan sa mga mananampalataya:
Ang mga
sumasampalataya ay tanging ang mga naniwala kay Allah at sa Sugo Niya,
pagkatapos ay hindi sila nag-alinlangan at nakibaka sila sa pamamagitan ng
mga ari-arian nila at mga sarili nila sa landas ni Allah. Ang mga iyon ay ang
mga nagsasalita ng totoo.
2
Kaya hindi nakasasapat ang pagbigkas lamang nito.
Bagkos ay kailangang pakatiyakin ng puso sapagkat kung hindi ito nangyari, ito
ang lantay na pagkukunwaring sumampalataya. Nagsabi ang Sugo
(SAS)
:
“
Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allah at na ako ay Sugo ni Allah.
Kapag makikipagtagpo kay Allah ang isang tao taglay ang dalawang
[pagsaksing] ito samantalang hindi nagdududa sa dalawang ito, papasok siya sa
Paraiso.
”
Isinalaysay ito ni Imám Muslim
.
1
Qur’an 43:86.
2
Qur’an 49:15.
Ang Pagsaksi na Walang Diyos
Kundi si Allah
111
Ang Pagtanggap.
Kaya kapag nalaman mo at natiyak mo, nararapat na ang
kaalamang tiyak na ito ay may epekto. Iyon ay ang pagtanggap sa hinihiling ng
adhikaing ito sa puso at dila sapagkat ang sinumang tumanggi sa paanyaya ng
Tawhíd at hindi tumanggap dito, siya ay isang Káfir, walang pagkakaiba kung ang
pagtangging iyon ay dahil sa pagmamalaki, o pagmamatigas, o inggit. Nagsabi nga
si Allah tungkol sa mga Káfir na tumanggi rito dala ng pagmamalaki:
Tunay na
sila noon, kapag sinabi sa kanila na walang Diyos kundi si Allah, ay
nagmamalaki sa pagtanggi
1
Ang Pagpapaakay.
Ang Tawhíd ay nangangailangan ng lubos na
pagpapaakay. Ito ang tunay na sukatan at ang praktikal na pamantayan sa
pananampalataya. Naisasakaganapan ito sa pamamagitan ng pagsagawa sa
isinabatas ni Allah at pagtalikdo sa sinaway Niya gaya ng sinabi Niya:
Ang
sinumang magsuko ng sarili niya kay Allah habang siya ay nagmamagandang-
loob ay nangapit na sa hawakang pinakamatibay. Tungo kay Allah ang
kahihinatnan ng mga bagay.
2
Ito ang kalubusan ng pagpapaakay.
Ang Katapatan.
Sa pagsabi ng Lá iláha illa -lláh ay dapat may katapatang
sumasalungat sa kasinungalingan sapagkat tunay na ang sinumang nagsabi nito sa
pamamagitan ng dila niya lamang samantalang ang puso niya ay
nagpapasinungaling dito, siya ay isang Munáfiq. Ang patunay ay ang sinabi Niya
sa pagpula sa mga Munáfiq:
Sinasabi nila sa pamamagitan ng mga dila nila ang
wala sa mga puso nila.
3
Ang Pag-ibig.
Iibigin ng mananampalataya ang adhikaing ito at iibigin niya
ang paggawa ayon dito. Iibigin niya ang mga alagad nito na nagsasagawa ng ayon
dito. Ang tanda ng pag-ibig ng tao sa Panginoon niya ay ang pagpapauna sa pag-
ibig kay Allah kahit pa man sumasalungat ito sa pithaya niya, ang pagtangkilik sa
sinumang tinangkilik ni Allah at ng Sugo Niya, ang pagkalaban sa sinumang
kinalaban Niya, ang pagsunod sa Sugo, ang pagsunod, ang pagsunod sa bakas nito,
at ang pagtanggap sa patnubay nito.
Ang Kawagasan.
Ito ay sa pamamagitan ng pagnanais na sabihin ito dahil
lamang sa ikasisiya ng mukha ni Allah. Sinabi Niya:
Walang ipinag-utos sa kanila
kundi na sambahin nila si Allah bilang mga nagpapakawagas sa Kanya sa
pagtalima,
4
Sinabi naman ng Sugo
(SAS)
:
“
At tunay na si Allah ay nagkait nga sa
Impiyerno ng sinumang nagsabi ng Lá Iláha Illalláh, na naghahangad sa
pamamagitan niyon ng ikisisiya ng Mukha ni Allah.
”
Isinalaysay ito ni Imám
alBukháríy
. Kalakip ng mga kundisyong ito na magkakasama-sama, kinakailangang
manatili sa adhikaing ito at magpakatatag dito hanggang sa mamatay.
1
Qur’an 37:35.
2
Qur’an 31:22.
3
Qur’an 48:11.
4
Qur’an 98:5. O relihiyon o pagsamba.
Dostları ilə paylaş: |