112
Ang patay sa libingan ay tatanungin ng tatlong katanungan. Kung nasagot niya ang
mga ito ay maliligtas siya. Kung hindi niya nasagot ang mga ito ay mapapahamak
siya. Kabilang sa mga tanong na ito ay kung sino ang Panginoon mo? Walang
makasasagot dito kundi ang pinatnubayan ni Allah sa buhay niya sa Mundo upang
maisakatuparan ang mga kundisyon nito, pinatatag Niya, at kinasihan Niya sa
libingan nito kaya naman napakinabangan nito iyon sa Kabilang-buhay niya sa
Araw na hindi mapakikinabangan ang yaman ni ang mga anak. Ang mga
kundisyon na ito ay ang sumusunod:
Ang pagtalima kay Propeta Muhammad
(SAS)
sa anumang ipinag-utos niya.
Ito ay yamang ipinag-utos sa atin ni Allah ang pagtalima sa kanya. Sinabi ni Allah:
Ang sinumang tumalima sa Sugo ay tumalima nga kay Allah;
1
Sinabi pa Niya:
Sabihin mo:
Kung kayo ay umiibig kay Allah ay sundin ninyo ako; iibigin kayo
ni Allah.
2
Ang kalubusan ng pagpasok sa Paraiso ay nakasalalay sa kalubusan ng
pagtalima sa kanya sapagkat nagsabi siya
(SAS)
:
Lahat ng kalipunan ko ay papasok
sa Paraiso maliban sa umayaw.
Sinabi nila: “O Sugo ni Allah, at sino naman ang
aayaw?” Sinabi niya:
Ang sinumang tumalima sa akin ay papasok sa Paraiso at
ang sinumang sumuway sa akin ay umayaw nga.
Isinalaysay ito ni Imám alBukháríy
.
Ang sinumang umiibig sa Propeta
(SAS)
ay kailangang tumalima sa kanya dahil ang
pagtalima ay bunga ng pag-ibig.
Ang sinumang nagsabi na ang pag-ibig niya sa
Propeta
(SAS)
ay walang kalakip ng pagsunod at pagtalima, siya ay isang
sinungaling sa pahayag niya.
Ang paniniwala sa kanya sa anumang ipinabatid niya.
Kaya ang sinumang
nagpasinungaling sa anuman na napagtibay na ayon sa Propeta
(SAS)
dahil sa udyok
ng laman o dahil sa pithaya ay nagpasinungaling nga kay Allah at sa Sugo Niya
dahil ang Propeta
(SAS)
ay napangalagaan laban sa pagkakamali at pagsisinungaling.
Hindi siya bumibigkas ayon sa pithaya.
3
Ang pag-iwas sa anumang sinaway niya at sinansala.
Magsisimula sa
pinakasukdulan sa mga pagkakasala, ang Shirk, kabilang na ang mga malaking
kasalanan at ang mga kasalanang nakapapahamak, at magwawakas sa mga maliit
na kasalanan at mga gawaing kinasusuklaman. Ayon sa sukat ng pag-ibig ng isang
Muslim sa Propeta nito
(SAS)
nadadagdagan ang pananampalataya nito. Kapag
nadagdagan ang pananampalataya nito ay gagawin ni Allah na kaibig-ibig dito ang
mga matuwid na gawain at gagawin Niya na kasuklam-suklam dito ang kawalang
pananampalataya, ang kasuwailan, at ang pagsuway.
Ang hindi pagsamba kay Allah kung hindi ayon sa isinabatas Niya na
ipinahayag ng Propeta Niya
(SAS)
.
Ang pangunahing panuntunan sa pagsamba ay
pag-iwas sa pagsambang walang batayan. Kaya hindi ipinahihintulot na sambahin
si Allah malibang ayon sa nasaad mula sa Sugo
(SAS)
. Nagsabi ang Sugo
(SAS)
:
Ang
sinumang gumawa ng isang gawaing hindi batay sa utos namin, ito ay
1
Qur’an 4:80.
2
Qur’an 3:31.
3
Qur’an 53:3.
Ang Pagsaksi na si Muhammad
(SAS) ay Sugo ni Allah
113
tatanggihan.
Isinalaysay ito ni Imám Muslim
. Ibig sabihin ay ibabalik sa kanya.
Pakaalamin mo na ang pag-ibig sa Propeta
(SAS)
ay isinasatungkulin ay makasasapat
ang pag-ibig lamang. Bagkus,
kailangan na ang Propeta
(SAS)
ay higit na iniibig
mo kaysa sa bawat anuman pati na ang sarili mo. Ang sinumang umibig sa
anuman ay mamagalingin niya ito mamagalingin niya ang pagsang-ayon dito. Ang
tapat sa pag-ibig sa Propeta
(SAS)
ay ang sinumang lumilitaw sa kanya ang tanda
niyon sa pamamagitan ng pagtulad sa kanya at pagsunod sa Sunnah niya sa salita at
sa gawa, ng pagtalima sa mga utos niya, ng pag-iwas sa mga sinaway niya, ng pag-
aasal ng ayon sa mga kaasalan niya sa kagipitan at kaginhawahan, at sa sandali ng
galak at lumbay. Tunay na ang pagtalima at ang pagsunod ay bunga ng pag-ibig at
kung walang kalakip nito ay hindi magiging tapat ang pag-ibig. Ang pag-ibig sa
Propeta ay may maraming tanda. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
Ang
kadalasan ng pagbanggit sa kanya at pagdalangin para sa kanya sapagkat ang
sinumang umibig sa anuman ay dinadalasan nito ang pagbanggit doon. Kabilang
dito
ang pananabik sa pakikipagtagpo sa kanya sapagkat ang bawat
nagmamahal ay nananabik sa pakikipagtagpo sa minamahal nito. Kabilang din dito
ang pagdakila sa kanya at ang pagpipitagan sa kanya kapag nabanggit siya.
Nagsabi si Is'háq, kaawaan nawa siya ni Allah: “Ang mga Kasamahan ng Propeta
(SAS)
noong wala na siya, kapag bumabanggit sa kanya ay nagpapakumbaba sila,
nangingilabot ang mga balat nila, at napapaiyak sila.” Kabilang din sa mga ito
ang
pagkasuklam sa anumang kinasuklaman niya, ang pagklaban sa anumang
kinalaban niya, at ang pag-iwas sa sa sinumang sumalungat sa Sunnah niya at
gumawa ng bid‘ah sa Relihiyon niya na kabilang sa mga kampon ng bid‘ah at mga
Munáfiq. Kabilang din dito ang pag-ibig sa sinumang inibig ng Propeta
(SAS)
na
kinabibilangan ng mag-anak niya, mga asawa niya, at mga Kasamahan niya niya
mga muhájir at ansár, at ang pagkalaban sa sinumang kinalaban nila, at ang
pagkamuhi sa namuhi sa kanila at nag-alipusta sa kanila. Kabilang din dito ang
pagtulad sa mga marangal na kaasalan niya yamang siya ang pinakamarangal sa
mga tao sa kaasalan anupat nagsabi si ‘Á’ishah
(RA)
: “Ang kaasalan ng Sugo ni
Allah
(SAS)
ay ang Qur’an.” Ibig sabihin ay inubliga niya ang sarili niya na gumawa
lamang ng ipinag-utos ng Qur’an.
Tungkol naman sa mga katangian ng Propeta
(SAS)
, siya ay ang pinakamatapang
sa mga tao at lalong nagiging napakatapang sa sandali ng katindihan ng mga
digmaan. Siya ang pinakamapagbigay sa mga tao at ang pinakabukas-palad sa kanila
at lalong nagiging napakabukas-palad sa Ramadán. Siya ang pinakamapagpayong
nilikha sa mga nilikha. Siya ang pinakamatimpiin sa mga tao; hindi siya naghiganti
para sa sarili niya lamang. Siya ang pinakamatindi sa mga tao sa pagtalima sa utos ni
Allah. Siya ang pinakamatindi sa mga tao sa pagpapakumbaba sa sandali ng
kahinahunan, ang pinakamatindi sa kabinihan kaysa sa birhen sa pagkamaingat nito,
ang pinakamabuti sa mga tao sa maybahay niya, ang pinakamaawain na nilikha sa
mga nilikha. Ang iba pang katangian niya ay marami.
Dostları ilə paylaş: |