102
‘Abdunnabí:
Subalit mayroon akong isa pang suliranin. Ito ay ang kuwento tungkol
kay Usámah ibnu Zayd
(RA)
nang pinatay niya ang isang nagsabi ng lá iláha illa -lláh
at ang pagtuligsa ng Propeta
(SAS)
sa kanya. Nagsabi ang Sugo
(SAS)
sa kanya:
Pinatay
mo ba siya matapos na nagsabi siya ng lá iláha illa -lláh?
Isinalaysay ito ni Imám
alBukháríy
. Gayon din ang sabi ng Sugo:
Inutusan ako na makipaglaban sa mga tao
hanggang sa maniwala sila na walang Diyos kundi si Allah.
Isinalaysay ito ni
Imám Muslim. Kaya paano mong pagtutugmain ang sinabi mo at ang dalawang
hadíth na ito? Patnubayan mo ako, papatnubayan ka ni Allah.
‘Abdulláh:
Alam natin na ang Propeta
(SAS)
ay nakipaglaban sa mga Hudyo at
binihag niya sila samantalang sila ay nagsasabi ng lá iláha illa -lláh, na ang mga
Sahábíy niya ay nakipaglaban sa Angkan ni Hanífah gayong sila ay sumasaksi na
walang Diyos kundi si Allah at na si Muhammad ay Sugo ni Allah, at gayon din ang
mga sinunog ni ‘Alíy
(RA)
. Ikaw ay kumikilala na ang sinumang nagkakaila sa
pagkabuhay na muli ay naging Káfir kahit pa man nagsabi siya ng lá iláha illa -lláh,
na ang sinumang nagkaila sa anuman sa mga Sandigan ng Islam ay naging Káfir
kahit pa man nagsabi siya ng lá iláha illa -lláh. Kaya papaano niyang hindi
mapakikinabangan ang lá iláha illa -lláh kapag nagkaila siya ng anuman sa mga
sangay ng paniniwala at mapakikinabangan niya ang lá iláha illa -lláh kapag ikinaila
niya ang Tawhíd na siyang batayan ng relihiyon ng mga sugo? Marahil ikaw ay
hindi nakaunawa sa kahulugan ng mga hadíth na ito. Tungkol sa hadíth kaugnay kay
Usámah, tunay na siya ay pumatay ng taong nag-angkin ng pag-anib sa Islam dahil
siya ay nag-akalang ito ay nagsabi niyon dala lamang sa pagtakot para sa buhay nito
at ari-arian nito. Ang taong nagpapakita ng pag-anib sa Islam ay kinakailangang
pangalagaan hanggang sa lumitaw nang malinaw mula sa kanya ang sumasalungat
doon sa pagyakap sa Islam. Nagsabi si Allah:
O mga sumampalataya, kapag
maglalakbay kayo upang makipaglaban sa landas ni Allah ay pakalinawin
ninyo ang katotohanan.
1
Ibig sabihin ay pakatiyakin ninyo. Ang áyah ay
nagpapahiwatig na kinakailangan ang pagpipigil at ang pagtitiyak. Kaya kapag
lumitaw nang malinaw mula sa kanya pagkatapos niyon ang sumasalungat sa Islam
ay parurusahan siya dahil ang sabi ni Allah ay
pakalinawin ninyo.
Gayon din ang isa pang hadíth, ang kahulugan nito ay ang nabanggit natin: na ang
sinumang nagpakita ng paniniwala sa Tawhíd at Islam ay kailangang pangalagaan
maliban kung lumitaw nang malinaw mula sa kanya ang sumasalansang doon. Ang
patunay rito ay na ang Sugo ni Allah
(SAS)
na nagsabi:
Pinatay mo ba siya matapos
na nagsabi siya ng lá iláha illa -lláh?
Isinalaysay ito ni Imám alBukháríy
. Sinabi pa niya
(SAS)
:
Inutusan ako na makipaglaban sa mga tao hanggang sa maniwala sila na
walang Diyos kundi si Allah.
Isinalaysay ito ni Imám Muslim
. Siya rin ang nagsabi
hinggil sa Khawárij:
Kaya saan man ninyo sila makatagpo ay patayin ninyo sila.
2
1
Qur’an 4:94.
2
Isinalaysay ito ni Imám alBukháríy. Ang Khawírij ay ang mga taong naghimagsik sa pamunuan ng
Islam. Sila ay lubhang napakamarahas at maraming Muslim ang namatay sa kanila. Ang sinumang
hindi umayon sa kanila ay pinapatay nila. Lumitaw sila noong wala na ang Propeta (SAS)
gayunpaman ay napropesiya na ng Propeta (SAS) ang pagdating nila.
103
sa kabila ng lahat na sila ay pinakamarami sa mga tao sa pagsamba at pagdakila sa
kaisahan ni Allah anupat ang mga Sahábíy ay nanlalait sa mga sarili kapag nakikita
ang pagsamba ng mga ito. Sila ay natuto ng kaalaman mula sa mga Sahábíy ngunit
hindi sila naipagtanggol ng adhikaing lá iláha illa -lláh ni ng dami ng pagsamba ni
ng pag-aangking kaanib ng Islam laban sa pagkalipol noong lumitaw mula sa kanila
ang paglabag sa Sharí‘ah.
1
‘Abdunnabí:
Ano ang masasabi mo sa napagtibay na sanaysay ayon sa Propeta
(SAS)
na ang mga tao sa Araw ng Pagkabuhay ay magpapasaklolo kay Adan,
pagkatapos ay kay Noe, pagkatapos ay kay Abraham, pagkatapos ay kay Moises, at
pagkatapos ay kay Jesus ngunit hihingi sila ng paumanhin, hanggang sa magwakas
kay Muhammad
(SAS)
. Ito ay nagpapatunay na ang pagpapasaklolo kay Allah ay
hindi isang shirk.
‘Abdulláh:
Ito ay kalituhan mula sa iyo sa reyalidad ng usapin. Ang
pagpapasaklolo sa isang buhay na nakakausap na nilikha kaugnay sa anumang
makakayang gawin nito ay hindi natin tinutulan, gaya ng sinabi ni Allah:
at
nagpasaklolo sa kanya ang kabilang sa mga kakampi niya laban sa kabilang
sa mga kaaway niya
2
at gaya ng pagpapasaklolo ng isang tao sa mga kasamahan
niya sa sandali ng digmaan at sa iba pa kaugnay sa mga bagay na makakayang
gawin. Kami ay tumututol sa pagpapasaklolo na pagsamba na ginagawa ninyo sa
mga puntod ng mga walíy o sa sandaling wala sila sa piling kaugnay sa mga bagay
na walang nakakayang gumawa kundi Allah. Ang mga tao ay magpapasaklolo sa
mga propeta sa Araw ng Pagkabuhay. Nanaisin nila mula sa mga ito na manawagan
kay Allah na tuusin na ang mga tao upang makapagpahinga na ang mga
maninirahan sa Paraiso sa mga pighati ng pagtayo. Ito ay ipinahihintulot, sa Mundo
at Kabilang-buhay, na pumunta ka sa isang matuwid na tao na uupo sa harap mo,
maririnig mo ang pananalita niya, at magsasabi ka sa kanya: “Ipanalangin mo ako,”
gaya ng mga Sahábíy ng Propeta
(SAS)
na humihiling noon sa kanya noon
nabubuhay pa siya. Noong matapos na namatay siya ay hindi na nangyari at
hinding hindi na. Sila ay hindi humiling niyon sa tabi ng puntod niya. Bagkus ay
tinutulan ng Salaf ang pagdalangin kay Allah sa tabi ng puntod.
‘Abdunnabí:
Ano ang masasabi mo sa kuwento tungkol kay Abraham noong
itinapon siya sa apoy at hinarang siya ni Anghel Gabriel sa ere at sinabi nito: “May
kailangan ka ba?” at sinabi naman niya: “Kung sa iyo, wala.” Kaya kung sakaling ang
pagpapasaklolo kay Gabriel ay Shirk, hindi na sana niya inialok ito kay Abraham.
‘Abdulláh:
Ang maling-akala na ito ay kauri ng unang maling-akala. Ang kuwento
ay hindi tama. Kung sakaling ipagpapalagay natin na tama ito, si Anghel Gabriel ay
nag-alok kay Abraham na magdulot ng pakinabang sa pamamagitan ng gawaing
makakaya niya sapagkat gaya ng sinabi ni Allah sa kanya:
Tinuruan siya ng
1
Ang pangunahing krimen ng Khawárij na humantong sa paglipol sa kanila ay ang walang
pakundangang pagpatay nila sa mga Muslim na hindi sang-ayon sa pananaw.
2
Qur’an 28:15.
Dostları ilə paylaş: |