138
Mga babbala:
Ang sinumang may malaking hadath gaya ng junub at ng nireregla at may nifás
na tumigil na ang pagdurugo nila bago nagmadaling-araw ay maaari nilang ipahuli
ang ghusl hanggang sa matapos ang adhán ng fajr at unahin ang sahúr. Ang pag-
aayuno ay tumpak.
Ipinahihintulot na gumamit ang babae ng gamot na nagpapahuli sa pagdating ng
regla niya sa Ramadán sa layuning makilahok nang lubos sa kapwa mga Muslim sa
pagsamba nila kung ligtas naman sa kapinsalaan.
Ipinahihintulot sa nag-aayuno ang paglunok ng laway o plema na nasa loob pa
ng bunganga niya.
Nagsabi ang Propeta
(SAS)
:
Hindi matitigil ang kalipunan ko sa mabuti habang
nagmamadali sa iftár at ipinahuhuli nila ang sahúr.
Isinalaysay ito ni Imám Ahmad
.
Sinabi pa niya: Hindi matitigil ang relihiyong Islam sa pananaig habang
nagmamadali sa iftár dahil ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano ay
nagpapahuli nito.
Isinalaysay ito ni Imám Abú Dáwud
.
Kanais-nais na sumambit ng du‘á’ bago isagawa ang iftár. Nagsabi ang Sugo
(SAS)
:
Ang nag-aayuno sa pagsasagawa ng iftár ay may panalanging hindi
tinatanggihan.
Isinalaysay ito ni Imám Ibnu Májah
. Kabilang sa nasaad na mga du‘á’ sa
pagsasagawa ng iftár ay sabi ng Sugo
(SAS)
:
Dhahaba -dhdhama’u wa -btallati
-l‘urúqu wa thabata -l’ajru in shá’a -lláh.
1
Isinalaysay ito ni Imám Abú Dáwud
.
Ang Sunnah na ang iftár ay sisimulan sa manibalang na datiles. Kung wala nito
ay hinog na datiles. Kung wala rin nito ay tubig.
Nararapat sa nag-aayuno na iwasan ang kuhl, at ang gamot na ipinapatak sa
mata o sa tainga sa oras ng pag-aayuno bilang pag-iwas na masangkot sa usaping
pinagtatalunan ngunit kung siya ay nangangailangan nito, gaya ng pagpapagamot,
ay walang masama kahit umabot pa ang lasa ng gamot sa lalamunan niya at ang
pag-aayuno niya ay tumpak pa rin.
Sunnah na gumamit ng siwák sa lahat ng oras ng pag-aayuno at walang
kinasusuklaman dito ayon sa tamang pananaw.
Isinasatungkulin sa nag-aayuno na tumigil sa panlilibak, paninirang-puri,
pagsisinungaling, at tulad nito. Kung aalipustain siya o iinsultuhin ay sabihin niya:
“Ako ay nag-aayuno.” Sa pangangalaga niya ng dila niya at lahat ng bahagi ng
katawan niya laban sa mga kasalanan ay napangangalagaan niya ang pag-aayuno
niya sapagkay may nasaad buhat sa Propeta na siya ay nagsabi:
Ang sinumang
hindi tumigil sa pagsasabi ng kabulaanan at sa paggawa ayon dito, si Allah ay
walang pangangailangan na itigil niya ang pagkain niya at ang pag-inom niya.
Sunnah sa isang inanyayahan sa pagkain ngunit siya ay nag-aayuno na
dumalangin para sa may-ari ng pagkain at kung siya naman ay hindi nag-aayuno ay
sunnah na kumain siya.
Ang Laylatulqadr ay ang pinakamainam na gabi sa buong taon. Naitakdang
magaganap ito sa huling sampung gabi ng Ramadán. Ang pinakamalapit sa
katiyakan na gabi ng kaganapan nito ay ang ika-27 na gabi. Ang paggawa ng
1
Ibig sabihin: Lumisan ang uhaw, nabasa ang mga ugat at natiyak ang gantimpala, kung loloobin ni Allah.
139
matuwid sa gabing iyon ay higit na mabuti kaysa sa paggawa sa loob ng isang
libong buwan. Ito ay may mga tanda na ang ilan ay ang sumusunod: ang pagsikat
ng araw kinaumagahan nito nang maputi na walang maraming sinag at ang
pagiging katamtaman ng klima. Maaaring maabutan ito ng isang Muslim nang
hindi niya nalalaman. Ang hinihiling sa kanya ay magsikap sa pagsagawa ng
pagsamba sa Ramadan, lalo na sa sampung huling araw. Magsisigasig siya na
walang makaliligtaang isang gabi sa mga gabi ng Ramadán nang hindi
nakapaagsagawa ng qiyámullayl. Kapag nagdasal siya ng taráwíh sa jamá‘ah ay
hindi siya lilisan hanggat hindi natatapos ng imám ang taráwíh nang lubusan upang
maitala para sa kanya ang pagdalo sa qiyámullayl.
Ang nagsagawa ng pag-aayunong boluntaryo ay hindi kailangan sa kanya na
lubusin ito ni isinasatungkulin. Kung sinadya niyang sirain ito ay walang masama
at walang qadá’.
Ang I‘tikáf:
Ito ay ang pananatili ng isang Muslim na ‘áqil sa isang masjid bilang
pagtalima. Isang kundisyon dito na ang nagsasagawa ng i‘tikáf ay malaya sa
malaking hadath. Hindi lalabas ang nagsasagawa ng i‘tikáf maliban kung
kailangang gawin, gaya ng pagkain, pagpunta sa palikuran, at pagsasagawa ng
kinakailangang ghusl, halimbawa. Nawawalan ito ng saysay dahil sa paglabas na
hindi kailangan at pakikipagtalik. Sunnah na isagawa sa bawat oras at sa Ramadán
ay higit na binibigyang-diin. Ang higit na binibigyang-diing panahon ng
pagsasagawa nito ay ang sampung huling araw ng Ramadán. Ang pinakamaiksing
panahon ng i‘tikáf ay isang oras. Kanais-nais na hindi kukulang sa isang araw at
isang gabi. Ang babae ay hindi magsasagawa ng i‘tikáf nang walang pahintulot ng
asawa niya. Sunnah sa nagsasagawa ng i‘tikáf na magpakaabala sa pagsamba at
pagtalima kay Allah, na iwan ang karamihan sa mga bagay na ipinahihintulot, na
umiwas sa anumang hindi pumapatungkol sa kanya.
Dostları ilə paylaş: |