140
Isinasatungkulin ang pagsasagawa ng hajj at ‘umrah isang ulit sa tanang buhay. Ang mga
kundisyon sa pagkatungkuling isagawa ang mga ito ay:
1.
ang pagiging kaanib ng Islam,
2.
ang sapat na pag-iisip,
3.
ang sapat na gulang,
4.
ang pagiging malaya,
5.
ang
kakayahan: ang pagkakaroon ng panggugol at masasakyan. Ang babae ay nadadagdagan
ng ikaanim na kundisyon: ang makakasamang asawa o mahram na kailanman ay hindi
niya maaaring mapangasawa at tanggap rin ang hajj niya kahit hindi kasama ito ngunit
nagkakasala siya. Ang sinumang nagpabaya hanggang sa namatay na ay kukunan ang
yaman niya ng panggastos para sa hajj at ‘umrah na isasagawa para sa kanya ng iba.
Hindi tanggap ang hajj at ‘umrah na isinagawa ng isang Káfir o isang baliw. Tanggap
naman ang hajj na isinagawa ng isang bata o isang alipin ngunit hindi makasasapat ito
para sa kanila bilang hajj na hinihiling ng Islam. Ang walang kakayahan gaya ng
maralita, kapag nangutang at nagsagawa ng hajj, ay tanggap ang hajj niya.
Ang sinumang nagsagawa ng hajj para sa iba ngunit hindi pa siya nakapagsagawa
ng hajj para sa sarili niya, ang hajj na ito ay magiging para sa kanya.
Ang Ihrám:
Sunnah sa sinumang nagnanais na magsagawa ng ihrám na
magsagawa ng ghusl, maglinis, magpabango, maghubad ng anumang makhít,
1
at
magsuot ng malinis na puting izár (tapis) at ridá (balabal). Pagkatapos ay isasagawa
ng ihrám sa pamamagitan ng pagsabi ng labbayka -lláhumma ‘umrah o hajjá o
‘umratan wa hajjá.
2
Kung nangambang baka maudlot ito ay maaari siyang
magbigay ng kundisyon sa pamamagitan ng pagsabi niya ng in habasaní hábisun
famahallí haythu habastaní.
3
Ang nagsasagawa ng hajj ay makakapamili sa tatlong uri ng hajj:
ang
tamattu‘, ang ifrád, at ang qirán. Ang pinakamainam sa mga ito ay ang tamattu‘.
Ang tamattu‘ ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagsasagawa ng ihrám para sa
‘umrah lamang sa mga buwan ng hajj. Pagkatapos ay kakalas siya sa ihrám ng
natapos na ‘umrah. Pagkatapos ay magsasagawa siya ng ihrám para sa hajj sa oras
nito. Ang ifrád ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagsasagawa ng ihrám para sa
hajj lamang. Ang qirán ay sa pamamagitan ng pagsasagawa ng ihrám para sa
magkarugtong na ‘umrah at hajj o magsasagawa ng ihrám para sa ‘umrah at
pagkatapos ay idudugtong sa layuning magsagawa ng ‘umrah ang layuning
magsagawa ng hajj matapos maisagawa ang tawáf para sa ‘umrah.
Kapag nakasakay na ang nagnanais magsagawa ng hajj sa sasakyan niya ay
sasambitin niya ang talbiyah:
Labbayka -lláhumma labbayk, labbayka lá sharíka
laka labbayk, inna -lhamda wa -nni‘mata laka wa -lmulk, lá sharíka lak
.
4
Kanais-nais na dalasan ang pagsambit nito at itaas ang tinig sa pagsambit nito para
sa hindi mga babae.
1
Kasuutang naisusuot sa pamamagitan ng pagpasok sa kamay at paa.
2
Bilang pagtugon sa panawagan Mo na magsagawa ng ‘umrah o hajj o ‘umrah at hajj.
3
Kung hinadlangan ako ng isang hadlang, ang titigilan ng pasasagawa ko ay kung saan mo ako
hinadlangan.
4
Bilang pagtugon sa panawagan Mo, o Allah, bi-lang pagtugon sa panawagan Mo; bilang pagtugon
sa panawagan Mo, wala Kang katambal; bilang pagtugon sa panawagan Mo. Tunay na ang papuri
at ang pagbibiyaya ay ukol sa Iyo at ang paghaha-ri; wala Kang katambal.
ajj at ang ‘Umrah
H
Ang
141
Ang mga ipinagbabawal habang nasa sandali ng ihrám ay siyam:
1.
Ang
paggupit ng buhok.
2.
Ang pagputol ng mga kuko.
3.
Ang pagsuot ng makhít para sa
lalaki ngunit kapag hindi nakahanap ng izár ay makapagsusuot ng pantalon o kapag
hindi nakahanap ng tsinelas ay makapagsusuot ng khuff na mababa upang lumitaw
ang mga bukung-bukong. Walang fidyah
1
para rito.
4.
Ang pagtatakip sa ulo para sa
mga lalaki.
5.
Ang paglalagay ng pabango sa katawan o kasuutan.
6.
Ang
pagpatay ng ligaw na hayop na ipinahihintulot kainin.
7.
Ang pag-aasawa. Ito ay
harám ngunit walang fidyah.
8.
Ang pagsasalingang may kalakip na pagnanasa
ngunit walang pagtatalik. Ang fidyah nito ay isang tupa o tatlong araw na pag-
aayuno o pagpapakain ng anim na dukha.
9.
Ang pakikipagtalik. Kung nangyari ito
sa unang tahallul (pagkalas sa ihrám) ay nasira na ang hajj at kinakailangang buuhin
ito at isagawang muli sa susunod na taon kalakip ng pagkakatay ng isang kamelyo na
ipamamahagi sa mga maralita ng lungsod ng Makkah. Kung nangyari naman ito
matapos ang unang tahallul ay hindi masisira ang hajj ngunit kailangang mag-alay ng
isang kamelyo. Kung nakipagtalik sa panahon ng pagsasagawa ng ‘umrah ay
masisira ito at kailangan ng fidyah na isang tupa at kinakailangang isagawang muli
ito. Hindi nasisira ang hajj o ‘umrah dahil sa anumang hindi pakikipagtalik. Ang
babae ay gaya ng lalaki malibang ang babae ay maaaring magsuot ng makhít ngunit
hindi siya maaaring magsuot ng burqá‘ o niqáb at ng guwantes.
Ang fidyah ay dalawang uri:
1.
Ayon sa mapagpipilian.
Ito ay fidyah dahil sa
pagpapagupit o pagpapabango o pagputol ng mga kuko o pagtatakip ng ulo o
pagsusuot ng makhít para sa mga lalaki. Makapipili sa sumusunod: pag-aayuno ng
tatlong araw, o pagbibigay ng pagkain sa anim na dukha na isa at kalahating kilong
bigas
2
sa bawat isa, o pagkakatay ng isang tupa. Ang fidyah para sa pagpatay ng
ligaw na hayop at inaalagaang hayop na tulad ng pinatay kung may katulad niyon.
Kung walang katulad niyon ay magbabayad ng halaga niyon.
2.
Ayon sa
pagkakasunud-sunod.
Ang fidyah ng nagsasagawa ng tamattu‘ o qirán ay isang
tupa. Ang fidyah dahil sa pakikipagtalik ay isang kamelyo. Kung hindi nakahanap
nito, ang fidyah ay pag-aayuno ng tatlong araw sa panahon ng hajj at pitong araw
kapag nakauwi na. Ang hayop na alay o ang pagkaing ibinibigay ay ibinibigay
lamang sa mga maralita ng Haram.
3
Ang pagpasok sa Makkah:
Kapag pumasok ang nagsasagawa ng hajj sa alMasjid
alHarám ay sasabihin niya ang nakatakdang du‘á’ sa pagpasok sa mga masjid.
Pagkatapos ay sisimulan niya ang pagsasagawa ng tawáf ng ‘umrah kung siya ay
nagsasagawa ng tamattu‘ o ng tawáf ng pagdating kung siya ay nagsasagawa ng ifrád o
qirán. Isusuot niya ang ridá’ niya ayon sa pagsuot na idtibá‘: ilalagay ang kalagitnaan
nito sa ilalim ng kanang kilikili at ang magkabilaang dulo nito ay ilalagay sa ibabaw ng
1
Pantubos o pambayad-sala sa paglabag sa ilang gawain sa hajj. Hindi ito magkakatulad kaya kapag
nakagawa ng anuman sa mga nabanggit na ipinagbabawal, magtanong sa nakaa-alam kung ano ang
dapat gawin.
2
O harina o mais o barley, depende sa pangunahing pagkain ng isang lugar.
3
Ang Haram ay ang lugar sa palibot ng alMasjid alHarám. Ang alMasjid alHarám ay ang masjid na
nakapalibot sa Ka‘bah. Ang labas ng Haram ay tinatawag na Hill. May takdang hangganan ito.
Dostları ilə paylaş: |