156
ng saláh o tawáf habang ang braso niya ay nakalitaw, halimbawa, ang pagsamba
niya ay walang kabuluhan at hindi tumpak. Ang ‘awrah na pinakamaselan ay
kailangang takpan kahit sa labas ng saláh. Kinasusuklamang malantad ito kung
walang pangangailangan kahit pa sa dilim o nag-iisa. Ipinahihintulot na ilantad ito
sa asawa at sa isang pangangailangan gaya ng pagpapagamot at pagpapatuli.
Ang mga patakaran kaugnay sa mga masjid.
Ang pagpapatayo ng mga ito ay
isinasatungkulin ayon sa pangangailangan. Ito ang pinakakaibig-ibig na lugar para
kay Allah. Ipinagbabawal sa loob ng mga ito ang pag-awit, ang pagpalakpak, ang
pagtugtog, ang pagbigkas ng bawal na tula, ang pakikihalubilo ng mga lalaki sa mga
babae, ang pakikipagtalik, ang pagbili at pagtitinda at Sunnah na sabihin ng huwag
sanang patubuin ni Allah ang pangangalakal mo. Ipinagbabawal ang pagtatanong
tungkol sa nawawalang bagay sa loob nito at Sunnah para sa nakarinig niyon na
magsabing huwag nawang ibalik ni Allah iyon sa kanya. Ipinahihintulot ang magturo
sa mga batang hindi gagawa ng kapinsalaan, ang magkasal, ang humatol, ang
bumigkas ng ipinahihintulot na tula, ang matulog sa loob nito para sa nagsasagawa
ng i‘tikáf doon at iba pa, ang pagpagabi ng isang panauhin at maysakit, at ang
umidlip. Sunnah na pangalagaan ang mga ito laban sa pag-iingay, pakipagbangayan,
daldalan, pagtataas ng tinig sa pagsabi ng isang kinasusuklaman, at laban sa hindi
kinakailangang paggawa sa mga ito bilang daanan. Kinasusuklaman ang kalabisang
pag-uusap sa loob nito tungkol sa makamundong bagay. Hindi gagamitin ang mga
karpet ng mga ito o ang mga ilaw ng mga ito o ang kuryente ng mga ito sa mga
pansariling kapakanan gaya ng pagkakasal at pakikiramay sa patay.
Ang oras.
Ang Salaf ay nagbibigay-babala noon laban sa pagsasayang ng oras
sa anumang hindi napakikinabangan. Ang mga araw ay parang taniman. Sa tuwing
nagsasabog ka rito ng butil ay nagpapatubo ito ng maraming butil. Kaya nararapat
ba sa isang may sapat na pag-iisip na huminto sa pagsasabog ng butil o magbagal-
bagal doon?
Ipinagbabawal ang pagsusuot ng anumang may larawan ng isang tao o isang
hayop, ang pagsasabit nito, ang pagtatakip nito sa dingding, at ang pagtitinda nito.
Ito ay kabilang sa mga malaking kasalanan.
Ang pangangalunya ay kabilang sa pinakamabigat sa mga pagkakasala
pagkatapos ng Shirk. Nagsabi si Imám Ahmad: “Wala akong nalamang kasalanan
pagkatapos ng pagpatay na higit na mabigat kaysa sa pangangalunya.” Ang
kasalanang pangangalunya ay nagkakaiba. Ang pangangalunya sa isang may asawa
o isang mahram, o sa isang kapitbahay o isang kamag-anak ay higit na mabigat at
higit na karumal-dumal. Ang higit na nakaririmarim sa mga kahalayan ay ang
sodomiya. Dahil dito, naniniwala ang karamihan sa mga maalam sa Islam na dapat
parusahan ng kamatayan ang nagsasagawa ng sodomiya at ang pinagsasagawaan
1
ng sodomiya kahit pa sila ay mga walang naunang karanasan. Nagsabi si
Shamsuddín: “Kung minagaling ng pinuno na sunugin ang gumagawa ng sodomiya
1
Ang nagsasagawa (active) ay ang nag-aastang lalaki at ang pinagsasagawaan ay ang nag-aastang
babae (passive).
157
at nasa kanya na iyon.” Ito ay naisalaysay ayon kay Abú Bakr asSiddíq at isang
pangkat ng mga Sahábí
(RA)
.
Ipinagbabawal ang bumati sa mga Káfir sa mga pagdiriwang nila at ang pagdalo
sa mga iyon. Ang pag-una sa kanila sa pagbati ng assalámu ‘alaykum. Kapag
inunahan nila tayo sa pagbati ng assalámu ‘alaykum ay kailangang tugunin sa
pamamgitan ng pagsabi ng wa ‘alaykum (at sumainyo rin). Ipinagbabawal ang
pagtayo bilang paggalang sa kanila at mga gumagawa ng bid‘ah. Hindi kanais-nais
ang pakikipagkamay sa kanila. Ang pakikiramay sa kanila at ang pagdalaw sa
maysakit nila ay bawal kung walang mabuting dahilan.
Nagbiyaya sa atin si Allah ng mga anak bilang gayak sa mundo subalit sila rin
ay tukso at pagsubok. Nagsabi si Allah:
Ang mga yaman ninyo at ang mga anak
ninyo ay isang tukso lamang
1
kaya kinakailangan sa ama ang pagkilos para sa
kapakanan ng pinangangalagaan niya dahil ang sabi ni Allah:
O mga
sumampalataya, pangalagaan ninyo ang mga sarili ninyo at ang mga mag-
anak ninyo laban sa Apoy
2
at ang sabi naman ng Sugo
(SAS)
: Lahat kayo ay
tagapangalaga at lahat kayo ay pananagutin sa pinangangalagaan niya.
Isinalaysay ito
ni Imám Muslim
. Ang pagtuntong ng pinangangalagaan ay hindi magpapalaya sa
tagatangkilik nila sa pananagutan. Kapag nagpabaya siya sa pagpapayo sa kanila at
sa pagsupil sa kanila sa anumang makapipinsala sa kanila mula sa mga bagay-
bagay kaugnay sa buhay sa mundo at sa Kabilang-buhay at nagtaksil siya sa
ipinagkatiwalang tungkulin at naging karapatdapat sa matinding banta sa sabi ng
Sugo
(SAS)
:
Kapag may taong pinangalaga ni Allah sa isang pinangangalagaan
na namatay sa araw na [itinakdang] mamatay ito habang siya ay nandaraya sa
inaalagaan niya, ipagbabawal ni Allah sa kanya ang Paraiso.
Ang pag-iwas sa kamunduhan. Hindi bahagi ng pag-iwas sa kamunduhan ang
pagtalikod sa anumang nagpapanatili sa buhay, nagpapabuti rito sa kapakanan nito,
at nakatutulong dito sa daan tungo sa Kabilang-buhay. Bagkus ito ay ang pag-iwas
ng mga mangmang sa kamunduhan. Ang pag-iwas sa kamunduhan ay ang
pagtalikod sa mga kalabisan ng buhay at hindi kinakailangan sa pananatili ng
buhay. Nakabatay rito noon ang Propeta
(SAS)
at mga Kasamahan niya.
1
Qur’an 64:15.
2
Qur’an 66:66.
Dostları ilə paylaş: |