158
Tunay na ang nagmamalabis sa mga kalakaran ni Allah ay nakaaalam na ang
pagsubok Niya ay isang bahagi ng mga kalakaran Niya na pangnilikha at
pangtadhana. Nagsabi Siya:
Talagang susubukin nga Namin kayo sa
pamamagitan ng bagay na tulad ng pangamba, gutom, at kabawasan mula sa
mga ari-arian, mga buhay, at mga bunga. Balitaan mo ng nakagagalak ang
mga nagtitiis,
1
Nagkakamali ang sinumang nag-aakala na ang mga matuwid ay
malayo sa pagsubok. Bagkus ang pagtamo ng pagsubok ay patunay ng
pananampalataya sapagkat tinanong ang Sugo
(SAS)
kung alin sa mga tao ang
pinakamatindi sa pagsubok at sinabi niya:
Ang mga propeta at pagkatapos ay ang
mga matuwid at pagkatapos ay ang napakabuti at pagkatapos ay ang napakabuti
kabilang sa mga tao; sinusubok ang tao alinsunod [sa pagsunod] sa relihiyon
niya. Kaya kung sa relihiyon niya ay may katigasan sa pagsunod, dinadagdagan
siya ng pagsubok. Kung sa relihiyon niya ay may kalambutan sa pagsunod,
nagpapagaan sa kanya [ang pagsubok.]
Isinalaysay ito ni Imám Ibnu Májah
.
Ito ay kabilang sa mga tanda ng pag-ibig ni Allah sa tao. Nagsabi ang Sugo:
Tunay
na si Allah, kapag umibig sa mga tao, ay sumusubok sa kanila.
Isinalaysay ito ni Imám
Ahmad
. Kabilang din sa mga tanda ng pagnanais ni Allah ng kabutihan sa lingkod Niya
ay ang sinabi ng Sugo
(SAS)
:
Kapag ninais ni Allah sa lingkod Niya ang kabutihan,
mamadaliin Niya para rito ang parusa sa Mundo. Kapag ninais ni Allah sa lingkod
Niya ang masama, pipigilin muna ni Allah [ang hatol] sa kanya hanggang sa
malubos nito iyon sa Araw ng Pagbangon.
Isinalaysay ito ni Imám atTirmidhíy.
Ang pagsubok ay panakip-sala sa mga pagkakasala, kahit pa man kaunti. Nagsabi
ang Sugo:
Kapag ang isang Muslim ay dinapuan ng isang kapinsalaan na
[pagkatusok ng] tinik at anumang higit pa rito, pagtatakpan ni Allah sa
pamamagitan nito ang mga masagwang gawa niya gaya ng paglalaglag ng
punong-kahoy ng mga dahon nito.
Isinalaysay ito nina Imám alBukháríy at Imám Muslim
.
Dahil doon, tunay na ang Muslim na sinusubok, kung siya ay matuwid, ang
pagsubok sa kanya ay isang panakip-sala para sa mga nagawang masagwa na
nakalipas na o isang pag-aangat sa mga antas niya. Kung siya naman ay isang
sumusuway, ito ay isa ring panakip-sala para sa mga nagawang masagwa at isang
pagpapaalaala sa panganib ng mga ito. Nagsabi si Allah:
Lumitaw ang katiwalian
sa kalupaan at karagatan dahil sa nakamit ng mga kamay ng mga tao upang
palasapin Niya sila ng ilan sa ginawa nila nang harinawa sila ay magbabalik.
2
Ang mga Uri ng Pagsubok
Pagsubok sa pamamagitan ng mabuti gaya ng karagdagang yaman at pagsubok
sa pamamagitan ng masama gaya ng pangamba, pagkagutom, at pagkabawas ng
yaman. Nagsasabi si Allah: Bawat may kaluluwa ay makalalasap ng kamatayan.
Susubukin Namin kayo sa pamamagitan ng masama at mabuti bilang tukso,
3
Kabilang dito ang pagsubok sa pamamagitan ng pagkakasakit at kamatayan, na
1
Qur’an 2:155.
2
Qur’an 30:41
3
Qur’an 21:35.
Ang Ruqyah
1
na Pang-Islam
159
ang pinakasukdulan sa mga kadahilanan nito ay ang usog at ang kulam na
namumutawi mula sa pagkainggit. Nagsabi ang Sugo
(SAS)
:
Ang pinakamarami sa
namamatay sa kalipunan ko matapos ang pagtatadhana ni Allah ay ang
pagtatakda Niya ay dahil sa usog.
Isinalaysay ito ni Imám atTayálisíy
.
Ang pagsasanggalang laban sa Usog at Kulam:
Ang pagsasanggalang ay mainam
kaysa sa pagpapagamot. Kaya naman kailangan nating magsigasig sa pagsasanggalang.
Kabilang sa napakahalaga sa mga ito ay ang sumusunod:
Ang pagpapalakas sa sarili sa
pamamagitan ng Tawhíd, ang pananampalataya na ang nagpapainog sa sangsinukob ay si
Allah, at ang pagpapadalas sa paggawa ng mga magandang gawa. Ang kagandahan ng
iniisip kay Allah at ang pananalig sa Kanya, kaya naman hindi mag-iilusyon ng
karamdaman at usog dala lamang ng anumang sintoma sapagkat ang pag-iilusyon ay
isang sakit mismo. Kapag may napatanyag na tao na siya raw ay nang-uusog o
nangungulam, siya ay iiwasan bilang pagsasagawa ng mga kadahilanan ng kaligtasan
hindi bilang takot.
Ang pagsambit kay Allah at ang pagdalangin ng pagpapala kapag
nakakita ng anumang hinahangaan. Nagsabi ang Sugo
(SAS)
:
Kapag nakakita ang isa sa
inyo sa sarili niya o sa yaman niya o sa kapwa niya ng anumang naiibigan niya ay
manalangin siya ng pagpapala sapagkat tunay na ang usog ay totoo.
Isinalaysay ito ni
Imám alHákim
. Ang pagdalangin ng pagpapala ay ang pagsabi ng
báraka -lláhu lak
(Magkaloob si Allah sa iyo ng pagpapala) hindi ang pagsabi ng
tabáraka -lláh
(Napakamapagpala si Allah). Kabilang sa mga kadahilanan ng pagkakasanggalang
laban sa kulam ay ang pagkain sa umaga ng pitong pirasong datiles na ‘Ajwah na galing
sa Lungsod ng Propeta.
Ang pagpapakanlong kay Allah, ang pananalig sa Kanya, ang
kagandahan ng iniisip sa Kanya, ang pagpapakupkop sa Kanya laban sa usog at kulam,
ang pagpapanatili sa pagsambit ng mga dhikr at mga ta‘wídh
1
sa bawat araw, sa umaga at
gabi. Ang mga dhikr na ito ay may epekto na nadadagdagan o nababawasan ayon sa
pahintulot ni Allah dahil sa dalawang dahilan:
1.
Ang pananampalataya na ang nasaad sa
[dhikr o ta‘widh na] ito ay katotohanan at katapatan at na ito ay napakikinabangan ayon
sa pahintulot ni Allah;
2.
Na bibigkasin ito ng dila niya at makikinig dito ang mga tainga
niya at ang puso niya ay nakatuon dito dahil ito ay panalangin at ang panalangin ay hindi
tinutugon mula sa isang pusong nalilingat at nagliliwaliw gaya ng tumpak na nasaad mula
sa Propeta
(SAS)
. Ang oras ng mga dhikr at mga ta‘wídh: ang mga dhikr sa umaga ay
sinasabi pagkatapos ng saláh na fajr at ang mga dhikr naman sa gabi ay sinasabi
pagkatapos ng saláh sa ‘asr. Kapag nakalimutan ng Muslim na sabihin ito o nakaligtaan
ay sabihin niya ito pagkaalaala niya rito.
Ang mga tanda ng pagkausog at iba pa:
Walang salungatan sa pagitan ng medisina at
ruqyah na pang-Islam sapagkat ang Qur’an ay may panglunas sa mga karamdamang
pisikal at mga karamdamang espirituwal. Kapag ang tao ay ligtas sa mga karamdamang
pisikal, ang mga karamdaman kadalasan ay nasa anyong sakit ng ulo na pabalik-balik,
paninilaw sa mukha, madalas na pagpapawis at pag-ihi, kawalan ng gana sa pagkain,
pamamanhid o panginginit o panlalamig sa mga dulo ng kamay at paa, pagkakabug-
1
Mga panalanging sumasambit ng pagpapakupkop kay Allah gaya ng Súrah 113 at Súrah 114.
Dostları ilə paylaş: |