160
kabog ng dibdib, pabalik-balik na pananakit ng pinakamababang bahagi ng likod at mga
balikat, pagkalungkot at paninikip ng dibdib, insomia, matinding reaksiyon bunsod ng
pangamba at galit na hindi likas, madalas na pagdidighay at pagbubuntong-hininga,
pagkaibig sa pag-iisa, katamlayan at katamaran, paghilig sa pagtulog, at iba pang mga
suliraning pangkalusugang walang dahilang medikal. Maaaring matagpuan ang mga
tanda na ito ang ilan sa mga ito alinsunod sa lakas at hina ng sakit.
Kinakailangan sa Muslim na maging malakas ang Pananampalata at ang puso,
na hindi siya pinapasok ng mga sulsol ng Demonyo kaya naman hindi niya pag-
iilusyunan ang sarili niya na siya ay dinapuan ng anumang sakit dahil lamang sa
pagkadama niya sa isa sa mga sintoma na ito dahil ang ilusyon ay kabilang sa
pinakamahirap lunasan sa mga sakit. Maaaring matagpuan ang ilan sa mga tanda na
ito sa ilan gayong sila naman ay mga malusog. Maaari itong matagpuan gayong
ang dahilan ay pisikal na karamdaman. Maaari ring ang dahilan ay ang kahinaan ng
pananampalataya, gaya ng paninikip ng dibdib, kalungkutan, at katamlayan. Kaya
naman kailangang repasuhin niya ang ugnayan niya kay Allah.
Kaya kapag ang karamdaman ay dahil sa usog,
1
tunay na ang lunas ayon
sa kapahintulutan ni Allah ay sa pamamagiatan ng isa sa dalawang paraan:
1.
Kung nakikilala ang nang-usog ay pag-uutusan siya na maligo at magdala ng
ipinaligong tubig na ito o magdala ng mula sa naapektuhan
2
niya at pagkatapos ay
ipaliligo at iinuman.
2.
Kung hindi nakikilala ang nang-usog, ang pagpapagamot ay
sa pamamagitan ng ruqyah, panalangin, at hijámah.
3
Kung ang karamdaman naman ay kulam,
4
tunay na ang lunas ayon sa
kapahintulutan ni Allah ay sa pamamagitan ng isa sa mga sumusunod na paraan:
1.
Ang pag-alam sa kinaroroonan ng pinagsagawaan ng kulam at kapag natagpuan ito
ay kakalasin ang kinapitan nito habang binibigkas ang mu‘awwidhatán
5
at pagkatapos
1
Ang usog (‘ayn sa Arabe) ay kapinsalaang mula sa jinn na dumadapo ayon sa kapahintulutan ni
Allah sa isang nausog dahil sa paglalarawan at paghangga mula sa nakausog, na nadaluhan ng mga
demonyo at hindi nagkaroon ng panghadlang (na gaya ng dhikr, dasal, at iba pa). Sumasaksi para
rito ang Hadíth:
Ang usog ay totoo, na isinalaysay ni Imám alBukhárí; at nasaad sa iba pang
sanaysay:
Dinadaluhan ito ng demonyo at nainggit ito sa anak ni Adan, na isanalaysay naman ni
Imám Ahmad. Tinagurian ito na ‘ayn (mata sa wikang Arabe) dahil ito ang kasangkapan ng
paglalarawan hindi dahil sa ito ang nagdudulot ng pinsala, na ayon sa isang patunay na ang bulag
nakpagdudulot nito sa ibang tao gayong siya ay hindi naman nakatingin sa taon iyon.
2
Ang naapektuhan ay anumang bagay na nasaling ng nakausog gaya ng mga tira sa ininuman niya o
kinainan niya o anumang nasaling niya. Kukuha mula rito o papahiran sa pamamagitan ng panyo o
tulad nito at dadagdagan ng tubig. Pagkatapos ay ibubuhos sa nausog at iinumin ang isang bahagi nito.
3
Cupping sa Ingles. Ang panggagamot sa pamamagitan ng paghihiwa sa anumang bahagi ng
katawan at pagpapalabas ng dugo roon.
4
Ang orihinal na Arabe na ginamit dito ay sihr o sorcery o black magic sa Ingles at panggagaway o
karunungang itim naman sa Tagalog. Ang kulam ay isang uri ng panggagaway. Ang panggagaway
ay naisasagawa sa pamamgitan ng pagbubuhol (ng sinulid o tali), mga orasyon, pananalitang
binibigkas o nakagagawa ng anumang nakaaapekto sa katawan ng nakulam o sa puso nito o sa
pag-iisip nito nang direktahan. Ito ay may katotohanan. Ang ilan dito ay ang nakapapatay. Ang
ilan dito ay ang nakapagdudulot ng karamdaman. Ang ilan dito ay ang nakapipigil sa lalaki sa
pakikipagtalik sa maybahay niya. Ang ilan dito ay ang nakapagpapahiwalay sa mag-asawa. Ang
ilan dito ay Shirk at Kufr. Ang ilan dito ay isang malaking kasalanan.
5
Ang Súrah 113 at Súrah 114.
161
ay susunugin iyon.
2.
Ang ruqyah na pang-Islam sa pamamagitan ng mga talata ng
Qur’an, ng mu‘awwidhatán at Súrah alBaqarah higit sa lahat, at ng mga panalangin, na
tatalakayin mamaya.
3.
Ang orasyon (o ang bulong) at ito ay dalawang uri:
A. Ang
bawal:
Ito ay ang paglunas sa kulam sa pamamagitan ng kulam at pagpunta sa
mangkukulam upang alisin niya ito.
B. Ang ipinahihintulot:
Kabilang dito ang pagkuha
ng pitong pirasong dahon ng mansanitas at ang pagdurog ng mga ito. Pagkatapos ay
bibigkasan ng tigtatatlong ulit na Súrah alKáfirún, Súrah al’Ikhlás, Súrah alFalaq, Súrah
anNás. Pagkatapos ay ilalagay sa tubig. Pagkatapos ay iinumin at ipaliligo. Uulit-ulitin
iyon hanggang sa gumaling, kung ipahintulot ito Allah.
4.
Ang pag-aalis ng bisa ng
kulam sa pamamagitan ng pagsuka sa pamamagitan ng paggamit ng pampasuka kung
ito ay nasa loob ng tiyan sa pamamagitan ng hijámah
1
kung nasa bahaging iba sa tiyan.
Ang mga Kundisyon ng Pagsasagawa ng Ruqyah: 1.
Na ito ay sa pamamagitan ng mga
talata ng Qur’an at mga du‘á’ na ipinahihintulot sa Islam,
2.
Na ito ay nasa wikang Arabe;
ipinahihintulot din ang mga panalangin na nasa ibang wika,
3.
Ang paniniwala na ang
ruqyah ay hindi nagpapagaling mismo bagkus ang kagalingan ay mula kay Allah,
Para sa karagdagang epekto nito ay nararapat na magbasa ng Qur’an nang
may
layuning magpagaling at magpatnubay
2
para sa tao at jinn sapagkat ang Qur’an
ay ibinaba bilang patnubay at kagalingan. Hindi ito binabasa sa layuning patayin
ang jinn, maliban kung naging imposibleng palayasin ito sa pamamagitan ng
naunang nabanggit.
Ang mga Kundisyon ng Nagsasagawa ng Ruqyah: 1.
Na siya ay isang Muslim, na
siya ay isang matuwid na nangingilag magkasala. Kapag siya ay higit na nangingilag
magkasala, ang epekto ay higit na malakas.
2.
Na babaling siya kay Allah nang may
paniniwala sa sandali ng pagsasagawa ng ruqyah sa pamamagitan ng pagbubuklod sa
nilalaman ng puso at sinasabi ng dila. Ang mainam ay na magsagawa ng ruqyah ang
tao sa sarili niya dahil ang iba pa sa kanya ay kadalasang abala ang puso niyon sa iba
at dahil sa walang tulad niya na nakadarama sa kagipitan niya at pangangailangan
niya. Ang mga nagigipit ay pinangakuan ni Allah ng katugunan.
Ang mga Kundisyon ng Pinagsasagawaan ng Ruqyah: 1.
Kaibig-ibig na siya ay
isang matuwid na mananampalataya at alinsunod sa sukat ng pananampalataya
lumalaki ang bisa. Nagsabi si Allah:
At pinabababa Namin mula sa Qur’an ang
isang pagpapagaling at isang awa para sa mga mananampalataya, ngunit walang
naidagdag ito sa mga lumalabag sa katarungan kundi pagkalugi.
3
2.
Ang
1
Nagsabi ang Sugo (SAS):
Tunay na ang pinakamainam sa anumang ipinanggagamutan ninyo ay
ang hijámah. Nagpagaling nga si Allah sa pamamagitan nito ng mga karamdamang pisikal o mga
karamdamang sanhi ng usog at kulam, gaya ng kanser sa ilang tunay na buhay na pangyayari.
2
May layuning magpatnubay: mag-anyaya sa sinumang nakaririnig sa Qur’an sa pagsunod sa
Relihiyon ni Allah, paggawa ng mabuti, at pagpipigil sa kasamaan. Ang hangaring ito ay may
malaking epekto ayon sa karanasan. Naaapektuhan ang jinn ng Qur’an at napipigilan ang
kasamaan nito sa maysakit nang mabilis kadalasan. Taliwas iyon sa layuning patayin ito, na nag-
uudyok sa pagmamatigas nito, pagmamalaki nito, at pananakit nito sa nagsasagawa ng ruqyah at sa
maysakit. Nagsabi ang Sugo (SAS):
Tunay na si Allah ay mabait; naiibigan Niya ang kabaitan
at nagbibigay Siya dahil sa kabaitan ng hindi Niya ibinibigay dahil sa karahasan.
3
Qur’an 17:82
Dostları ilə paylaş: |