134
paglipas ng taon, magtatakda siya ng isang araw sa isang taon para sa pagbibigay
ng zakáh gaya ng naunang nabanggit.
Ang zakáh sa utang:
Ang sinumang may pautang sa isang may kakayahang
magbayad o may ari-ariang maaari niyang kunin bilang bayad ay kailangang
magbigay siya ng pataw na mga zakáh para rito kapag nabawi na niya ito para sa
nagdaan na mga taon maging gaano man karami. Kung imposibleng mabawi, gaya
ng pautang sa isang naging bangkarota, wala nang pataw na zakáh ito dahil hindi
na makakayang mapanghawakan ito.
Ang zakáh sa panininda ng pangangalakal:
May zakáh ito alinsunod sa apat na
kundisyon:
1.
Na minamay-ari ito ng magbibigay ng zakáh,
2.
Na naglalayon
siyang ikalakal ito,
3.
Na umabot ang halaga nito sa nisáb: ang pinakamababa sa
halaga ng nisáb ng ginto o pilak,
4.
Ang pagkalubos ng isang taon. Kaya kapag
natupad ang mga kundisyon na ito, magpapataw ng zakáh ayon sa halaga nito.
Kung mayroon siyang ginto o pilak o pera, isasama ang mga ito sa halaga ng
paninda upang malubos ang nisáb. Kapag nilayon siya sa panindang ikinakalakal
ang pansariling paggamit nito gaya ng damit, bahay, sasakyan, at mga tulad nito,
wala nang zakáh ang mga ito. Pagkatapos kung nilayon sa mga ito matapos niyon
na ikalakal, sisimulan niya para rito ang pagbilang ng isang taon.
1
Ang zakátulfitr:
Ito ay isinasatungkulin sa bawat Muslim kapag nagmay-ari siya
ng yamang nakahihigit sa halaga ng pagkain niya at pagkain ng mag-anak niya sa
bisperas at araw ng ‘íd. Ang sukat nito ay
2¼ kilogramo
ng pagkain ng bayan niya
para sa bawat isang tao, lalaki man o babae. Ang sinumang may tungkuling
magbigay nito ay may tungkulin ding magbigay nito sa bisperas ng ‘íd para sa
sinumang may tungkulin siyang suportahan kapag nagmay-ari siya nito. Kanais-
nais na ibigay ito sa araw ng ‘íd bago ang saláh. Hindi ipinahihintulot na ibigay ito
matapos ang saláh sa ‘íd. Ipinahihintulot na agahan ang pagbibigay nito ng isang
araw o dalawang araw bago ang ‘íd. Ipinahihintulot na ibigay sa isang tao ang
kinakailangan sanang ibigay sa marami o ibigay sa marami ang kinakailangan
sanang ibigay sa isang tao.
Ang pagbibigay ng zakáh:
Isinasatungkuling ibigay ang zakáh kaagad-agad.
Kinakailangang magbigay nito para sa bata o baliw ang tagatangkilik nila. Sunnah
na ihayag ito at ipamahagi ng may-ari nito mismo. Isang kundisyon sa pagbibigay
nito ang layunin ng may tungkuling magbigay. Hindi matatanggap kung naglayon
lamang na magbigay ng kawanggawang lubos,
2
kahit pa man ikinawanggawa niya
ang lahat ng yaman niya. Ang pinakamainam ay italaga ang zakáh na ipinapataw sa
bawat ari-arian sa mga maralita ng sariling bayan. Ipinahihintulot na ilipat ito sa
ibang bayan alinsunod sa kapakanan. Tanggap at tama rin na agahan ang
pagbibigay ng zakáh para sa dalawang taon kapag nabuo ang nisáb.
1
Ang nisáb ng paninda ay katumbas sa halaga ng 85 gramong ginto o sa halaga ng 595 gramong
pilak. Ang pipiliing nisáb ay ang higit na mababa sa halaga ng nisáb ng dalawang ito sa oras ng
pagbibigay ng zakáh.
2
Hindi tuwirang naglayon na magbibigay ng zakáh.
135
Ang mga karapat-dapat sa zakáh:
Sila ay walo:
1.
ang
maralita,
2.
ang
dukha,
1
3.
ang
mga naglilingkod sa pagkalap ng zakáh,
4.
ang
mga mapalulubag-loob
ang mga puso sa Islam,
5.
ang
pagpapalaya ng alipin,
6.
ang
mga nagkautang,
7.
ang nakikibaka sa
landas ni Allah,
8.
ang kinapos na
manlalakbay. Bibigyan ang
lahat ng ito ng zakáh ayon sa pangangailangan maliban sa taong naglilingkod sa
pagkalap nito sapagkat bibigyan siya ayon sa takdang suweldo niya kahit pa man
siya ay isang mayaman. Tanggap na ibigay ito ng isang tao sa Khawárij at mga
naghihimagsik kapag nahawakan nila ang bayan niya. Tanggap pa rin kapag kinuha
ito ng namumuno sa bayan, sapilitan man o kusang-loob ibinigay, naging
makatarungan man siya o naging mapaniil.
Hindi tanggap na ibigay ng isang Muslim ang zakáh sa Káfir, sa alipin,
2
sa
mayaman, sa sinumang tungkulin niyang suportahan, at sa angkan ni Háshim.
3
Kung ibinigay niya ito sa hindi karapat-dapat dito at hindi niya nalalaman at
pagkatapos ay nalaman niya, hindi ito tanggap bilang zakáh, maliban kung ibinigay
niya ito sa inaakala niyang isang maralita at pagkatapos ay lumabas na mayaman
pala, ito ay tanggap.
Ang kawanggawa na kusang-loob. Nagsabi ang Sugo ni Allah
(SAS)
:
Tunay na
kabilang sa iuugnay sa mananampalataya mula sa mabuting gawa niya at
magandang nagawa niya matapos ang kamatayan niya na [kinabibilangan ng]
kaalamang itinuro niya at ipinalaganap niya, anak na matuwid na naiwan niya,
mus'haf na ipinamana niya, o masjid na ipinatayo niya, bahay na ipinatayo niya
para tuluyan ng kinapos na manlalakbay, o ilog na pinadaloy niya, o kawanggawa
na inilabas niya mula sa yaman niya sa panahon ng kalusugan niya at buhay niya
ay iuugnay sa kanya matapos ang kamatayan niya.
Isinalaysay ito ni Imám Ibnu Májah
.
1
Ayon sa Tagalog-English DICTIONARY ni Leo James English ang
maralita ay extremely poor o
lubhang mahirap at ang dukha naman ay poor o mahirap.
2
Dahil ang matatanggap ng alipin ay aangkinin ng panginoon niya.
3
Ang angkang kinabibilangan ng Propeta (SAS).
Dostları ilə paylaş: |