Ang Kahulugan ng Huling Ikasampung Bahagi ng Marangal na Quran



Yüklə 5,39 Kb.
Pdf görüntüsü
səhifə64/98
tarix16.11.2017
ölçüsü5,39 Kb.
#10379
1   ...   60   61   62   63   64   65   66   67   ...   98

 
136 
Isinasatungkulin  ang  pag-aayuno  sa  Ramadán  sa  bawat  Muslim  na  báligh,
1
 ‘áqil,
2
 
kayang mag-ayuno, at hindi nireregla o may nifás. Uutusan ang bata na mag-ayuno 
kung makakaya nito upang makasanayan niya. Nalalaman ang pagsapit ng buwan ng 
Ramadán  sa  pamamagitan  ng alin  sa  dalawa: 
1.
 Ang  pagkakita ng  bagong  buwan 
ayon sa pagsaksi ng isang Muslim na makatarungan at mukallaf
3
 kahit babae; 
2.
 Ang 
pagkabuo ng 30 araw ng Sha‘bán. Nagsisimula ang tunguling mag-ayuno sa pagsapit 
ng  tunay  na  madaling-araw  hanggang  sa  lumubog  ang  araw.  Kailangan  sa  pag-
aayunong isinatungkulin na magkaroon ng layunin bago magmadaling-araw. 
Ang  mga  nakasisira  sa  pag-aayuno:
 
1.
  Ang  pakikipagtalik.  Kailangan  niyang 
magsagawa ng qadá’ at magbigay ng kaffárah
4
 at ito ay ang pagpapalaya ng isang 
alipin;  ngunit  kung  hindi  nakakita  ng  mapalalaya  ay  pag-aayuno  ng  dalawang 
buwang magkasunod; ngunit kung hindi makakaya ay pagpapakain ng 60 dukha; 
ngunit kung hindi makakita ay wala na siyang gagawin. 
2.
 Ang paglabas ng punlay 
dahil sa paghalik o paghipo o masturbation, ngunit hindi masisira ang pag-aayuno 
kung ito ay dahil sa wet dream
3.
 Ang pagkain o ang pag-inom nang sinasadya, 
ngunit  kung  nakalimot  lamang  ay  tumpak  pa  rin  ang  pag-aayuno  niya. 
4.
  Ang 
pagpapalabas ng dugo sa pamamagitan ng hijámah o pagbibigay nito, ngunit ang 
kaunting  pagpapalabas  ng  dugo  para  sa  pagsusuring  medikal  o  ang  anumang 
lumabas  nang  hindi  sinasadya  gaya  ng  pagkasugat  at  balinguyngoy  ay  hindi 
makasisira sa pag-aayuno. 
5.
 Ang pagsuka nang sadya.  
Kapag nakalunok ng alikabok at umabot sa lalamunan, o nagmumog o nakasinghot 
ng tubig at  may umabot na tubig sa lalamunan, o nakapag-isip at may lumabas na 
punlay, o dumanas ng wet dream, o may lumabas sa kanya na dugo o suka nang 
hindi sinasadya, hindi masisira ang pag-aayuno niya. 
Ang sinumang nakakain sa pag-aakalang gabi na ngunit natalos na araw pa pala, 
kailangan  niyang  magsagawa  ng  qadá’.  Ang  sinumang  kumain  sa  gabi  habang 
nagdududa sa pagsapit ng madaling-araw, hindi nasira ang pag-aayuno niya. Kung 
nakakain sa araw samantalang nagdududa sa paglubog ng araw, kailangan niyang 
magsagawa ng qadá’. 
Ang  mga  patakaran  kaugnay  sa  hindi  pag-aayuno:
  Ipinagbabawal  ang  hindi 
pag-aayuno  sa  Ramadán  para  sa  sinumang  walang  tanggap  na  dahilan. 
Kinakailangang  hindi  mag-ayuno  ang  nireregla  o  ang  may  nifás,  ang  sinumang 
nangangailangang hindi muna mag-ayuno upang sumagip ng isang buhay mula sa 
isang  kapahamakan.  Sunnah  ang  hindi  mag-ayuno  para  sa  isang  naglalakbay  na 
pinahihintulutang  magpaikli  ng  saláh  at  para  sa  isang  maysakit  na 
pinangangambahang  makasasama  ang  mag-ayuno.  Ipinahihintulot  din  ang  hindi 
pag-ayuno para sa isang muqím na naglakbay sa loob ng maghapon at para sa isang 
                             
 
1
 Nagiging báligh ang tao kapag naging ganap nang 15 gulang, o tinubuan ng buhok sa maselang 
bahagi  ng  katawan,  o  kapag  may  punlay  na  lumalabas  sa  wet  dream  o sa iba pang  paraan kung 
lalaki, at kapag nagkaroon na ng regla kung babae. 
2
 May sapat at matinong pag-iisip. 
3
 Nasa edad o kalagayang maaari nang pumasan ng pananagutan. 
4
 Pambayad sa kasalanan. 
Ang Pag-aayuno


137 
nagdadalang-tao o isang nagpapasuso na nangangamba para sa sarili nila o para sa 
anak  nila.  Ang  lahat  ng  ito  ay  kailangang  magsagawa  ng  qadá’  lamang. 
Magdadagdag ang nagdadalang-tao o ang nagpapasuso ng pagpapakain sa dukha 
para sa bawat araw na hindi napag-ayunuhan, bukod pa sa qadá’, kapag hindi nag-
ayuno dahil lamang nangambang makasasama ito sa anak. 
Ang sinumang hindi makakakayang mag-ayuno dahil sa katandaan o karamdamang 
hindi maaasahang gumaling ay magpapakain ng isang dukha para sa bawat araw na 
hindi napag-ayunuhan at wala nang qadá’ para sa kanya. 
Ang sinumang naantala sa pagsasagawa ng qadá’ dahil sa isang tanggap na dahilan 
hanggang sa naabutan siya ng isa pang Ramadán, kailangan niyang magsagawa ng 
qadá’  lamang.  Kung  wala  namang  tanggap  na  dahilan  sa  pagkaantala  nito, 
magpapakain siya  ng isang dukha kalakip ng qadá’ para sa bawat araw na hindi 
napag-ayunuhan.  Kung  hindi  naisagawa  ang  qadá’  dahil  sa  isang  tanggap  na 
dahilan at namatay siya, wala siyang pananagutan. Kung wala namang tanggap na 
dahilan sa hindi pagkakasagawa ng qadá’, ay magpapakain alang-alang sa kanya ng 
isang  dukha  para  sa  bawat  araw  na  hindi  niya  napag-ayunuhan.  Sunnah  para  sa 
kaanak niya na mag-ayuno para sa anumang napabayaan niya na qadá’ para sa pag-
aayuno sa Ramadán o para sa pag-aayunong panata niya at na isagawa ang bawat 
panata niya bilang pagtalima kay Allah para sa kanya. 
Ang sinumang tumigil muna sa pag-aayuno bunsod ng isang tanggap na dahilan at 
pagkatapos ay naglaho ang tanggap na dahilan niya sa mga sandali ng maghapon 
ng Ramadán ay kailangang tumigil sa pagkain at pag-inom. Kung yumakap ang tao 
sa Islam, o  tumigil  ang regla  ng babae, gumaling  ang maysakit, o  dumating ang 
naglalakbay, o naging báligh ang bata, o nanumbalik ang pag-iisip ng baliw sa mga 
sandali ng maghapon ng Ramadán samantalang ang mga ito ay hindi nag-aayuno, 
kinakailangang  magsagawa  sila  ng  qadá’  kahit  pa  pinag-ayunuhan  nila  ang 
nalalabing bahagi ng maghapon. Ang sinumang pinahintulutan na hindi mag-ayuno 
sa Ramadán ay hindi mag-aayuno ng pag-aayunong hindi sa Ramadán. 
Ang  pag-aayunong  boluntaryo:
  Ang  pinakamainam  dito  ay  salitan  sa  araw  ng 
pag-aayuno  at  hindi  pag-aayuno.  Pagkatapos  ay  ang  pag-aayuno  sa  Lunes  at 
Huwebes.  Pagkatapos  ay  ang  pag-aayuno  ng  tatlong  araw  sa  bawat  buwan  at 
pinakamainam  dito  ay ang tinatawag na mga puting araw: ang ika-13, ika-14, at 
ika-15 sa bawat buwan ng kalendaryo ng Islam. Sunnah na mag-ayuno sa higit na 
maraming  araw  sa  mga  araw  ng  Muharram  at  Sha‘bán,  sa  araw  ng  ‘Áshurá’,  sa 
araw ng ‘Arafah, at sa anim na araw sa Shawwál. Hindi kanais-nais na magtangi sa 
Rajab, sa Biyernes, at Sabado ng isang pag-aayuno at gayon din ang pag-aayuno sa 
araw  na  nakalilito:  ang  ikatatlumpo  ng  Sha‘ban  kapag  hindi  maulap  ang 
kalangitan.
1
 Ipinagbabawal ang pag-aayuno sa araw ng ‘ídulfitr at ‘ídul’ad'há, at sa 
mga araw ng tashríq: ang ika-11, ika-12, at ika-13 ng Dhulhijjah maliban sa isang 
nagsagawa ng hajj na tamattu‘ o qiran na kailangang mag-ayuno. 
                             
 
1
 Ang ika-30 ng Sha‘bán ay maaaring ang huling araw ng Sha‘bán o maaari ring ang unang araw ng 
Ramadán kung lumitaw na ang bagong buwan. Kapag malinaw ang kalangitan dahil walang ulap, 
matitiyak kung ang ika-30 ng Sha‘ban ay sa Sha‘ban o sa Ramadán. 


Yüklə 5,39 Kb.

Dostları ilə paylaş:
1   ...   60   61   62   63   64   65   66   67   ...   98




Verilənlər bazası müəlliflik hüququ ilə müdafiə olunur ©genderi.org 2024
rəhbərliyinə müraciət

    Ana səhifə