130
shá’a -lláhu bikum láhiqún; yarhamu -lláhu -lmustaqdimína minná wa
-lmusta’khirína; nas’alu -lláha laná wa lakum al‘áfiyah; alláhumma lá tahrimná
ajrahum wa lá taftinná ba‘dahum; wa -ghfir laná wa lahum.
1
Ipinagbabawal ang pagsusulat ng mga áyah ng Qur’an sa kafn (pambalot sa
patay) sa pangambang marumihan ang mga iyon, dahil ito ay isang paghamak sa
mga iyon, at dahil sa kawalan ng nasaad sa Hadíth para sa gawaing ito.
Du‘á’ na masaklaw para sa patay.
Nagsabi ang Propeta
(SAS)
: Alláhumma
-ghfir laHU wa -rhamHU wa ‘áfiHI wa -‘fu ‘anHU, wa akrim nuzulaHU wa wassi‘
madkhalaHU, wa -ghsilHU bi-lmá’i wa -ththalji wa -lbarad, wa naqqiHI mina
-dhdhunúbi wa -lkhatáyá, kamá yunaqqa -ththawbu -l’abyadu mina -ddanas, wa
abdilHU dáran khairam min dáriHI wa ahlan khairam min ahliHI, wa adkhilHU
-ljannah, wa a‘idh'
HU min ‘adhábi -lqabri wa ‘adhábi -nnár.
2
Isinalaysay ito ni Imám Muslim
.
Ang saláh sa dalawang ‘íd:
Ito ay fard kifáyah. Ang oras nito ay gaya ng saláh na
duhá. Kung nalaman ang pagsapit ng ‘íd sa oras ng dhuhr, isasagawa ito
kinabukasan bilang qadá’. Ang mga kundisyon nito gaya ng sa saláh sa jumu‘ah
maliban sa dalawang khutbah.
3
Hindi kanais-nais ang pagsagawa ng sunnah na
saláh sa pagdarasalan bago o matapos ito isagawa. Ang pamamaraan ng
pagsasagawa nito: Dalawang rak‘ah ito. Magsasabi ng anim na takbír sa unang
rak‘ah matapos sabihin ang takbíratul’ihrám at bago bigkasin ang ta‘awwudh at sa
ikalawang rak‘ah naman ay magsasabi ng limang takbír habang inaangat ang mga
kamay sa bawat takbír bago bumigkas ng Qur’an. Pagkatapos ay bibigkas ng
ta‘awwudh. Pagkatapos ay bibigkasin nang malakas ang alFátihah at pagkatapos
nito ay bibigkasin ang Súrah al’A‘la (87) para sa unang rak‘ah at ang Súrah
alGhashiyah (88) para sa ikalawang rak‘ah. Kapag nakapagsabi na ng taslím ang
imám ay magbibigay na siya ng dalawang khutbah gaya ng dalawang khutbah sa
jumu‘ah ngunit sunnah na damihan sa sandaling ito ang pagsambait ng takbír.
Kung isinagawa ang saláh sa ‘íd na gaya ng karaniwang saláh na sunnah, tumpak
pa rin ito dahil ang mga karagdagang takbír ay sunnah lamang.
1
Ang kapayapaan ay sumainyo, o tahanan ng mga [namatay na] mananampalataya (o mga
nanunuluyan sa mga libingan), mula sa mga mananampalataya. Tunay na kami, kung niloob ni
Allah, sa inyo ay susunod. Kaawaan nawa ni Allah ang mga nauna sa amin at ang mga mahuhuli
sa amin. Hinihiling namin kay Allah para sa amin at para sa inyo ang kagalingan. O Allah, huwag
Mo kaming pagkaitan ng gantimpala [dahil sa pagkamatay] nila, huwag Mo kaming subukin
ngayong wala na sila, at patawarin Mo kami at sila.
2
O Allah, patawarin Mo siya; kaawaan Mo siya; pangalagaan Mo siya; pagpaumanhinan Mo siya;
tanggapin Mo siya nang may karangalan; palawakin Mo ang libingan niya; linisin Mo siya sa
pamamagitan ng tubig, yelo, at niyebe; linisin Mo siya mula sa mga pagkakasala at mga kamalian
gaya ng pagkalinis ng puting damit mula sa karumihan; palitan Mo ang tahanan niya ng tahanang
higit na mainam kaysa sa dati at ang asawa niya ng asawang higit na mainam kaysa sa dati;
papasukin Mo siya sa Paraiso; kupkupin Mo siya laban sa pagdurusa sa libingan at pagdurusa sa
Impiyerno. (Papalitan ang HU at ang HI ng HÁ kung ang dinadasalan ay isang babaeng patay.
Papalitan ang HU ng HUMÁ at ang HI ng HIMÁ kung ang dinadasalan ay dalawang patay.
Papalitan ang HU ng HUNNA at ang HI ng HINNA kung ang dindasalan ay tatlong babae o higit
pa. Papalitan ang HU ng HUM at ang HI ng HIM kung ang dinadasalan ay tatlong patay o higit pa
na mga lalaki, o mga lalaki at mga babae.)
3
Ang dalawang khutbah sa ‘íd ay matapos ang saláh.
131
Ang saláh kapag may eklipse:
Ito ay sunnah. Ang oras nito ay sa pagsisimula ng
eklipse sa araw o gabi hanggang sa maglaho ito. Hindi na magsasagawa ng qadá’
kung nawala na ang eklipse. Ito ay dalawang rak‘ah; binibigkas nang malakas rito
ang alFátihah at ang isang mahabang súrah. Pagkatapos ay yuyukod nang matagal.
Pagkatapos ay iaangat ang katawan, magsasabi ng sami‘a -lláhu liman hamidah at
rabbaná wa laka -lhamd, at hindi magpapatirapa. Bagkus ay bibigkasin na naman
ang alFátihah at ang isang mahabang súrah. Pagkatapos ay yuyukod nang matagal.
Pagkatapos ay iaangat ang katawan. Pagkatapos ay magpapatirapa ng dalawang
matagal na pagpapatirapa. Pagkatapos ay isasagawa ang ikalawang rak‘ah na gaya
ng unang rak‘ah. Pagkatapos ay bibigkasin ang tashahhud at ang taslím. Kapag
may ma’múm na dumating matapos ang unang pagyukod, hindi na nito naabutan
ang rak‘ah na ito.
Ang saláh ng paghingi ng ulan (istisqá’):
Sunnah ito kapag nagkaroon ng
tagtuyot at kumaunti ang ulan. Ang oras nito, ang pamamaraan nito, at ang mga
patakaran dito ay gaya ng sa saláh sa ‘íd kaya nga lamang ay magbibigay ng iisang
khutbah pagkatapos ng saláh. Sunnah na baliktarin ang balabal sa katapusan nito
tanda ng pag-asa na mapapalitan ng mabuting kalagayan.
Mga Babala:
Nasaad ang utos mula sa Propeta
(SAS)
hinggil sa pagtutuwid ng
mga hanay ayon sa sabi niya: Talagang ituwid nga ninyo ang mga hanay ninyo o
pagsasalungatin Niya ang mga mukha ninyo.
Isinalaysay ito ni Imám alBukháríy
.
Nagsabi si Nu‘mán ibnu Bashír: “Kaya nakakita ako ng lalaki na nagdikit ng
balikat niya sa balikat ng katabi niya, ng tuhod niya sa tuhod ng katabi niya, at ng
bukung-bukong niya sa bukung-bukong ng katabi niya.” Ang saláh sa jamá‘ah
ay isinasatungkulin para sa mga lalaki pati na sa paglalakbay kung posible.
Pagsasabihan at didisiplinahin ang humihinto sa pagsasagawa nito o nagpapabaya
sa pagsagawa nito. Ito ay adhikain ng mga mananampalataya. Ang pagtalikod dito
ay adhikain ng mga munáfiq. Nagsabi ang Propeta
(SAS)
:
Sumpa man sa Kanya na
ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, talagang ngang nagbalak ako [minsan] na
mag-utos na kumuha ng mga panggatong kaya may kukuha ng panggatong.
Pagkatapos ay mag-uutos ako na isagawa ang saláh kaya mananawagan para
rito. Pagkatapos ay mag-uutos ako sa isang lalaki at mamumuno siya sa mga tao
[sa saláh]. Pagkatapos ay pupunta ako sa mga lalaking [hindi dumadalo sa
saláh] at susunugin ko sa kanila ang mga bahay nila.
Isinalaysay ito nina Imám
alBukháríy at Imám Muslim
.
Dostları ilə paylaş: |