122
Ang dugo matapos
makunan.
Kapag ang edad ng nalaglag na sanggol ay 80 araw o kulang, ang
dugong lumalabas matapos nito ay istihádah. Kapag ang edad ng
nalaglag higit sa 90 araw, ang dugo ay nifás. Kapag ito ay nasa
pagitan ng edad na 80 at 90 araw, ang hatol ay nakabatay sa
kaanyuan ng nalaglag: kung may anyong tao, ang dugo matapos
nito ay nifás; kung hindi nag-aanyong tao, ito ay istihádah.
Kapag tumigil ang
pagdurugo sa loob ng
40 araw at pagkatapos
ay binalikan siya nito
bago nalubos ang 40
araw.
Ang nakikita ng babae na pagtigil ng pagdurugo sa loob ng 40
araw ng nifás ay ituturing na pagtigil ng pagdurugo.
Magsasagawa siya ng ghusl dahil doon at magsasagawa ng saláh.
Kapag binalikan siya ng pagdurugo sa loob ng 40 araw ay
masasakop ito ng mga patakaran kaugnay sa nifás. Ganito
hanggang sa natapos ang 40 araw.
Mga Babala:
Isinasatungkulin sa babaeng may istihádah na magsagawa ng saláh subalit siya
ay magsasagawa ng wudú’ sa bawat saláh.
Kapag tumigil ang pagdurugo ng babae na regla o nifás bago lumubog ang araw,
kailangang isagawa niya ang saláh sa dhuhr at ‘asr ng araw na ito. Kapag naman
tumigil ang pagdurugo bago sumapit ang madaling-araw, siya ay magsasagawa ng
saláh sa maghrib at ‘ishá’ ng araw na ito.
Kapag naabutan ang babae ng oras ng saláh at pagkatapos ay niregla siya o
nagkaroon siya ng nifás bago niya naisagawa ang saláh na iyon, siya ay hindi
kailangang magsagawa ng qadá’.
Kinakailangan sa babae na kalagin niya ang buhok niya kapag magsasagawa ng
ghusl dahil sa regla o nifás. Hindi kinakailangan sa kanya na kalagin ito dahil sa
ghusl janábah.
1
Ipinagbabawal na makipagtalik sa babaeng may regla o nifás. Ipinahihintulot na
makipagniig sa kanya kung walang aktuwal na pagtatalik.
Kinasusuklaman na makipagtalik sa babaeng nasa sandali ng istihádah at
ipinahihintulot naman kapag nakadama ang asawa ng pangangailangan doon.
Kanais-nais para sa babaeng nasa sandali ng istihádah na magsagawa ng ghusl
sa bawat saláh. Kung hindi niya kaya pagsasamahin niya ang pagsasagawa ng saláh
na dhuhr at ‘asr sa isang ghusl at ang pagsasagawa ng saláh na maghrib at ‘ishá’ sa
isang ghusl. Magsasagawa rin siya ng ghusl para sa fajr. Kaya ang kabuuan ay
tatlong paligo sa araw at gabi. Kung hindi niya naman kaya ito ay magsasagawa
siya ng ghusl nang isang ulit sa isang araw at magsasagawa ng wudú’ sa bawat
saláh. Kung hindi pa rin niya kaya iyon ay magsasagawa siya ng wudú’ sa bawat
saláh matapos na magsagawa ng ghusl dahil sa regla.
Ipinahihintulot sa babae na gumamit ng gamot na pansamantalang nagpapahinto
sa regla upang maisagawa ang mga gawain sa hajj at ‘umrah, o upang malubos niya
ang pag-aayuno sa Ramadán. Iyan ay sa kundisyong ligtas siya kapinsalaang
maidudulot ng gamot na ito.
1
Ang ghusl na isinasagawa matapos magtalik bago magsagawa ng anumang saláh.
123
Ang adhán at iqámah ay dalawang fard kifáyah
1
sa mga taong hindi naglalakbay
para sa mga lalaki. Sunnah ito para sa mag-isang nagsasagawa ng saláh at para sa
naglalakbay. Kinasusuklaman na isagawa ito ng mga babae. Hindi tamang isagawa
bago dumating ang oras nito maliban sa saláh na fajr sapagkat tamang isagawa ang
unang adhán para rito pagkatapos ng hating-gabi.
Ang mga kundisyon sa pagsasagawa ng saláh: 1.
Ang pagiging kaanib sa Islam.
2.
Ang sapat na pag-iisip.
3.
Ang tamang gulang.
4.
Ang pagsasagawa ng tahárah
sa abot na makakaya.
5.
Ang pagsapit ng takdang oras:
Ang oras ng dhuhr
na
mula sa paglihis ng araw sa katanghaliang-tapat
2
hanggang sa ang anino ng bawat
bagay ay bago naging kasinghaba ng sarili nito, pagkatapos ay
ang oras ng ‘asr
na
ang oras na malaya pang magsagawa ay hanggang sa ang anino ng bawat bagay ay
naging dalawang ulit ng haba sa sarili nito at ang oras na kailangan nang
magsagawa ay hanggang sa bago ang paglubog ng araw, pagkatapos ay kasunod
nito
ang oras ng
maghrib
na hanggang sa bago maglaho ang takipsilim,
pagkatapos ay ang oras ng
‘ishá’ na ang oras na malaya pang magsagawa ay
hanggang sa bago ang hatinggabi at ang oras na kailangan nang magsagawa ay
hanggang sa bago ang pagsapit ng madaling-araw, pagkatapos ay ang oras ng
fajr
na hanggang sa bago ang pagsikat ng araw.
6.
Ang pagtatakip sa ‘awrah
3
sa abot ng
makakaya sa pamamagitan ng isang bagay na hindi nakapagpapakita ng balat. Ang
‘awrah ng lalaking tumuntong sa sampung taong gulang pataas ay ang nasa pagitan
ng pusod at tuhod. Ang ‘awrah ng babaeng malaya ay ang lahat sa kanya sa sandali
ng saláh maliban sa mukha niya.
7.
Ang kawalan ng najásah sa katawan, kasuutan,
at pinagdarasalan sa abot ng makakaya.
8.
Ang pagharap sa Qiblah sa abot ng
makakaya.
9.
Ang layunin.
Ang mga sandigan (rukn) ng saláh ay labing-apat: 1.
Ang pagtayo sa abot ng
makakaya,
2.
Ang takbíratul’hrám,
4
3.
Ang pagbigkas ng alFátihah,
4.
Ang
pagyukod (rukú’) sa bawat rak‘ah,
5.
Ang pag-angat mula sa pagkakayukod,
6.
Ang pagtayo nang tuwid pagkatapos ng pagyukod,
7.
Ang pagpapatirapa (sújúd)
sa pitong bahagi ng katawan,
8.
Ang pag-upo sa pagitan ng dalawang
pagpapatirapa,
9.
Ang huling tashahhud,
10.
Ang pag-upo para sa tashahhud,
11.
Ang panalangin para sa Propeta
(SAS)
sa huling tashahhud,
12.
Ang unang
taslím,
5
13.
Ang kapanatagan sa lahat ng mga sandigang may pagkilos,
14.
Ang
pagkakasunud-sunod sa pagsasagawa ng mga sandigang ito.
Ang saláh ay hindi magiging tama malibang kalakip ang mga sandigang ito at
nawawalan ng saysay ang isang rak‘ah kapag nakaligtaan ang isa sa mga ito,
sinasadya man o dala ng pagkalingat.
1
Tungkulin ng kapag isinagawa ng isa o ilan, hindi na mananagot ang lahat ngunit kapag hindi
isinagawa ng isa o ilan ang buong komunidad ay magkakasala.
2
Pagkiling nito palayo sa kalagitnan ng langit patungo sa dakong kanluran.
3
Ang bahagi ng katawan na hindi dapat makita ng iba maliban sa asawa o sa mahram.
4
Ang uang pagsabi ng Alláhu akbar.
5
Ang pagsabi ng assalámu ‘alaykum habang lumilingon sa kanan.
Ang Saláh
Dostları ilə paylaş: |