128
Ang saláh ng maysakit:
Kapag ang pagtayo ay makadaragdag sa sakit niya o hindi
ito makakaya, magdadasal siya na nakaupo. Kung hindi rin niya makakaya ay hihiga
nang nakatagilid. Kung mahirap din iyon sa kanya ay hihiga na nakatihaya. Kung
hindi niya makakaya ang rukú‘ at ang sujúd ay ipahihiwatig ito. Tungkulin niya rin
na magsagawa ng qadá’ para sa mga saláh na hindi naisagawa. Kung mahirap sa
kanya ang pagsasagawa ng bawat saláh sa oras nito ay maaari niyang pagsamahin
ang dhuhr at ang ‘asr o ang maghrib at ang ‘ishá’ sa oras ng alinman sa dalawa.
Ang saláh ng naglalakbay:
Kapag ang layo ng paglalakbay ay mga 80 kilometro
at ang paglalakbay ay sa layong ipinahihintulot, maaaring paiksiin sa dalawang
rak‘ah ang saláh na apatang rak‘ah. Kung nilayon niya manatili sa isang lugar sa
panahon ng paglalakbay nang higit sa apat na araw (20 saláh), lulubusin ang saláh
magmula ng dumating doon at hindi paiiksiin. Kung ang naglalakbay ay ma’múm
ng isang imám na muqím o nakalimutan niyang isagawa ang saláh ng muqím at
naalaala ito noon nasa paglalakbay na o ang kabaliktaran nito, kailangan niyang
lubusin ang bawat saláh na nauna. Maaaring lubusin ng naglalakbay ang mga
rak‘ah ngunit ang pagpapaiklil ay mainam.
Ang saláh sa jumu‘ah:
Ito ay higit na mainam kaysa sa saláh na dhuhr. Ito ay
hiwalay na saláh hindi dhuhr na pinaikli. Kaya hindi ipinahihintulot na gawing apat
na rak‘ah at hindi isinasagawa nang may layuning para sa dhuhr. Tandisang hindi
ipinahihintulot na isama ito sa ‘asr, kahit pa man mayroong dahilang pagsamahin.
Ang witr: Ito ay sunnah. Ang oras nito ay magmula sa oras ng saláh na ‘ishá’
hanggang sa bago sumapit ang madaling-araw. Ang pinakakaunting rak‘ah nito ay
isang rak‘ah at ang pinakamarami nito ay 11 rak‘ah. Magsasabi ng taslím sa bawat
dalawang rak‘ah, at ito ang pinakamainam. O dadasalin ito sa tig-apat, o tigaapat o
tigaanim o tigwawalong rak‘ah na magkasama sa isang taslím at wawakasan ng
isang rak‘ah pagkatapos ng tukol
1
na bilang ng rak‘ah. O dadasalin ito sa tigtatatlo
o tiglilima o tigpipito o tigsisiyam na rak‘ah na magkasama sa isang taslím. Ang
pinakamababang bilang ng lubos na witr ay tatlong rak‘ah na may dalawang taslím.
Ipinahihintulot pagkatapos nito ang saláh na dalawang rak‘ah na nakaupo.
Ang saláh para sa patay (salátuljanázah):
Paliliguan ang patay na Muslim,
babalutin siya, magdarasal para sa kanya, at dadalhin siya sa libingan. Ang
pagpapalibing sa kanya ay fard kifáyah,
2
maliban sa shahíd
3
sa digmaan sapagkat
ito ay hindi paliliguan at hindi babalutin ng pambalot sa patay. Ipinahihintulot na
Pagkatapos ay magsasabi ka sa paglulubos ng isandaan ng: Lá iláha illa 'lláh wahdahu lá
sharíka lah, lahu 'lmulku wa lahu 'lhamdu wa huwa ‘alá kulli shay’in qadír.
Walang Diyos kundi si Allah: tanging Siya, wala Siyang katambal. Ukol sa Kanya ang paghahari at
ukol sa Kanya ang papuri, at Siya sa bawat bagay ay makapangyarihan.
Pagkatapos ay bibigkain ang Áyatulkursi (Qur’an 2:255), ang Súrah al’Ikhlás, ang Súrah alFalaq, at
ang Súrah anNás. Uulitin ng tatlong ulit ang Súrah al’Ikhlás, ang Súrah alFalaq, at ang Súrah anNás
pagkatapos ng saláh sa fajr at maghrib.
1
Even number sa Ingles o bilang na kapag hinati sa dalawa ay walang butal.
2
Tungkulin ng kapag isinagawa ng isa o ilan, hindi na mananagot ang lahat ngunit kapag hindi
isinagawa ng isa o ilan ang buong komunidad ay magkakasala.
3
Taong namatay na nag-alay ng buhay kay Allah sa pagtatanggol sa Islam o mga Muslim.
129
magdasal para sa kanya. Ililibing siya sa kalagayang kinamatayan niya. Babalutin
ang lalaki sa tatlong pirasong telang puti at ang babae naman ay sa limang piraso:
isang tapis, isang belo, isang pang-itaas, at dalawang pambalot. Sunnah na tumayo
ang imám at ang ma’múm sa tabi ng dibdib ng patay na lalaki at sa kalagitnaan ng
patay na babae. Magsasabi ng takbír nang apat na ulit habang inaangat ang mga
kamay sa bawat takbír. Magsisimula sa unang takbír at saka sasambit ng
ta‘awwudh
1
at basmalah at bibigkas nang tahimik ng alFátihah lamang. Pagkatapos
ay sasambit ng takbír sa ikalawang pagkakataon at babanggit ng panalangin para sa
Propeta
(SAS)
.
2
Pagkatapos ay sasambit ng takbír sa ikatlong pagkakataon at
dadalangin para sa patay. Pagkatapos ay sasambit ng takbír sa ikaapat na
pagkakataon at titigil nang kaunti. Pagkatapos ay sasambit ng isang taslím habang
lumilingon sa kanan.
Ipinagbabawal ang pag-angat ng puntod nang higit sa isang dangkal, ang
pagpapalitada nito, ang paghalik dito, ang pag-insenso rito, ang pagsusulat dito, at
ang pag-upo o paglalakad sa ibabaw nito. Ipinagbabawal ang mag-ilaw sa mga
libingan, ang magsagawa ng tawáf sa palibot ng mga ito, at ang magpatayo ng
masjid sa ibabaw nito o ang maglibing ng patay sa loob ng masjid. Kinakailangang
sirain ang mga kupola (dome) sa ibabaw ng puntod.
Walang takda sa mga pananalita ng pakikiramay. Kabilang sa mga ito ang
sinasabi ng nakikiramay: Palakihin ni Allah ang gantimapala sa iyo, pagandahin
niya ang pampalubag-loob sa iyo, at patawarin Niya ang patay mo. Sa pakikiramay
ng Muslim sa Káfir: Palakihin ni Allah ang gantimapala sa iyo at pagandahin niya
ang pampalubag-loob sa iyo.
Kapag nalaman ng isang tao na ang mag-anak ng isang namatayan ay
nananaghoy sa pagkamatay nito, kinakailangang payuhan niya sila na itigil ang
pananaghoy dahil kung hindi ay magdurusa ang patay dahil sa panaghoy nila.
Nagsabi si Imám ashSháfi‘íy, kaawaan siya ni Allah: Kinasusuklaman ang
pananatili sa namatayan para magpahayag ng pakikiramay. Ito ay ang
pakikipagkita sa mag-anak ng patay sa isang bahay upang sadyain sila ng sinumang
nagnanais na magpahayag ng pakikiramay. Bagkus, nararapat na lumisan sila,
maging mga lalaki man o mga babae, at pagtuunan ang mga pangangailangan nila.
Sunnah na gawan ng pagkain ang mag-anak ng namatayan at kinasusuklaman na
makikain sa pagkain nila o gumawa ng pagkain para sa nakikipagkita sa kanila.
Sunnah ang pagdalaw sa libingan ng isang Muslim nang hindi na nagsasagawa
ng isang paglalakbay. Ipinahihintulot ang pagdalaw sa libingan ng Káfir at hindi
ipinagbabawal sa isang Káfir na dumalaw sa libingan ng isang Muslim.
Sunnah sa sinumang pumasok sa sementeryo na magsabi ng:
Assalámu
‘alaykum dára qawmim mu’minína (o ahla -ddiyár mina -lmu’minína); wa inná in
1
Ang pagsasabi ng a‘údhu bi-lláhi mina -shshaytáni -rrajím.
2
Alláhumma salli ‘alá muhammadin wa ‘alá áli Muhammad, kamá sallayta ‘alá ibráhíma wa ‘alá áli
ibráhím, innaka hamídum majíd. Alláhumma bárik ‘alá muhammadin wa ‘alá áli muhammad,
kamá bárakta ‘alá ibráhím, innaka hamídum majíd.
Dostları ilə paylaş: |