124
Ang mga kinakailangan (wájib) sa saláh ay walo: 1.
Ang lahat ng pagsasabi ng
Alláhu akbar maliban sa takbíratul’ihrám,
2.
Ang pagsabi ng sami‘ -lláhu liman
hamidah
1
para sa imám at sa mag-isang nagdarasal,
3.
Ang pagsabi ng rabbaná wa
laka -lhamd,
2
4.
Ang pagsabi ng subhána rabbiya -l‘adhím
3
nang isang ulit habang
nakayukod,
5.
Ang pagsabi ng subhána rabbiyal a‘lá
4
nang isang ulit habang
nakapatirapa,
6.
Ang pagsabi ng rabbi -ghfir lí
5
sa pagitan ng dalawang
pagpapatirapa,
7.
Ang unang tashahhud,
8.
Ang pag-upo para sa unang tashahhud.
Ang mga kinakailangan na ito, kung nakaligtaan nang sadya, ay nawawalan
ng saysay ang saláh. Kung nakaligtaan ito dala ng pagkalingat ay
magsasagawa ng sujúdussahw.
6
Ang mga Sunnah sa saláh
ay ang mga sinasabi at ang mga ginagawa. Hindi
nawawalan ng saysay ang saláh sa pagkaligta sa anuman sa mga ito kahit pa
sinadya.
Ang mga Sunnah na mga sinasabi ay ang pagsabi ng du‘a’ al’istiftáh,
ang ta‘awwudh,
7
ang basmalah, ang pagsabi ng ámín, ang malakas na pagbigkas
nito sa mga saláh na binibigkas nang malakas ang una at ikalawang rak‘ah
, ang
pagbigkas ng anumang bahagi ng Qur’an pagkatapos ng alFátihah, ang
malakas na pagbigkas para sa imám (ang ma’múm ay pinagbabawalan
samantalang ang mag-iisang nagsasagawa ng saláh ay makakapamili),
ang pagsabi
ng hamdan kathíran tayyibam mubárakan fíhi mil’a -ssamáwáti wa mil’a -l’ard...
8
matapos magsabi ng rabbaná wa laka -lhamd,
ang karagdagan sa isang ulit na
pagsambit ng panalangin sa rukú’ at sujúd o pagsambit ng rabbi -ghfir lí, ang du‘a’
bago ang taslím.
Ang mga Sunnah na mga ginagawa ay ang pag-aangat ng mga
kamay kasabay ng pagsambit ng takbíratul’ihrám, sa pagyukod, sa pag-angat mula
sa pagkakayukod, at sa pagbangon mula sa pagkakaupo sa unang tashahhud;
ang
paglalagay ng kanang kamay sa ibabaw ng kaliwang kamay sa ilalim ng dibdib
sa sandali ng pagtayo;
ang pagtingin sa pagpapatirapaan; ang paghihiwalay sa
mga paa samantalang nakatayo;
ang pagsisimula sa pagpapatirapa sa
pamamagitan ng paglapag ng mga tuhod, pagkatapos ay ng mga kamay, at
pagkatapos ay ng noo at ilong;
ang paglalayo ng mga braso sa mga tagiliran ng
katawan, ng tiyan sa mga hita, ng mga hita sa mga lulod;
ang paghihiwalay sa
mga tuhod;
ang pagtukod ng mga paa nang magkahiwalay at ang pagpapadiit sa
mga daliri ng mga ito sa lupa;
ang paglapag sa mga kamay nang pantay sa mga
balikat habang nakabuka at nakadikit ang mga daliri;
ang pagbangon sa ibabaw
ng mga unahan ng mga paa at ang pagtukod sa mga tuhod sa pamamagitan ng
mga kamay;
ang pag-upong iftirásh sa pag-upo sa pagitan ng dalawang
1
Dinidinig ni Allah ang sinumang nagpupuri sa Kanya.
2
Panginoon namin, ukol sa Iyo ang papuri.
3
Kaluwalhatian sa Panginoon ko, ang Sukdulan.
4
Kaluwalhatian Panginoon ko, ang Kataas-taasan.
5
O Panginoon ko, patawarin Mo po ako.
6
Dalawang magkasunod na pagpapatirapa habang nakaupo-bago magsagawa ng taslim.
7
Ang panalangin ng pagpapakupkop kay Allah: a‘údu bi-lláhi mina -shshaytáni ‘rrajím.
8
Ang papuri ay ukol kay Allah, papuring marami, mabuti, nagpapala na makapupuno ng mga
langit, makapupuno ng lupa...
125
pagpapatirapang nakaupo at sa unang tashahhud;
ang pag-upong tawarruk sa
ikalawang tashahhud;
ang paglalagay ng mga kamay sa ibabaw ng mga hita na
mga nakabuka at mga magkakahimalay ang mga daliri sa pagitan ng dalawang
nakaupong pagpapatirapa at gayon din sa tashahhud ngunit ikukuyom sa kanang
kamay ang hinliliit at ang hinsisingsing, magsasalubong ang hinlalaki at ang
hinlalato, at ituturo ang hintuturo sa pagbanggit kay Allah at pagdalangin sa Kanya
bilang pagpapahiwatig sa kaisahan Niya;
ang paglingon sa kanan at kaliwa sa
taslím; at
ang pagsisimula sa kanan sa paglingon.
Ang Sujúdussahw:
1
Sunnah na gawin ito kapag nakasambit ng sinasabing bahagi
ng saláh sa hindi nito kinalalagyan dala ng pagkalingat gaya ng pagbigkas ng
Qur’an sa sandali ng pagkapatirapa. Ipinahihintulot gawin ito kapag may
nakaligtaang isang sunnah sa saláh. Kinakailangan naman ito kapag nakadagdag ng
rukú’, o sujúd, o pagtayo, o pag-upo, o nagsagawa ng taslím bago nalubos ang
saláh, o nagkamali sa pagbigkas na nakasira sa kahulugan, o nakaligtang gawin ang
isang wájib, o nagduda kung may naidagdag sa sandali ng pagsasagawa.
Nawawalan ng saysay ang saláh sa sadyaang hindi pagsasagawa ng kinakailangang
sujúdussahw.
Ang pamamaraan ng pagsasagawa ng saláh:
Kapag tumindig upang magsagawa
ng saláh ay haharap sa Qiblah at magsasabi ng Alláhu akbar. Lalakasan ito ng
imám at gayon din sa lahat ng mga takbír upang maiparinig sa sinumang nasa
likuran niya at hihinaan naman ito ng ma’múm. Iaangat ang mga kamay sa
pagsisimula ng takbír nang pantay sa mga balikat. Pagktapos ay ilalagay ang mga
kamay sa ibabaw ng dibdib habang hinahawakan ng kanang kamay ang kaliwang
kamay samantalang ang paningin ay nakatuon sa pagpapatirapaan. Pagkatapos ay
sasambit ng du‘a’ al’istiftáh na ayon sa ilang nasaad sa Sunnah na tulad ng:
subhánaka -lláhumma wa bihamdika wa tabáraka -smuka wa ta‘álá jadduka wa lá
iláha ghayruk.
2
Pagkatapos ay magsasabi siya ng a‘údhu bi-lláhi mina -shshaytáni
-irrajím.
3
Pagkatapos ay sasambitin niya ang bismi -lláhi -rrahmáni -rrahím. (Hindi
bibigkasin nang malakas ang mga naunang nabanggit.) Pagkatapos ay bibigkasin
ang alFátihah. Kanais-nais para sa ma’múm na bigkasin ito sa sandali ng mga
pananahimik ng imám at sa mga rak‘ah na hindi ito binibigkas nang malakas kung
ang saláh ay ang binibigkas nang malakas ang unang dalawang rak‘ah at
kinakailangan na bigkasin ito sa mga saláh na binibigkas nang tahimik. Pagkatapos
ay bibigkas ng anuman sa Qur’an. Kanais-nais na bumigkas ng mga mahabang
súrah sa fajr, ng mga maikling súrah sa maghrib, at ng mga katamtamang súrah sa
nalalabing mga saláh. Ang mga mahabang súrah mula sa Súrah Qáf (50) hanggang
sa Súrah anNaba’ (78), ang mga katamtamang súrah ay hanggang sa Súrah adDuhá
(93), at ang mga maikling súrah ay hanggang sa Súrah anNás (114). Lalakasan ng
1
Dalawang sujúd
(pagpapatirapa) na isinasagawa bago o matapos magsagawa ng kapag nagkamali
o
nagdudang nagkamali sa pagsasagawa ng saláh.
2
Kaluwalhatian sa Iyo, o Alláh, at papuri sa Iyo. Mapagpala ang pangalan Mo, kataastaasan ang
kabunyian Mo at walang totoong Diyos maliban sa Iyo.
3
Nagpapakupkop ako kay Allah laban sa Demonyong isinumpa.
Dostları ilə paylaş: |