83
41. Ilan ang mga uri ng Shirk?
Dalawang uri:
1. Shirk na malaki.
Inilalabas
nito ang tao sa Islam at hindi patatawarin ni Allah ang nagtataglay nito
1
batay sa
sabi Niya:
Tunay na si Allah ay hindi magpapatawad na tambalan Siya ngunit
mapatatawad Niya ang anumang mababa pa roon
2
sa kaninumang loloobin
Niya.
3
Ang mga bahagi nito ay apat:
A.
Ang Shirk sa panalangin at paghiling.
B.
Ang Shirk sa paglalayon, pagnanais, at pagbabalak sa pamamagitan ng paggawa ng
mga matuwid na gawa alang-alang sa iba pa kay Allah.
C.
Ang Shirk sa pagtalima
sa pamamagitan ng pagtalima sa mga maalam sa pagbabawal ng anumang
ipinahintulot ni Allah o pagpapahintulot sa anumang ipinagbawal Niya.
D.
Ang
Shirk sa Pag-ibig sa pamamagitan ng pag-ibig sa isa gaya ng pag-ibig kay Allah.
2. Shirk na maliit.
Hindi nito inilalabas sa Islam ang nagtataglay nito gaya ng
tagong Shirk at ito ay ang kaunting pagpapakitang-tao.
42. Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng Shirk na malaki at maliit?
Kabilang sa
mga pagkakaiba sa pagitan ng dalawang ito ay na ang Shirk na malaki ay
nahahatulan ang nagtataglay nito ng paglabas sa Islam sa Mundo at ng pananatili sa
Impiyerno sa Kabilang-buhay. Ang Shirk na maliit naman ay hindi nahahatulan ang
nagtataglay nito ng kawalang pananampalataya sa Mundo at hindi siya
pananatilihin sa Impiyerno sa Kabilang-buhay. Ang Shirk na malaki ay
nagpapawalang kabuluhan sa lahat ng mga mabuting nagawa samantalang ang
Shirk na maliit ay nagpapawalang kabuluhan lamang sa gawaing naugnay rito. May
natitirang isang usaping pinagtatalunan: Ang Shirk na maliit ba ay hindi
patatawarin maliban kung may pagbabalik-loob gaya ng Shirk na malaki o ito ay
gaya ng mga malaking kasalanan na nasa ilalim ng kalooban ni Allah [ang
kapatawaran]? Ang usapin ay lubhang mapanganib.
43. Ang Shirk na maliit ba ay may mga halimbawa?
Oo. Ang ilan sa mga ito ay
ang sumusunod:
1.
Ang kaunting pagpapakitang-tao ayon sa sabi ng Sugo
(SAS)
:
Tunay na ang higit pinangangambahan sa anumang pinangangambahan ko sa
para sa inyo na Shirk na maliit ay ang pagpapakitang-tao.
Isinalaysay ito ni Imám
Ahmad
.
2.
Ang pagsumpa sa iba pa kay Allah.
3.
Ang tatayyur.
4
Ito ay ang pagtuturing
na malas ang ilan sa mga ibon, mga pangalan, mga pananalita, mga lugar, at iba pa.
44. Ang Shirk na maliit na ito ba ay may pananggalang bago ito maganap o
may panakip-sala kung naganap na?
Oo. Ang pananggalang laban sa
pagpapakitang-tao ay sa pamamagitan ng paghahangad sa pamamagitan ng
mabuting gawa ng ikasisiya ng mukha ni Allah. Ang [pananggalang sa] kaunti nito
ay sa pamamagitan ng panalangin. Nagsabi ang Sugo:
O mga tao, pangilagan
ninyo ang Shirk na ito sapagkat ito ay higit na tago kaysa sa paggapang ng
langgam. Sinabi naman sa kanya: At papaano naming pangingilagan ito
samantalang ito ay higit na tago kaysa sa paggapang ng langgam. Nagsabi siya:
1
Kung hindi pinagsisihan.
2
Kahit hindi pinagsisihan.
3
Qur’an 4:48.
4
Ang literal na kahulugan ng tatayyur ay ang pagtuturing na malas na makakita ng ibon sa isang takdang
sandali. Katulad ito ng pamahiin sa atin na malas daw ang makakita ng isang itim na pusa sa isang
takdang sandali. Sa kabuuan ito ay ang pag-uugnay ng kamalasan sa anumang bagay o pangyayari.
84
Sabihin ninyo: Alláhumma inná na‘údhu bika min an nushrika bika shay’an
na‘lamuhu wa nastaghfiruka limá lá na‘lamh.
1
Isinalaysay ito ni Imám Ahmad
.
45. Ilan ang mga bahagi ng pagpapakitang-tao?
Apat:
1.
Na ang pagpapakitang
-
tao ay ang dahilan ng paggawa [ng mabuti] gaya ng kalagayan ng mga nagtataglay
ng Nifáq na malaki.
2.
Na ang paggawa
[ng mabuti] ay para kay Allah at sa
pagpapakitang-tao nang magkasama. Ang uring ito at ang nauna rito ay nagkakasala
at hindi nagagantimpalaan ang nagtataglay nito at ang gawa niya ay ibabalik sa
kanya.
3. Na ang paggawa
[ng mabuti] ay para kay Allah at pagkatapos ay pinasok
ito ng layuning magpakitang-tao. Kung tinangka niyang itulak ang pagpapakitang-
tao at inayawan ito, hindi siya mapipinsala nito. Kung napapahalaga siya rito at
napapanatag ang sarili niya rito, tunay na ang gawang ito ay mawawalang-saysay.
4.
Na ang pagpapakitang-tao
ay matapos gumawa [ng mabuti]. Ito ay mga bulong
ng demonyo na walang epekto sa gawang [mabuti] at gumagawa [ng mabuti].
May mga tagong uri ng pagpapakitang-tao kaya maging maingat ka laban sa mga iyon.
46. Ilan ang mga uri ng Kufr?
2
Dalawang uri:
1. Kufr na malaki.
Inilalabas nito ang tao sa Islam. Ito ay may limang bahagi:
A.
Ang Kufr na dulot ng pagpapasinungaling.
B.
Ang Kufr na dulot ng pagmamalaki
kalakip ng paniniwala.
C.
Ang Kufr na dulot ng pagdududa.
D.
Ang Kufr na dulot
ng pag-ayaw.
E.
Ang Kufr na dulot ng Nifáq.
2. Kufr na maliit.
Ito ay Kufr na dulot ng pagsuway. Hindi nito inilalabas sa Islam
ang nagtataglay nito, gaya ng pagpatay ng isang Muslim.
47. Ano ang hatol sa pamamanata?
Ipinagbawal ng Sugo
(SAS)
ang pamamanta at
sinabi niya:
Tunay na ito ay walang nadadalang mabuti.
Isinalaysay ito ni
Imám
alBukháríy
. Ito ay kapag ang pamamanata ay wagas na ukol kay Allah. Kapag ang
pamamanata naman ay ukol sa iba pa kay Allah gaya ng isang namamanata sa
isang puntod o sa isang walíy raw, tunay na ito ay isang ipinagbabawal na
pamamanata at hindi ipinahihintulot na tuparin ito.
48. Ano ang hatol sa panggagaway?
3
Ang panggagaway ay umiiral. Ang
katotohanan nito ay batay sa ilusyon ayon sa sabi ni Allah:
Walang anu-ano, ang
mga lubid nila at ang mga tungkod nila ay lumitaw sa paningin niya – dahil sa
panggagaway nila – na ang mga ito ay mabilis na gumagapang.
4
Ang pag-
epekto nito ay napagtibay na nasaad sa Qur’an at Sunnah. Ito ay bawal at malaki at
sukdulang kasalanan ayon sa sinabi ng Sugo
(SAS)
:
Iwasan ninyo ang pitong
nakapapahamak. Nagsabi sila: “O Sugo ni Allah, at ano po ang mga iyon?”
Nagsabi siya:
Ang panggagaway,...
Isinalaysay ito nina Imám alBukháríy at Imám Muslim
.
Ayon din sa sabi naman ni Allah:
Kami ay tukso lamang, kaya huwag kang
1
O Allah, tunay na kami ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa pagtatambal namin sa Iyo ng anumang
nalalaman namin at humihingi kami sa Iyo ng tawad para sa anumang hindi namin nalalaman.
2
Ang Kufr ay ang kawalan ng pananampalataya o ang pagtangging sumampalataya.
3
Ang panggagaway ay gawaing gumagamit ng karunungang itim o ng pagpapatulong sa mga jinn
at demonyo. Ang pangungulam ay isang uri ng panggagaway. Tinawag ito sa Ingles na sorcery.
Ang mahika o magic, kapag bilis lamang ng kamay at walang halong gawaing makademonyo, ay
hindi panggagaway.
4
Qur’an 20:66.
Dostları ilə paylaş: |