87
pagpapasakop at ang hindi pagtatanong ay isang patunay sa kalubusan ng
pagpapakaalipin kay Allah at ng pananampalataya sa Kanya at sa lubos na
katwiran Niya gaya ng kalagayan ng mga Sahábíy
(RA)
.
57. Ano ang tinutukoy ng sinabi ni Allah: Ang anumang dumapo sa iyo na
maganda ay mula kay Allah at ang anumang dumapo sa iyo na masagwa ay
mula sa sarili mo. Isinugo ka Namin sa mga tao bilang sugo?
1
Ang tinutukoy ng
maganda rito ay ang biyaya at ang masagwa naman ay ang kasawian. Ang lahat
ay itinakda ni Allah. Kaya ang magandang pangyayari ay inuugnay kay Allah dahil
Siya ang nagmagandang-loob nito. Ang masagwang pangyayari naman ay nilikha
Niya dahil sa isang katwiran. Sa pagsasaalang-alang sa katwirang iyon, ito ay
bahagi ng pagmamagandang-loob Niya sapagkat tunay na Siya ay hindi gumagawa
ng isang masagwang bagay kailanman. Bagkus ang gawain Niya ay lahat maganda.
Sinabi ng Propeta
(SAS)
:
Ang kabutihan, ang lahat ng ito, ay nasa mga kamay Mo
at ang kasamaan ay hindi nauugnay sa Iyo.
Isinalaysay ito ni Imám Muslim
. Kaya ang
mga gawa ng tao ay nilikha ni Allah at ito naman ay tinamo ng mga tao sa
mismong sandali [ng paglikha]. Nagsabi si Allah:
Kaya ang sinumang nagbigay
ng kawanggawa at nangilag magkasala, at naniwala sa pinakamagandang
pahayag;
2
magpapadali Kami sa kanya para sa ikagiginhawa. Ngunit tungkol
naman sa sinumang nagmaramot at nag-akalang makapagsasarili, at
nagpasinungaling sa pinakamagandang pahayag; magpapadali Kami sa kanya
para sa ikapaghihirap.
3
58. Ipinahihintulot ba na sabihin ko na si Polano ay isang [Shahid] martir?
Ang paghusga sa isang takdang tao ng pagkamartir ay gaya ng paghusga sa kanya
ng pagpasok sa Paraiso. Ang katuruan ng Ahlussunnah ay na hindi tayo magsasabi
hinggil isang takdang taong kabilang sa mga Muslim na siya ay kabilang sa mga
maninirahan sa Paraiso o kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno maliban sa
isang taong nagpabatid ang Propeta
(SAS)
ng tungkol sa kanya: na siya ay kabilang
sa mga maninirahan sa isa sa dalawa. Ito ay dahil sa ang reyalidad ay nakakubli.
Hindi natin natatalos kung sa anong kalagayan namatay ang isang tao. Ang mga
gawain ay hinuhusguhan ayon sa mga pangwakas na gawain. Ang nakaaalam sa
layunin ay si Allah. Subalit inaasahan natin ang gantimpala para sa gumagawa ng
maganda at pinangangambahan natin ang parusa para sa gumagawa ng masagwa.
59. Ipinahihintulot bang husgahan ang isang takdang Muslim ng kawalang-
pananampalataya?
Hindi ipinahihintulot na husgahan ang isang Muslim ng
kawalang-pananampalataya, ni ng paggawa ng Shirk, ni ng Nifáq kapag hindi
lumitaw mula sa kanya ang anumang nagpapatunay roon at hindi napasusubalian
ang mga patunay na salungat sa paratang. Ipinauubaya natin kay Allah ang
kinikimkim ng puso niya.
1
Qur’an 4:79.
2
O gantimpala. Ang pahayag na tinutukoy rito ay ang pagpapahayag na walang tunay na Diyos
kundi si Allah.
3
Qur’an 92:5-10.
88
60. Ipinahihintulot ba na magsagawa ng tawáf sa iba pa sa Ka‘bah?
Walang
pook sa lupa na ipinahihintulot pagsagawaan ng tawáf maliban sa Ka‘bah at hindi
ipinahihintulot na iwangis dito ang alimang pook maging gaano man ang dangal
nito. Ang sinumang nagsagawa ng tawáf sa iba pa sa Ka‘bah bilang pagdakila roon
ay sinuway nga niya si Allah.
61. Ano ang mga tanda ng Malaking Huling Sandali?
1
Nagsabi ang Propeta
(SAS)
:
Tunay na ito ay hindi sasapit hanggat hindi kayo nakakikita bago nito ng
sampung tanda.
Pagkatapos ay binanggit niya:
ang usok, ang Dajjál,
2
ang
malaking hayop, ang pagsikat ng araw sa kanluran nito, ang pagbaba ni Jesus na
anak ni Maria
(AS)
, ang Ya’júj at ang Ma’júj,
3
tatlong paglamon ng lupa:
paglamon ng lupa sa silangan, paglamon ng lupa sa kanluran, at paglamon ng
lupa sa Arabia, at ang panghuli niyon ay apoy na lalabas sa Yemen na magtutulak
sa mga tao patungo sa pagtitipunan nila.
Isinalaysay ito ni Imám Muslim
.
62. Ano ang pinakasukdulang tukso na daraan sa mga tao?
Nagsabi ang
Propeta
(SAS)
:
Sa pagitan ng paglikha kay Adan hanggang sa pagsapit ng Huling
Sandali ay walang bagay na higit na malaki [ang tukso] kaysa kay Dajjál.
Isinalaysay ito ni Imám Muslim
. Siya ay isang lalaking kabilang sa mga Anak ni Adan.
Darating siya sa wakas ng panahon. May nakasulat na K F R sa pagitan ng mga
mata niya, na mababasa ng bawat mananampalataya. Siya ay kirat sa kanang mata.
Para bagang ang mata niya ay isang ubas na nakaluwa. Sa unang sandali ng
paglitaw niya ay sasabihin niyang siya ay matuwid, pagkatapos ay propeta,
pagkatapos ay diyos. Pupunta siya sa mga tao at aanyayahan niya sila ngunit
pasisinungalingan nila siya at tututulan ang sinasabi niya. Kaya lilisan siya palayo
sa kanila at susundan siya ng mga ari-arian nila kaya kinaumagahan wala nang
anuman sa mga kamay nila. Pagkatapos ay pupunta muli siya sa mga tao at
aanyayahan niya sila. Tutugon sila sa kanya at maniniwala sa kanya. Uutusan niya
ang langit at uulan ito. Uutusan niya ang lupa na magpatubo at magpapatubo ito.
Pupunta siya sa mga tao na may dalang apoy at tubig. Ang apoy niya ay malamig
na tubig at ang tubig niya ay apoy. Nararapat para sa mananampalataya na
magpakukop kay Allah laban sa tukso niya sa katapusan ng bawat saláh at
bumigkas sa harap niya ng unang mga áyah ng Súrah alKahf
4
kung naabutan siya.
Iiwasang makaharap siya sa takot na matukso. Nagsabi ang Sugo:
Ang sinumang
nakarinig tungkol sa Dajjál ay magpakalayu-layo sa kanya sapagkat sumpa man
kay Allah, tunay na ang tao ay talagang pupunta sa kanya samantalang ito ay
nag-aakalang ito ay isang mananampalataya ngunit susunod ito sa kanya dahil
sa dinadala niya na mga pampalito.
Isinalaysay ito ni Imám Abú Dáwud
. Mananatili
siya sa lupa nang apatnapung araw; may araw na gaya ng isang taon, may araw na
gaya ng isang buwan, may araw na gaya ng isang linggo, at ang nalalabing mga
araw niya ay gaya ng mga araw nating ito. Wala siyang iiwang bayan o lupain na
1
Dalawa ang Huling Sandali sa buhay ng tao: ang Maliit na Huling Sandali o ang kamatayan sa
Mundo; at ang Malaking Huling Sandali o ang katapusan ng Mundo.
2
Pinaiksing tawag sa alMasíh adDajjál o ang Bulaang Kristo.
3
Marahil ang Og at ang Magog na sinasabi sa Bibliya.
4
Ika-18 Súrah ng Qur’an.
Dostları ilə paylaş: |